Souven's POV
Fresh na fresh na ako at maganda na kaya handa na akong lumabas ng palasyo kasama sya. Busog na rin ang tiyan ko. Dinalhan nya kasi ako ng pag kain at tulad ng nakaraan, sabay ulit kaming kumain. Sabay din kaming nag linis ng ngipin.
Hindi lang kami ang nag ayos ng todo at naghanda. Pati ang buong mamamayan ay naka handa narin. Dala dala siguro nila ang mga sandata nila gaya ko.
"Wag mong kalimutan yung kutsilyo at dugo." Pagpapaala sa akin ni thirp.
"Opo. Sir." Pag saludo ko.
Ipinatong ko ang paa ko sa aking kama at bahagyang yumuko.
Nilagay ko ang kutsilyo ko sa aking hita kung saan mayroong itim na garter na syang magiging gabay para kumapit ang kutsilyo habang ang boteng may lamang dugo naman ay nasa aking shoulder bag. Nang makuntento na ako ay agad na akong lumapit sa kanya para ilagay muli ang kapa sa likod nya.
Inayos ko rin ang buhok nya at pinagpagan ang kanyang suot na damit.
Ito kasi ang araw nang pag bisita ni chin. I mean muling pag bisita. Alam kong lahat ng tao ay excited na malaman kung anong itsura ng susi. Miski ako, gusto ko ring malaman ang itsura ng susi kaya pinag handaan ko talaga ang araw na ito.
"Let's go." Pag aya nya. Kinuha nya ang braso ko at sya na mismo ang nag pulupot nito sakanyang braso.
Sabay kaming nag lakad palabas ng kwarto ko.
Nagulat kami ng bahagya ng salubungin kami ni cat na naka nganga ng kaunti ang bibig. Halata rito ang pag kabigla.
"Anong kailangan mo?" Walang reaksyong tanong ni thirp kay cat na agad namang nabalik sa reyalidad.
"L-lumabas kayo sa iisang kwarto ng sabay?" Nauutal nitong tanong.
Huminga ng malalim ang hari bago mag salita.
"Wala akong panahon sa mga tanong na paulit ulit na itinatanong kahit alam naman ang sagot." Tugon ng hari.
Medyo napanganga ako ng umakto sya ng ganon. Actually, may point naman talaga sya eh. May mga tao naman talaga na alam naman ang sagot pero gusto paring mag tanong tulad ni cat. Alam na nga nyang lumabas kaming pareho sa iisang kwarto pero tatanungin nya parin kami.
"A-ah. S-sorry. Kaya lang naman ako naparito para ipaalam sayo na naka handa na ang lahat at nasa pag pupulong narin ang mga mamamayan." Wika ni cat habang ang tingin ay nasa akin.
"Ganon ba? Edi makaka alis kana." Nakaka dismayang tugon ni thirp.
Ibang iba ang ugali nya sa iba kaysa sa akin. Siguro paraan nya yun para hindi malandi ng iba, alam nya kasing may nag mamay ari na sakanya.
Nag patuloy na kami sa pag lakad at nilagpasan si cat na hindi parin makapaniwala na lumabas kami sa iisang kwarto. Well, wala namang big deal don. Pwera nalang kung lagyan nya ng malisya yun.
"Iwasan mong makipag titigan kay queeny. Hindi mo alam kong anong kayang gawin ng titig nya sa taong kinagagalitan nya." Pag babanta sa akin ni thirp.
"Tss. Di ko gustong makipag titigan sa taong akin namang kinagagalitan. Hilingin mong wala akong magawang gulo sa pag pupulong na gagawin mo."
Ngumisi ako ng nakakaloko ng matanaw ko ang babaeng naka tikim ng palad ko.
"Wag kang mag padalos dalos. Tandaan mo, gayuma ang pinaka makapangyarihan sa lahat, at yun ang taglay ni queeny. Miski ako hindi ko kayang pigilin ang pang gagayuma nya. Kaya iwasan mo sya dahil ayokong mapadali ang buhay mo lalo na't hindi pa tayo nakagagawa ng supling."
Supling?
Masyado naman syang excited sa bagay na yun.
"Susubukan ko."
Hindi ako nangangako na hindi ko naman kayang tuparin.
Isa kasing uri ng ipis si queeny na gusto kong tyenelasin. Para syang isang ipis na padaan daan sa aking balat na hindi ko naman pwedeng pabayaan, hindi ko pwedeng wag nalang pansinin. Ganun ang tingin ko kay queeny. Isang uri ng ipis.
Iniwas ko na ang tingin ko sakanya. Tama ang hari, dapat ko ngang iwasan ang mga mata nya. Wala pa akong masyadong alam sa katauhan nya kaya mag iingat nalang muna ako. Ayoko ng kumilos ng walang plano pero hindi ko rin maikakaila na masaya rin ang gumawa ng hakbang ng hindi nag paplano. May thrill kasi don.
Tulad nalang nung kay queeny. Wala naman sa plano kong sugudin at pag sasampalin sya. Wala rin sa plano kong umamin kay thirp. Kaya nagpapasalamat ako sa salitang 'biglaan' dahil ang salitang yan ang nag bigay ng lakas ng loob sa akin para umamin.
"Kamusta mahal na hari at kamusta rin sa iyong alipin." Pag bati sa amin ni rick na bahagya pang yumuko. Sinundan naman ni rose, masd at queeny ang ginawang pag yuko ni rick.
Minsan na papatanong ako sa aking sarili. ano kayang kaya nilang gawin? Isa rin sila sa mga taong hindi ko lubusang kilala. Tanging hari lang siguro ang nakakaalam ng kaya nilang gawin. I wish mag karoon din ako ng kakaibang kapangyarihan like them.
"Mabuti ang aming lagay." Tipid na sagot ng hari bago pumunta sa unahan kasama ako.
Binawi ko na rin ang aking braso sakanya dahil ayokong gumawa ng eksena roon. Baka kasi mapag kamalan akong isang dyosa.
Ngumiti ang hari.
"Kamusta kayong lahat!" Sigaw ng hari sa taong nag kukumpulan sa ibaba.
Nakangiti silang sumagot ng oo.
Napatitig ako sa mukha ng hari na ibang iba ang saya. Nakangiti ito. Siguro nga'y masaya syang nakikitang ligtas ang sinasakupan nya. Mahirap din kasi sa isang hari ang mag protekta sa madaming tao kaya proud ako sakanya. Dahil kapakanan ng kanyang nasasakupan ang kanyang iniisip.
Ngumiti rin ako at inilibot ang ang tingin.
Tanaw ko sina eitsy na seryoso ang mukha. Suot suot ng mga kaibigan ko ang isang uri ng kasuotang bakal. Actually, halos lahat ng tao ay naka suot ng ganon. May mga hawak din silang iba't ibang sandata at isang uri ng bakal na panangga.
Handang handa sila at sa tingin ko pwedeng pwede na silang sumabak sa isang digmaan. Dinaig pa nila ang sinaunang mandirigma eh.
Pero infairness, nirerespeto talaga nila ang hari dahil sinusunod nila ang utos nya. Mahal nga talaga siguro nila ang hari kahit na minsan nag susungit ito.
Halos hindi ko na naintindihan ang sinasabi ng hari. Naka focus kasi ako sa mga tao na seryosong nakikinig sa kanya.
Isa nga talagang magaling na hari si thirp kahit na nung una ay ang tingin ko sakanya ay isang taong walang alam. Magaling syang pinuno. Sana ganyan din yung presidente ng bansa namin.
"Mahal na hari. Mag handa na kayo dahil paparating na sila." Pareho naming nilingon ang lalaking pandak na syang nag salita.
I don't understand.
Anong ibig nyang sabihin sa sila?
Ibig sabihin marami sila at hindi iisa?
Damn.
Kasama ba nya ang mga alagad nya? Kasama ba ni chin ang alagad nya?
Balak ko sanang mag salita kaso nahinto iyun ng makita ko ang nakakatakot na ngising ginawa ng hari. Ang mga mata nya... Parang gustong gusto nito ng away.
"Mag handa na kayong lahat dahil paparating na ang hinihintay natin." Sigaw ng hari sa mamamayan.
Hinigit ako ng hari at tinungo namin ang hagdan.
Mahinahon kaming nag lakad sa hagdan hanggang sa makababa na kami.
Napalunok ako ng laway ng makaamoy na ako ng kakaibang amoy. Nahinto kami ng nasa labas na kami ng palasyo. Nasa likuran namin ang mga pinuno at naka kalat sa aming paligid ang lahat ng tao. Nakahanda sila at ganun din ang mga pinuno.
Hawak nila ang sandata nila. Habang ang hari, tanging kamay ko lang hawak hawak at wala ng iba pa.
"Souven!"
Tanaw ko si dake tumatakbo papalapit sa akin. Naka handa din ito at bakas sakanyang mata ang pag aalala.
Lalapit sana ako sakanya kaso hinigit ako ng hari papalapit sakanya kaya walang nagawa si dake kundi ang mapahinto at manatili sa kinatatayuan nya.
"Mahal na hari ayan na sila." Bulong ng isa sa mga pinuno na nasa aming likuran. Lumipat agad ang mga ito sa aming harapan ngunit nanatiling nasa gitna parin ang hari habang katabi ko.
Natahimik ang lahat.
Namuo ang ingay ng hangin.
Tanging mga dahong tuyo ang nag liliparan.
Unti unting dumilim ang kapaligiran.
"Nandyan na nga sila." Pabulong na sambit ng hari.
Dahan dahan kong inangat ang aking ulo. Tinignan ko ang kalangitang unti unting binabalot ng dilim ang ulap na ka'y liwanag.
Ayan ba ang simbolo ng kanilang pag dating? Sila ba talaga ang dapat katakutan?
Mas lalo pang lumakas ang simo'y ng hangin. Mas lalong bumabaho ang palagid. Napaka sangsang na amoy ang syang sisira sa aming ilong.
"Let the fucking battle begin." Bulong ng isa sa pinuno ng isang grupo.
Namangha ang mga mata ko ng makita ko si chin at ang mga patay nyang alagad na nasa kanyang likuran. Medyo malayo plang ay tanaw ko na silang naglalakad palapit sa amin.
"Wow... Napaka rami nila." Namamangha kong sabi.
Nakita ko rin ng personal ang mga patay. This is exciting.
Para silang kulay berdeng usok na mayroong itim na mata. Nakasakay ang iba sakanila sa kalansay na kabayo.
Grabe.
Para akong na nanaginip nito. Sayang wala akong camera para kunan sila ng litrato.
Exciting. Ano kayang itsura ng susi.
"Souven. Mag iingat ka." Bilin sa akin ni dake.
Tinanguan ko sya bilang tugon. Ramdam ko naman ang biglang pag higpit ng pag kakahawak ni thirp sa aking kamay.
Alam kong nag aalala sya. Walang kasiguraduhan kung kelan sila susugod. Dahil kahit anong gawin namin. Mas malakas parin sila.
"Ugh. Grabe, napaka babaho ng mga hayop na yan. Isa talaga silang patay na hinukay sa malalim na lupa." Wika ng babaeng may maskara.
May hawak hawak itong rosas na inaamoy amoy nya.
Napaliyad ako ng kaunti ng makitang dinilaan nya ang tinik ng rosas na may dugo.
Delikado din pala ang isang to.
"Kamusta ka mahal na hari."
Naagaw ang atensyon ko sa lalaking naka tayo sa aming harapan.
Ngayon, kitang kita ko na sa malapitan ang mga itsura ng mga patay na to. Puta, sakin sila nakatingin. Pati ang chin na ito. Naka tingin rin sa akin.
"Walang magiging okay kung ma-aamoy namin ang mabaho at nakaka tang ina mong amoy!"
Halos umabot ang ang panga ko sa lupa ng marinig ko ang matindi nyang pag mumura na ikinatawa ng lahat. Miski si dake ay natawa rin.
Kita ko naman sa mata ni chin ang pag kapikon.
"Tignan natin kung kaya mong mag mayabang ng ganyan kapag nalaman mo kung ano ang itsura ng susing matagal na palang na sayo."
"Well, wala akong pake. Kung gusto mo kunin mo at isaksak mo sa kaduluduluhan ng labasan ng dumi mo!"
Hindi ako makapaniwalang nakakapag salita sya ng nakakadiring mga kataga. Talaga bang hindi ko pa sya kilala? Kakaiba ka thirp.
Ang bagong chin. Inis na inis na habang ang kamay at namamaluktot na.
"Hindi ko na papahahabain pa. Ibigay mo na ang susi. Ibigay mo na ang babaeng hawak hawak mo ngayon. Ibigay mo si souven ley wert. Ang alipin mo lang naman ang suaing matagal ng na sayo. Haring bobo!"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang buo kong pangalan sakanya.
Kitang kita ko ang mga gulat na reaksyon ng lahat habang nakatingin sa akin.
Takte. Famous ako ah.
Ano bang pinag sasabi ng mabahong chin na to?
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel