JOETHANE POV
.
Parang nawalan ako ng buhay nung nakita kong nasaksak si rovic.. I was really shock..
.
Pinagtulungan siya nung mga lalaking dumadaan dinala agad siya sa hospital syempre sumama ako at ayun..
.
Inooperahan siya ngayon nakatulala lang ako.. jusko. "Okay lang ba si rovic?" Tanong ng kakadating na si prince at hindi ako makapagsalita o makagalaw sa nangyari.. "joethane?" Ulit pa nito sa pagtawag sakin.
.
"A-ano?"
.
"Okay lang ba si rovic?"
.
"D-di ko a-alam.." nauutal kong sagot sakaniya umupo siya sa tabi ko.
.
"Alam mo kung kilala ko lang yang lalaking yan g*damnit! I'll show him, hell." Sabi niya sa sarili niya ata? "Alam mo bagay kayo ni rovic." Dun sa sinabi niyang yun napatingin nako parang napalitan ang mood ko.
.
"Huh?"
.
"Bagay kayo."
.
"Tao kami." Sabay balik ko sa pagkatulala.
.
"Pilosopo ka talaga."
.
"Friends of the patient?" Agad akong napatayo nung nagsalita ang doctor pero sa kasamaan palad sabay kaming tumayo ni prince tapos nakayuko siya sabay tayo ko ng patagilid para makaharap ang doktor tapos nauntog ako sa ulo niya!
.
"Aray!" Sigaw namin parehas tumama sa noo niya ang ulo ko yung noo niya naman sa ulo ko arayyyyy!
.
"Be careful." Sabi nung doktor kaya nakaramdam kami ng hiya. " Sa lagay ngayon ni rovic makakaramdam pa siya ng sakit at kirot sa tagiliran niya sariwa pa ang sugat nito kaya sa paggising niya mahihirapan siyang gumalaw. At mabuti hindi masyadong madiin ang pagkaka saksak nito sa tagiliran niya, kaya naman wag kayong mag alala mabubuhay pa siya."
.
Sa sinabi ng doktor nakahinga ako ng maluwag pero sariwa pa daw kaya may tendency na pwede itong bumuka ulit hays..
.
"Salamat." Sabi ni prince sabay alis ng doktor. Pwede naman nang pumasok sa room ni rovic kaya pumasok na kami.
.
Nakita ko si rovic na parang mahimbing lang na natutulog ang gwapo niya sa totoo lang.
.
"Kawawa naman si pareng rovic." Sabi ni prince sabay iling. "Gago kasi yung lalaking yun eh." Napatingin ako sa sinabi niya.
.
"Lalaki? Alam mo na ang pagkatao nito?" Tanong ko at tumango siya.
.
"Oo, pero hindi pagkatao, just the gender halata naman sa body structure niya na malalaking muscles, makapal ang buhok sa braso at especially may nakaumbok-"
.
"Tama na gets ko na." Pagpigil ko sakaniya dahil magiging green-minded nako nito hay nako!
.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019