(This is a chapter for Richard & Vittoria.. hehe.. and please do enjoy this..)
RICHARD POV
"Uhm.. Richard dito ka lang sa baba ah? Si Vittoria binibihisan pa nila Yaya Lei eh." Sabi nu'ng Isa pa nilang maid dito kaya tumango nalang ako ilan minuto nalang kasi magsisimula na ang party gusto kong una kong makita ay si Vittoria.
Lahat kami dito sa may pool area ay nakahanda na maraming marami ang guest nila tita Tessie at tito Alfred dito grabe nga eh parang sasakupin na buong bahay nila.
Nasa likod naman namin ang magandang isang puno grabe may Christmas lights pa 'to may mga tables at chair dito kaya naman maganda talaga at tamang tama ang dami daming stars sa mga ulap.
"And let's welcome the beautiful daughter of Yu's family! Elisa Giselle Yu!" Lahat naman kami nagsitayuan nu'ng makita ko siya namangha ako napaka ganda niya at napaka layo niya sa Elise na nakikita ko araw araw dito kila Vittoria grabe.
Pero sa totoo lang mas maganda parin si Vittoria in her natural face. Siya kasi make-up lang nagpapaganda sa kaniya. Realtalk lang dahil totoo akong tao at alam kong wala naman magandang naidulot si Elise kay Vittoria hays.
'Yung gown niya grabe ang laki sobrang daming beads at kung anu-ano pa nakakaloko nga masyadong OA naman ako na talaga judgemental.
Lahat naman kami nagpalakpakan umakyat siya sa stage at kinuha 'yung mic. "Hello everyone! Maraming maraming salamat sa pagpunta dito.. grabe di ko expect na ganito ang kalalabasan ng party na 'to.. I'm so happy and blessed.." huminga muna siya. "And I'm very thankful for all your help sa mga staffs na nag paganda dito at sa mga pumunta syempre sobrang saya ko. And this is my best birthday party ever!"
"And especially thanks to my Mommy and Daddy, because of them hindi 'to mangyayari, kaya thank you so muc-" naputol siya nakatingin siguro siya kay.. Vittoria lumabas siya sa may pinto at nakita na namin siya napaka ganda niya nakikita ko dito na tanging naka blush on lang at lipstick napaka simple niyang tao kahit papaano din may ngiti sa mukha niya. "And of course my sister has to say something!" Lahat sila nagpalakpakan si Vittoria halatang nagulat sa sinabi ni Elise at nakita ko ang reaksyon ni Elise ngumisi siya at bumaba ng stage.
Mabagal na umakyat sa stage si vittoria at halatang kinakabahan. "Uhm.. hello-" natigilan siya sa boses niya? Iba ang boses niya sa mic?! May sira ata ang microphone na hawak niya. "Uhm.. bakit ganito?!" Napasigaw siya at nakakabingi 'yun sobrang liit ng boses niya tapos sa huli pumipiyok siya. "I'm sorry!" Sumigaw nanaman siya at binaba niya na 'yung mic lahat kami napahawak sa tenga dahil sa sakit ng narinig.
Tinignan ko si Elise at natatawa siyang tinignan ang kapatid niyang bumaba sa stage at napahiya. Sigurado akong Plano niya 'to dahil masyado siyang obvious.
"We're sorry for that. Let's all forget that siguro may sira lang ang microphone kaya naging ganon and yes! Ngayon na eighteenth birthday ni Elise kailangan may eighteen candles and roses na siya." Tumayo ako at Pumunta sa may restroom para hintayin lumabas si Vittoria di ko na kailangan na makinig pa sa sasabiin ng mga magsasabi, mag wiwish at sasayaw sa kaniya.
Tumakbo ako sa loob ng bahay nila at dahil kabisado ko na naririnig ko ngang umiiyak siya du'n naawa ako sa lagay ni Vittoria ngayon. Ano bang kasalanan niya at kailangan niyang maging ganito? Mapunta sa ganitong sitwasyon? Ano ano ba? Nakakairita na kasi dahil lagi nalang siyang umiiyak.

BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019