JOETHANE POV
Nabigla talaga ako nung sinabi 'yun ni sophia hindi ko naman alam na may gusto pala sa'kin si prince.
Kaya pala nung naglaro kami, sinabi niyang may gusto siya.. now I know.
Pinigilan ko si rovic. "Ano ba!" Pigil ko sakaniya. "Kung ayaw mong makipagusap ako ang kakausap sakaniya!"
"Ano mahal mo na din ba ',yung lalaking 'yon? Nahulog ka na ba?!" Nabigla ako sa taas ng boses niya aba!
"Hoy! Baka paalala ko sayo walang selosan!"
"I don't care about that fcking rule! Yung larong 'yun matagal ko na'ng sinira dahil napamahal nako sayo! Nahulog na ko sa'yo!"
"Kaibigan mo din naman si prince eh! Mag usap tayo ng masinsinan." Pagmamakaawa ko.
"Hindi na uso 'yon ngayon! Tang*na naman! Joethane.. di mo ba ko mahal? O gusto? Sa mga pinagsamahan natin wala ka bang naramdaman?"
"I'm sorry pero-"
"Kaibigan lang ang tingin mo sa'kin? Ganon?" Tumango ako ng mabagal at naiyak na.
"I'm sorry kung umasa ka.. I'm sorry kung lagi akong busy, I'm sorry kung binabalewala kita, I'm sorry rovic.. sobra sobrang pasasalamat kong lagi kang nanjan sa tabi ko.. kasi sa mga nakaraan na araw sobrang laki ng impact sa'kin ni prince.. yung katext ko dahil siya lang naman ang laging handang makinig at mag bigay payo-"
"Satingin mo ba hindi ako handa para makinig sa mga problema mo? Mas magaling ba si prince mag payo kesa sa'kin na personal mong nakakausap? Joethane naman! Tang*na!"
"Diba madali lang manloko? Lalo na kapag di mo mahal, Yung tao. Pero masakit din maloko Lalo na kung ang nanloko sa'yo ay ang mga taong sineseryoso mo.." walang lakas na dugtong niya. "Minahal kita napamahal ako joethane, nanaman. Yung mga sineseryoso ko, sinasaktan ako.. bullshit! Alam kong di ako perpekto pero.. please let go of that guy?" Nagmamakaawa niyang sinabi. Lumuhod pa siya sa harap ko na agad ko naman tinayo.
"Rovic hindi ako ang nanloko, ikaw!" Buong lakas kong sinabi kahit ang sakit. "Ikaw! Ikaw 'yun! Ikaw lahat ng may gawa nito, itong larong 'to? Diba ikaw ang may pakana? Walang selosan at walang totohanan, pero sa loob ko feeling ko kaya tayo tinadhana ay dahil para makita ang mga mali natin at para matuto tayo. Rovic.. hindi kita sinisisi or what pero I'm giving up.. I can't handle seeing you on tears I can't be on a relationship with someone na alam ko lang na.. kaibigan ko at tropa ko.. ngayon I just realized na I'm just your friend, best friend forever and ever.. di magbabago 'yun.. this is my decision.. kahit ang sakit na marami tayong past na masasayang alalahanin.. but I think this one is the parts of life.." pinunasan ko yung luha ko and before I go, I hugged him..
"I'm sorry.. kailangan kong balikan si prince.. please.." sabi ko sakaniya nag makaawa nakong payagan niya ko.
"I love you.. forever and ever.." Hindi ko na naintindihan at bumalik na nga ako at Pumunta sa tapat ng space shuttle kung saan naka upo lang sa may hagdanan si prince.
"Prince.." tinabihan ko siya at nakatulala lang 'to..
"Baka magalit si rovic bumalik ka na du'n."
"I'm sorry dahil Jan sa natamo mong sugat.." Sabi ko sabay tingin sa mga mata niya..
Kung akala niyo mabilis akong mahulog sa isang tao ay mali kayo.. matagal na kaming nag uusap ni prince hindi ko nga lang alam ang identity niya.
Mahigit three years nadin kaming naguusap kaya naman sobrang tutok ako sa cellphone ko lagi.
May pagkakaiba kasi si rovic at si prince eh.
Si prince, mabait at lagi akong kino-comfort at lagi niyang sinasakyan ang mood ko kung feeling gangster ang mood ko go, kung feeling sad go lang din.
Si rovic naman mabait din naman at lagi akong nilalambing at lagi akong sinasabihan ng mga inspirational words.
They aren't similar to each other but they are both especial to me.. pero yung Isa lang talaga ang dapat manatiling kaibigan ko at Isa bilang kasintahan ko..
Ang mamahalin ko bilang kaibigan at mamahalin ko bilang kasintahan..
Nahihirapan ako.. "okay lang.. Alam mo napaka saya ko na natupad nadin ang pangarap ko.."
"Pangarap kong makakita ng artista.." kahit papaano nagbibiro pa tong si prince tss tss.
"Joker ka talaga! Nasaktan ka na nga eh!" Sabi ko sabay ngumiti at nilalaro ko lang ang mga kamay ko..
"Bakit ka nandito?"
"Wala kasi ako doon.."
"Joker din? Ibig sabiin ba nu'n ako ang mas pinili mo?" Natigilan at napahinto ako at tinignan ko siya na nakatingin din sakin, sobrang gwapo.. naginit ang pisngi ko..
"Baka? Siguro? Yata? Ewan.." ngumiti siya sakin at mahinang natawa. "Sa totoo lang prince.. I like you.. ugh! Nahihiya ako tss, bakit ko pa kasi sina-"
"kinikilig ako.. haha.." natawa nadin ako at pinalo siya sa braso. "Aray!" Napalitan din ng sakit haha.
"Kasi naman!" Sabi ko sabay ngiti at bigla nalang nagulat nung nag fireworks! Bigla nalang akong napayakap sa braso niyang matigas my gosh! Jusko! Timing na timing!
----
ROVIC POVTinignan ko ang mga fireworks na may form pang happy face mabuti pa ang fireworks masaya pero ako? Tang*na!
"Rovic!" May biglang umupo sa tabi ko at tinignan ang kamay kong dumudugo dahil sinuntok ko ang pader.
"Du'n ka na nga sophia tss." Pagtaboy ko sakaniya pero umiling lang siya may kinuha siya sa bag niya na mga gamot. "arayyyyy! Pottaaa!" Natatawa pa siyang kinukuskos ang cotton ball na may alcohol! "Umayo! Ka sohia!!!" Nabulol bulol ako sa sakit na nararamdaman ko! Lintek natatawa pa tong katabi ko.
"HAHAHA!" Nakakatawa 'yung tawa niya parang pang lalaki eh haha! Natatawa nadin tuloy ako.
"Ano ba! Tama na nga! Haha!" Nagtawanan lang kami hanggang sa kabagin kami.
"Rovic naman kasi masanay kang wag manuntok ng pader! Ayan tuloy! Nabulol ka pa." Sabi niya pa sakin sabay ngiti napalitan din 'yun ng lungkot sa mga mata niya pala eh. "Sorry talaga ah." Huminga ako ng malalim.
"Nangyari na eh."
"At least may pinagsamahan tayo na three years diba?" Paalala niya pa napangiti nalang ako. Siguro were really not meant to be.. hays..
"Oo sa phone." Sabay nu'n ang tawa niya! Hindi ko naman napigilan ang tawa ko dahil sa tawa niyang pang baboy na ewan.
Nakakatawa talaga tong babaeng 'to kahit kailanman!
----
Jenny & Caden next one Yieeeee!
----
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019