71: Matter of time

112 6 0
                                    

(Bago pa magsimula paalala na kay Jun na itong topic na ito! Enjoy!!!)

--

JUN POV


"Jun why won't you smile?" Tanong ng papa ko paano ako ngingiti kung ganito ang sitwasyon ko? Gusto kong magalit sa kanila ni mama pero di ko magawa dahil sa Mahal ko din sila.


"Paano, di ko naman napakasalan ang taong pinakamamahal ko.." yumuko ako at di ko na nakita ang reaksyon niya nakakainis ang araw na 'to hindi ko na napigilan and kasal na 'yon. Alam niyo pwede ko naman ipaglaban si vittoria pero too late.



"Okay naman si Hannah diba? She's beautiful, kind and a loving daughter to her parents, ano pa ang hihilingin mo di'ba?" Umiling ako sa kaniya at tumayo hinding hindi niya ko naiintindihan kahit kelan di nila ako inintindi.


"Iba siya sa taong minahal ko.. ang pagkakaiba nila, may pinagsamahan kami ni via, si hannah sumingit lang." Iritado kong sinabi kay papa hindi ko din naman sila kayang suwayin ayokong magaway kami katulad ng pagaaway ni Dave sa papa niya.


Hindi ko na siya pinasagot pa umalis nako sa kwarto niya at pagbukas ko ng pinto hindi ko inaasahan na makikita si Hannah na umiiyak.


"I'm sorry kung.." Hindi niya matuloy ang sinabi niya. "I'm sorry.." hirap niyang sabiin 'yun sa'kin kita ko sa mata niya na narinig niya lahat ng mga sinabi ko.


Tumakbo siya papasok sa kwarto namin at sa pagkakaalam ko nakasakit nanaman ako ng tao.


Tss.. ano bang problema mo Jun?! Nakakainis ka na! Napaka gulo mo! Napaka labo mo! Tang*na na buhay 'to?!


Pumunta ako sa pinto at kumatok. "Hannah.." Sabi ko at bumukas agad ang pinto.


Tinignan ko siya. "Alam kong nasaktan kita.. I'm sorry nanaman.." maraming beses ko na siyang nasasabihan ng masasakit na salita minsan nadadala ako eh.


Sa mga nararamdaman ko.. nanghihinayang akong sinaktan ko si via eh.. sobra akong nanghihinayang gusto kong ibalik 'yung oras na pwede ko siyang mayakap at gusto ko ako 'yung laging nanjan sa tabi niya gusto ko na lagi siyang komportable sa'kin.. hay.


Nadadala ako sa sakit na nararamdaman ko Kaya nabubuhos ko sa kaniya lahat eh, Kay Hannah. "Okay lang.. Alam mo jun sana di nalang tayo nagkakilala.." tinignan ko siya. "Kasi kung alam ko lang na magiging dahilan lang ako sa paghihiwalay niyong dalawa ni vittoria, I wish I didn't exist in this world.."


"Wag mo sasabiin 'yan.." umiling siya at pinunasan niya ang luha niya. "May halaga ka parin naman sa mundo eh, kahit papaano." Sabi ko para naman wa'g na siyang umiyak ng umiyak.


"Kung totoo sana 'yang mga sinasabi mo.."


"Wag ka ngang ganyan." Saway ko sa kaniya.


"I'm sorry.." napailing ako at humiga sa kama, sakit ng ulo ko simula nu'ng Isang araw pa eh. 


Dala siguro ng sobrang pagkakaisip kay vittoria kung anong nararamdaman niya ngayon, putcha!

Biglang may kumatok sa pinto ko. "Pasok." Sabi ko at iniluwal nito si rovic.


"Pre! Di ka nagsasabing kasal ka na?" Hindi ko siya tinapunan ng tingin nakatingin kasi ako dito sa picture ni vittoria. "Hoy! Snobber!" Tinignan ko na siya nu'n panira talaga timing!


"Ano?"


"Tss problema?"


"Nagpakasal ako sa di ko naman gusto."


Barkada  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon