Souven's POV
Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa kanya. Habang hawak hawak nya ang kamay ko at hinihigit ito.
Sayang. Hindi ko tuloy naka usap si grew about sa mga crush crush. Bakit ba kasi lagi nyang alam kung nasaan ako. Stalker ko ba sya?
Kakainis.
" Paano kung wala ako sa tabi mo para iligtas ka? Sinabi ko naman kasi sayo na wag ka ng mag pumilit pang lumabas ng palasyo. Alam mo namang mahirap sa labas. Hindi tayo sigurado kung kailan susulpot ang mga kuneho tapos palabas labas ka pa! Ayoko na ulit yun! Wag mo ng gagawin ulit yun!" Sermon ni thirp sakin.
Napapanguso na lang ako at napapayuko.
*poinnkk*
Nauntog ako sakanyang likod. Huminto na pala sya sa pag lalakad. Inangat ko ang aking tingin at saktong kakaharap nya lang sa akin. Hinawakan nya ang balikat ko kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa singkit nyang mata. Bakas roon ang pag aalala kahit hindi nya ipakita sa ekspresyon nya.
"Wag mo na ulit gagawin yun. Mangako ka sa akin"
Para akong napako sa kinatatayuan ko. Napaka seryoso ng tono nya. At nagiging sweet para sakin yun.
"A-alin b-ba y-yun?"
Nagpakawal sya ng isang malalim na pag hinga bago ako sagutin.
"Ayokong walang madatnang alipin sa kwarto mo"
Napakagat ako sa lower lip ko ng marinig ang kanyang sinabi gamit ang seryosong tono. Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha mula sa aking mata.
Hindi ko alam kung bakit iniiyakan ko sya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng iba sa tuwing maririnig ang boses nya. Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako sa tuwing pinoprotektahan nya ako. At hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Pinapabilis nya ng tibok ang puso ko. Pinapatayo nya ang mga balahibo ko at pinapupula ang pisngi ko.
Anong meron sayo at bakit parang nababaliw ako!
"B-bakit ka umiiyak? T-teka anong nag yari? S-sinong nag paiyak sayo?" Utal utal nyang tanong.
"S-salamat sa concern mo"
"T-teka sinabi kong hindi ako con- "
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya. Agad kong inangkin ang katawan nya. Niyakap ko sya ng maghigpit at balikat nya, binuhos ko ang lahat ng luha. Hindi ko alam kung nagiging isip bata ako ngayon. Para akong batang hindi pinakain ng ilang taon kung magulgol.
Bakit ba napaka importante para sakin ang concern ng isang tao? Bakit!
Ang o.a o.a ko na sa mga oras na to. Ayoko ng ganito!
"A-ano bang ginagawa- - Tahan na nga. Tumigil ka na sa pag iyak." Pag papatahan nya sa akin.
Kahit anong pag pigil ko sa pag iyak mas lalo lang lumalala ang lahat.
"G-gusto mo bang bilhan kita ng pag kain?"
"Sira! Hindi ako bata para bigyan mo ng ganyan"
"T-tumahan ka na kasi. H-hindi ako sana na u-umiiyak ka ng ganyan"
Mas lalong humigpit ang pag kakayakap ko sa kanya sa di malamang dahilan. Alam kong nangangalay na sya sa pag baba ng kaunti para lang maabot ako. Medyo matangkad kasi sya sakin ng kaunti.
"Inuutusan kitang tumigil sa pag iyak! Ngayon na!"
"Sorry. Hindi ko kayang sundin ang utos mo mahal na hari"
Ipinikit ko na lang ang mata ko, nagbabakasaling mapatigil ko ang pagluha.
Biglang nag taasan ang balahibo ko ng makaramdam ako ng pag hagod sa aking likod. Na sinundan pa ng maraming beses.
Damang dama ko ang pag hinga nya ng sobrang lalim.
"Wag ka ng umiyak baby... Wag ka ng umiyak baby... Tahan na.. Papangit ka nan baby kaya tahan na.. Tahan na baby.. Tumigil ka na baby.. Tahan na..."
Halos mamatay matay ako sa kakatawa ng kantahin nya ang mga katagang yun. Grabe, hindi na nga tumutugma sintonado pa hahahaha.
Hindi ko mapigilan ang pag tawa ko kaya napak kalas ako sa pag kakayakao sa kaya at napaupo. Nakahawak ako sa tyan ko habang tawang tawa.
Masama sigurong tawanan ang seryoso nyang pag kanta. Nawalan ako ng ganang tumama ng makita ang reaksyon ng mukha nya. Naka poker face lang sya pero alam kong galit ito dahi sa ipinapahiwatig ng kanyang mga mata. Agad akong tumayo at tumikhim.
"I'm sorry"
"Tss. Hindi nakakatuwang tawanan mo ang pag kanta ko lalo na't ang ina ko ang gumawa ng lyrics na yun. Tss. Nakaka dismayang sayo ko unang kinanta yun tapos pag tatawanan mo lang pala. Hay. Bumalik kana sa palasyo"
Tahimik itong tumalikod at nag lakad papalayo.
Para naman akong pinako sa kinauupuan ko. Hindi agad ako naka galaw para sundan at humingi ng tawad sa kanya.
"Ang tanga tanga mo talaga sou"
Pinadapo ko ang aking palad sa aking noo.
Paulit ulit ko namang tinatapik tapik ang pahamak kong bibig.
Nakakainis naman kasi. Sino bang hindi matatawa kapag narinig nya ang boses nyang wala sa tono. Okay sana kung magaling syang kumanta kaso hindi eh. Hay. Nakakainis ka souven alam mo ba yun. Napahiya tuloy sya sa akin. Mahalaga pa naman siguro ang kantang yun para sakanya lalo na't gawa iyun ng kanyang ina para sakanya. Siguro miski ako magagalit kapag pinag tawanan ang gawa ng ina ko.
Huminga ako ng malalim at ibinagsak ang aking balikat na parang nawalan na ng gana sa buhay.
"Hey?"
Walang gana kong nilingon ang lalaking nasa gawing kaliwa ko na syang tumawag sa akin. Naka pasok ang mga kamay nito sa kanyang bulsa at malaki ang ngiti.
"Ako ba yung tinatawag mo?"
Walang gana kong tanong.
"Yap. Tara, sama ka sakin. Mukahng badtrip ka eh"
"Ah no thank- - "
Hindi na ako nakatanggi ng bigla nyang hablutin ang kamay ko at hinigit ito. Parang sira ulo ang bwiset na to. Pwede naman kaming mag lakad bakit kailangan pang tumakbo. Nakaka hingal ang kanyang ginagawa at nakaka bwiset para sakin yun.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Pag pupumiglas ko.
"Ayoko nga. Hawak ko na bibitiwan ko pa. Ano ko sira?" Pamimilosopi pa nya.
"San mo ba ako dadalhin?" Iritable kong tanong.
"Basta. Sumunod ka nalang gaya ng pag sunod mo sa kanya"
"Pwede ba! Hindi kita hari at hindi mo ako alipin para sundin ka!"
Pilit kong pinipigil ang aming pag takbo at pilit ko ring binabawi ang aking kamay. Pero kakaiba ang lakas nya. Para lang akong isang papel sa kanya na nagpapadala lang sa kung saan man nya ako dalhin.
"Basta sumunod ka!"
-----
Dake's POV
Kitang kita ko ang ginawa nyang pag yakap sa hari. Para akong binuhusan ng kalungkutan ng masaksihan ko ang kanyang ginawa. Nasasaktan ako kaya hindi ko na pinag patuloy ang panonood sa kanila. Wala na. Naunahan na ako ng iba. Ang baliw ko din naman kasi. Bakit ba kasi hindi na lang ako umamin agad kaya ayan naunahan na.
Ang daya nya. Samantalang sakin hindi nya ginagawa ang ganun. Na umiyak sa balikat ko habang yakap yakap sya. Hay. Gusto ko syang damayan kaso, meron na syang sandalan.
"Hay. It's okay bro. Malay mo friendly hug lang yun. Alam natin na ikaw ang gusto nya at hindi ang mayabang na haring yun kaya wag ka ng mag emote dyan" pag papakalma sa akin ni grew habang hinahagod ang likod ko.
"Sira!" Singhal ko bago tabigin ang kanyang kamay na nasa likuran ko. "Hindi ako nag e-emote! Napapaisip lang ako. Eto napaka Over, palibhasa ganito ka nung nakita mong may yumakap kay eitsy. Hoy ikaw wag mo nga akong igaya sayo. Hindi ako madarama gaya mo"
Dinaig pa nya ako sa pag da-drama. May pag hingi hingi pa sya ng isang magarang baso kay ms. Saysas, dahil daw mag iinom kami.
"Hay." Nilagok nito ang laman ng basong hawak hawak nya na kanina pa nya pinapaikot ikot. "Ilabas mo na yan dake. Wag mong ikimkim" dagdag pa nya.
Isang kunot noo ang isinagot ko sakanya. Kahit kailan talaga.. Naku grew. Nakakatuwa lang na pag masdan na nilalagok nya ng ilang beses ang tubig na kanyang sinasalin na akala mo'y totoong alak. Alam ko namang hindi sya mahilig sa alak kaya nasasabihan syang bading ni eitsy. Malinis na lalaki ang bansag ko kay grew. Dahil kahit kailan hindi pa nito binalak na uminom o mag bisyo. Wala karing makikitang tattoo sa kanyang katawan at kapag nakita mo ang kanyang naks napaka linis. "Yabang neto! Eh gatas lang naman ang kaya mong inumin!" Pang aasar ko sa kanya.
Ab. Umakto ba naman sa harap ko na parang lasing na pagiwang giwang.
"Tss. Ikaw na nga tong dinadamayan tapos ako pa tong inaasar. Badtrip naman non. Hay. Maka alis na nga- - "
"Wag ka ngang mag inarte. Umupo ka lang dito. Damayan mo lang ako"
Napaka bilis nya talagang mauto.
"Hirap talagang tamaan sa mga babae noh" pag sisimula nya ng kadramahan.
"Dami mong alam, kaya ka hindi ginugusto ni eitsy eh"
"Badtrip ka talaga eh noh. Sumakay ka na lang. Ikaw na nga tong dinadamaya- - "
"Oo na. Oo na. Nga pala. Wag mong ipapaalam kina veany at eitsy yung tungkol sa nakita natin ha. Lalo na kay souven wag na wag."
"Bakit naman?"
"Alam mo naman siguro ang ugali nila. Paniguradong sesermonan nila si souven"
Napa isip itong bigla.
"Hmm. Tama ka. Secret na lang nating dalawa yun"
Isang ngisi lang ang tinugon ko sa kanya bago nilagok ang isang baso ng alak. Napakit ako ng mariin dahil sa sobrang tapang ng alak. Nag sisisi tuloy ako na hilingin kay ms. Saysas ang ganito katapang na alak.
"Bro kamusta na nga pala- - "
"Ahhhhhh!!!!!!"
Parehong namintig ang tainga namin ni grew ng makarinig kami ng panaglitang ingay. Pareho kaming napatingin sa bahay ni ginoong kalbo.
Anong nangyayari sa loob?
"Anong ingay yun?" Nagtatakang tanong ni grew.
Nabaling ang aking pansin sa isang babaeng biglang nag sara ng bintana na sinundan pa ng iba. Binalot ng katahimikan ang lahat. Anong ingay yun na nag patahimik sa lahat?
Hindi lang basta nag patahimik. Bumakas sa lahat ang takot.
"Weird sound" bulong ni grew.
Napatayo ako.
Naibagsak ko ang basong hawak hawak ko kanina lamang. Hindi ko alam kung bakit. Bumalot sa aking katawan ang pag interesado.
Pinakinggan ko ang paligid. Unti unting tumatagos sa aking tainga ang mahinang ingay. Parang tunog na isang taong nag papiano. What's that?
Pareho kaming nakinig sa tunog na dumadalaw sa aming tainga. Narinig ko na ito.
Katulad ng tunog na yun ang tunog sa ginagawang ritwal ni mom. Ritwal na hindi mo intindihan kaya minsan napag kakamalan kong baliw si mom.
"Sounds scared" nangingilabot na wika ni grew.
Humakbang ang mga paa ko ng walang ingay habang patungo sa bahay ni ginoong kalbo.
"Hey? Aning ginagawa mo?" Pag pigil sa akin ni grew.
"Shhh.. Just shhh..." Pag papatahimik ko sa kanya.
Dahan dahan kong idinikit ang aking tainga sa kanyang pinto na kakagawa lang. Nasira nga pala ito ng mayabang na hari.
"Sorry. Curious din ako" pilit ngiting bulong sa akin ni grew kasabay ng pag gaya sa ginawa ko.
Pinag buti ko na lang ang pakikinig ng tunog.
Tama nga. Mukhang may nag papiano sa loob na sinasabayan ng.. Mga salita. Hindi ko maipahiwatig ang mga katagang binabanggit na kung sino man sa loob. Ilang minuto ring ganon lang ang naririnig ko ng biglang mahinto ito. Nahinto ang magulong sinasabi nito.
"Konti na lang. Ipahiwatig mo na! Dalian mo na!" Malalakas na sigaw na paulit ulit na binabanggit sa loob.
Madiin ang tono at mukhang galit ang taong yun sa mundo.
"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!" Isang nakakabinging sigaw ang nag palayo sa amin ni grew sa pag kakadikit ng aming tainga sa pinto.
"Nabingi ang mga dumi ko sa tenga" bulong ni grew.
Panandalian ko lang na ininda iyun at muling nakinig ulit.
"Masasaktan ka kapag hindi agad naipahiwatig yan. Sabik na sabik na ako. Gusto ko ng... Ugh. Nasasabik na talaga ako. Miss ko na ang mga alagad ko. Gusto ko na ng wasakan!"
Kinikilatis ko ang boses. Hindi ito si ginoong kalbo. Hindi matanda ang nag sasalita. Bata. Boses bata ang sumisigaw.
"Ayusin mo ang trabaho mo ng hindi ko bawiin ang gantimpalang inalay ko"
Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag uusapan.
"Pasensya na po mahal na- - - "
*blenggg*
Pinandilatan ko ng mata si grew dahil sa ingay na ginawa nya. Sinagi lang naman nya ang palangganang katabi nya na may lamang kakaunting tubig.
"S-sorry" pag hingi nya ng tawad.
Balak ko na sanang umalis kaso mukhang ayaw ng tainga ko.
"Wag mong pansinin ang dapat hindi pinapansin! Pag tuunan mo ng pansin ang mabagal mong inbensyon! Dalian mo! Gusto ko ng makabalik! Sabik na ako!"
Bumagsak kaming pareho ni grew ng biglang bumukas ang pinto.
Patay.
Unti unti akong napatingala at boom. Isang madilim at nag tatakang mukha ang sumalubong sa akin.
"Anong ginagawa nyo sa tapat ng pintuan ng bahay ko?"
Napangit na lang akong pilit.
Pansin ko ang pag tingin na ginawa ng bata. Mukhang sya ang kausap kanina ni ginoong kalbo pero hindi eh. Bata lang sya at parang walang alam sa mundo. Siguro meron pang ibang kasama sila sa bahay.
"A-ah ano kasi po ummm"
Sakto namang tumigil sa aking harapan ang isang ipis.
"Ah hinihuli lang po namin si antonio" pag papalusot ko kasabay ang pag turo sa walang kamuwang muwang na ipis.
Napakunot naman sya ng noo.
"Ipis? At ano naman ang balak nyo sa isang ipis?" Nag tataka nyang tanong.
Nag tayuan ang balahibo ko ng maamoy ang nakakasulasok na amoy ni ginoong kalbo.
Napaka sangaang ng amoy. Napaka baho. Ilang araw ba syang hindi naliligo? Siguro once a year syang naliligo.
"A-ah. Balak po kasi naming ihawin para sa picnic" pag dagdag ni grew.
Isang nakaka diring reaksyon ang ibinato ko kay grew. Grabe, sa dinami daming magiging dahilan bakit yun pa?
Agaran kaming tumayo ni grew. Palihim ko namang pinag masdan ang loob ng bahay habang nagpapalusot si grew kay ginoong kalbo.
Hmm. Walang piano. Pero san nang gagaling ang tunog kanina. At wala rin namang kakaiba sa loob ang tanging kakaiba lang ay yung bata. Teka. Bakit ang itim ng labi nya?
"Um. Excuse me? Bakit maitim ang labi ng bata?" Pag singit ko sa kanila.
"Pinainom ko sya ng kumukulong uling para sa sakit ng tiyan"
Medyo napaliyad naman ako ng kaunti ng dahil sa sinabi nya.
Gamot pala ang pinakulong uling sa sakit ng tyan? Iba din. Basta sa lugar namin hindi uso ang ganyan. Siguro once na inumin ni souven yan malamang sinugod na sa ospital ang babaeng yun.
"Alis na. Umalis na kayo. Mabuting mag pahinga nalang kayo sa inyo" pag papataboy nya sa amin bago padabog na isinara ang pinto.
Hindi na kami muling nakinig pa sa usapan sa loob. Minabut nalang namin na pumasok sa loob ng bahay ni ms. Saysas. Dumiretso kami sa kusina at umupo sa high chair.
"Walang kakaiba sa loob pero ano yung napakinggan natin kanina? Yung piano? Eh wala namang piano sa loob? Ang tanging nandon lang ay ang bata. Batang pinainom ng kumukulong uling" i said.
"Ang weird weird talaga ng mantandang yun. Biruin mo kayang kayang hindi maligo ng ilang taon. Grabe. Nakakamatay ang baho" nandidiring suhesyong ni grew.
"Sira kaba? Hindi mo ba napansin na walang tubig sa loob ng bahay nila kaya hayun nagpakabaho ng ilang taon. Teak teka nga tamana ang pang huhusga."
"Pero maiba ako. Wala namang piano right? At wala rin syang kausap roon at imposibleng yung bata yun?"
"Baliw lang siguro ang matandang yun. Kakaiba lang. May binabanggit sya ng kung ano at may pinag tatalunan"
"Dake. Hindi kaya..."
Hindi kaya ano?"
"Hindi kaya sya ang.."
"Sya ang ano?"
"Sya ang.. Panginoon ng baho? Kakaiba kasi talaga ang amoy nya"
Inis ko naman syang tinignan.
Naoaka seryoso ng pinag uusapan tapos isisngit ang walang kwentang topic.
"Hindi nga seryoso. Para talaga syang may kausap. May tinutukoy sila roon sa loob. Kakaiba talag ang mga tao dito"
"Pinapa stress tayo. Hay. Tutukog na lang ako. Mag ready kana bukas at bukas nalang din natin pag usapan ang tungkol dyan. Tabihan ko lang ang future asawa ko" pagpapaalam nya bago tuluyang iwan ako.
Sira talaga sya.
Hayy.
Curious talaga ako. Lalo na't sinimulan ko to? I'll make sure na tatapusin ko to.
Sabihan ng walang kabuluhan ang gagawin ko pero ito ang gusto ko. Aalamin ko ang misteryong bumabalot kay tandang kalbo.
Sino ang kausap nya at ano ang tinutukoy nya?
Mga tanong na sasagutin ko.
Hmm. Mukhang adventure para sakin to ah. Well. This tume ako lang mag isa at walang tulong ng iba.
------
Souven's POV
Bugnot. Boring. Kainis.
Nandito lang naman ako sa isang magandang kainan na nilagyan ng iilang palamuti. Habang naka upo katapat ang mokong na lalakong pilit na humigit sakin para papuntahin dito.
Tss. kung hindi lang talaga ako gutom malamang tinanggihan ko na ang gunggong nato. Kakaurat ang mukha nya. Palagi ba namang nakangiti.
"Um. Souven. I like you"
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel