65: fixed marriage

126 5 4
                                    

JUN POV

(After 3 days ..)

Sobrang saya ko sa araw araw na nakikita ko ang mga ngiti niya, nabubuo ang araw ko kapag nakakasama ko siya.

Araw araw ko din siyang nililigawan.. lagi akong nagdadala ng mga flowers chocolates gifts at nagdadate din kami nasanay na nga ako eh.

Siya lang naman ang pangarap ko eh, at centro ng buhay ko.. Ang aking magiging asawa if ever.

Oo ganyan ako ka advance. Gusto ko sa tuwing umaga lagi ako ang paglulutuan niya ng masarap na pagkain, kahit di siya marunong sa kusina, kahit lasang sunog pa ang mga luto niya, at least may ulam diba?

Sa ngayon sobra akong natutuwa sa takbo ng buhay ko, sasabiin ko nadin na may mga pagbabago nako less na ang pagaasar ko syempre twenty-four na kailangan maging mature tayo kahit minsan lang, pero madalas maging tarantado at gago haha! Joke.

Ayoko nga! Mamaya magalit ang aking binibini na si vittoria eh. "Pre, tama na 'yang inom mo naka limang bote ka na oh!" Pigil ko kay Dave na ngayon dinadamdam ang sakit na nararamdaman niya.

"Umalis na kayo! Kaya ko na 'to. Ang tanging mag papatigil sa'kin ang babaeng pinaka mamahal ko." Sabi niya nagkatinginan kami ni luke at ni matthew ano dadalhin namin dito si thea? Anak ng tinapa

"Pre, siguro.. tanggapin nalang natin na gustong mapagisa ni thea." Sabi ni luke tinignan si Dave. "Intindihin nalang natin, choice niya 'yun."

"Kung kayo din naman ah? Kung iniwan kayo ng mahal niyo masasaktan kayo diba? Tang*na! Thea!" Sobrang lakas ng sigaw niya kaya naman pinagtinginan kami ng mga tao dito.

"Ramdam ka naman namin eh, 'yung babae na ang umiiwas dahil gusto niyang maging masaya ka, maging masaya sa taong di mo mahal, at di mo nakasama sa buong buhay mo." Wika ni matthew at tama naman siya du'n.

"Pero lahat naman gagawin ko.. lumayas ako, pinabayaan ko ang sarili kong ina magdusa dahil nawala ang anak niya, napag taasan ko ng boses ang tatay ko. Sinaktan ko buong pamilya ko para lang makasama siya! Para lang sa kaniya! Alam niyo ba 'yung sakit na naramdaman ko nu'n? Nu'ng mga oras na sinigawan ko tatay ko, pinaglaban ko ang pagmamahal ko kay thea, lumayas ako sa bahay na tinirhan ko simula pagkabata.. puta! Napaka hirap!"

Sa nilabas niyang 'yun wala nakong pake kung gay man ang tingin ng iba, I hugged him. A friendly hug and a man hugged.

"Ilabas mo, wag mong i-stuck Jan sa dibdib mo." Sabi ko sa kaniya at tinapik tapik ang likod niya. "May likod ka pa.." biro ko gusto ko lang naman mapasaya siya eh.

"Dude, be strong enough to get through of that situation." Sabi ni luke at tinapik tapik din ang likod ni dave, tama din siya eh.

Bigla nalang nag beep ang phone ko may message.

Mama:

"Go to the nearest restaurant in our village."

Ano naman kaya ang gagawin?

"Kailangan ko na'ng umalis may dinner nanaman siguro." Sabi ko sakanila at tumango sila nagpaalam nadin ako kay Dave mamaya mag tampo eh haha.

Pumunta ako sa sasakyan ko at pumunta sa malapit na restaurant.

Pero nagulat ako nung makita ko sa parking lot ang babaeng familiar sa'kin naka motor..

Puta! Siya 'yung babaeng kinuhanan ko ng motor! Haha! Oo siya nga pero mukhang ang sama ng tingin niya sa'kin at 'yung aura niya, galit siya. Siguro nakita niya nanaman ako.

Palapit siya sa'kin nakangiti lang naman ako sa kaniya. Nagulat ako sa ginawa niyang pagsampal sa'kin tang*na! Anong ginawa ko sa kaniya para sampalin ang napaka gwapo kong mukha?!

"Lintek! Anong karapatan mong sampalin ako?!" Inis kong sinabi sa kaniya dahil lintek 'tong babaeng 'to.

"Ano din karapatan mong halikan ako nu'ng nasa bar tayo?! Walang hiya ka! Lasing pa!" Parang nabuntis naman siya? Wala ngang umbok ang tyan niya mahigit one or two years na di pagkikita namin dalawa.

"Oy! Lasing ka din nu'n! Hinalikan mo ko hinalikan kita, fair lang, pero walang meaning 'yun! Lasing lang tayong dalawa walang malisya." Sabi ko sakaniya at puta nanampal nanaman?! "Tang*na? Titigil ka ka ba o hindi?!"

"Kinuha mo first kong hayop ka!" Pinagpapalo niya ko pero sorry siya, siya lang ang nasasaktan ha! "Ano kala mo sa labi ko for sale?!"

"Teka nga bat ka nandito? Di mo kaya dito!" Asar ko sa kaniya at napamewang siya.

"Pinatawag lang naman ako ng mama mo!" Sigaw niya sa'kin at alam niyo bang nababasa na ang gwapo kong mukha dahil sa talsik niya lumalaway!

"Bakit?" Mahinahon kong sinabi.

"Ba! Malay ko? Mukha ba kong manghuhula? Explain your answer."

"Mukhang kang babae."

"Natural! Mokong!" Nauna na siya at ako naman ayun sumunod at nakita ko naman sila mama at papa.

"Nandito na sila!" Sabi nila napaka saya naman nila kasama pala nila si angelo psh.

"Kuya! Long time no see, ano tarantado parin ba?" Ulol talaga 'tong kapatid ko dinaig pa- ay Ewan Basta!

"Watch your mouth, Angelo. Hello Hannah!" Niyakap siya ni mama at ayun nag beso beso.

"Mama ano bang problema?" Tanong ko para mabilis na ang usapan na 'to gusto ko pumunta kila via eh.

"Hannah, nakausap namin ang parents mo sobrang saya namin nu'ng sumang-ayon sila sa gusto namin." Tumingin ako kay Hannah mukhang wala siyang alam dito kaya naman binalik ko ang tingin ko kay mama.

"May alam ka ba dito, Angelo? Pwede bang paki sabi na, dami pang lusot lusot ni mama eh." Nag kibit balikat lang si Angelo at tinignan nalang si mama.

"Listen." Sabi ni mama.

"Tita?! Engagement?! Wahhh! Ayoko!" Napangiwi nalang ako kay Hannah masyadong OA ayoko din naman sa kaniya.

"Better than that, you two will be having a fixed marriage." Natulala ako sa sinabi ni papa daming pakulo! Anong fixed marriage fixed marriage? Tss sa mga teleserye lang 'yan eh!

"Inaayos na ba ngayon?" Tanong ni hannah. "I mean, may iba akong gusto!" Arte pa niya sus! Arte niya lang.

"Silly, fixed marriage. Since kayong dalawa we see the chemistry on both of you, bukas na mangyayari 'to." Nanlaki at tumigil ang mundo ko anong pinagsasabi nila?! Sabiin nilang nag bibiro lang sila?

Fck. Di niya nga kami nakikita magkasama eh? Fudge!

Bukas

Na?

Puta! "Anong kalokohan 'to mama at papa?" Naloloko kong tinanong sa kanila na nakangisi pa.

"It's not a joke. Para mapabilis na, nakaayos na ang lahat bukas na bukas. And another information about the fix marriage walang urungan ito, kailangan mo na'ng sundin 'to there's no turning back."

Ngayon inaalala ko ngayon paano si via..

Di ko siya kayang saktan..

Makita ko palang siyang umiiyak it brokes my heart into pieces..

Fck.. this was a surprise.. a big surprise.. wala nakong magagawa.. bukas na bukas na..

Shit.. I don't know what I'm doing.. fck.. ayokong paasahin siya.. at mas ayokong saktan siya.

Ayoko. At. Wala. Akong. Magawa.

---

Happy 900+ reads mga ka barkada! Sobrang thank you! Hehehe!

- emjay

Barkada  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon