(Hope you like this hehe.. Sana lang wag kayong mabibigla hehe..)
---
JUN POV
Nakahiga nako sa kama ng hotel room namin syempre isang room lang ang nireserve sa'min ni mama sinabi ko nga Kay Hannah na du'n nalang ako sa sofa matulog but she refused, Sabi niya okay lang daw sa kaniya.
Alam niyo naman 'yun si mama gusto nang magka-apo agad. Tss atsaka ngayon na nandito kami sa Paris Wala akong gagawin Kung hindi magpahinga gusto kong mag ka restday kahit papaano.
Siguro bakasyon ko lang ngayon, wag na kayong umasang may mangyayari ngayong gabi. Dahil wala talaga at walang wala, dahil Wala!
Dahil Bata pa kami at nirerespeto ko parin si Hannah, mukha lang 'yang masaya at malakas pero sa loob niya naiiyak na 'yan at nahihiya pa sa'kin atsaka sinusunod niya lang din naman sila mama.
Kasi naman sila dad at mom atat na atat, ayokong mag tanim ng galit sakanilang dalawa pero di maiwasan eh dahil sa mga pinagsasabi at pinaggagawa.
Kasalukuyan akong nakatingin ngayon sa kisame, walang magawa eh kung nanunuod ka ng TV di mo naman alam mga palabas. Iba din ang language hay nakakaputcha dito! Ganito din ang nararamdaman ko nung nandito ako eh Kaya di ako nakapagtiis.
Tss sisihin ko kay mommy 'to tss nakakainis talaga dapat nililigawan ko ngayon si- ughhh!! Punyetang-- eh.. nakakamiss talaga siya. Teka Jun! Sabi mo move on? Anong pinagiisip mo?!
Lahat sila miss ko na agad, Lalo na 'yung mangasar sa buong barkada namin haha! wahahaha! "Jun!" Bigla nalang sumigaw si Hannah syempre ako naman itong si tumakbo at nakita ko lang naman na may Rottweiler sa hotel room namin! Yahh!
"Yahhhh!" Sobrang lakas ng sigaw ko dahil agad akong hinabol papunta sa kama ko amputa! "Putangna! Hannah palabasin mo nga 'yan!" Nandito ako sa taas ng kama sa may board haha! At napaka kulit at energetic!
Maliit palang itong Rottweiler na 'to kita pa lang sa itsura eh Lang ya! "Puta! Hannah nasaan ka ba?!" Napamura nako taena kasi tumatahol na oh! Putragis napaka lakas ng tahol!
"Arf! Arf!" Ang laki ng boses nito ah! Akala ko baby palang?! Taena walang awa! "Grrrr!" Nako amp! Hannah!
"Ay! Hani! Go out muna, wa'g sa room please, go to the living room go!" Napaupo si hani so ibig sabiin girl. "Hani gusto mo makilala si jun?" Punyeta naman! Ayoko dapat ako 'yung tinatanong hiya 'yang aso!
"Arf!" Aba lintek 'tong asong 'to ah!
"Okay Jun baba ka di naman 'yan nangangagat di ka din aanhin niyan.." syempre bumaba ako dahil may tiwala naman ako eh.. pagkababa ko bigla akong hinabol kaya naman bumalik agad ako sa kinatatayuan ko kanina. "Kaso nangdidila Lang.. hehe.." Kumamot ulo nalang si Hannah at pinaalis na si hani.
"Nawala na tiwala ko!" Sabi ko sabay simangot at pout sa kaniya tss!
"Madadagdagan pa 'yang tiwala mo sa'kin kapag nakita mo mga pictures ni Hani." Umupo siya sa tabi ko at kasalukuyan akong naka simangot parin dahil sa pangyayaring naganap.
Kinuha niya ang phone niya at bago niya buksan tinignan niya ko. "Sige ka baka maihipan ka ng hangin, maging ganyan ka forever wahaha! Forever din kitang makikitang ganyan wahaha!" Tawa niya pa na pang babae talaga pang maarte bleh! Hay nako! Winiwish niya bang maging ganito ako?! Forever?!
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019