Chapter 1
Souven's POV
Ito ang biggest adventure naming mag kakaibigan and finally napag tagumpayan namin ito. Nakakangalay man sa binti pero amin itong nakayanan.
"I'm so proud of my self" mangiyak ngiyak na sabi ni veany. Isa sa aking kaibigan na kasama kong mapag-tagumpayan ang aming biggest adventure.
Pare parehong maputik ang aming mga rubber shoes at marumi na rin ang aming mga damit. Halos gutom na rin kami at uhaw but worth it naman dahil ang biggest goal namin na akyatin ang mantary mountain na isa sa pinaka mataas na bundok as in pinaka mataas talaga ay nagawa naming akyatin in just 10 hours. Kaya masayang masaya kaming lima dahil kami ang kauna unahang naka gawa nun, in just 10 hours na akyat agad namin ang tuktok ng mantary mountain. Sa totoo lang isa ito sa pinaka delikadong bundok sa lahat dahil sa kakaibang matutulis na bato nito na madadanan mo once na umpisahan mong akyatin ito. Sobra rin ang taas nito kaya yung iba inaabot ng two or three days bago maakyat ito. Madalas wala ng nakakabalik sa tuwing inaakyat ang bundok na iyun dahil sa may kakaiba raw rito like merong mababangis na hayop pero wala naman kaming nasaksihang ganon siguro ay kathang isip lang ng iilan yun para takutin ang mga nagbabalak umakyat sa mantary mountain.
"Ang saya saya ko talaga. Another adventure nanaman ang ating napag tagumpayan" masayang sabi ni eitsy.
Habang sila ay nag sasaya at nag da-drama ako naman ay naupo sa isang tabi habang hinihingal hingal pa.
"This is for you grandpa" may ngiti sa labi kong sambit kasabay ang pag hawak sa kuwintas na nasa leeg ko na may pendant na susi.
"Hey. Souven? Let's celebrate" Sigaw sa akin ni dake.
"Let's celebrate for this achievement" Dagdag naman grew.
Tumayo naman na agad ako para lapitan sila.
"Let's go" masayang sabi ko pero bakas parin sa aking tono ang lungkot.
"Souven.. I know you miss him" panlalambing naman ni eitsy sakin kasabay ang pag hagod nito sa aking likuran.
Hindi ko tuloy maiwasang mapa luha.
My grandpa was died. Namatay si grandpa last month, oo medyo matagal tagal na rin yun pero naririto parin iyun sa aking puso, parang sariwa pa ang lahat sa akin. Sya na lang kasi ang natitira sa aking pamilya na ngayon ay wala na. Pati sya iniwan narin ako, sumama na sya kina mom at dad na nasa heaven. Ilang araw din akong nag luksa nun. Hanggang sa dumating ang araw na narealize ko na nangako pala ako kay grandpa na lahat ng kakaibang adventure ay tatahakin ko. Dati na rin kasi akong adventurous halos lahat ng kakaibang adventure ay na pagtagumpayan naming magkakaibigan at dati kasama pa namin si grandpa noon but now he is gone. Wala na sya, namatay sya dahil sa heart attack. Wala naman na akong magagawa kundi tanggapin nalang pero bago pa mamatay si grandpa may ibinigay sya sa aking kuwintas na ang disenyo ay susi.
"Enough! Wag na nga kayong mag drama. Hindi ba kayo masaya na naakyat natin ang mantary mountain in just ten hours?" Pag basag trip ni grew.
Kahit kelan talaga basag trip ang grew na to eh.
"Okay fine. Ce-celebrate na nga po eh" pagmamataray ko rito.
I just rolled my eyes.
"Okay follow me" pag prisinta ni veany.
Humirit na naman si veany. Piling leader eh.
No choice kaming lahat kaya sinundan nalang namin sya. Si veany lang naman ang palagi naming leader pag dating sa aming pupuntahan. Actually sya rin ang nag pa-plan sa bawat pupuntahan namin like mantary mountain, hilig lang kasi talaga namin ang kakaibang adventure.
May isang hindi kalayuang restaurant dito sa baba ng mantary mountain kaya minabuti nalang namin na doon nalang kumain dahil pagod at ngalay narin ang mga binti namin.
Binalibag ko agad ang backpack kong walang laman sa kung saan bago umupo sa isang sofa na sobra ang lambot.
"Feel so good"
Ipinikit ko ang aking mata at tumingala upang mag relax.
"Woooo"
Halos mag tayuan ang balahibo ko ng may biglang bumuga ng hangin sa aking tainga. Kaya napamulat ako ng mata. Tss."Ano ba naman dake! Pwede ba mamaya ka na mang trip! Gusto ko munang mag relax!" Sigaw ko rito.
Nakakainis to. Palagi nalang akong trip ng punyemas na lalaking to. Ewan ko ba siguro type ako nito, Assuming na kung assuming basta naniniwala ako sa kasabihang 'Kung trip ka nya malamang Crush ka nya.
"Hindi pwede eh" sabi nito kasabay ang pag puppy eyes.
Inirapan ko lang to ng matindi.
Kinuha naman nya ang kanyang bag na puno ng laman at inilagay ito sa kanyang hita.
"Mag relax kana" naka ngiti nitong pag prisinta.
Ugh. Tatanggi pa ba ako eh pagod na pagod na rin naman ako.
Agad naman na akong humiga sa bag nya at ipinikit ang mata.
"Okay. Here's the order"
Bwiset naman oh. Kakahiga ko palang eh.
Wala naman akong nagawa kundi ang bumangon at hinarap ang napaka daming pagkain sa aking harapan.
"Guys. Wala akong perang i-aambag rito kaya sana libre nyo na lang to sakin"
"Hahaha. Sagot ko na yan kaya wala na kayong dapat ipag alala pa" nakangiting sabi ng galante kong kaibigan na si grew.
Goodness. Napaka swerte ko sa mga to.
Nilantakan ko naman agad ang pagkaing nasa aking harapan. Woo. I like spaghetti talaga.
Ilang minuto akong parang sira dahil hindi man lang mabusog busog ang aking tiyan. Patuloy lang ako sa pag kain kahit alam kong tinitignan na lang ako ng iba kong kaibigan.
"Gotchaaa" biglang sigaw ni veany habang nakatingin sa kanyang malapad na tablet.
"Ow. Another adventure again?" Tanong naman eitsy.
Hindi ko lang muna sila pinansin, gutom na gutom talaga ako ngayon kaya patuloy lang ako sa pag kain at pag order.
"Yup. Mysterious cave" sambit naman ni veany na sinabayan pa ng panakot effect voice.
"What? You mean. Murderous cave?" Gulat na tanong ni grew.
"No way. I mean wag naman sa murderous cave" pag tanggi ni eitsy.
"Well game ako dyan" pag singit ko sa kanila pero patuloy parin sa pag kain.
"Me too" pag sang ayon naman no dake.
"But guys- - - "
Hindi na naituloy ni eitsy ang kanyang sasabihin ng maki sang ayon na din si veany.
"Another interesting mission" sambit nito.
Pansin kong hindi nag sasalita si eitsy o sumasang ayon man lang, ganun din si grew kaya inangatan ko sila ng ulo para makita kung ano ng nangyare sa kanila.
"What's wrong?" Tanong ko sa dalawa.
Kitang kita sa mukha ni eitsy ang kaba at pag aalinlangan.
"K-kasi guys ang murderous cave ay isa sa pinasok ng magkaibigang donald at taler. I know naman na kilala nyo ang dalawang yun, they like us. At ang balita pa, hindi na daw ito bumalik pa hanggang ngayon wala parin sila. Hindi pa sila nakakalabas ng murderous cave o pwede ring tege na sila. So guys gets nyo na ba ang ibig kong sabihin?" Pag kukuwento ni eitsy.
