Chapter 37: Ako

130 3 20
                                    

MJ POV

.

Sa tinatagal-tagal ng panahon ngayon, ngayon lang ako nakapag shopping ulit for one month school is always in my mind.

.

Grabe walang pahinga pati sa thesis sobrang simot na simot na ang brain ko.

.

Plus this guy on my right na kulit ng kulit na parang bata! Ughh! Wala akong alam at hindi ko nga alam kung bakit ko yan palaging kasama eh nakakainis nasisira lagi ang araw ko!!

.

I don't know what's happening to mom and dad. You know, dati daddy is always by my side cause he doesn't want me to go near boys.

.

Kaya ako nagkaroon ng friends na lalaki sila jun and rovic because I told my father that they're gay. Seriously, para lang makasama silang dalawa I told Dad it.

.

Kaya nga dalawa lang silang lalaki because the rest of the boys who wanted to be in our friendship hindi nila pinapayagan dahil in my situation.

.

And one day nalaman ni daddy yun I was nervous that moment pero inakbayan lang ako ni daddy and said. "Mj, your 18 your good to go, wherever you want!"

.

Diba? Sayang lang ang pagka-kaba ko nun then niyakap ko si daddy and said I love you.

.

"Alam mo naikot na natin buong mall ba't ayaw mong tumigil at magpahinga ng saglit naka heels ka pa oh." Tinignan ko ang lalaking katabi ko bakas sa mukha niya ang pagod.

.

"Edi maupo ka jan." Sabi ko sabay irap sakaniya. "Wala naman pumipigil sayo marami pa akong bibilhin na damit dahil sa school gumagawa na kami ng designs at mga damit para sa fashion show."

.

Ang lamig lamig sa mall pinapawisan pa siya? Ugh so weird. "Ano bayan! Tsk naka isang damakmak na tayong bili ng damit o tignan mo kaya ako!" Tinignan ko naman siya at Wala naman problema.

.

Marami lang naman siyang mga bitbit na Ibat ibang brands ng damit at shoes, shorts and pants.

.

"Lalaki ka, wag kang maarte." Sabay irap ko pa, paglingon ko naman sa harap ko nakita ko sa isang store si via, kasama si jun?

.

At Hindi nako nagulat nung nakita ako ni jun, laki kasi ng eyeballs. Lumabas siya ng store at hindi na siya nahalata ni via.

.

Sa school naman nagkikita parin kami wala naman kaming away eh kaya were both fine.

.

Hinila niya ko kaya sumakit ng sobra ang paa ko! Ughh nakaheels ako! Tss! We stopped in front of the fast food?

.

"Wala ka bang balak na mag sorry?" Dun palang sa topic na yun I glared.

.

"No way, Lalo na kung hindi ko naman kasalanan." Sabi ko sakaniya. "So ngayon gusto mo na talaga mahulog si via dun kay richard?" Nagiba ang expression ng mukha niya.

.

"Malamang hindi. Masasapak ko yung richard na yun eh!" Napalakas ang sigaw niya kaya pinag tinginan kami. "Pero may nangyari ngayon. Si rovic magkaibigan na sila ni richard." Napataas ang kilay ko.

.

"How?"

.

"Malamang si via inutusan si joethane tapos itong si joethane busy, laging may ka message. Kaya inutos niya kay rovic, pagumpugin ko kaya yung dalawang yun?" Natawa nalang ako at pumalakpak.

.

"Mautak talaga yan si via, if not her, then her friends."

.

"Hindi naman siya plastic."

.

"Alam ko."

.

"Pero pinapamukha mong plastic siya eh." Nagbuntong hininga ako at napailing. "Okay. Pero tumaba ka na ah?" Pinalo ko kaagad siya sa braso. "Aray! Haha!"

.

"Ikaw kung mang aasar ka sa tamang oras ah!" Pagtatama ko sakaniya at napa-cross arms ako.

.

"Haha! Nakakatawa ka!"

.

"I'm not fat! Kaya tumigil ka-" napatingin ako dun sa naka wheelchair..

.

"Bakit mj? Ano naasar ka na ba?" Tatawa pa sana si jun nang takpan ko ang bunganga niya at hinila ko siya sa may table, mabuti at naka cap siya at ako naman binaba ko ang shades ko. "Ano ba kasi?"

.

"Si michelle ba yun?" Tinuro ko ng mabilisan at natahimik agad si jun.

.

"Oo nga, Tara." Pinigilan ko siya. Sugod kasi ng sugod hampasin ko 'to eh.

.

"Bakit siya naka wheelchair?" Tanong ko.

.

"Ba! Malay ko? Mukha ba kong mang huhula?" Napailing nalang ako sa sinabi niya.

.

"I'm serious." Sabi ko sakaniya at nag kibit balikat lang siya.

.

"Ako din naman, yung tanong mo naman kasi eh feeling mo advance 'tong brain ko pero nagkakamali ka."

.

"Daming sinasabi." Irap ko pa sabay tingin lang kay michelle.

.

Tumayo ako at hinila na siya dun kung saan kanina kami nakatayo. Umalis na kasi sila kasama ata si luke the friend of jun.

.

May nakalimutan lang talaga ako.. hindi ko maalala kung ano yun pero sobrang kinakabahan ako ngayon.

.

"Huy! Mj! Wala na sila maasar ka na ulit, dali." Siraulo talaga 'to! Gusto lang akong maasar.

.

Pero naalala ko na.. agad akong napahawak sa bibig at mabuti nasalo ako ni jun dahil muntik na kong mahulog sa sahig.

.

"Pota! Ano ba mj!" Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko at sobra akong kinakabahan sa pwedeng sumunod na mangyari sa buhay ko ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganito..

.

Pero hindi! Nakakulong na si richard.. paano?!

.

Si michelle yung swerteng mabubuhay pa.. ako, ako yung mamamatay..

-----

Ano kaya nangyari kay michelle? Hmm...

- emjay

Barkada  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon