MJ POV
.
"So are you all gonna stay here for good?" Tanong ni michelle samin habang kumakain.
.
"Syempre naman." Sagot nitong si matthew pero umiling ako. "Iling iling ka jan? Wag mong sabiin na babalik pa tayo sa korea?!"
.
"Kung ayaw mo pwedeng pwede ka naman maiwan, kaya bahala ka. Babalik ako sa mga fashion shows at mga signing up ko du'n and for your information, magiging judge din ako, once in a lifetime opportunity."
.
"Ay joke Sabi ko nga ang ganda du'n sa south Korea eh daming makikita." Tumaas taas ang kilay niya na parang ewan.
.
"Talaga? Anong mga nakita mo?" Baliw na tanong ni rovic tss.
.
"Mga tao, building marami pa." Natatawang Sabi ni matthew.
.
"Shut up! Ang ganda ganda kaya dun many destinations for couples and for travelers." Sabi ko sakanila sabay irap.
.
"Bakit couple ba tayo?!" Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o kung naguguluhan sa tono ng boses niya di ko na maintindihan.
.
"Asa ka naman? Duhh! Di ako papatol sayo." Inis kong sinabi sakaniya dahil nakakainis na.
.
"Sus isang move ko lang sayo, mapapasakin ka na WAHAHAHAHA!" Loko niyang sinabi at ayoko naman maging center of topic or attention dito kaya naman tinignan ko silang lahat na nakatingin lang sa'amin.
.
"Wag nga kayong sumigaw baka masapak ko kayo jan." Yabang ni dave sa'amin at pinalo naman agad siya ni thea.
.
"Wag ka ngang mag mayabang sa harap pa talaga ng pagkain." Bulong ni thea kay Dave pero may tenga kami at malakas masyado ang pagkabigkas niya kaya narinig namin.
.
"Ang ingay niyo, alam niyo 'yun?" Sita ni jun sa'amin.
.
"Ay hindi namin alam jun, kaya nga kami nag-iingay eh." Pilosopong sinabi ni joethane sabay peace sign.
.
"Kumain nalang tayo ng matino." Sabi ni vittoria at sabay subo ng ham.
.
"Bakit may kumakain bang abnormal?" Pilosopong tanong ni joethane bumabalik nanaman ang bonding namin, agad siyang nabulunan nu'n at nung nalunon niya na ang kinakain niya at nakainom na siyang tubig tinignan niya ng pokerface si joethane.
.
"Sinabi ko bang meron?"
.
"Sinabi ko din bang sumagot ka."
.
"May bibig ako."
.
"Natural."
.
"Nag- sagutan nanaman ang magkakabarkada." Naiiling na sinabi ni jenny.
.
"Kasali ka din naman sa barkadang 'to eh." Sabi ni rovic sakaniya.
.
"Oo nga, wala naman akong sinabing hindi ako parte o kasama eh." Hinilamos ni rovic ang kanyang kamay sa mukha niya, nakaka triggered naman kasi.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019