"So what? Ano naman kung di na sila nakabalik? Basta game ako dyan kahit ano pang mang yare" matapang kong tugon.
"What if hindi na din tayo maka labas ng cave na yun? So ano nang mangyayare?" Tanong ni eitsy.
"Life will done" tugon ko sakanya.
"What? Pano na ang family namin kung mamatay agad kami? Hindi mo ba iniisip yun?" Medyo pasigaw na nyang tanong.
Natahimik ako ng ilang saglit at kalaunan ay nag salita rin.
"Basta. Game ako sa murderous cave na yan. By the way ang dating gawi? Kung sinong mas maraming sang ayong pumunta roon, well dun tayo pupunta. Raise your hand sa sang ayon?"
Uminom muna ako ng tubig bago itaas ang aking kamay na sinundan naman ni dake at veany while eitsy and grew are still statue.
"Hey guys. We're waiting..." Pag rereklamo ko.
Nagkatinginan muna sila ni grew bago nakapag desisyon.
"Okay fine." Madiing pag sang ayon ni eitsy.
"Ok. Pasukin na natin ang murderous cave na yan!" Matapang na tugon ni grew.
Gotchaa.
Tamo sasang ayon din pala.
Nagpatuloy nalang ulit ako sa pag kain.
Anyway bakit nga pala nangangamba si eitsy gayung nalagpasan naman namin ang lahat ng adventure na ginawa namin. Alam ko namang hindi maiiwasan sa amin ang kabahan but napag tatagumpayan namin ito pero bakit parang dito? Takot na takot si eitsy.
As usual, sa aming lima ako lang naman ang walang pamilya kaya ako lang ang matapang sa amin. Well wala na naman din kasi akong iisiping pamilya kaya okay lang sakin na sumabak sa ganyang adventure. And i don't care kung mamatay ako, basta game lang ako ng game.
Bakit kasi namatay pa ang mom at dad ko sa bwiset na sindikato na yan eh. Pati si grandpa sumama na rin sa kanila.
I'm so baffle talaga.
Pero ngayong hanggang balikat nalang ang buhok dapat ay mag bagong buhay narin ako. Speaking of my hair, dati ang buhok ko ay hanggang baywang but ngayon hanggang balikat nalang ito, ginupitan ko kasi ito bilang tanda na naka move on na ako sa pag kamatay ng mahal ko sa buhay at naging morena na rin ako dahil sa pag gagala sa buong lugar, ganyan talaga pag boring sa bahay lalo na't mag isa nalang ako.Wala eh namatay na sila eh. Kamusta na kaya ang company ni dad na ngayon ay si tito na ang nag mamay ari. I hope hindi nya pabayaan yun, kahit na wala na dapat akong pakealam don pero kahit papaano amin parin naman yun.
"So kelan tayo sa kuwebang yan?" Tanong ni grew.
"Tomorrow" tugon ko.
"What?" Sabay sabay nilang tanong na animo'y nanalo sa lotto.
"What?" Tanong ko rin na medyo irita.
"B-bakit bukas? Ano wala man lang bang pahinga?" Pag re-reklamo ni eitsy.
"Oh ano naman?" Pambabara ko.
"Souven masyado naman atang mabilis" pag rereklamo rin ni veany.
"So?" Tanong ko na may halong pag mamataray.
"Sus. Nag bibiro lang yan, wag kayong maniwala dyan" matawa tawang sabi ni grew.
Tinitigan ko naman ito habang naka poker face lamang.
"Hindi ako nag bibiro"
"Hehehehe sabi ko nga"
Inirapan ko lang ito pero pabiro lang yun.
"Souven, i know naman na pag dating sa time.. Ikaw ang masusunod but wag naman bukas. Pagod pa ang mga binti natin kaya we need to rest." Dagdag pa ni veany.
Tumayo na ako at kinuha ang backpack kong walang laman.
"That's final!" Pag hatol ko sa kanila. "See you sa tagpuan... Dake tara na!" Dagdag ko pa.
Nag lakad na ako papalabas pero bago yun tinapunan ko muna sila ng isang kaway na mapang asar.
Well dapat lang naman yun dahil palagi na lang silang nasusunod sa ibang bagay kaya dapat ako naman minsan, this time lang. Sure akong maiinis na naman si eitsy at sasabihan na naman akong selfish, So what? Being selfish is my happiness.
"Hoy dake! Ang bagal mong mag lakad! Ano ka uod? Tss." Inis kong sumbat ko sa kanya.
Eh pano ba naman mas nauna pa ako sa kanyang makapunta sa kanyang kotse while sya nag lalakad pa.
"I'll be there" sigaw nito.
Tumakbo na ito para mas mapadali ang pag punta sa kanyang kotse.
"Runner ka pa man din"
Agad naman nya akong pinag buksan ng pinto para maka pasok sa loob at sya naman ay umikot sa kabila upang maupo sa driver seats. Obvious naman na sya ang mag da-drive diba. Hay. wala kasi akong kotse kaya kay dake nalang ako nakikisabay. Tutal mag kapit bahay lang naman kami.
Bakit ba kasi ako sinumpa ng ganito. Piling ko tuloy ang hirap hirap ko. Ako lang kasi ang walang kotse saming lima habang sila meron at nag papagandahan pa, Well gusto lang nila talaga akong inggitin. Tss.
"Next day nalang kaya tayo pumunta sa murderous cave?"
Hayy. Akala ko pa naman sang-ayon tong gunggong na to sakin. Piling matapang eh.
"Final na yun" tugon ko rito.
Tumingin naman ito sa akin at ngumuso na parang naiiyak.
Heto nanaman ang pa cute moves nya. Sarap sampalin ng limang daang beses eh, Pero pasalamat sya dahil gwapo sya. Pero hindi naman sa pagmamalaki. Hay sige na ipagmamalaki ko na, Si dake kasi ang pinaka gwapo sa aming mag kakaibigan syempre dalawa lang naman silang lalaki kaso lamang lang si dake ng sampung pulgada. Ang kanyang mga mata na mala amerikana sa ganda ang nag papadagdag sa kanyang kagwapuhan na kinatitiliin ng lahat ng kababaihan. At infairness dinaig pa nya ang kutis kong morena sa kanyang mala white paint na kaputian, pero soon magiging brown paint din yan.
"Your such a loser" pang aasar ko rito para itigil nya na ang kanyang ginagawa. Actually, mukha naman talaga syang loser kapag ginagawa nya iyun but cute parin naman.
Hinawakan naman nito ang kamay ko.
"Please...." Pag mamakaawa nya.
Ugh. Ang cute nya pag ginagawa nya ang ganyang kapabebehan.
"Okay. In one condition" pang hahamon ko.
"Anong kondisyon?" Tanong nito.
Nginisian ko naman ito.
"Ibigay mo sakin tong kotse at tuturuan mokong mag drive" nakakaloko kong sabi sakanya.
Napabitiw naman sya sa pagkakahawak sa aking kamay at sa manibela na ito humawak.
"Mas magandang bukas na nga lang no" sambit nito kasabay ang pag papaandar ng kotse.
Humagalpak naman ako ng tawa. Gosh. Hindi nya talaga kaya ipagpalit tong kotse nyang ben ten ang design.
"Your such a loser talaga" pang aasar ko pa ulit.
Tinignan lang ako nito ng masama.
Psh. Anong akala nya matatakot ako sa paganyan ganyan. Iwws.
Nang maka recover na ako sa pag tawa ay umayos na rin agad ako.
Naagaw naman bigla ang aking pansin sa rubber shoes kong nakanganga. Naman talaga oh. Ganun ba talaga kabilis ang karma. Tss.
"May rugby kaba dyan? Papakainin ko lang tong rubber shoes ko"
Gusto ko mang hubarin at hawakan ang rubber shoes kaso hindi ko magawa. Grabe kasi ang putik nito.
"Tapon mo na kasi yan"utos ni dake.
Tinignan ko naman ito ng nakakabwiset na tingin.
"Tapon kaya kita sa bunganga ng bulkang mayon! Makapag utos to akala mo kung sinong maluho!"
"I'm just joking"
"Well ako hindi nakikipag biruan. Seryoso ako"
Tumawa lang ito. Tsk. Ano bang nakakatawa, napipikon na talaga ako sa gunggong na to ha. Itatapon ko talaga yan sa bunganga ng bulkang mayon.
Minabuti ko nalang na umidlip upang i relax ang aking sarili.
Lumipas ang ilang minuto.
Nagising naman na agad ako dahil sa biglaang pag preno nitong bwiset na katabi ko.
Siguro nag karoon na ako ng amnesia ngayon kung wala akong seatbelt. Bwiset talaga eh. Gusto nya na akong patayin.
"Bwiset ka!"Sigaw ko rito bago nag kusang buksan ang pinto ng kotse at padabog ko itong isinara.
Maya maya ay binuksan nito ang kanyang bintana at sumilay pa sa akin para lang kindatan ako.
"Bwiset!!!" Sigaw ko rito.
Tanaw na tanaw ko naman ang kanyang pag tawa kasabay ang paglayo ng kotse.
'Tsk. Kahit kailan talaga panira ng araw'
Pumasok naman na agad ako sa bahay kahit patapilok tapilok ako dahil rito sa nakanganga kong rubber shoes. Tumungo agad ako sa salas upang umupo sa aking sofa.
"What a knock knock day souven!"
Itinapon ko ang bag ko sa kung saan at ganun din ang maputik kong rubber shoes isinama ko na rin ang jacket kong madumi.
Tinungo ko ang calendar ko na nakasabit sa wall at binilugan ang date na to, date kung saan napag tagumpayan ulit naming mag babarkada ang pag akyat sa mantary mountain. At sinulatan ko ang date na yun na...
'Mantary achievement'
Matapos yun ay bumalik na rin agad ako sa sofa at doon humiga na parang panda.
'Why they are freaked to that mysterious cave?'
Tanong na biglang pumasok sa aking isipan.
Teka oo nga noh? Bakit kaya? Eh samantalang dati hindi naman sila ganyan kahit na mas nakakatakot pa dyan ang pinupuntahan namin. But dito lang talaga sila nag alinlangang itaas ang kanilang kamay kanina. Nacu-curious tuloy ako.
Kinuha ko ang tablet ko na naka patong lang sa uluhan ko. Balak ko kasing mag search about murderous cave. Tumungo ako sa google upang i search ang murderous cave. Hindi din nag tagal ay lumabas rin ang tungkol sa murderous cave.
"Perilous cave (also known as murderous cave) Kuweba kung saan nababalutan ng misteryo- - "
Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa dahil ang corny kaya sinuwipe ko ito paibaba at doon na kita ang name ng dalawang lalaki na si donald Roo at taler Hock.
Binasa ko ang tungkol sa kanila at doon ko napatunayan na totoo nga ang sinasabi ni eitsy. Actually, si donald at taler ay isa ring adventurer gaya namin at mapapanganib din ang mga gusto nila. Sikat sila dati nung buhay pa but now, no ones know if they are died? Or alive. Wala rin kasing naka sulat rito kung kailan sila namatay o kung buhay paba sila matapos pumasok sa murderous cave.
"Wow. Exciting to"
Hindi ko na pinagpatuloy ang pagbabasa, wala lang, gusto ko lang ma suprise sa mangyayare.
Ibinalik ko na ang tablet ko sa aking uluhan at iniayos na ang pagkakahiga kasabay ang pag taas ng kamay.
"Hmmmm? Ano kayang nag hihintay samin don?"
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel