(Will Jun find another girl? Or he will stay single forever until his last breath?)
~~Lucky~~
"Hannah, I wish you're smiling up there.. in the clouds.. I wish you'll guide me every single day. Sana nanjan ka lang sa tabi ko forever and ever, please don't leave me please? I know your body is just dead but your soul isn't. I ain't good to you in the beginning but in the end, I learned how to love you more and more, but yet I remembered you have a mission in this world and if that's done you'll go up with him. I'm just hoping that someday I can be happy with you again someday Hannah, someday."
Sinindihan ko ang kandila sa puntod niya at naglagay ako ng mga puting rosas nilinisan ko ang kanyang puntod inalis ko ang mga duming nakakalat roon at nu'ng makita kong malinis na ay napangiti ako.
"I love you hannah, you're always gonna be in my heart." Sambit ko at agad na tumayo at tinignan muna uli at umalis na. Sa totoo lang paano kaya ako magmamahal ulit? Kung magmamahal ako mawawala nanaman ba? Masasaktan nanaman ba ako? Mawawalan nanaman ba ko ng rason para mabuhay sa mundong kahit kailan di ako binigyan ng pagasang magmahal muli ng isang babaeng karapatdapat sa puso ko? Cringe, Jun.
Nakakapagod naman kasing mag mahal ng mag mahal kung sa huli alam mo na mawawala nalang bigla at iiwan ka nanaman kung iniisip niyo na masyado akong hard at bitter ngayon sa pag-ibig masisisi niyo ba ko? Two times I fucking love, those time's I gave my best.. pero nasasayang..
Nakakasawa ang scenario na 'yon para sa'kin gusto ko naman ng iba ngayon ibang experience. Ibang scenario na pwede kong hugutan ng lakas at ng saya 'yung sasaya na ko ng habang buhay hindi 'yung lagi akong ganito.
Kasalukuyan akong nag mix martial arts in short MMA fighter ako, ngayon gusto ko na nga mag bagong buhay eh kaya ngayon kaabang abang na ang aking mga laban sa telebisyon worldwide, atsaka mga nakakalaban ko sikat at magagaling minsan nababalian ako ng buto naaagapan naman 'yon pero di biro ang sakit ng mga napapala ko sa pagiging MMA fighter, kailangan ng todong practice at mga training.
Kaya minsan nagtatago ako sa mga babaeng nabibihag sa kagwapuhan ko ako kasi ang pinaka bata ngayon sa MMA history bilang isang fighter malaking opportunity 'yon dahil sa makakatulong ako kung may mga nananakawan o mga nangangaylagan ng tulong madalian kong sikmuraan haha!
Sumasayaw din ako ngayon sa mga dance studio at mga invitations na pangsayawan at Isa pa nga bilang judge sa isang tanghalan eh, gusto kong maenjoy kahit papaano ang natitira kong oras sa mundo. Wala naman akong sakit kahit gusto ko pero alam kong dapat ko munang ienjoy ang mundong 'to kahit ganito ang mga nangyayari sa'kin.
Nabibigla ako sa career ko ngayon di ko alam kung ipagpapatuloy ko dahil sa busy schedule di ko na nabibisita si Hannah ang puntod niya, dati kasi lagi kong nabibisita 'yun di katulad ngayon na minsan nalang kaya nga nagsisisi ako eh alam ko naman na ako ang rason ng pagkamatay niya kaya ngayon isusukli ko nalang ang laging pag bisita sa puntod niya at lagi siyang kwentuhan ng mga nangyayari sa'kin.
Pero alam kong gusto ni hannah ipagpatuloy ko 'to kaya gagawin ko nalang, para din malibang ko ang sarili ko hindi 'yung lagi ka nalang sa bahay nakahiga lang lilibangin ko nalang ang sarili ko para naman maging masaya ako, kapag kasama ko ang barkada mas sumasaya siyempre.
'Di ba? Hay nako saan naman kaya ako pupunta ngayon? Kila Kristoff nalang ano? Sige du'n nalang ako dederetsyo. Bukas paghahandaan ko na ang pagkikita ko sa kalaban ko siyempre, di mawawala ang mga fan girls ko du'n, natural nasanay nako sa kanila where ever I go, lagi silang nakaalalay at bantay sa'kin haha. Atsaka kakaharapin ko palang ang kalaban ko mula sa Mindanao, ngayon gusto ko lang kalabanin ay mga taga pilipinas 'yun din gusto ng manager ko eh dahil kailangan kong makaabot muna sa grand finals.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019