JENNY POV
"Wahhh! O my gosh! Buntis nga si Michelle!" Sigaw ko sa bahay nila Caden and they all looked at me na parang nababaliw ako magisa dito at mukha naman naintindihan nila ang sinigaw ko dahil rinig na rinig 'yon.
"Buntis na siya?" Tanong ulit ni Caden and I nodded. "Wow, sabiin mo ngang congratulations." Sabi niya at syempre nag comment ako sa post ni Michelle syempre naman! Di mawawala 'yon!!
"Na kwento din sa'kin ni Sophia na naglilihi siya nu'ng gabing pumunta kami sa ospital, strawberries daw ang gusto. Ngayon naman gatas na white mamaya sobrang puti nu'ng baby nila 'no? Haha." Natatawa kong tugon at ngumiti si Caden dahil duon haha! Baliw talaga ako kahit kailan.
"Ganon talaga kapag nabuntis ka marami kang paghihirap katulad ng labor, 'yan ang pinakamahirap at masakit sa ina, but it's worth it because after that you'll see the face of you're baby." Sabi ni Tita Richie and I just nod, tama naman siya eh. Kasi siya may experience na. "Kaya alam niyo I can't wait to have my grand children!" Masayang sinabi ni Tita sa'amin nagkatinginan kami ni Caden.
Agad akong napaubo pati si Caden eh, umiinom na ng tubig biglang na bulunan! Haha, si tita Richie naman kasi grabe grandchildren agad! Grabe pwede bang kasal muna? Reception? Honeymoon bago 'yan?! Nako!
"Mama naman eh!" Sabi niya pa sabay punas ng mga luha niya naiyak! Kakaubo ayan! Haha! Si tita naman nakatawa parin at di makapaniwala sa reaksyon ng anak niya sino ba naman di matatawa sa itsura ngayon ni Caden parang nilulunod sa drum ng tubig! Haha!
"Ay may masama ba sa sinabi ko? Gusto ko lang naman magka apo eh." Napamaywang pa si Tita at nagpunas ng kamay dahil nag hugas siya napailing nalang si Caden.
"Wala naman po, talagang nakakabigla lang po ang mga sinasabi niyo, tita." Sabi ko sa kaniya at natawa pagkatapos nu'n at ngumiti siya sa'amin at lumapit siya sa'kin at hinawakan niya ang both ng braso ko.
"Syempre kailangan niyo munang magpakasal." Tumango kami syempre that's the first rule 'no. Kasal muna wag 'yung love love agad! "Sinabi ko lang naman na gusto ko lang, sino bang lola ang ayaw magka apo, Hindi ba?" Natatawang bigkas ni Tita Richie oo nga naman sino nga naman 'di ba?
"Si mama talaga, parang susuwayin ko naman ang rule mong kasal muna. May respesto naman ako kay Jenny eh Mahal ko na 'yan eh." Wait! Wait! Wait! Ano sabi niya?! Wahhh! Ano daw?! Teka! My heart! I cannot! Jusko parang tumigil ang solar system!
"A-ano? Mahal mo na ko?" Nagulat kong sinabi este tinanong. "Well alam ko naman na Mahal mo ko eh matagal na." Seryoso kong sinabi nginitian niya ko at niyakap mukhang nangangamatis nako sa sobrang kilig ngayon nasabi niya nadin ng harap harap na Mahal niya nako!
"I love you so much, jennybie!" Bigla nalang akong kumawala at nag pout I told him not to call me jennybie hindi ko alam kung saan niya narinig 'yang word na 'yan eh. "Ito naman si jennybieee oh!" Inasar pa ko sinundot pa ang tagiliran ko anong jennybie? Never in my life kong narinig 'yan?!
"Ano ba caden! My loves! HAHA!" Sige nga kung sa kaniya jennybie sa'kin Caden my loves. Pero di ako makaget over eh jennybie, ginawa pa kong bubuyog nito! Ughh! Grabe di naman ako maarte pero ba't kasi bie? Long for biebie? Eww! Ang jeje naman haha!

BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Ficção AdolescenteIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019