JENNY POV
"Jenny entertain your guest." Tinignan ko si daddy tinuro niya si Jun na kakadating Lang ano bayan timing!
Aalis pa Naman ako aha! Papaalisin ko nalang 'tong lalaking 'to.
"Jun! Tara na iwan mo na si pluto!" Hinihila hila ko pa si jun nasa mansion ko kasi siya at kailangan ko nang umalis dahil kay caden.
Ngayon na ang last session ng chemotherapy ng mommy niya eh kailangan niya ng makakasama. "Ayoko! Napaka cute kaya ng aso mo sobra! Ikaw ah di ka nag sasabing may cute na cute kang aso." Sabi niya.
Alam niyo kung hindi lang sinabi ni dad na i- entertain ko 'tong si jun nako nako iiwan ko na 'to dito.
Si Pluto naman ang aso kong last year ko lang binili hehe ang cute naman kasing bulldog eh, laki laki pa at tabachoy!
"Jun! Itatabi ko na si pluto!" Sabi ko at agad niyang inangkin at niyakap hala!
"Wag ang bad mo naman na ina." Ina?! Wahh?! Di pa nga ako nabubuntis!
"Huy! Ina ka Jan? Ano ibig mong sabiin iniluwal ko 'yan?!" Naguguluhan kong tinanong ang siraulong lalakin 'to.
"Ay hindi naman, I mean amo pala. Tignan mo oh sumusunod pa sa'kin oh."
"Malamang aso 'yan susunod talaga 'yan sa'yo." Napapailing nalang ako kay Jun napaka adik sa mga aso, no wonder pwede niyang iregalo kay via ay aso din.
"Bakit ka ba nag mamadali? May taxi, may taxi?"
"Kailangan kong puntahan si caden. Umalis ka na kaya dito?"
"Wow naman tinataboy nako, inuuna lovelife ah?"
"Pluto bite him!" Utos ko sa aso kong bulldog.
"Bleh! Hindi ka sinunod wahaha!"
"Oy! Nag message sakin si vittoria kailangan niya daw ng tulong, kaso di ako makakapunta?" Agad tumayo si Jun at inayos ang sarili sabay pagwapo pa yuck! Haha! Charot lang.
"Saan?" Aba tignan mo nga naman pagdating kay vittoria alert na alert, waw naman! Huwaw! Grabe! Lakas din eh!
"Sa bahay niya daw eh." Sabi ko sabay takbo niya, mission solve! Haha. "Bye bye my Pluto.. mwah!" Kiniss ko pa ang napaka cute na lalaking 'to at umalis na.
Pumunta ako sa kotse kong Chevrolet Malibu, at pinaandar dumiretso ako sa hospital at pumunta sa operating room sa tapat ng pinto nakita ko na si caden na kinakabahan.
Nakaupo silang dalawa kasama niya si kuya eric. "Caden.." nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. "Lakasan mo lang ang loob mo." Positive kong sinabi sakaniya nakangiti pa ko ah.
"Salamat.." sa lagay nila kinakabahan nadin ako eh.. Sana talaga maging successful.
Lord.. please Alam ko pong kakayanin ng nanay ni Caden ang surgery na ito.. please..
Alam niyo kahit last session na 'to makakaramdam ka parin ng kaba at ng alala sa kondisyon ng mommy mo o kung sino pa man 'yan.
Makalipas ang oras ay nakalabas na ang doctor at sinabi ngang successful ang operation!
Nabuhayan kami ng todo du'n Alam mo yung feeling na parang tapos na wala na finish na! It's all over, lahat ng paghihirap ni tita ay mawawala na.
Sobrang saya ko para kay caden at kay kuya eric narin, sa ngayon nasa kwarto na kami at nagpapahinga pa si tita.
"Caden congr-" naputol ang sasabiin ko dahil tumunog ang phone ko sumenyas ako sakaniya na sasagutin ko lang.
Lumabas ako at agad na in-answer 'yun.
"Hello?"
"Kainis ka jenny! Wala naman palang kailangan na tulong eh!"
"Sabi ko nga wala eh hehe.. talino ko 'no?"
"Mukha mo!"
"Mukha ko maganda haha! Sige na I need to go!"
"You mean kabaliktaran ng maganda?"
"Heh! Maganda talaga ako, ikaw? Nung nag paulan ng gwapo ang langit nalate ka ng gising 'no?"
"Sus, aminin mo na kasing gwapo nako, pero maniwala ka man o sa Hindi gwapo parin ako."
"Nag earthquake ata?"
"Hay nako Jenny bahala ka na nga."
End..
Nag end na at paglingon ko sa likod ko nakita ko si kuya Eric. "Ay narinig mo ba kuya?" Nahihiya kong tanong.
"Di ko sinasadya." Nakita ko siyang ngumiti sa'kin. "Siguro nga deserve ka niya.." napataas ang aking kilay nung marinig ko ang sinabi niya sinong deserve ako?
"Ano?" Tanong ko ulit.
"Ang slow naman." Sabi niya.
"Sorry sori store.. hehe! Ay kuya anong balak mong lutuin? Ako nalang." Volunteer ko pa naguluhan ata siya sa sinabi ko kaya kumunot ang kanyang kilay.
"Ano? Wala tayong kitchen jan?" Turo niya pa sa loob ng room at nasobrahan ata sa kalog ang sarili ko eh haha.
"Ay.. hehe sa panaginip nalang ako magluluto.." or masyado akong mahilig mag luto hahaha!
Pumasok na kami at nakita kong nakaupo lang si caden at pinagmamasdan niya lang si tita dahil wala naman magawa tinabihan ko nalang siya.
"Alam mo jenny sa lahat ng natanggap kong blessing sa panginoon ito ang pinaka the best." Ngumiti ako sakaniya at tinignan siya sa mga mata niya.
"Mukha nga, ito na ang new beginning natin.." yung huli kong sinabi pabulong lang hehe... Kasi I'm shy.. hehe..
"Ano?" Tanong niya sa'kin dahil hindi niya narinig.
"Ah wala wala sabi ko new beginning niyong tatlo." Tumango tango siya sa'kin at ngumiti shet! Sobrang gwapo niya ah!
Kung na captured ko lang... Ngayon ang Plano ko to start my life with Caden..
------
#254 IN TEEN FICTION ❤
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019