Souven's POV
Liwanag.
Isang liwanag ang nakikita ko at isang anino na nag mumula roon. Dahan dahan itong lumalapit sa akin.
"Grandpa?"
Nagbagsakan ang luha ko ng masilayan ko ang ngiti ni lolo. Kulay puti ang kanyang suot at talaga namang napaka gwapo.
Nilapitan ko agad ito para sana yakapin kaso para syang isang usok na hindi ko magawang yakapin.
Hindi ito nakatingin sa akin. Tumagos lang sya sa aking katawan.
"Grandpa.." Pag tawag ko.
Para syang bingi na hindi man lang ako pinakinggan. Nag lalakad ito papalapit sa kung saan.
Agad akong tumakbo para sundan sya.
"Lolo..." Hingal na hingal akong huminto at tinanaw si lolo na may kayakap na bata. Kamukha ko ang batang iyun at sa tansya ko mga nasa apat na taon palang ito.
"I miss you apo." Wika ni lolo.
"Miss you rin po lolo." Tugon ng bata.
Naluluha ako habang pinapanood silang nakangiti. Dinala ni lolo ang batang kamukha ko sa swing. Masaya silang nag laro roon kaya nakampante ako.
Nakangiti ako habang pinapanood sila ng biglang mag laho ito. Isang lalaking ang dumating na kamukha naman ng papa ko.
"Papa?" I whispered.
Galit ang mukha nito habang lumapit kay lolo at sa batang kamukha ko.
"Papa.."
"Lumayo ka sa lolo mo!"
Naalarma akong bigla ng pag taasan nya ng boses si lolo.
"Anak.." Bulong ni lolo.
"Papa.. Bakit mo nagawa ito sa sarili nyong apo. Bakit sya? Bakit?" Tugon ng kamukha ni papa.
Ang bata. Umiiyak ito habang naka yakap sa binti ng kanyang ama.
"P-pasensya anak.. Hindi ko gusto ang nangyayari.."
"Hindi tama ito. Walang alam si souven sa bagay na ito papa. Ayokong mapahamakan sya kaya mas mabuting ilayo ko muna sa sainyo ang bata."
"Anak wag. Mahal ko ang apo ko at hindi ko sinasadyang sakanya tumapat ang ang kahuli hulinghang sumpa. Hindi ko sinasadyang masalinan sya ng dugo. Hindi ko sinasadya anak."
Pilit na inilayo ng kamukha ng papa ko ang bata sa aking lolo. Hanggang sa tuluyan na silang nag laho.
Hingal na hingal akong napabangon.
"Thank god dahil gising kana."
Hindi ako makaimik. Hingal na hingal parin ako at basa ang aking pisngi.
Ano ba yun? Isa ba yung uri ng panaginip? Anong ipinapahiwatig non?
"You're dreaming." He said habang hawak hawak ang kamay ko.
Tinignan ko ang aking braso. May mga naka lagay ritong tubo.
"A-ano to?" I asked.
"Limang araw ka ng hindi gumigising kaya kailangan kang lagyan nan." Tugon nya.
Hinanap agad ng aking mata ang kanyang mata.
"T-thirp? A-anong nangyari?"
Isang napaka higpit na yakap ang tinugon nya.
Hindi ko alam kung bakit pero para kaming isang taong hindi nagkita.
"Nag alala lang naman ako ng limang araw at binantayan ka ng one hundred twenty hours."
Dahan dahan akong kumalas sa pag kakayakap at sinuri kong muli ang kanyang mata.
"Umiyak kaba?"
Namumula kasi ang kanyang mata at namamaga.
"Tss. Ako iiyak? Eh limang araw ka lang namang tulog ngayon sinong iiyak ha?"
Napakuot nalang ako ng noo dahil sa inakto nya.
Inilibot ko na lang ang aking paninging sa buong kwarto. Pamilyar ang kwartong ito sa akin.
"Kwarto mo ba to?" Tanong ko sakanya.
