ROVIC POV
.
Nagising ako ng maaga para lang paghandaan ng pagkain ang minamahal kong babae.
.
Wala naman siyang pasok ngayon hindi din naman siya busy ngayon, busy lang talaga siya sa katext niya lagi, tss.
.
Oo na selos at naiinis nadin ako du'n, ako din naman eh meron akong katext pero di ko naman ginagawang priority.
.
"Good morning!"
.
*Morning*
.
"Walang good?"
.
*Wala eh.*
.
"Split it up wag mong itago sa loob mo. Ano?"
.
*Wala. Katulad din ng sa Mahal ko may katext siya.*
.
"Alam ko na! Balak ko nadin makipagkita sa'yo eh..."
.
*Edi maganda kelan?*
.
"Saturday! Sa enchanted kingdom! Two ng hapon. Okay ba?"
.
*Sige mag luluto lang ako.*
.
"Okay! Sana masaya ka na!"
.
*Oo na.*
.
Bumaba ako at nagprisinta na, na mag luto ng umagahan para kay joethane. Kumuha ako ng ham at eggs samahan mo nadin ng hotdogs at ng Bacon.
.
Sa ngayon ang alam ko paborito niya ay ham kaya naman dinamihan ko at na ngamoy 'yun sa buong kusina.
.
"Wow what is that smell?" Nakita ko si tita na naka dungaw sa may pinto kaya naman nginitian ko at pumasok na siya. "Oh para kanino 'yan?"
.
"Sa anak niyo po. Gusto ko lang po talaga ipaghanda at ipagluto siya."
.
"Ahh mabuti naman. Sorry talaga jan kung masyadong tamad o busy ah? Hindi pa siya nag babago talaga."
.
Napangiti nalang ako sa sinabi ni tita. "Kagabi nagtanong siya about love. May nangyari ba sainyo?"
.
"Wala naman po."
.
"Ahh siguro talaga may ibang-" Hindi niya naituloy ang sasabiin niya kaya naman tinignan ko siya at ngumiti nalang siya at pumalakpak. "Okay! Breakfast is ready call joethane. I need her right now." Utos ni tita sa kasambahay at madaling umalis 'yun.
.
"Tita ano ang sasabiin mong may ibang?" Tanong ko pa ulit mamaya mamatay ako sa curiosity na 'yan eh!
.
"Ah wala namali lang ako.. alam mo na katandaan." Tumawa siya ng mahina at lumabas na ng kusina ang weird naman.

BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019