JOETHANE POV
I called Sophia and she answered the call pinipigilan kong wa'g umiyak pagkakausapin ko na siya pero wala di ko mapigilan.
"Hello?"
"Sophia I need your help please? Pupunta ako jan.."
"Sure, no prob."
End of call.
Habang nag da-drive ako I can't stop the tears from falling sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon para akong dinudurog bawat pagalala ko sa pangyayaring 'yon.. napaka sakit.
Basa na ang shirt ko dahil sa pagluha ko nu'ng nag stop light nakita ko ang phone ko na nag vivibrate ayoko sanang kunin 'yon para tignan kung sino pero ginawa ko parin at nakita kong napaka daming missed calls at mga messages.
15 missed calls..
90 unread messages..
Galing lahat 'yun kay Prince nagiging emotional ako kapag naririnig ko ang word na Prince lalo na, na ngayon mahirap ang sitwasyon namin dalawa dahil sa ginawa niyang 'yon! Hindi ko kakayanin na mapatawad siya kahit gaano pa siya mahirapan sa'kin! Kahit ilan ilan pa ang ibigay niyang mga rason sa'kin hindi ko kakayanin na makasama siya dahil sa ginawa niya sa'kin sobrang sakit nu'n!
Dumiretso ako sa bahay nila Sophia, I mean bahay nila ni Rovic. "Sophia." Bigla nalang akong napayakap sa kaniya hinihimas niya lang ang buhok ko pababa gusto kong sabiin sa kaniya lahat hindi para isumbong sa
kaniya ang kuya niya hello! Di nako Bata para du'n gusto ko lang magopen up."Anong nangyari Joethane, tell me." Mas umiyak ako lalo dahil sa sinabi niya baka mas kampihan niya ang kuya niya dahil magkadugo sila.. hindi ko na alam ang mga naiisip ko dahil du'n kay Prince! At dahil din duon sa bago niyang honey! Di ko kayang makita ako ng ganito nila Mommy at Daddy at mas lalong ayokong magkagulo pa.
"Si Prince.." pagsimula ko sa kaniya nanlaki ang mata at mukhang natigilan 'to nu'ng binanggit ko ang pangalan ng kuya niya parang di siya makapaniwala na pinaiyak niya ko at mukhang gusto niya na'ng malaman ang dahilan. "Ang kuya mo...." Hirap kong sinabi sa kaniya at hinihimas niya lang ang mga braso ko habang nakatingin sa mga mata ko.
"Si kuya? Ano? Bakit? Anong ginawa? Sinaktan ka?" Tumango nalang ako dahil hindi ko na napigilan ang iyak ko hindi din ako makapagsalita ng maayos dahil nasasaktan ako. "Let's go inside." Pumunta kami sa garden at umupo sa swing. "What did he do?" Tanong niya sa'kin at halatang concern na siya sa lagay ko ngayon mabuti naman kung ganon.
"Hinalikan niya 'yung honey niya sa bar.." pagsisimula ko. "Pinatulan ko syempre ayokong magpatalo, ayokong mag mukhang tanga, ayokong magmukhang talunan. Akala ko eto na akala ko lang pala, di na ko masasaktan pa akala ko his love was true and it will last forever and longer... Pero hindi.." napayuko ako dahil ayokong makita niya ang pagmumukha kong umiiyak.
Hinawakan ni Sophia ang kamay ko at tinignan ako derekta sa mga mata. "Joethane.. hindi sa kinakampihan ko ang kuya ko but.. he's drunk that time. I can feel what your feeling now, masakit oo, pero lahat ng sakit kakayanin mo kung mahal mo talaga ang taong 'yun. And all the love stories that I read and I felt, there's always pain in the characters and in real life masasaktan ka talaga when your going on a relationship. Hinding hindi mawawala 'yun." Paninimula niya alam ko naman 'yon pero di ko lang talaga insahan ang nangyari kanina bumuhos lahat ng galit ko.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019