MJ POV
"Hija dito ka nalang matulog ah sa guest room ayos ba sa'yo?" Siyempre naman at tumango ako kay lola nenang minsan lang naman ako matulog dito at ngayon 'yun, dati naalala ko madalas eh kapag bumibisita ako dito kasama sila mommy at daddy para bisitahin si Matthew at maglaro laro kami kung saan saan jan kalsada.
Tinignan ko si lola nenang napaka bait niyang babae at swerte ang naging napangasawa niya di lang sa magandang mukha kung hindi sa maganda niyang personalidad. Napangiti nalang ako sa kaniya at tumango ako sa kaniya bilang sagot ko. "Sige po Lola nenang, salamat din po sa pag handa nitong kwarto na 'to para sa'kin." Nakangiti kong binigkas lahat na'ng 'yan.
"Nako wala 'yon, Mj. Mahalaga ka nadin sa buhay ko ngayon na baka magkaanak pa kayo ni Matthew, nako 'yung batang 'yon napaka kulit talaga minsan ano? Tama ba ko?" Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya kilalang kilala niya talaga ang apo niyang si Matthew napaka gwapo at kulit, 'yun agad ang hindi mo makakalimutan sa ugali niya dahil 'yun ang una niyang ipapakita sa'yo.
"Ahh.. oo nga po eh pero sa ngayon we're not in good terms. May nangyari po kasi sa'amin eh kaya malabo po ang iniisip niyo po." Sabi ko kay Lola nenang na kumunot ang kilay sa'akin ang cute niya sa totoo lang kapag gumaganyan siya eh hehe.. siguro naguguluhan pa siya sa mga nangyayari sa'amin ng apo niya lahat naman ng sinasabihan ko naguguluhan eh.
"Nako mali ka ng inaakala. Basta tandaan mo sa'yo ako boto hija, Kaya galingan mo sa pagkuha sa puso niya ah? Gusto ko talagang ikaw ang makatuluyan niya eh." Napangiti nalang ako ulit ng bahagya nu'n dahil baka mabigo lang si lola nenang sa gusto niyang mangyari sa'amin dalawa ni Matthew. Mahirap din sa sitwasyon namin eh..
"Nako lola nenang maging masaya nalang po tayo sa lahat ng nangyayari sa'atin, ngayon ayoko na pong malungkot dapat smile lang at happy!" Masaya kong sinabi sa kaniya agad siyang tumawa at tumango nalang sa'akin masaya ako para kay Matthew may kapamilya siyang palatawa at mabait at makulit din katulad niya.
"Nako oo nga 'no? Sige, sige bukas pupunta pa tayo sa resort ng tito mo ano?" Tumango ako sa kaniya bilang sagot sa tanong niya at ngumiti siya sa'kin. "Aba tamang tama may bathing suit akong two piece! Dagat ba 'yon?" Tumango ulit ako kay Lola nenang natawa din ako dahil sa pagiging masiyahin niyang tao nagbibiro pa siya ng mga ganyan I'm sure pagtitinginan ang beautiful and sexy body niya duon sa beach! Haha!
"Merry Christmas Eve po ah. Goodnight na po at godbless." Paalam ko sa kaniya at tumango lang siya at ngumiti at ako binuksan ko na ang pinto at nakita na maayos naman ang higaan at ang kwarto ko.
Napabuntong hininga nalang ako at sinandal ko 'yung likod ko sa likod ng pinto at napayuko nalang at du'n na naiyak dahil sa lahat ng nangyayari sa'kin, na kahit anong ngiti ko ang sakit sakit parin isipin na wala ng pagasa pang magkaayos kami ni Matthew na kahit anong gawin kong pagiging masaya bigla nalang sisingit 'yung lungkot na gustong gusto ko na'ng iwasan!
"Bakit ganon? Bakit ang hirap? Is this what karma is? A bitch? Nakakapagod nadin.." napaupo ako at naiyak nalang dahil sa sobrang pagod at sobrang sakit na nararamdaman nakakaiyak nalang.. parang bibigay ka nalang sa kung sino man o ano man 'yan. Pero wala naman masama kung iiyak ko lang 'to dahil pagkagising ko alam ko naman na it's another day at magiging maayos din ngingiti ulit tapos iiyak. Paulit ulit nalang nakakasawa.
"MJ!" Agad akong napatayo at mabilisan na pinunasan ang mga luha sa mukha ko at binuksan ang pinto at tinignan kung saan galing ang sigaw na narinig ko mula sa labas o sa baba?
"S-sino 'yun?!" Sigaw ko pabalik sa sumigaw sa'kin kanina lang bumaba ako sa hagdanan at tinignan si Matthew na naka pamewang at nakatalikod sa'kin agad akong binalot ng kaba sa dibdib dahil alam kong hindi siya good mood ngayon kahit nakatalikod siya nagtaasan ang mga balahibo ko alam kong may nangyayaring masama ngayon..
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Fiksi RemajaIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019