JOETHANE POV
.
Inayos na ni prince ang higaan namin at natutulog nadin itong si rovic, mahimbing nga eh tipong hindi na magigising. Joke.
.
"Ako sa dulo-" Hindi ko na naituloy dahil nasa dulo na siya ng sofa bed! Ayoko sa ends! Mamaya may sumilip na kung ano eh! Natatakot ako! "Palit tayo prince." Pagpilit kong sinabi mamaya maging tengang kawali 'to eh!
.
"Jan ka nalang." Sabi niya sakin.
.
"Ayoko natatakot ako." Sabi ko sakaniya at hindi na siya sumagot pa tsskkk!
.
Napabuntong hininga ako at humiga naramdaman kong ang lamig lamig.. jusko anong degree ba ng aircon na ito?!
.
Tumayo ulit ako sa sofa at tinignan ang temperature kaya naman pala naka 16° eh!
.
Siguro nilakasan ito ni mj ang kapal kapal naman kasi ng balat nun paano lalamigin? Mag bawas siya!
.
Mas tinaasan ko nga, twenty lang naman para mabawasan. "Anong ginawa mo?" Tanong ni prince.
.
"Tinaasan ko yung temperature ng aircon." Sabi ko sakaniya at agad siyang napaupo.
.
"Binabaan ko nga eh? Tapos tataasan mo?" Nagulat naman ako sa reaction niya para siyang nanakawan jusko.
.
"Ang lamig." Sabi ko..
.
"Kahit na! May kumot naman joethane eh? Utak gusto mo?" Aba hinahamon ata ako nito ah?!
.
"Meron naman ako eh. Sige na bababaan ko na." Sabi ko sabay baba ng temperature jusko magiging yelo nako dito.. tss sabay pout ko!
.
"Pout pout pang nalalaman jan." Naiiling niyang sinabi pake niya?!
.
Humiga nako at pagpikit ko agad naman akong nakaramdam ng pagkaCR jusko naman!
.
Tumayo ulit ako tapos pumunta sa cr at paglabas ko humiga na ulit ako.. pagpikit ko naman agad akong napadilat dahil sa ilaw?!
.
May nurse na pumasok chineck Lang pala yung dextrose!? Porkchop naman! Ugh.
.
"Ma'am sorry po for interrupting your sleep." Nahiya pa itong babaeng ito sabay patay ng ilaw tapos alis.
.
"Hay.. sana naman di nako magising eh 'no?" Sana may peaceful sleep din ako 'no?!
.
"Gusto mo sa peaceful?" Tinignan ko si prince at tumango ako. "Gusto ka ba? Joke pero gusto mo nga?"
.
"Ano nga?"
.
"Sa sementeryo dami dun!" Kinuha ko yung unan ko at pinalo sakaniya walang hiya!
.
"Isa ka pa!" Tumalikod nako sakaniya at baka di nako makatulog Jan eh!
.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019