109: Lola nenang

57 4 0
                                    

MJ POV


Pagkatapos naming bumaba sa Mt. Mapait nag pasya na kaming pumunta sa tagaytay para naman sunduin ang Lola ni Matthew siguro sinabi niyang gusto niyang makasama sa pasko ang lola niya kaya naman nagpasabi na ipasundo gusto ko naman na din makita si lola nenang eh.


Tumingin nalang ako sa bintana mas okay pa 'to eh. Habang nakatingin ako di ko maiwasan na maalala ang dati. Kapag field trip sobrang saya excited na excited ako lagi nu'n tapos kapag patapos naman sobrang nakakabitin parang gusto ko pa pero inuuhahan din naman ako ng antok at pagod kapag nasa bus na iniisip ko sana maging energetic nalang ako always, pero malalaman mo nalang talagang nakakapagod na nga at di na kaya ng resestensya mo o ng katawan mo..



Lalo na kasama mo ang barkada mo kaya naman napaka sayang mag rides nu'n Lalo na sa star City, enchanted kingdom at tagaytay sky ranch ang dami dami ko na'ng napuntahan na mga park na may rides mapamalayo o mapamalapit gustong gusto ko kapag lagi akong nakakakita ng mga rides naalala ko lahat ng mga sweetest memories ko nu'ng bata ako, balibhasa kasi di ko pa alam na mga nangyayari sa mundo na ganon pala kahirap habang tumatanda ka. May mga Iba't iba kang mga natutunan, nagiging mature ka na, you should think not only on yourself but for the people around you two, dahil ngayon uso na ang mga judgemental na mga tao.


Ang saya sayang balikan ng mga memories na 'yun 'yung bata ka wala kang iniisip wala kang ginagawa.. puro laro ka lang sa labas halos mag mukhang taong grasa ka na pag balik mo sa bahay pero tandaan may sampung kamay ang breeze kaya wala ka dapat ipagalala 'di ba? Kasi di naman ikaw 'yung maglalaba haha! 'Yan ang mga araw na swerte ka pa dahil ramdam na ramdam mong may nagmamahal sa'yo pero ibang kabataan ngayon, habang lumalaki sila sinasabing wala na daw nagmamahal sa kanila pero ang di nila alam maraming marami ang nagmamahal sa kanila ng todo at buo. Di nga lang mahagilap ng mga mata nila.. Kaya sila nagiging depressed or what.


Tapos minsan uuwi ka papagalitan ka dahil napaka dumi mo, minsan late ka na nga nakakauwi mga alas otso nasa kalye ka parin haha.. but the main reason why your mom is getting mad? Because she's stress at madaming iniisip kaya ako nu'ng bata ako naging okay naman ang childhood ko naranasan ko din ang ganyan. Especially nu'ng bata pa ko wala akong iniisip lalo na ang love? Never, crush crush lang 'yan pag hanga lang. I never even think of those things in that early age you shouldn't think of it just go with the flow of your life take all the opportunities na bukas na bukas para sa'yo. Don't ruin your life just for love in your early age dahil love can wait kahit years pa 'yan, love can be with you, with your mother and father hindi ba? Sa family kaya naman dapat sapat na 'yon sa'yo! I'm telling you.


Sobrang saya lang na naranasan ko 'yung mga 'yun maglalaro ng piko, patintero, taya-tayaan, tumbang preso, kasal kasalan, Chinese garter and especially di mawawala ang langit lupa! Haha! Best game ko jan ay Chinese garter taga buhay ako lagi kaya madalas nagiging madumi ang paa ko kaya ayun pinapagalitan ako nila mommy. Si daddy naman lagi akong kinokonsinte kaya favorite ko siya eh haha!


"Mukhang ang lalim naman ng iniisip mo jan, Mj." Napatingin ako kay yaya Nelly at ngumiti lang sa kaniya. Hindi ko nga alam kung paano ko nakuhang pabaitin ang sarili kong 'to eh. 'Yung ngumiti nalang sa mga kung sino sino, hindi katulad dati lagi akong mataray madalas nakakatakot tignan o lapitan dahil sa attitude ko.


Nakakamangha lang na ganito nako ngayon mabait pero medyo may pagkataray pa rin siyempre di mawawala haha! Laging nandito 'yun sa puso ko jan ako sumikat eh Jan din ako nagkaroon ng mga kaibigan na sobrang mababait! Haha! I hope so haha!


Time check it's three in the afternoon kaya naman umaarangkada na ang init dito sa pilipinas. "Yaya Nelly.. sobrang saya ko ngayon na may halong lungkot." Sabi ko sa kaniya kumunot naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko napaiwas nalang ako ng tingin.


Barkada  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon