JOETHANE POV
"Mom, Dad? Naguguluhan ako?" Sinabi ko sa kanila, kumunot naman ang mga kilay nila dahil sa tanong ko. Di siguro nila gets? Ulitin ko kaya? "Mom, Dad? Naguguluhan ako?" Uulitin ko pa sana kaso pinigilan na nila ako so nagets na siguro nila ano?
"Oo na, we get it. Paanong naguguluhan, nak?" Tanong din ni Daddy sa'kin aba sinagot din ako ng tanong ang galing naman nila hindi joke lang hehe!
"Sinagot niyo naman ng tanong, ang tanong ko eh." Napakamot ulo si Daddy sa'kin teka totoo naman na sinagot nila ako ng tanong? Kaya ayan nagiging magulo na ang topic namin tatlo.
"Anak, paano naman kasi namin malalaman kung saan ka naguguluhan? 'di ba?"ako naman ngayon ang nag kamot ng ulo sa kanilang dalawa dahil mas naguguluhan nako sa mga pinagsasabi nila!
"Daddy ano ba 'yung kanina natin pinaguusapan dito? 'Di ba about sa career ko?" Agad naman luminaw ang lahat sa kanila mabuti naman kung hindi bilhan ko sila ng salamin eh para naman malinaw na malinaw na talaga, shocks!
"Eh ayun lang naman pala, ano tungkol du'n?" Napangiwi nalang ako sa sinabi ni Daddy dahil hindi nanaman nagets Sige gawain ko talaga ang mag explain dito sa Bahay eh kaya Sige na pati sa barkada todo explain din pagdating kay Vittoria eh!
"Kasi nga naguguluhan ako sabi ko nga 'di ba? One year ang vacation ko sa career ko para lang makasama kayo. Pero ilalabas na ang drama ko. And guess what I half to be interviewed, so showbiz nanaman ang itatanong right? So parang hindi ko na tinupad ang goals ko." Sabi ko ang galing ko rin eh napaka liit na bagay pinoproblema ko pero okay lang 'yon wala na'ng bawian eh, nasabi ko na.
"Thane, that's so easy to handle. Mag pa interview ka lang then go home and rest. Then the other day you can hangout with us or with your friends. 'Di ba? An interview is not daily." Sabi ni Mommy sa'kin she has a point but it's easy for her to say, Malay niyo napaka hirap ng my questions nila siguro baka tungkol sa lovelife alam niyo napaka hirap kapag may love team ka pa lalo na't may boyfriend nako! Ughh! Todo bantay nga si prince eh.
"May point ka Mommy, but I'm so tired to go out." Sabi ko at napasandal ako sa sofa at pinikit ang mga mata. Biglang may kumiliti sa'kin! Si Daddy pala! Wahh! ",Daddeee! Wahhh! Wa'g jan may kiliti- HAHA!" Natatawa nalang ako sa bawat kiliti ni Daddy! Baliw talaga! Alam na'ng may kiliti ako kikilitiin pa ko hay nako!
Sumali nadin si Mommy sa pagkiliti. "Wahh! Stop it!" Sabi ko at nakahinga na ko ng mabuting mabuti nung tinigilan na nila aba ginawa akong higaan dinaganan ako sa may likod para lang makiliti ako! How could they! Hahahaha! Charot nalublub na sa pag acting.
"Lumalabas pa ba ang tamad kong Thane?" Tanong ni Daddy at umiling ako syempre iiling talaga ako. "Okay clean the dishes and the floor mag walis at mag mop ka ah? Wala ngayon ang mga kasambahay umalis." What? Ako talaga? Seriously? Alam kong may paa at kamay ako pero nakakatamad na galawin I'm so not glad to do this! Dapat pala di na kami kumain at di na kami nag dumi sa floors 'di ba? Pero impossible!
Nag pout ako kinuha ko 'yung walis at daspan. "Daddy di ko naman 'to alam eh?" Pagmamaktol ko sa kaniya. Nakakaiyak na pinaghuhugas at pinagliligpit nila ako ng sarili namin na kalat! Hindi katarungan ito bilang isang artistang nag vacation lang! At bigla nalang akong ginawang Yaya! Katulong! Maid o kung ano man na tawag duon! Hindi ito ang pinangarap kong asikasuhin! Ay echos lang!
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019
![Barkada [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/151185159-64-k784293.jpg)