Chapter 58

54 4 0
                                    

  Souven's POV
Masaya kong hinipan ang nakatayong kandila sa gitna ng cake.
"Hindi ko naman birthday pero bakit kayo may cake?" Natatawa kong tanong.
Hindi mawala wala sa aking labi ang ngiti habang naka indian sit. Naagaw naman ang pansin ko kay thirp na nakahalukipkip sa sulok ng mini sofa. Halata sa itsura nya ang pagka bugnot. Hindi nya kasi kayang makipag sabayan sa mga baliw kong kaibigan. Nakakatuwa lang isipin na isang hari parin ang tingin nya sa sarili nya.
"Syempre, kailangan nating mag celebrate noh. Biruin mo. Nabuhay kapa kahit ang daming dugong nawala sayo."
Sinamaan ko ng tingin si veany.
"Ang lakas nyo ding patayin ako noh? Kanina ang sabi nyo naabutang naliligo sa sariling dugo na hindi naman kapanipaniwala."
"Hmmm. Gusto mo bang bumisita sa lugar ng hari?" Tanong ni grew habang kumakain ng cake.
Napakunot ako ng noo bago tumingin kay thirp na malawak ang ngisi na para bang nag mamayabang.
"Hari? Hari parin ba sya?"
Bahagyang lumapit sa bandang tainga ko si eitsy.
"Sumakay kana lang. Marami kang hindi alam sa nangyari sakanya nung wala kang malay. Alam mo bang nag wala yan dito sa hospital? Inuutusan nya ang lahat ng doctor na buhayin ka. Hindi daw nya kasi kayang mabuhay kapag wala ka. Pero wag ka mag alala. Nung unang araw nya lang dito yun pero ngayon, nasa lugar na ang pag wawala nya."
"Ang pag bulong ng kung ano ano sa aking alipin ay hindi maganda lalo na't puro kapalpakan ko ang iyung binabanggit."
Pareho kaming nagitla ni eitsy sa biglaang pagsulpot ni thirp sa aking gilid na nakahalukipkip parin pero nakatayo na sya.
"A-ah. W-wait guys. Kailangan ko lang mag palabas ng nerbyos. H-hehe." Parang isang batang naiihi si eitsy bago lumabas ng pinto.
"Pst." Halos mag tayuan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mabango nyang hininga na nakatapat sa aking tainga. "Anong ibig sabihin nung kaibigan mong may pag ka madaldal?" Namintas pa ang hari.
"Naiihi lang yun." Bulong ko din.
"Ahh... Pero paano nya ilalabas ang kanyang nerbyos gayung naiihi pala sya?"
Napasampal na lang ako sa aking noo. Hindi ako sanay na mag karoon ng kausap na slow. Hay.
"Basta."
"Sige. Naiintindihan kita pero pag uwi natin sa bahay ipaliwanag mo sa akin kung paano para naman masubukan ko. Masyado kasi akong ninerbyos nung hindi pa namulat ang mga mata mo." Huli nyang bulong sa akin bago bumalik muli sa sulok.
"Madami bang nagawang kapalpakan ang lalaking yan?"
Halos mabulunan si veany ng tanungin ko iyun.
Bigla namang tumayo si thirp.
"Hindi ko gustong marinig ang tungkol sa aking naranasan dito sa makabago nyong lugar." Wika nito bago lumabas ng kwarto.
At doon na ibinuhos ni veany ang malalakas nyang tawa.
"Huwag kang tumawa ng malakas!" Nahinto si vean sa pag tawa ng makita nya ang mukha ni thirp na nakasilip.
"Pasensya na." Nagpipigil na sambit ni veany.
Nang marinig na namin ang pag sara ng pinto ay muling tumawa si veany ngunit mahina nalang.
"Alam mo may sira na sa ulo ang babaeng yan." Wika ni grew.
Napairap nalang ako sa kawalan.
"Ano bang nangyari nung wala akong malay? Paano napunta yan dito?"
Si dake ang hinihintay kong mag kwento kaso mukhang busy sya sa pag kain ng cake kaya si grew nalang ang binalingan ko ng tingin.
"Um. Okay. Ako na ang mag kukuwento sa nangyari." Huminga muna si grew ng malalim bago mag simulang mag kwento. "Nasa kalagitnaan kami nun ng pag tulong sa ama ng hari na syang natamaan ng espada ng biglang yumanig ang lupa dahilan para magkanda hilo hilo kami at maya maya lang ay nakaamoy kami ng kung ano na naging dahilan para mawalan kami ng malay."
"At pag katapos nun nagising nalang ako na si ang grew na lang ang kasama. Tapos nung ilibot namin ang ang paningin, doon sumalubong ang ating lugar. Ang normal nating lugar. Naglakad lakad kami nun ng kaunti hanggang sa makita namin silang lahat na nakahiga sa pedestrian lane na naging dahilan ng traffic and then isa isa namin silang itinabi para hindi makahara sa daan." Dugtong ni dake.
"Tapos nagkaroon na kami ng malay at medyo nanibago pa kami sa lugar. Tinanaw ko ang iilang mamamayan na pinamumunuan ni daking na naiiyak dahil sa tuwa. Normal na kasi sila, hindi na malaki ang tainga nila at wala narin silang buntot." Dagdag pa ni veany.
"Syempre, naalarma kami nun dahil ang akala namin wala silang alam sa lugar natin pero nag kamali kami. May naiwan daw silang pamilya rito bago mapadpad sa lugar na yun. Kumbaga nadamay lang sila sa sinumpang lugar nayun." Pag balik ng kwento kay grew.
"Edi umuwi na kami non sa bahay para mag ayos at sakto namang pag uwi namin. Nakita ka naming naka higa sa harapan ng bahay nila eitsy kaya agad ka naming sinugod rito sa hospital. Actually, hindi lang ikaw ang nakahiga don. Pati ang hari nakahandusay rin don." Pagbalik kay dake.
"At nung binalikan namin ang murderous cave wala na roon yun. Naging isang magandang hardin nalang yun na tinatawag ng hari na pag mamay ari nya. Sa totoo lang sakanya naman talaga siguro yun kasi may nakaukit sa batong puti roon. Thirp kniff at ang sabi nya ngalan daw nya yun." Sambit ni veany bago kainin ang icing sa ibabaw ng cake.
"Dinadayo na nga ng mga tao ang hardin na yun na bigla nalang sumulpot at maniwala ka't sa hindi. Tinaguriang hari ng hardin ang dating hari ng isinumpang lugar. Alam mo nahihiwagaan din ako dun. Ayaw nyang tatawagin namin syang thirp dahil iisa lang daw ang tatawag sakanya nun at walang iba kundi ikaw. Tss. Special ka sakanya." Sambit ni dake.
"Inggit ka?" Pang aasar pa ni grew.
"Dinuh." Nagpapalambing pang tugon ni dake.
"Ano namang balita kay cat,tic,frince,queen,queeny,chin,ate saysas at ang dating hari na nabuhay?"
"Correction sou. Dating hari na patay na ngayon." Pag tatama sa akin ni veany.
Natigilan ako ng bahagya.
"Paano?"
"Well, ganon talaga. Natamaan ng espada. Panandalian lang ang nya buhay rito sa mundo." Pang gagatong ni vean.
"How about the others?"
"Sa totoo lang wala na kaming balita sakanila. Hinanap na din namin sila sa internet at sa mga pulis pero wala talaga. Siguro kasama na silang naglaho." Sabi ni grew.
"Pati ang mga kawal at tao na namatay sa lugar na yun ay naglaho na rin maliban lang sa dating hari na nagawa pa naming ipalibing. Habang si ate saysas naman. Mag isa paring nabubuhay malayo sa ating lugar."
Bahagya akong napayuko. Nalulungkot ako sa sinapit ng ibang mga namatay. Nadamay lang naman sila dahil sa kagaguhan ni chin. Kung hindi lang sana nabuhay ang chin na iyun dito sa mundong ibabaw malamang payapa kaming namumuhay.
"At yung tatlong pinuno naman ay parang isang normal na tao nalang. Walang kapangyarihan at namumuhay na rin ng normal. One time, binisita ka ng tatlong yun dito para mangamusta. At mag mula noon, hindi na sila nag pakita pero nag pasalamat naman ang hari sa ginawang tulong nila." Nakangiting sabi ni dake.
"How about cat,ty and tic?"
"Yung ty binisita karin dito. Isa pala sya sa mga sikat na scientist dito sa lugar natin. Sya yung isa sa idol ni grew. Diba grew?" Tumingin si veany kay grew at bahagyang itinaas ang dalawang kilay.
"Yap. Si cat naman nandon sa bahay ni dake. Ayaw umalis." Trivia pa ni grew.
Sumabog ang tawa ko ng marinig ang sinabi ni grew.
"Wala eh. Naawa sila mom at dad dahil nag kwento ng masasakit na nakaraan si cat. Kaya ayun nakumbinsi nya ang parents ko na doon muna tumuloy sa guest room. Kesho wala daw syang pamilya rito." Nakasimangot na sabi ni dake.
"Naku ganyan din ang ginawa ni tic kay mom at dad. Kesho asawa ko daw sya pero hindi madaling mauto sila noh kaya naghanap kami ng hotel para doon sya i check in." Share ni vean.
Ang dami ko palang na nalagpasang moment. Ang akala ko pa naman panandalian lang ang two weeks pero marami rin palang masasayang nangyari na hindi ko nasaksihan.
"Mga walang alam ang mga yun sa lugar natin. Madami na daw kasing nagbago. Alam mo bang muntik ng makipag away si tic don sa waiter nung nag dinner kami sa isang resto. Kasi naman nakalahad ang kamay nung waiter na naghihintay ng tip eh eto namang tic biglang binalian ng kamay. Akala nya daw kasi binabastos ako ng waiter. Ang labo ng dahilan nya noh?" Nakangiwing sabi ni veany.
"Well, ibahin nyo si cat. Makipag away ba naman sa lababo namin. Mag iipon daw kasi sya ng tubig para maghilamos eh ang kaso hindi daw sya makapg ipon kasi daw hinihigop nung lababo yung tubig na lumalabas sa gripo. Grabe ang tawa nila mom at dad." Dagdag pa ni dake na medyo natatawa rin.
Akala ko bihasa sila sa lahat ng bagay. Hindi ko din naman sila masisisi, marami naman na talagang nag bago rito sa lugar. Siguro nung isinilang sila rito. Wala pang mga ganyan. Ang tatanda na siguro nila. Hindi lang halata sa mukha nila.
"Hey guys. Guess who kung sinong kasama ko ngayon." Pumasok sa pintuang puti sina eitsy,cat at tic.
Nanlaki ang mata ko ng humikbi si cat at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
"Nag Worry ako sayo ha! Ang tagal mo bago magising!" Bulong nya sa akin. Hindi din nag tagal ay kumalas rin sya.
Akmang lalapit sa akin si tic para siguro yakapin ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Sinabi ng no hugging!"
"Hay. Sayang." Pang hihinayang ni tic.
Masama ang mukha ni thirp habang papalapit sa akin.
"Para kayong mga isda na nag susumiksik sa isang lata!" Pag rereklamo thirp habang kunot ang noo.
Muli na namang napatawa si veany.
"Naalala nyo ba nung pinakain natin ang hari ng sardines? Ilang saglit lang nating iniwanan aba biglang nasa aquarium na ang sardines kaya ayan, nag kulay dugo ang tubig sa aquarium nila eitsy." Matawa tawang sabi ni veany na sinundan pa ng tawa ng iba. Gusto ko rin sanang makitawa kaso nakatingin sa akin ng masama si thirp.
Bahagya kong simantala ang pagkakataon para lapitan ang tainga nya.
"Huwag kang mag alala, sasamahan kita kung killjoy ka." Bulong ko.
Natanaw ko naman ang tipid nyang ngiti na halos ay palihim. Hinawakan nya ang aking kamay.
"Uwi na tayo. Gusto na kitang masolo." Sambit nya kasabay ang biglang pag amo.
Ako lang talaga ang may kayang mag pangiti sa lalaking hindi palangiti tulad nalang ng isang toh.
"Tara?" Masaya kong sabi bago tanggalin ang mga apparatus na naka kabit sa aking katawan.
Tumayo na ako at naglakad palabas. Wala akong pake alam kung suot suot ko parin ang hospital gown. Wala eh, alipin ako kaya once na mag aya ang hari ko kailangan kong sundin.
"Hoy teka san kayo pupunta?"
Hindi ko pinansin silang lahat na nakatunog sa paglabas namin.
"Um. Ma'am bawal pa po kayong lumabas ng hospital dahil kailangan nyo pa pong mag pahinga- - "
"Miss. Ako ng bahala sa babayaran. Hayaan mo na silang umalis."
Nginitian ko si dake na ginamit ang kagwapuhan para libangin yung nurse na humarang sa amin.
Agad naman na akong naglakad. Hinubad ko narin sa daan ang suot kong hospital gown. Duh. Bayad yun kaya pwedeng pwede kong ibalandra yan sa kung saan saan.
"Kapag daw mag kasama ang dalawang taong may relasyon sa iisang bahay ibig sabihin magka live in na kayo."
Tinignan ko si thirp na seryosong nakatingin sa daan.
"Oo. Bakit mo natanong?" Nakakunot kong tanong.
"Ibig bang sabihin... Mag asawa na tayo."
Lumingon ako sa gawing kaliwa para maitago sakanya ang ngiting lumalabas sa aking labi.
"Kinikilig ka na naman. Alam ko ang pinagkaiba ng mag asawa at ka live in partner kaya hindi makitid ang utak ko. Huwag kang magmataas porket tinanong ko saiyo yun. Tinuro sa akin iyun ni dake na syang nakauna sa masahe mo."
What the. Ilang araw na ang lumipas pero yung masahe parin ang iniintindi nya?
"Ah gusto mo ng masahe. Okay, tara sa kwarto." Sambit ko. Bago sya higitin palabas ng hospital.
"T-teka. W-wag k-ka n-namang padalos dalos. B-baka- - "
"Shut up. Wala ng baka baka." Ngumisi ako. "Doon tayo sa sigurado."
Para syang isang bangkay na nagulat. Pasmado ang kanyang kamay na tila'y kinakabahan.
"Ngayon ko lang napag tanto na delikado pala ang masahe." Wika nya  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now