Chapter 31: finally (2)

132 3 66
                                    

VITTORIA POV

.

Nakatingin lang ako sa paligid at sobrang tahimik, kinabahan tuloy ako.. kasi naman eh..

.

Umatake kasi yung sakit kong ito, ewan ko ba wala naman akong mga allergies or something nakaka stress na talaga..

.

Natapos na ang mga nagawa ko sa music kanina sobrang daming reports at kung ano ano pa.

.

Naglakad ako sa hallway at tinignan ang daan wala talagang mga tao? "Uy via." Agad akong kinilabutan. Nagka goosebumps ako nung hinawakan ako sa braso ni shin. "Oh okay ka lang?"

.

"Wag ka kasing nanggugulat." Paalala ko sakaniya sabay hawak ko sa puso ko. "Oh tapos na ba klase niyo ni rovic?"

.

"Oo sobrang daming pinagawa. Alam mo nahalata kong walang tao dito?" Tumango nalang ako bilang sagot sakaniya.

.

"Oo nga eh." Nakarinig ako ng sigaw? Agad kaming napatakbo dun at nung nakita namin lahat ng mga tao nandito may tinitignan sila?

.

Tinulak ko sila Isa Isa at agad kong nakita si richard, nakakaawa siyang tignan.. sobrang sakit tignan ang crush mo na puro pasa ang mukha..

.

"Anong ginawa niyo?!" Sobrang lakas kong sinigaw yun sabay na may pumiyok sa huli kong nasabi.

.

"Vittoria open your eyes! Siya ang may gawa nito!" Pagpipilit ni mj sakin pero naniniwala akong wala siyang masamang balak sa'amin o sa'akin.

.

"Wala kang karapatan na saktan lang siya! Alam mo napaka sama mong tao!" Sa galit ko naitulak ko na siya.. "Hindi man lang kayo naawa sa tao!" Hindi ko na alam nangyayari sakin..

.

"Ang bulag mong babae ka! Your always the right one and the best one, sige na! Pero Isa lang ang ipinaglalaban ko! Ginagawa ko lang ito dahil gusto ko nang matapos 'to."

.

"Pero wala kayong karapatan na saktan nalang siya ng ganon ganon.."

.

"Ano mas maaawa ka pa jan sa lalaking yan? O sa mga kaibigan mong nagkagalos, pilay at sinaksak niya?"

.

"Ang sasama niyo! Tao lang yan nagkakamali.." pinipigilan kong wag umiyak at maging malakas. "I know you all, I know you have mercy sana naman tinanong niyo muna ang rason niya!"

.

"Pero sobra na ang pagkakamali niya.." mahinhin na sinabi ni michelle sakin. "Hindi lahat totoo, vittoria.. kahit hingin mo pa yung rason niya o ng ibang mga kasapi niya, there's still a lie in his words."

.

Lahat na sila pinagtutulungan ako.. ano bang masama sa ginawa ko? Ipinagtatanggol ko lang naman ang mabuti diba? Anong masama dun? Bakit?

.

"Vittoria mas kakampihan mo pa ba ang lalaking yan?" Tanong ni rovic sakin.

.

"Wala akong kakampihan pero papatunayan kong mali kayo at hindi siya ang may gawa ng lahat."

.

Barkada  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon