62: Blessing

103 4 2
                                    

DAVE POV

"Mom! Dad!" Sigaw ko sakanila nu'ng makauwi kami ni faith galing sa ospital.

"Yes, son?" Baba naman nila sa'amin at they're looking happy.

"Tita and tito this is important.." Sabi ni faith at kinagat niya ang pangibaba niyang labi. Mukhang kinakabahan siya ako din naman eh.

Umupo kami sa sofa at nakita ko naman na parang nag aalala na sila  mom. "So what's about it?" Tanong ni dad sa'amin hindi ko alam kung sinong mauunang magsabi.. nauunahan kami ng kaba ngayon.

"Tita-" pinigilan ko si faith inhale.. exhale..

"Mom and dad, we're canceling the engagement party. Hindi namin gust-" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil sumingit sila nakakainis!

"Dave we cannot, it's all prepared. Next next week na.." My hand formed into a fist at makikita mo du'n na nagagalit ako.

"Why didn't you tell me first?! Kung gusto ko bang magpa engaged?! You two are so unfair! Buhay ko 'to taga gabay lang kayo! Hindi niyo kailangan pagdesisyonan kung kanino ako magpapakasal dahil sarili kong kagustuhan yu-" bigla nalang ako sinapak ng aking  ama sarili kong ama 'yun ah? Nakayanan niyang gawin 'yon sa'kin. 

Sa lakas ng ginawa niyang pagsuntok napaupo ako sa lapag tinulungan naman ako ni faith makatayo.

"Steve! Anak mo 'yan!" Mangiyak ngiyak na sinabi ni mom at pinipigilan niya si dad at tinignan niya ang labi kong puno ng dugo.

"Magulang lang kami pero bigyan mo din kami ng respeto! Satingin niyo ba hindi kami nagdaan sa ganyang sitwasyon? Nahirapan din kami sa una pero nagpatuloy ang panahon at minahal din namin ang Isa't Isa! At sa ayaw o sa gusto mo matutuloy parin ang engagement party!"

"Hinding hindi ko kayang suwayin ang utos niyo.. pero mukhang kailangan ko na." Pagmamatigas ko sa sarili kong tatay sumosobra na sila eh.

"Kung hindi ka man magiging mabuting anak sa'min, mabuting lumayas ka sa pamamahay ko ngayon din." Wala akong nakitang bakas sa mukha niya na may lungkot o awa siya, he has no mercy.

Kailangan ko lang gawin ngayon ay ang mahanap si thea at mahalin siya.. "kung wala din naman kayong awa sa sarili niyong anak, di nako magdadalawang isip na sundin ang iyong utos. Lalayas ako." Madaiin kong sinabi sa kanila 'yun nakita ko si mom ayaw niyang pumayag umiiling siya.

Nakita ko ulit si mommy na umiiyak na at sa nangyayari ngayon nagmamatigasan nalang kami ni dad, I can't stand here with him, ayokong mag tanim ng galit sa kaniya pero sobrang hirap iwasan nu'n.

Umakyat ako at pumunta sa kwarto ko lahat ng gamit ko kinuha ko lahat lahat, halos Wala na'ng natira sa kwarto ko kung hindi ang kama at ang table at mga kabinet nalang.

Pagbaba ko ay agad akong pinigilan ni mommy. "Wag.. Dave please.. Kung kaylan dadating ang iyong ate saka ka aalis? Please.. don't.." pagmamakaawa niya masakit tignan ang nanay mong umiiyak dahil sa simpleng ayaw mo lang matuloy ang Isang okasyon o bagay.

"I'm sorry mom.. mag kikita parin naman tayo eh, I know there's a day na magiging masaya na tayo. Maghintay nalang. Basta mom I love you take care of big sis okay?" Kahit masakit sa kalooban niya tumango siya. "Hindi ko Kasi makayanan tumira sa isang bahay na kasama ang Isang kagaaway." Oo kaaway na ang turing ko sa kaniya.

Papaalis na sana ako nasa gate nako na'ng pigilan ulit ako ni mom.

"Please! Paglumayo ka para nadin akong nawalan ng anak.. please Dave.. stay.." pinipigilan ko ang luha ko ayokong makita ng tatay ko na ganito ako kababaw.

Barkada  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon