Dake's POV
"Ugh. Sobrang sakit sa likod" pag rereklamo ni souven.
Sobra nga naman talaga sa sakit. Ewan ko ba kung bakit sumunod kami sa babaeng to. Ang sakit tuloy ng mga likod namin, tumalsik lang naman kami sa isang kumpol na bato. Para kaming tinulak roon ng walang dahilan. Pumasok lang naman kami sa parisukat na ito at ayun na, naririto na kami sa isang lugar na hindi naman pamilyar.
"Omygod. Kakaibang lugar to" gulat na gulat na sabi ni veany.
Pansin kong pare-pareho silang naka nganga habang inililibot ang mata.
Kaya minabuti kong tumayo at ilibot ang mata.
"A-anong lugar to?"
Halos umabot ang aking panga sa batuhang aming tinatapakan.
Ang lugar na ito ay puro abo, para itong kakagaling lang sa digmaan or what ever, siguro ay nasunog ang lugar na ito.
Napaka hamog ng paligid at sobra ang lamig. Para kaming nasa bundok nito.
"Wow." Manghang manghang sabi ni grew habang naka tingin sa kung saan.
Nilingon ko naman ito at isang punong malago ang dahon ang bumungad sa akin. Mababa lang pagkakatanim nito ngunit malago. Wala itong bunga pero nakakapag taka lang na mayroon pang punong nabubuhay sa ganitong lugar, lugar na nasunugan.
"Anong lugar to?" Tanong ni eitsy habang inililibot ang paningin.
Masama ang kutob ko rito. Siguro ay may mahika ang parikusat na napasukan namin. Kailangan na naming maka alis rito.
"Guys. Alis na tayo dito" pag aya ko sa kanila at akma na akong aalis ng mag salita si souven.
"Dake yung camera? Picturan mo dali" utos nito.
Ah ah naman tong babaeng to. Ang lakas pang mag picture sa ganitong lugar.
"Umalis na tayo dito souven!" Sigaw ko.
Masama talaga ang kutob ko. Para kasing may paparating kahit alam kong tahimik ang paligid pero ramdam ko talaga na may paparating.
"Oo nga souven umurong na lang tayo" pag sang ayon sakin ni eitsy na animo'y takot na takot.
"Umurong? Diba wala sa bokabularyo natin ang salitang yan? Chaka guys ito ang pinaka astig na napuntahan natin kaya guys gumala gala muna tayo. I think magandang mag pahinga muna roon sa punong iyun at mag selfie na rin tayo roon para remembrance" pag pigil nya.
"God i'm just dreaming" Natatarantang sabi ni veany habang sinasampal sampal ang sarili.
"Ow guys. Wag nga kayong duduwag duwag dyan!" Sumbat sa amin ni souven.
"Pero souven hindi naman ito ang inaasahan nating mangyare. Ang balak natin eh pumasok sa kuweba at lumabas ng buhay para patunayan sa iba na hindi ito delikado. Wala naman sa plano natin ang pumunta sa kakaibang lugar na to gamit ang parisukat na lagusan na yan!" Wika ni grew.
"Fine. Go away and leave me alone!" Pagtatampo ni souven.
Nag lakad ito patungo sa punong nakita kanina ni grew. Inilabas pa nito ang kanyang cellphone na basag naman ang screen at doon nag selfie.
"Guys.... Sandali lang naman kaya samahan na natin"
Wala naman silang nagawa kundi ang sumunod kay souven at ganun din ako.
At ngayon kitang kita ko na ng malapitan ang punong kanina'y tanaw ko lang sa malayuan. Berdeng berde ang dahon nito at buhay na buhay ang mga sanga nito.
Umupo si souven sa ugat nito at ganun din sila eitsy at veany habang kami ni grew ay nanatiling naka tayo.
"Oh akala ko ba aalis kayo?" Pagtatampong tanong ni souven.
"Souven naman.. Kaibigan ka namin kaya hindi ka namin pwedeng iwan mag isa sa ganitong lugar" wika ni eitsy kasabay ang pagyakap kay souven na sinundan naman ni veany.
Ang drama talaga nilang tatlo.
"Dake.. May napapansin kabang kakaiba?" Bulong sa akin ni grew.
Inilibot ko naman ang aking paningin. Pero wala naman akong napansing kakaiba.
"Hmmm.. Wala naman" tugon ko rito.
Suminghot singhot ito.
"I smell something fetid"
*sniff sniff*
Pansin ko ngang merong malansang amoy ang unti unting nagbabara sa butas ng aking ilong. Malansa ang amoy na medyo nakakahilo.
"What that smell? Something fishy" ani eisty.
"Amoy isda pero parang hindi isda ito" opinyon ni souven.
"Yah you're right" pag sang ayon ni veany.
"Ow. shit" sigaw ni grew.
Nakatingin sa kung saan si grew kaya tumingin rin kami roon.
"O-omy god. A-ano yan" gulat na tanong ni eitsy kasabay ang pag takip sa bibig na animo'y na duduwal.
"K-kailangan na nating- - - "
"Ahhhhhh!!!!!!!!"
Halos lahat kami ay nabigla ng biglang bumukas ang lupa at nilamon kami nito. I mean hindi totally nilamon dahil nasa ere pa naman kami at pabagsak palang.
Pansin kong nasa isang malaking tubo kami at parang dumadaos-os rito na parang padulasan.
Unti unting nagdilim hanggang sa bumagsak kami sa isang malabot ngunit makating damo.
Halos maidura ko naman ang mga damong pumasok sa bibig ko. Dayami ata itong nabagsakan namin kaso kulay green ito. Teka ano bang kulay ng dayami?
"*pwe* *pwe* God na magnet ata ng dila ko ang lahat ng damo to eh" pag rereklamo ni souven.
"Grabe ang dikit dikit naman ng damong to sa balat natin" pag rereklamo din ni veany.
Pansin ko ngang madikit ito sa katawan namin kahit na hindi naman kami nabasa.
"Sino kayo!"
Natigilan kaming lahat sa pagtanggal ng damo sa aming balat at sabay sabay naming nilingon ang nag salita sa may bandang likuran namin.
Halos maduwal na naman ulit si eitsy ng makita ang itsura ng nag salita kanina.
Matanda ito at hindi naman sa pamimintas pero grabe ang amoy, can't describe.
Kulubot na rin ang mukha nito habang ang balbas nitong pag kahaba haba ay puting puti na. Yun nga lang, kung gaano kalago ang ang kanyang balbas ang sya namang ikinaubos ng buhok nya sa itaas. Sa madaling sabi kalbo ito. Sira sirang damit ang suot nito at ang tayo ay parang isang monghe.
"And who are you too" tanong ni souven.
"Ako si Kalbo" sagot ng matanda.
"Hahahahahaha"
Halos mamatay matay kami sa kakatawa ng dahil sa sinabi nya. Tama rin naman sya dahil kalbo naman talaga sya.
"Wag kayong maingay. Baka marinig nila kayo" pag sita nito sa amin.
Kaya halos mautot kami sa pag pigil ng tawa namin.
"Bakit naman ho kalbo ang pangalan nyo?" Matawa tawang tanong ni grew.
Tinignan naman ng masama ng matanda si grew na ikinahinto nya sa pag tawa.
"Tawagin nyo akong ginoong kalbo dahil kalapastanganan kung kalbo lang ang itatawag nyo"
Heto na naman kami. Humagalpak nanaman kami ng tawa. Joker din pala to si lolo. Hahaha.
"Magsi tigil kayo!!" Madiing sabi nito.
Bigla namang tumigil ang bibig ko sa pag tawa at ganun din sila souven. Parang biglang namanhid ang bibig ko kaya hinawak hawakan ko ito dahil hindi ko maikibo ito.
"Kalaspatanganan ang ginawa nyong pag akyat sa itaas" madiin nitong sumbat sa amin ngunit mahina.
Anong pinag sasabi nito?
"Ginoong kalbo ginoong kalbo andyan na po sila" sigaw ng isang batang patungo sa aming kinaroroonan. Teka bakit ganoon ang itsura ng bata, bakit may buntot ito at malaki ang tainga. Kailangang magamot ang tainga nyang namamaga.
Tumingin si ginoong kalbo sa bata.
"Siro isara mo ang pinto" utos ni ginoong kalbo.
Tumingin naman na ulit ito sa amin.
"Maari na kayong mag salita" utos nya bago kami iwan.
Pakiramdam ko naman ay parang bumalik na ang aking bibig at ginalaw galaw ko pa ito upang masigurong gumagalaw na nga ito.
"Sino ba sya?" Tanong ni souven sa kanyang sarili.
Tumayo naman agad kami para umalis sa damong madikit.
"Sundan nyo daw ako sabi ni ginoong kalbo" sambit ng bata sa amin.
Bakit para namang ang liit ng batang ito. Halos hanggang tuhod ko lang ang laki nya eh.
Bumababa ako rito upang maabot ko sya.
"Bata gusto mo bang ipagamot natin ang namamaga mong tainga?" Mahinahon kong tanong rito pero tinalikuran lang ako nito at naglakad papalayo na sinundan naman ni souven.
"Souven!!!" Pag pigil ni eitsy.
Nahinto naman agad si souven at ganun din ang bata.
"Why?" Tanong ni souven.
"Sasama ka? Eh we're not sure pa nga kung masama o mabuti ang mga yan" suhetsyon ni eitsy.
"So?" Pamababara ni souven.
Nagpatuloy na ito sa paglalakad at ganun din ang bata.
"Hayy. Kahit kailan talaga makasarili sya. Hindi man lang nya tayo iniisip. Ugh" pag rereklamo ni eitsy kasabay ang padabog na pag sunod kay souven at ganun din kami nila grew at veany.
Hay. Pag dating talaga sa adventure hindi papaawat tong si souven. Pasalamat sya dahil nandito kami para samahan sya.
-----
Souven's POV
ano ba tong dinadaanan namin? Bakit parang ang dilim dilim.
"Hoy bata san mo ba kami dadalhin!" Sigaw ko sa batang maliit.
Hindi lang ito sumagot.
Naks. Gusto kong sipain eh.
Panandalian akong natigilan ng huminto ang bata kasabay naman non ang unti unting pag alis ng damo sa aking balat.
"Ginoong kalbo narito na sila" sigaw ng bata.
Nang lingunin ko ang bata ay biglang nag liwanag ang paligid at doon ko nakita ang mga aparatos.
"Wow. Teka isa kang scientist?" Tanong ko sa matanda.
"Ganun na nga isa akong siyentipiko"
Uhh. Inulit lang nya yung sinabi ko.
Bahagya itong umupo upang maabot ang bata at may ibinulong ito. Bigla namang kumaripas ng takbo ang bata.
"What's that?" Tanong ni eitsy habang naka tingin sa isang ulo ng kakaibang hayop.
Tumingin lang ang matanda roon ngunit hindi sinagot ang tanong ni eitsy.
Nang libutin ko ang aking paningin ay doon biglang sumabog ang mga tanong. Anong lugar ito? Ano yung nakita namin kanina na may pambihirang amoy? At bakit ganoon nalang ang itsura ng bata at ganun din ang matanda.
Pinagmasdan ko ang awra ng matandang lalaking nasa harapan namin. His eyes... Were fiercely dark. Kakaiba ang matandang to sa akin pero teka. Bakit mayroong tao dito sa ibaba ng lupa?
"Bakit kalbo ang iyung pangalan?" Tanong ko rito.
"Dahil ang pangalang kalbo ang iginagalang sa mundong ito"
Ramdam kong nagtatawanan sila dake sa likuran ko pero hindi ako sumabay sa kanila. Tinitigan ko lang ito na parang kinikilatis.
"Sorry kung natatawa kami ha. Kasi samin ang pangalang kalbo ay nickname or pangungutya" pagpapaumanhin ni veany.
Tumitig naman ito ng matalim kay veany na hindi na pansin ng lahat.
"So bakit mo kami dinala dito?" Pagmamataray kong tanong.
Hindi naman nito sinagot ang tanong ko.
Weirdo.
Bakit nya kami papapuntahin dito ng walang dahilan.
"Hey? For what reason?" Pag uulit ko ngunit na natiling tikom ang kanyang bibig. Pansin ko rin na panay ang gala ng mata nito sa amin. Hindi naman pansin iyun nila eitsy dahil busy sila sa pag tawa.
"I said for what- - -"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may biglang sumulpot sa tabi ko at sumigas ito.
"Ginoong kalbo naririto na po sila!" Sigaw ng batang kanina lang ay kumakaripas ng takbo.
"Nasaan? Nasaan ang mga lapastangang iyun?" Boses na sobra ang lalim.
Yumuyugyog ang lupa na para bang hegante ang paparating.
"Ano yun?" Tanong ko kay tanda.
Ngumisi lang ito kasabay ang pag kalong sa bata.
Nabigla ako ng may bigla humawak sa dalawa kong braso at parang pinipilipit ito.
"Ouch! Aray!" Pag daing ko.
May inilagay ito sa kamay ko at ganun din sa aking paa upang hindi ko ito maigalaw.
"Dalhin ang mga lapastangan na mga yan sa hari!" Sigaw ng matanda.
"Teka ano to?" Tanong ni dake.
Nang tignan ko sila ay naka tali na ang kanilang paa at kamay. Buhat buhat sila ng mga lalaking malalaki ang katawan, actually para silang hindi tao. Para silang halimaw. Ang papanget kasi ng itsura.
"Bitiwan mo nga ako!" Pag rereklamo ni eitsy.
Nanatili lang akong tikom habang naka tingin sa matandang matalim ang titig sa akin habang naka ngisi. May ibinigay muna ito sa mga lalaki bago kami tuluyang dakpin ng mga ito.
"Aray!" Reklamo ko.
Nauntog kasi ako sa kung saan dahil sa mga bwiset na mga kumalong sa akin.
"Omygod"
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nasa paligid namin. Nakapaligid sa amin ang mga taong kay lalaki ng tainga at may mga buntot. Mukha silang takot na takot tignan.
Teka? City ba ang lugar na ito? Eh bakit ganyan ang kanilang mga itsura? Owgod. Baka mayroong nakakahawang sakit sa lugar na ito.
*blaggggg*
Aray.
Ang sakit ng pang upo ko. Ilaglag ba naman kami ng mga bumuhat sa amin sa isang matigas na bagay.
"Sino ang mga yan"
"Sila nanaman ata"
"Bakit sila ganyan"
Nagbubulungan ang mga ito, siguro ay tungkol sa amin. Para silang mga tao kung umasta. Pero hindi eh, tao naman sila pero bakit mayroon silang buntot? Hindi kaya may lahi silang aso? O dikaya lahat ng hayop na may buntot.
Teka iba't iba ang kulay ng mga buntot nila. Mayroong puti,itim,asul at marami pa.
Wait. Bakit parang hindi ko napansin na may buntot din si ginoong kalbo? Wala rin syang tainga malaki? Bakit kaya?
Isinakay kami ng mga kulupong na bumuhat sa amin sa di ko mawaring sasakyan. Basta may parang kahon ito sa likod ng kabayong itim at doon ay hila hila kami nito.
Siksikan kaming magkakaibigan sa kahoy na kahon na ito habang may bakal sa itaas nito, ano to nasa kulungan kami ng aso?
"Guys...." Pag tawag ni grew.
"Why?" Tanong namin.
"Look" utos nito kasabay ang pag nguso para ituro ang gusto nyang ituro.
Pare pareho naman kaming tumingin roon.
Unti unti kaming inilalayo sa lugar na iyun. Lugar na kay liit lang ng espasyo, para bang eskinita. Marumi ang paligid nito na maituturing kong palengke. Pero infairness hindi mabaho sa lugar na iyun maliban lang sa matandang kalbo na yun.
Grabe hindi ko matiis ang kabahuan nya, masangsang na hindi mo maintindihan. Siguro hindi uso sakanya ang maligo.
*tuuggg*
Ugh. Ang sakit.
Biglaang huminto ang sinasakyan namin dahilan para mauntog ako.
"Glurrrr glurrrr" sabi nung bumuhat sa akin kanina.
"Glurr glurr glurrr" sabi naman nung bumuhat kay eitsy kanina.
"Glurrrr glurrr glurrr glurrr" dagdag pa nung bumuhat kay dake kanina.
"Mga siraulo kayo!" Sigaw ko rito.
Ops. Sarry.
Naagaw ko kasi ang pansin nila at tumingin ito sa akin ng masama.
"Sou naman eh" sambit ni eitsy.
Eh nakakairita eh.
"Buhatin na sila" utos nung isang lalaki doon sa isa pang lalaki na sinunod ng lahat ng lalaki. Ang gulo diba.
"May pa glurr glurr pa kayong nalalaman eh kaya nyo namang mag salita sa tamang lenggwahe" sumbat ko sa mga ito.
Binuhat nanaman ulit kami ng mga to upang dalhin sa kung saan. Kung bumuhat ang mga ito ay para kaming sanggol. Diba dapat nakalagay sa balikat? Pero iba sa kanila ha.
"Teka? Ipapasok nyo ba kami dyan?" Tanong ko.
Isang pagkalaki laking palasyon ang sumalubong sa amin. Kulay puti ito at talaga namang malaki. Maraming mga kawal sa paligid, wait normal ang mga ito dahil wala silang buntot o malaking tainga man lang.
*blagggggg*
"Aray ko naman"
Ibinagsak nanaman ulit kami ng mga to. Hindi ko na talaga kaya ha.
"Bwiset kayo ah! Tanggalin nyo tong nasa kamay at paa ko para makapag one on one tayo dito! Tatapang nyo ah. Malaki lang katawan nyo pero once na itusok ko sa balat nyo ang karayom sigurong titili kayo na parang mga babae. Yayabang wala namang binatbat" inis kong sumbat.
Medyo nakakahingal yun ah.
"Sino ang mga yan?"
Napalingon agad ako sa lalaking nag salita.
Wow.
Naka upo ito sa pagkalaki laking upuan at may katabi itong babae na naka upo rin sa pagkalaki laking upuan.
Naagaw ang aking pansin sa lalaking nakapatong ang isang hita sa ang gilid dahilan para umakto syang naka bukakaka.
Naningkit bahagya ang mata ko rito. Medyo malayo layo ito sa akin kaya hindi ko tanaw ang kanyang itsura.
"Mukhang nahihirapan ang babaeng yan na tumitig sa aking kagwapuhan kaya ilapit nyo sya saakin" utos nung lalaki.
What?
Assuming din eh noh.
Teka lang...Ito ba yung hari nila? What the... Bakit parang ang bata naman. Sa tansya ko mga nineteenth lang ang edad nito.
Kasi sa tuwing nagbabasa ako ng fairytale story, ang hari roon ay matanda na at ang mga kasing edad ko lang ay mga prinsipe.
Bigla naman may bumuhat sa akin.
"Uy teka. Uy san moko- - "
*blagggg*
Aray...
Bugbog sarado na ang katawan mo sa kakabagsak ng mga bwiset na to.
"Maari ka na ulit tumitig sa aking kagwapuhan"
Unti unti ko namang ini angat ang aking mukha at doon ko nakita ng malapitan ang kanyang mukha.
Bat ganun ang buhok nito? Gulo gulo na parang style ng mga kpop. Ay. Siguro wala silang suklay rito.
"Hari ka?" Tanong ko.
Bahagya itong ngumiti.
Unti unti itong bumababa at umupo sa sahig katapat ko.
Medyo napalayo naman ako ng kaunti, masyado kasi syang malapit.
Sobrang lapit ng mukha nito. Teka pinapamukha ba nya saakin na makinis ang kanyang pisngi at cute ang mata nyang singkit?
Idagdag mo pa ang matangos nyang ilong at maliit na labi pati yung bangs nyang gulo gulo naman.
"Ang haring iyong tinititigan" malandi nitong sabi.
Grabe sasagot lang sa tanong kailangan pang lumapit ng ganayang kalapit.
"Wag ka namang assuming, hindi naman kita tinititigan" pag tanggi ko.
Ngumiti ito pero sandali lang.
Tumayo na ito at bumalik sa pagkakaupo doon sa malaking upuan. Bumukaka ulit ito.
Hmmm... Nabinyagan na ba to?
Parang wala tong alam eh.
"Haring supot?"
Hala.
Itinikom ko agad ang aking bibig.
Grabe bat ko nasabi yun. Hala nakakahiya.
Napayuko ako dahil sa hiya. Nakakahiya talaga.
"Ikulong ang mga yan"
What?!
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel