DAVE POV
(After two days ..)
Nakalilipas ang dalawang araw...
Wala akong natanggap na kung ano man na balita kay thea. Bigla nalang siya hindi nagparamdam.
I feel bad.. gusto niya pala ako? I do feel the same way about her feelings. Pero makukulit talaga sila mom at dad.
Sinasabi kong wag na'ng ituloy ang balak nilang party para sa'amin ni faith we don't feel the same way. Tss.
Nakaka inis nga lang na pinagpipilitan kami sa Isat isa wala ba kaming freedom? Tss nakakatarantado lang. Para kaming nasa presinto at laging binabantayan ang mga kilos namin.
Napatingin ako sa bagong dating na sila mom at si faith napatulala ako sa nakita kong si faith.
Iba na siya mas gumanda na ngayon? At sobrang sexy.. maganda nadin ang buhok niya sobrang shinny at naka dress siya kung pumorma kasi siya nu'n jologs eh.
Naaalala ko lang sa kaniya si thea naka pink na dress at ang mahaba niyang buhok and especially.. ang pag kurot niya sa'kin. I really miss her..
"Oh! Dave nakatulala ka yata sa ganda ni faith 'no? Sabi ko naman kasi sa'yo na may I- gaganda pa 'yan!" Sabi ni mom at mukhang masaya siya ngayon dahil sa reaksyon ko kay faith psh.
Bumalik nalang ako sa pagluluto ko ng pancake. "Uhm.. gusto mo bang tulungan nalang kita Jan?" Tanong niya sa'kin kaya naman tumango ako wala naman masama eh.
"Marunong ka pala sa kusina sana pala ikaw nalang naging maid." Sabi ko sa kaniya hindi siya nakatingin sa'kin dahil sa nasabi ko, nasaktan ko ba siya? "Joke." 'Yan nalang ang nasabi ko.
"Huh? Ah.. okay lang. Ito okay na." Nilagay niya sa isang plato ang tig-dalawang pancake. "pwede ba kong humingi?" Tumango nalang ako di ko naman mauubos lahat ng 'to. "salamat." Sabi niya.
Nilagyan kong syrup ang sa'kin pagharap ko sa pinto ng kusina nakita ko si mommy at daddy nakatingin at malapad ang ngiti.
"Naaalala ko sakanila tayo.. sweet.." Sabi ni mom habang niyayakap ang braso ni daddy sa totoo lang ayokong madismaya sila dahil sa ayaw ko kay faith.
"Mom don't mind this tinulungan niya lang ako walang problem 'yun." Sabi ko at umalis nako.
Nung kumakain ako sa kwarto ko bigla nalang may kumatok tss ngayon na nanunuod ako ng power rangers! Ano bayan!
"Pasok!" Galit kong sinabi at tinignan ko 'yung taong 'yun si faith lang tss.
"Sorry ah.. pinapasok kasi ako ni tita eh.." paliwanag niya at tumango nalang ako.
Nakita ko siyang umupo sa sofa at para bang nahihiya sa'kin nilalaro laro niya lang ang kamay niya tss.
Nagbuntong hininga ako at napaisip..
Ano kayang ginagawa ngayon ni thea? Gusto kong bumisita sakanila pero ilan beses ko na 'yun ginawa sinasabi ng guard wala du'n si thea at ayaw akong makita nu'ng babaeng 'yun tss.
Nag try nadin akong tawagan ang mga kaibigan niya kaso wala akong natanggap na kahit anong details manlang kung anong lagay niya ngayon? Kung okay lang ba siya kailangan niya ng masasandalan tss!
Nakakainis talaga na kailangan pang dumating sa sitwasyon na ganito, na kailangan pang may masaktan sa'amin dalawa.
Kailangan pang siya ang magtago ng sakit sa loob niya.. naiirita ako kapag tuwing naaalala ko 'yun, na wala manlang akong magawa para lang makabawas sa sakit na nararamdaman niya.
Nakakatang*na! babae pa talaga ang nasasaktan.. naiinis ako sa sarili ko pero wala akong magawa..
I'm sorry thea.. kung nahihirapan ka man ngayon I'm sorry.. kung wala akong magawa patawad..
"Dave.." tinignan ko ang babaeng nakaupo lang sa sofa ko. "Sino 'yung babaeng kasama mo?" Tanong niya ngumiti ako dahil sa tanong niya tamang tama.
"Siya lang naman ang lagi kong kasama kahit saan, kahit inis na inis pa 'yan sa loob ng bar sasamahan niya parin ako, kahit ubos na ubos na ang pasensya na sa'kin mas dinadagdagan niya lang kahit pinagtatabuyan siya ng mga chicks at mga babae sa bar wala maghihintay parin 'yan. Kahit mukha pa 'yun suplada o kung ano man may weakside parin siya. Hinala ko nga kaya siya nagkakaputing buhok dahil inis na inis lagi haha. At Alam mo bang napaka sakit ng kurot niya pinipigilan ko lang wag sumigaw dahil ayokong mapahiya eh, Ang saya saya niyang idescribe 'no? I really love her.. so much.."
Tinignan ko siya at nakayuko siya ng bahagya. Naisipan kong lumapit sakaniya dahil may itatanong din ako.
"Mahal mo ba siya?" Natigilan ako nakatayo nalang ako ngayon dahil napahinto ako sa tanong niya.
"Oo." Ngumiti siya sa'kin at tumango I can in her eyes that she's not really Inlove with me talagang napipilitan lang siya.
Umupo ako sa harap niya at tinignan siya deretso sa mata. "Faith, do you really love me?" Tanong ko kailangan ko maging sigurado.
Nagkibit balikat lang siya."Kasi kung hindi why are you doing this? Kailangan natin sabiin kay mom and dad. Even your parents needs to know this, na ayaw mo."
Biglang may bumagsak na luha galing sa mga mata niya. "Dave.. ayokong suwayin ang utos ng papa ko.. may sakit siya at bilang nalang ang oras niya sa mundo.. at ang tanging hiling niya ay ang makasal ako bago pa siya mamatay.. I'm sorry kung nanggulo pa ko sa buhay niyo ah.." umiyak na siya ng tuluyan at tinakpan niya ng mga kamay niya ang Mukha niya para di ko siya makitang umiiyak.
Nu'ng inangat niya ang mukha niya. Nakita ko sa mukha niya ang lungkot hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya kailangan niya 'yun ngayon.
"We need to visit him.." Sabi ko sakaniya at tumango siya she gets her bag at ako naman okay nako dito sa suot kong t-shirt at jogger.
Pumasok kami sa kotse ko ng sabay at binuksan nu'ng mga guards ang gates at pumunta kami sa hospital sa manila.
Nu'ng nasa hospital na kami pumunta kami sa fourth floor at sa room 3732 du'n ang number ng room ng papa niya.
Pagtingin ko du'n sa papa niya maraming nakakabit sakaniya at mukhang ngang ang mga machines nalang ang nagpapalakas dito.
"Papa.." dumilat ang mga pagod na mata ng papa niya nakakatawang tignan ang papa niya.. mahirap talaga ang sitwasyon ni faith ngayon.
"B-bakit?" Nanghihina na tanong nito tumingin siya saamin at pilit na ngumiti.
"Siya po si dave, 'yung magiging asawa ko in future.. pero mukhang-" pinutol ko si faith.
"Tito.. sa totoo lang po hindi namin deserve ang Isa't Isa. Hindi namin gusto and Isa't Isa, pero ang tanging hiling niyo lang po ang sinusunod ng anak niyong napaka ganda, at sa totoo lang po hindi namin kayang suwayin ang hiling niyo na gusto niyong makasal agad ang anak niyo-"
"Faith, ang sabi ko magpakasal ka sa taong mahal mo.. hindi sa taong pilit mo lang minamahal.. hiling ko lang naman ang mapabuti ka. Hindi ko sinabing magpakasal ka kaagad.. nirerespeto ko ang desisyon mo hijo, na ayaw mo lang masaktan ang anak ko.. mabuti kang lalaki at nirerespeto ko ang desisyon niyong dalawa.."
Ngumiti ako sa kabaitan ng papa ni faith mukhang dito talaga siya nag mana. "I love you papa." Niyakap ni faith ang papa niya nakakaiyak na may sakit pa ang papa niya.. at bilang nalang ang oras nito..
Pero malakas at matibay parin ang loob ni faith na magiging maayos nadin ang lagay ng papa niya balang araw. At napaka lakas niyang tao.
Sila mom at dad nalang..
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019