54: Oh please!

136 6 16
                                    

CADEN POV

Nandito lang ako sa kwarto at hinihintay ang mga bisita, pupunta dito ang mga kaibigan ni jenny eh.

Kaya naman maraming niluto si kuya, galing pa siyang bahay para lang makapagluto at makakain ang mga bisita namin.

Gising nadin si mama at malakas lakas nadin ang katawan niya hindi katulad dati na parang lantang gulay.

Mas energetic nadin siya. Kung nahahalata niyong masyado akong tahimik eh Isa 'yun sa mga ugali ko.

Tahimik at out of place minsan, Wala akong naging friends nung elementary dahil sa lagay kong ako lang ang mahirap sa klase namin. Masasanay at masasanay ka din naman kaya hindi ko nalang sila pinansin nu'n.

Hindi ako nag Mana kay mama eh most of all kay papa ako independent at mas pipiliin ko ang alam kong mas makakabuti para sa mga taong nasa paligid ko, mas uunahin ko sila kesa sa'kin.

Ibig sabiin lang nu'n mas mahalaga sila kesa sa sarili ko, mas Mahal ko sila kesa sa sarili ko at handa kong isugal ang buhay ko para sakanila.

Masyado nakong madrama, tama na nanjan na sila jenny at maingay ang dating nila syempre.

Sanay nadin ako sa mga ingay nila kelan pa ba sila naging tahimik diba? "Oy Jenny tumataba ka na ah?" Asar sakaniya ni jun na ang laki laki ng ngiti.

"Aba! Ano naman kung tumataba ako? Ikaw nga sobrang payat mo na di ko naman pinapansin." Dumila pa siya dito at napatingin kaming dalawa ni mama sakanila.

"Haha.." narinig kong tawa ni mama.

"Ay sorry tita richie 'to kasing mga kaibigan ko napaka kulit at napaka ingay eh hehe.."

"Ehem! Ehem!" Nag clear throat pa silang lahat na para bang binalikad sila ni Jenny.

"How was your surgery tita richie?" Tanong ni.. nakalimutan ko 'yung pangalan Basta 'yung masungit at mataray daw eh?

Kilala nadin ni mama sila matagal na nung nahospital din sila dito dahil sa nangyaring paghihiganti nung kaibigan ata nila?

Mahigit two months ko na silang kilala pero nakakalimutan ko parin ang mga pangalan nila, ang dami kasi nila eh. Si mama naman ang bilis na kinabisado.

"Ayun okay naman, mj. Basta keep yourself natural and looking good okay?" Ayun mj pala! Nakangiti Lang si mj at lumapit kay mama.

"Yes tita. At syempre naman hahawaan ko tong mga kaibigan kong 'to." Tinignan pa ni mj sila Jenny at saka umupo sa tabi ni jun.

"Wow naman!" Naiiling na sinabi ni vittoria sabay palakpak pa dahil sa sinabi ni mj. "Grabe ang confidence ah?"

"Masanay nalang tayo!" Sabi ni nakalimutan ko yung mahinhin sakanila.

"Kaya nga eh di hamak na nagmana lang 'yan sa'kin." Kampante na sinabi ni thea. "Wag na kayong umangal baka gusto niyo ng kurot?"

"Nagmana sa'yo? Eh siya  mas matanda?" Naguguluhan na sinabi ni joethane na mukhang masayang nakikipag text bigla nalang siyang kinurot ni thea sa braso. "Ouch!"

Hindi ko na sila pinansin dahil may kumalabit sa'kin.

"Pre, pumoporma ka na ba jan kay jenny?" Tanong ni rovic na mukhang masaya? Umiling ako at mukhang nagpoker face siya.

"Akala ko naman meron ng something, matanong ko lang meron ka na bang nararamdaman na kakaiba? Yung para bang may something kang kakaibang nararamdaman kapag kasama mo si Jenny?"

Napaisip nalang ako, kapag tuwing kasama ko siya may nararamdaman naman ako feeling ko din gusto niya ko eh, Ewan Hindi ko maexplain eh.

"Siguro.."

"Sabi mo nga may five percent kang nararamdaman eh. So Meron nga tip ko lang sa'yo mamaya lumabas kayo at mag date your treat, at du'n mo tanungin kay jenny kung meron siyang nararamdaman na pagmamahal sa'yo."

"Walang magbaban-"

"Kami na ang bahala dito it's under control, dude." Tinapik tapik niya pa ang likod ko atsaka ako tinaas taasan ng kilay.

Makalipas ang isang oras ay nandito parin sila at maggagabi nadin dito. Kailangan ko pa bang sundin ang sinabi ni rovic?

Di kaya mabigla si Jenny sa gagawin ko? O tatanungin ko sakaniya? No choice. "Jenny tara."

"Saan pupunta?" Tanong niya sakin.

"Kahit saan." Sabi ko hinawakan ko na ang braso niya at balak ko nalang na pumunta sa rooftop.

Sumakay kaming elevator matagal tagal ang pag akyat, di ko maiwasan na tignan siya. "Ba't ganyan ka kung makatingin?" Tanong niya. "Lagpas ba lipstick ko? O may dumi sa mukha ko? Pwede naman sabiin eh." Umiling ako at ngumiti ng malapad. "Ay wow ngumingiti ka na pala ngayon ahh.." asar niya pa sa'kin sa totoo lang she's beautiful.

"Tanong ko lang-" bigla nalang bumukas ang pinto kaya naputol ang sasabiin ko.

"Bakit dito tayo nag punta?"

"Ang lamig kasi eh.." palusot ko sana lang lumusot di ako marunong sa mga ganito. Bumibilis ang tibok ng puso ko..

"Caden mas malamig ang hangin dito oh." Turo niya pa sa paligid at tinignan niya ko.

"Edi mag papahangin tayo hehe.." Sabi ko nalang mabuti nag iba na ang expression ng mukha niya.

"Okay sure." Umupo kami sa nagiisang bench dito sa gilid ng rooftop, hindi ko nga alam kung bakit may bench eh?

"Pwedeng mag tanong?"

"Tinatanong mo nako Caden eh.."

"So pwede nga?"

"Sige, Sige gusto ko 'yan." Tinignan niya ko at may onting kaba akong nararamdaman.

"Ah.. may gusto ka ba sa'kin?" Tanong ko ng deretso sakaniya at napaiwas siya ng tingin at tinakpan niya ang Mukha niya gamit ang kamay niya. "Ah.. masyado ba kong mabilis?"umiling siya at tinignan ako sa mga mata ko. "Kung meron man mabibigla ka nalang."

Tinanggal niya ang kamay niya sa kanyang mukha at tinignan ako. "Anong ibig mong sabiin na mabibigla nalang ako?"

"So meron nga?"

"Kung Meron man sana sumisigaw nako ngayon!" Yumuko ako. "Oh please! Kung oo ang sagot ko sumisigaw dapat ako ngayon, kung meron!" Teka.. sumisigaw siya ah?

"Meron nga?" Nung tumango siya hindi ko napigilan ang sarili ko..

Nahalikan ko siya.. I just can't resist her.. and bilis bilis ng tibok ng puso ko. Shit.

Barkada  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon