THIRD PERSON POV
"Iniwan ko lang kayo bigla nalang nagkagulo?!" Galit na galit na sinabi 'yon ni Mj sa kawawang Matthew na kanina pa pinagpapalo dahil sa inis at pagkahiya ni Mj.
"Hindi nga ako may kasalanan eh!" Pagmamaktol ni Matt at tinaasan na ang boses kay Mj.
"Aish! Quit your childish Ness! Hindi nakakatuwa and we're freaking serious here!" Nanggigigil na sinabi ni mj nasa likod sila ng building ngayon 'yung dalawang aso nasa kulungan na at mangiyak ngiyak na parang kinawawa. "Alam mo bang sobrang kahihiyan ang ginawa niyo?!"
"Alam ko kaya I'm sorry.." nakatingin lang si Matt sa mata ni Mj at nagmamakaawang patawarin siya.
"Alam mo ba imbis mapahiya 'yung Vivian na 'yun, ako 'yung napahiya!" Inis na sinabi ni Mj kay Matt at sinamaan ng tingin.
"Hindi ko naman kasi kasalanan na maputol 'yung tali, kinakagat kasi nu'ng dalawa." Paliwanag niya pa at kahit anong pilit niya hindi magpapatalo si Mj.
"Baka masisi ko sila?! Wala naman silang magagawa eh, kaya sabi ko sa'yo ibenta mo nalang 'yan or throw them away, away from me." Galit na sinambit ni Mj at napahawak sa noo dahil sa pagkahingal.
"Ano ka ba, parang wala ka naman pake sa kanila, binili ko nga 'to para sa'atin eh! Kahit ayaw mo gusto kong gustuhin mo din ang mga gusto ko. Kase ginugusto ko din ang mga gusto mo."
"Hindi ko naman kasi sinabi o inutos na gustuhin mo ang mga gusto ko." Pinapakalma ni mj ang kanyang sarili nawa'y para naman maging maayos ang kanilang usapan. "It's your choice not mine." Turo niya pa kay Matt na disappointed sa sinabi ni Mj.
"Oo na ginusto ko 'to, kaya okay lang,
Nasasaktan na sila pero okay lang din sa kanila, mas lalo na sa'kin, okay lang din. No choice eh ginusto ko kaya gagawin ko lahat para sa'yo, para sa'atin." Naiiling na sinagot ni Matthew at tinignan 'yung dalawang aso.Ang dalawang taong malakas at matapang nagtagpo ay ngayon nag aaway na dahil lang sa isang kahihiyan.
"So it turns out ako pa ang may kasalanan? Matthew just leave me alone! Take your dogs with you. Siguro naman makakayanan mo silang buhayin?" Taas kilay na tanong ni Mj sa kaniya.
"Ang sama mo." Maikling salita pero na nakakasakit ng tao. "Ang sama mo sa kanila, kung sakin okay pa eh, ayos pa pero kila chim at chum na nagpapasaya ng ibang tao, wa'g. Wa'g mo silang gawin kahihiyan, never sila naging ganon. Kung gusto mong maalis sila sa pwesto mo sige. Gusto lang naman kitang mapasaya eh." Napatulala si Mj sa sinabi niya.
Hindi makapagsalita ang babaeng natamaan sa mga sinabi ni Matt. "tss tara na nga." Aya nito sa kaniya. "Wala naman magagawa ang sigawan natin at awayan o tampuhan basta kung anong pwedeng itawag. This is non sense. "
--
MJ POVI can't speak parang na duck tape ang bunganga ko nu'n ah? "Mj, pwede ba kahit si chim iwan ko sa'inyo?" Pang sampung tanong ni Matthew sa'kin at nakatingin lang ako sa salamin ng bintana ng kotse.
"Bahala ka." Matigas na sabi ko 'yun at bumuntong hininga.
"Tss, iiwan ko nalang sigurado naman mapapabuti ang anak ko ah?" Napatingin ako sa kaniya at walang ganang tumango nalang na kahit labag sa kalooban ko at ayaw ko.
"Nag-asawa ka pala ng aso?" Curious kong tinanong sa kaniya at tumingin siya ng mabilis sa likod at mabilis na binalingan ng tingin ang kalsada.
"Oo wa'g mo na'ng alamin kung sino pa 'yon dahil hindi ko naman din sasabiin kung sino 'yong asong 'yun kaya isarado mo nalang 'yang bibig mo." Di ko alam kung nangaasar ba siya o masaya sa sinasabi niya eh.

BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019