(This would be the start of the special chapters for the barkada! Kaya naman patapos na 'tong libro, #Finally haha! Haba haba eh ano? Haha! Mga kabarkada sana maenjoy mo 'to! Mwah!)
LUKE POV
~~Baby girl~~
(AFTER 7 MONTHS)
Ngayon na ang kabwanan ng asawa kong sumusobra na ang taba at ang pagod sa pagbubuhat ng baby girl namin sa loob ng t'yan niya nakakaawa na nga ang itsura niya dahil sa mga nangyayaring paglilihi at mga signs pa ng pregnancy eh.
Lagi siyang napapaiyak kapag sumisipa ng napaka lakas ang baby girl namin sa t'yan niya nakakaawang tignan pero at least! Napaka saya kong maramdaman ang sipa ng unica hija namin! Pero 'yung sipa kasi sobrang lakas as in akala mo lalaki 'yung nasa loob eh sana lang maging healthy siya.
Ang daming pinapabili lagi ni Michelle baka nga susunod buong grocery maidala ko dito sa kwarto namin dalawa, di na nga siya lumalayas dito laging naglalakad lakad lang sa may garden patungong pool side tapos babalik ulit dito sa kwarto at hihiga mag papahinga. Tapos kapag bibili naman ako ng mga favorite snacks niya 'yon naman 'yung inaayawan niya kapag wala naman ang mga 'yon hinahanap niya.
Di na uso sa kaniya ang lumabas papuntang mall pwera nalang kung bibili ng gamit ng para sa baby o mag sho-shopping siyempre, nakaalalay ako sa kaniya ayokong mapano siya lalo na't ngayon na pwedeng lumabas ang baby namin!
Minsan nga sinasabunutan din ako kapag naiinis sa'kin, sa pag mumukha ko! Sobrang sakit di birong parang wrestling eh hay nako! Kapag naaalala ko 'yun naiinis na natatawa ako sa bawat reaksyon niya sa'kin, pa iba iba ang mood niya.
Minsan galit sobrang clingy, minsan naman sobrang masiyahin, minsan napaka drama at laging napapaiyak sa di mo alam na dahilan nakaka gulo ng isipan 'di ba? Pero wala eh Mahal ko 'yan kaya bawat hibla niya ng buhok at kung anu-ano pa sa aking katawan eh pinapabayaan ko nalang dahil sa buntis siya at mabilis lang naman ang panahon at pwede na siya manganak at bumalik sa pagiging sweet at mabait niya ulit.
At nga pala lagi kaming pumupunta sa ospital sobra kasi ang alala ko kapag sumasakit ng lalo ang t'yan niya chinecheck ng doktor at nurse ang kanyang t'yan kaya naman tumatango lang ako sa bawat sasabiin nila sa'kin kung ano mga kailangan ng asawa ko o kung ano pa?!
Ngayon mahimbing na natutulog si Michelle, it's January at kabwanan niya na any minute pwedeng sumipa ang baby namin at bigla nalang malaglag 'to syempre di ko hahayaan na ganon ang mangyari ang dami na namin pinagsamahan at pinagdaanan I won't let that happen. Unlimited ako dahil sobrang excited ko na talaga I'm gonna be a father!
Kaya double ingat at lagi ko siyang chinecheck laging nakabantay ang mga mata ko sa kaniya kahit natutulog o nanunuod ng TV at kung anu-ano pa di ko hahayaan na mawala ako sa tabi niya.
“Sweet heart..” Agad akong napatitig sa kaniya at siguro na nanaginip lang siya at nakita niya ko sa mga panaginip niya so sweet naman hehe.. masyado na kong nagiging masiyahin sa totoo lang.
Bigla nalang nagring ang phone ko sabay na nag vibrate ibig sabiin may tumatawag tiningnan ko kung sino ‘yun si mama pala ang tumatawag.
“Anak!”
“Bakit po?”
“kamusta na si Michelle jan? Maayos ba ang lagay niya? Ngayon na ang kabwanan niya mamaya ay naghihingalo na pala ‘yan! Bigyan mo siya ng pansin, Luke.”
“Oo naman mama lagi ko ngang binabantayan eh atsaka bantay sarado ‘to ma, Kaya huminahon lang kayo okay?”
“Nagaalala lang naman ako sa'inyo jan sa pilipinas, kami ng papa mo ay nag sasaya dito at mamaya baka kinakabahan na kayong dalawa ni Michelle dahil sa magiging resulta ng panganganak niya dapat lagi din kaming alerto at updated.”

BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019