Tumayo sya at lumapit sa aking upang tanggalin ang mga tubong nasa katawan ko.
"Yap. Tanungin mo naman kung san ako natulog?" Na eexcite nyang sabi.
"O sige san ka natulog?"
"Edi. Sa tabi mo." Kinikilig pa nyang sabi.
Napangiti na lang ako. Kitang kita ko kasi sa mga mata nya ang lubusang saya. Masaya rin naman ako dahil nakita ko na sya.
Pinagmamasdan ko lang ang itsura nya habang isa isang tinatanggal ang aparatos ko sa aking braso.
"Ang daming naubos sayong dugo kaya ka hinimitay nung kalong kalong kita." Seryoso nyang wika.
Agad gumana ang utak ko. Bumalik lahat ng nangyari sa utak ko.
Si queeny ang may gawa nitong sugat ko.
"Teka bakit mayroon parin akong sugat?" Tanong ko.
Kasi ang alam ko si lola ang kayang mag pagaling ng mga ito.
"Basta." Tipid nyang sagot.
Hindi na ako namilit pang alamin kung bakit. Ayokong maging makulit lalo na't kakagising ko lang.
Iginalaw galaw ko ang buo kong katawan ng matanggal na ang mga tubo. Tumayo ako para mag unat unat. Parang ilang taon akong hindi nakatayo kaya napaka sarap mag unat unat.
"Thirp. Anong nangyari sa mga patay at kay chin?"
Tumingin sya sa akin ng diretso bago tumugon.
"Wag ka na munang mag tanong tungkol sa ganyang bagay. Ayokong matulog ka nanaman ulit ng limang araw."
Napaka seryoso nya.
"Alam mo- - "
Napahawak ako sa aking tiyan ng tumunog ito na syang ikinatawa ni thirp.
"Tara? Kain tayo sa labas?" Pag aya nya.
"Ah. Dito na lang."
"Ayoko na ulit iwan ka. Kasi ngayon ko lang napagtanto na hindi ka lang mahalaga. Dahil sobrang mahalaga ka. Kaya tara?"
Hindi pa man ako nakakapg salita ay pinaupo na nya ako at sinuotan ng sandals.
Bahagya kong binuka ang aking kuwelyo para amuyin kong kanais nais pa ba ang amoy ko.
"Teka lang." Yumuko ako. "Hindi pa kasi ako naliligo." Nahihiya kong pag amin.
"What?" Gulat nyang tanong na medyo napa-atras pa.
Nakakahiya tuloy.
"Hindi ka pa ba naliligo sa lagay na yan. Damn. Napaka hot mo kaya!"
Halos pumutok ang pisngi ko ng sabihin nya yun. Bakit ba ang bilis kong kiligin? Siguro sakit ko na yun.
"Okay tama na ang kilig. Tara na." Pambasag nya sa trip bago kunin ang kamay ko.
Nagiging bisyo na yata nya ang pag papakilig tapos biglang pambibitin. Hay. Kung hindi kalang talaga si thirp, hay naku.
Naglakad kami papalabas ng kwarto.
"Huhuhuhu... Souven.."
Nagulat ako sa biglang pag salubong ng yakap ni cat. Miski si thirp nagulat sa ginawang asal ni cat. Dinaig pa nya ang isang matalik na kaibigan, pero infairness, ngayon ko lang nalaman na love din pala nya ako.
"S-sorry.." Pag papaumanhin nya bago kumalas ng yakap. Tumingin ito sa hari.
"It's okay."
Muli syang tumingin sa hari bago ako muling yakapin.
"I miss you." She whispered.
Kumalas na syang muli.
Balak ko sana syang tugunan kaso hinigit na ako ng hari papalayo sa kanya.
Pababa na kami ng hagdan ng madaanan namin ang tatlong kawal.
"Magandang araw po mahal na hari at mahal na susi."
Namilog ang mga mata ko ng batiin din ako ng mga kawal sa ganoong tawag. Inis ko namang nilingon si thirp na natatawa lang.
"A-ah, h-hindi mahal na su- - "
"Excuse us."
Hindi na ako nakapag salita pa dahil naglakad na kami pa ibaba.
"Awkward lang kapag tatawagin nila ako sa ngalang yun."
"Maganda din namang tawagin kang ganun pero ang mas maganda ay yung mag kasama tayo habang sabay sabay silang yuyuko at babatiin tayong 'magandang araw mahal na hari at reyna' diba mas maganda ang ganun." Namimilosopo nyang sabi na sinundan ng pag kindat.
Sarap basagin ng trip nya ngayon eh. Pero dahil mabait ako pagbibigyan ko na lang.
Sobra kasi syang masaya ngayon kaya dapat lang na lubuslubusin nya yun.
Papalabas palang kami ng palasyo ay tanaw ko na ang mga iilang tao na nag bubulungan habang naka tingin sa amin ni thirp. Nakatingin sila sa bandang gitna namin.
"Anong meron?" Tanong ko sa sarili ko bago sundan ang tingin nila.
Agad kong itinago ang aming kamay na magkahawak dahilan para mapadikit sa akin si thirp.
Nagitla naman ang hari sa ginawa ko.
"What's wrong?" Inosente nyang tanong.
Napalunok ako.
"Y-yung mga tao kasi nakatingin satin. I mean sa kamay natin."
May namumuong pawis sa noo ko. Ramdam ko yun.
Bakit ba kasi ako kinakabahan.
"So?" Pambabara nya.
"Anong so?"
"Hayy." Muli nyang iginitna ang aming mga kamay. "Wala silang pake kung ganito tayo. Well, alipin kita kaya natural lang to."
"Ahh. So alipin lang pala ang tingin mo sakin. Now i know."
Tumingin ako sa malayo at hindi na lang sya pinansin hindi ko rin pinansin ang mga taong panay ang bulongan.
"Okay. Ang tingin ko sayo ay isang hot na alipin."
Hindi ako nag patinag. Anong akala nya kikiligin ako? Tss. No way.
Dinig ko ang pag hinga nya ng malalim. Yung tipong nag ipon ng lakas para humarap sa media.
"SOBRANG HOT NG ALIPIN KO!!!! SYA ANG PINAKA HOT SA BUONG MUNDO!! SYA LANG WALA NG IBA!!! ITATAK NYO YAN SA UTAK- - - "
Nakakahiya ang ginawa nyang pag agaw sa atensyon ng lahat kaya agad ko tinakpan ang maliit nyang bibig na ayaw pang mag pa awat.
"Gusto mo talagang mag kamatayan dito noh." Bulyaw ko sakanya.
Pilit akong ngumiti sa mga tao na natatawa lang. Siguro hindi nila alam na ganito pala ang iginagalang nilang hari. Dinala ko si thirp sa garden kung saan wala masyadong tao. Nakahinga sya ng maluwag ng tanggalin ko ang kamay ko sa kanyang bibig.
"Hindi ko ginusto ang inasal mo!" Singhal nya sakin.
"Eh mas lalo naman ako. Biruin mo, ipag sigawan mo ba naman na hot ako dapat sa mga ganong bagay, inililihim lang. Yan tuloy maraming nakaalam." Pagbibiro ko.
Huminga sya ng malalim kaya naging alerto ako. Baka kasi sumigaw na naman sya.
"Ayoko kasi yung nagpapakilig ako tapos hindi ko makikita ang pamumula ng pisngi mo. Nakakadismaya para sa akin ang ganon. Kaya magalak ka kasi pinag sisigawan kong hot ka kasi yun ang totoo. Palibhasa mahal kita. Hay. Tara na nga, baka lagyan ko ng anak yang tiyan mong nag aalboroto sa galit."
Nganga lang ang naisagot ko sakanya. Hinigit na nya ako, wala namang nagawa ang katawan ko kundi ang sumunod.
Napahawak ako sa aking tiyan na kanina pa tumutunog.
"Hindi pa ready ang tiyan kong malagyan ng baby." Bulong ko.
Umiling iling ako para mabalik sa katotoohanan.
Eh kasi naman. Seryoso sya sa sinabi nya sa mga huling kataga. Diyos ko, kayo ng bahala sa tiyan ko.
"Hayy." Nauntog ako sakanya likuran sa bigla nyang pag hinto. "Talagang lalagyan ko yan ng anak kapag hindi kapa tumigil sa kakaisip ng kung ano ano." Pagbabanta nya na talagang nag pagising ng mga natutulog kong ugat.
Nilingon ako nito at bahagyang inilapit ang kanyang mukha.
"Gusto mo ba?" Nakangisi nyang tanong.
Ilang ulit kong nilunok ang aking laway ng magbiro sya ng ganun.
Palapit ng palapit ang kanyang mukha. Grabe, kinakabahan ako sa susunod na mangyari. Naku bahala na nga.
Ipinikit ko ng mariin ang aking mata at hinintay ang susunod na mangyayari.
"Ang pamumula ng pisngi mo ay hindi dahil sa mainit ang panahon. Ahah! Ngayon alam ko na kung bakit namumula ang pisngi mo. Isa yang uri ng sakit na sa tuwing lalapit ako ay nagiging ganyan ang pisngi mo. Isa lang ang ibig sabihin ng sakit mo. Isa yang kiliganous ache."
Halos wala akong maintindihan sa sinasabi nya. Kaba at kilig ang naunuot sa kalamnan ko.
"Wag kang pumikit. Walang kwarto rito para matulog."
Iminulat ko ang isa kong mata na sinundan pa ng isa.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong malayo na ang kanyang mukha.
Seryoso syang naglakad patungo sa isang kainan na tinatawag kong restaurant.
"God. Ikaw ang una kong savior. Grabe thank you talaga." Pag papasalamat ko.
I let a heavy sigh.
Para akong isang manlalakbay na nakaligtas sa mga buwayang tinangka akong kainin. Iba talaga ang thirp na ito. Masyado syang pa inosente pero palihim na may dating.
"Magandang araw po mahal na hari at mahal na susi." Nakangiting bati sa amin ng isang lalaki. Isa siguro syang waiter.
"Sou na lang ang itawag mo wag na 'mahal na susi'." Nginitian ko sya ng pilit.
Umupo kami sa dulo na pang two person lang ang pwede.
Balak pa ni thirp na sa pinaka gitna kami umupo kaso hindi ako pumayag. Ayoko naman kasing mabago ang pag tingin ng lahat sa akin. Si souven parin ito, walang mag babago ron.
"Binisita ka kanina ni dake at nung iba mo pang kaibigan." Wika ni thirp.
Tanaw na tanaw ko ang bugnot nyang mukha dahil mag katapat lang naman kami.
"Kamusta na daw sila?" I asked.
"Yung dake mo masakit ang likod habang yung iba maayos naman!"
Napakunot na lang ang noo ko. Bakit ganon ang mga sagot nya. Ano vip si dake? Kaya palaging hiwalay ang sagot?
Ugh. Ayokong pag mulan ng away to.
"Thirp. May napanaginipan kasi ako nung tulog ako." Nangangamba kong sabi.
Nakatingin lang ako sa dalawa kong hintuturo na nagbubungguan. Wala namang mawawala kong ishe-share ko sakanya ang napanaginipan ko.
"Ano yun?" Tanong nya.
"Hindi sya kompleto pero sa tingin may connect ito kung bakit ako ang naging susi."
Napa angat ang likod ni thirp at seryosong tumingin sa akin.
"Sabihin mo sakin." Mahinahon nyang utos.
I sigh.
"Si lolo. Si lolo ata ang may alam tungkol rito kasi sa panaginip ko. Nakita ko kasi sa panaginip ko na masayang naglalaro kami ni lolo hanggang sa nawala ang saya sa aming mukha ng dumating si papa. Galit si papa nun. Galit na inilayo ako ni papa kay lolo at sinabi nyang 'bakit mo nagawa ito sa iyung apo' tapos ang sabi ni lolo 'hindi ko sinasadya na sakanya tumapat ang kahulihulihang sumpa' tapos wala na. Naputol na ang panaginip ko."
"A-anong pangalan ng lolo mo?"
"B-bakit?"
Bigla akong kinabahan ng tanungin nya iyun. Hindi kaya tama ang hinala ko. Si lolo ba talaga ang may pakana ng lahat ng ito. Alam ba nyang mangyayari ito? Pero bakit wala akong alam? Tama. Masyado pa akong bata nun.
"Ang ngalan ba ng lolo mo ay Soulito wert?"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang buong pangalan ni lolo.
"Paano mo nalaman ang pangalan ni grandpa?"
Ibinalik nya ang kanyang likod sa pagkakasandal.
"Bakit nga ba ngayon ko lang naisip ito. Pareho kayo ng lastname, ang akala ko nagkataon lang yun."
Grabe, grabe talaga. Nasagot nya ang tanong ko grabe.
"So paano mo nalaman ang name ni grandpa?"
"Matagal ng naikwento sa akin ng mom ko ang tungkol sa lahi ng wert. Sila lang daw ang may dugong asul na talaga namang pinag aagawan ng lahat. Ang tungkol sa lolo mo ang gustong gusto kong ikwento sakin ng mom ko. Panahon nun ng digmaan, ang lolo mo ang isa sa mga kawal na malapit sa hari at reyna. Hindi lang iisa ang pintong ngayo'y kating kating buksan. Tulad ng dati, pinag aagawan ng lahat na mahanap ang susi pero halos lahat na ata ng susi ay ginamit na nila pero wala parin, ayaw parin mag bukas. Si bert, sya ang pinaka magaling sa agham. Hindi namin akalain na ang mga imbento ni bert ang syang magiging susi. Sinabi nya sa amin kung paano nya nalaman na isang dugo pala ang magiging susi. Nung una hindi naniniwala sila mom hanggang sa napatunayan ni bert na isang dugo nga ang susi. Halos lahat ng kawal,tao hari, pinuno ay kinuhanan nya ng dugo at ang tanging dugo lang ng lolo mo ang naging susi. Dugo ng lolo mo ang naging positive. Natakot ang lolo mo non at nakiusap sya sa mom at dad ko na ilayo sya lugar na ito dahil ayaw nyang mamatay pero si dad. Ayaw nyang tulungan si lolo dahil husto ni dad ang susi. Hanggang sa hayun nag laban laban ang lahat hanggang sa mag patayan na. Pare-parehong nahulog ang lahat sa bulkan pero ang lolo mo? Tinulungan sya ni mom na maka alis rito. Ang alam ng lahat wala na ang susi pero ang totoo nag pakalayo layo na ito hanggang sa hindi na ito mag pakita. Chaka akala napaniwala talaga kami ni dad na isang materyal ang susi."
Nanlumo akong bigla.
"Isa ngang sumpa yun para sa akin. Hindi man lang naikwento ni lolo ang tungkol rito."
Napatingin nalang ako sa malayo. Ayokong paniwalaan ang lahat ng ito. Isang malaking kalokohan na ako ang susi? Pero kahit na ako ang naging susi hindi parin ako magsisising naging lolo ko si grandpa.
"Heto po ang mga pag kain." Masayang bati nung lalaking may dala dalang tray na may lamang pagkain.
Agad kong nilantakan ito dahil nawawalan na ako ng enerhiya.
"Wala naman sigurong magbabago kahit na ako ang susi noh?" Nabubulunan kong tanong.
"Meron. Mas dapat kang mag ingat ngayon at wag ka ng mag titiwala sa paligid mo. Ayokong mapahamak ka kasi ako yung napupuruhan. Pero isang masahe lang mula sayo, lalaban at lalaban parin talaga ako."
YOU ARE READING
King's Key is Me
AventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel