(This is it people's of the earth! Enjoyyy!)
MATTHEW POV
Nagising akong sobrang walang gana, walang nangyari kahapon nakakulong lang sa kwarto si Mj I miss her to be honest gusto ko siya laging makita everyday but.. yesterday nagkulong lang siya.
Bumaba ako at nakita ko si chim at chum nilalaro ni yaya nelly. "Yaya, lumabas na ba sa kwarto si Mj?" Tanong ko sa kaniya at umiling siya huminga ako ng malalim at napailing.
Tinignan ko ang pinto ng kwarto ni Mj lumapit ako du'n kaso nu'ng akmang kakatok nako bigla nalang bumukas nagulat ako sa biglang pagbukas.
"Yes?" Napangiti nalang ako ng nakakaloko dahil sa unang bungad niya sa'kin na hindi sumisigaw o inaaway ako hehe..
"Tara kumain na." Tinignan niya muna ako pababa hanggang sa umakyat ulit at nakangiti lang ako sa kaniya dahil duon.
"Kakain ka ng naka pajamas? Di ka manlang maligo muna?" Tanong niya at napailing ako at napangiwi sa sinabi niya.
"Psh! At least nga nag sipilyo eh." Sabi ko nabubuhayan ako kapag nakikita ko mukha niya kahit ang sungit!
"Your weird, so weird." Napailing ako sa kaniya dahil napaka weird niya ngayon siya 'yung weird eh na'ng damay pa.
"Alam mo lagi mo nalang sinasabi na weird ako. Ikaw nga 'yun eh, your weird today." Natatawang sinabi ko sa kaniya she looked back at me and gave me a look. Tignan mo oh iba talaga eh.
"Totoo naman, eh Basta! Ewan ko sa'yo." Pinantayan ko siya ng lakad, I mean mas nauna na pala akong maglakad sa kaniya nagulat nalang ako nu'ng itulak niya ko.
"Where's mom and dad?" Tanong niya kay Yaya Nelly.
"Ah nakipagusap du'n sa mga client's nila na pumunta din dito." Nagbuntong hininga si Mj at napailing sabay umupo at kumuha ng toasted bread.
"Always clients, clients, clients and clients." Tinignan niya ang pinggan niya at habang sinasabi 'yon gumagalaw pa ulo niya at may emphasis on the word clients.
"Ano ka ba, 'yun na nga lang ang happy moments nila eh." Sabi ko at tinignan niya ko at tinaasan ng kilay ayan na.
"So ako? Di ako happy moment? Di sila nasisiyahan kapag kasama nila ako? Ganon ba?" Ayan nanaman na misunderstood niya nanaman ako.
"Hindi naman.."
"Matthew, just stay away from me. Di mo ko maiintindihan promise, magulo akong tao you can't handle me and you can't take care of me." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Paano mo alam? At paano mo nasabi? Alam mo na mangyayari? Manghuhula?"
"Your just too much. Satingin ko hindi ka para sa'kin at hindi ako para sa'yo, are personalities doesn't match us." Iritado akong sumubo ng pagkain.
"Di naman kailangan magkaparehas eh."
"Kahit na." Minsan hindi ko nalang makakayanan ang mainis dahil sa lahat ng tao siya pa ang nagsabi niyan.
"Maski na, Wala naman sinabi ang diyos na kailangan same personalities kapag maiinlove ka sa babae man o sa lalaki." Pinaglalaban ko talaga ang alam kong tama at totoo.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019