Souven's POV
Halos mabulunan na ako sa kinakain ko. Grabe napaka dami nito, woo susulitin ko na to.
Teka.
Baka hindi pa kumakain sila dake. Dalhan ko kaya sila tutal kaya ko nanaman ding tumakas dahil wala na yung posas sa aking kamay kaso nga lang pagka laki laking pinto naman ang aking kalaban. Hmm. Wag na lang tutal mayaman naman ang mga yun.
"Nagagalak ka naba?" Tanong ni thirp.
Napa angat naman ako ng ulo at tumingin sa aking harapan. Medyo naningkit pa ang mata ko para lang makita sya, sobra kasi ang haba ng mesang ito.
"San ako magagalak?" Sigaw ko sakanya para marinig nya.
"Urgh. Sinabi ko naman sayo na huwag mo akong pag tataasan ng boses!" Sigaw din nya.
"Baka kasi hindi mo marinig!" Sigaw ko ulit.
*blaggggg*
Teka ano yun? Nilingon ko agad ang bintana dahil doon nang galing ang tunog. Basag na ang bintana at merong boteng lumabas mula roon.
Nabalik ang tingin ko kay haring thirp. Nanatili lang itong naka upo at walang balak tignan kung ano iyun.
"Hey? Wala kang balak tignan kung ano yun?" Tanong ko sakanya.
"May balak. Kung gagalaw ka diyan at pupulutin ang bagay na iyun" wika nito.
"Ano? B-bakit ako?" Tanong ko pa ulit ng pangalawang beses.
"Kasi ikaw ang aking alipin. Nararapat lang na gawin iyun ng isang alipin gaya mo" sambit nya.
Nilingon ko naman ang bote. Parang may papel sa loob nito. Ano kayang naka sulat roon?
Napatayo agad ako at lumapit sa kinaroroonan ng bote para pulutin ito. Tinitigan ko muna ito bago tumungo kay thirp upang ibigay ang bote.
"Here" wika ko kasabay ang pag abot sa kanya ng bote.
Kinuha naman nya ito at bahagyang inikot ikot para kilatisin.
"From chin" mahina nitong sabi.
Hindi kalaunan ay binuksan nya rin ito. Tinaktak nya ang bote para makuha yung papel sa loob. Hindi siguro ito nababasag dahil dapat kanina pa ito nabasag nung inihagis sa bintanang salamin. Sayang tuloy yung bintana, nabasag pa.
"Balik!" Utos nito.
Hawak na nya ang papel pero hindi pa nya binubuklat.
"Why?" Tanong ko.
"Basta bumalik ka!" Madiin na nyang utos.
Hindi ko gusto ang tono nya kaya ayaw ko sanang sumunod kaso kusang nag lakad ang mga paa ko para tumungo sa kinauupuan ko kanina. Ewan ko kung bakit ko sya sinusunod. Hindi naman nya ako alipin.
Tinignan ko si thirp. Seryoso itong nagbabasa. Teka, ngayon ko lang napansin na parang wala syang korona. Diba dapat may korona ang mga hari pero sakanya nasaan? What if hindi naman talaga sya hari?
"Ho--- "
Hindi ko na binalak ituloy pa ang sasabihin ko. Mukha kasi syang busy'ng busy sa kanyang binabasa. Hmm. Ano kayang naka sulat roon.
Hindi ko na pinag patuloy ang pag kain, busog na rin kasi ako.
"Umm. Pwede na ba akong bumalik sa mga kaibigan ko?" Tanong ko rito.
"Wag" sigaw nito.
Nakakagitla naman ang biglaang pag sigaw nito.
"Ramdam kong pagabi na kaya kailangan ko ng pumunta sa kanila. Uuwi na kasi kami"
"No. Wala na kayong maabutang parisukat na lagusan roon. Delikado na sa itaas" pagbabanta nya.
Tumayo ako at pinukpok ang lamesa.
"Kailangan ko ng pumunta sa bahay!" sigaw ko rito.
"Hindi nga maaari" sigaw din nya.
"Oh sige! Kapag ako naputulan ng kuryente ikaw mag babayad ha."
"Masusunod" tugon nya.
"Hayy. Basta aalis ako. Kailangan kong patayin ang naka bukas na ilang sa cr ng kwarto ko."
Kinuha ko muna ang isang malaking mangkok na puno ng pritong manok.
"Aalis nako" pag papa-alam ko sakanya bago nag lakad.
Patungo na ako sa pinto ng mahinto ako ng sumigaw sya.
"Asahan mong buhay kapa pag sapit ng liwanag" pagbabanta nito.
Che. Nanakot kapa.
"Palayain mo sa mabahong selda ang mga kaibigan ko!" Sigaw ko rito.
"Seyatilisig" sambit nya.
"What do you mean?" Tanong ko rito.
"Sabihin mo iyun sa mga kawal at papalayain nya ang iyong mga kaibigan"
"K thanks" pagpapasalamat ko.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at tuluyang iniwan syang mag isa.
Nang maramdaman kong malayo layo na ako sa kanya ay huminto muna ako ng panandalian.
"Sus. Gusto kalang nung takutin souven kaya wag kang mag papaniwala dun"
Nilakasan ko ang loob ko. Naglakad akong muli at bumababa sa napaka-habang hagdan. Bumababa ako rito.
Hindi mawala sa aking isip kung ano ba talaga ang naka saad sa sulat. Bakit ayaw nyang makita ko iyun? Siguro dahil bago lang naman ako rito.
Hindi din nagtagal ay naubos rin ang hagdan na aking inaapakan. Sinalubong ako ng isang napakalawak na daanan para lumabas sa napaka laking palasyong ito.
Medyo madilim na ang daan pero tanda ko naman kung nasaan ang kulungan. Basta diretso lang at kapag may nakita akong parang kahon na nababalutan ng semento na sobra ang laki, doon, doon na yung kulungan.
Naglakad na ako papalabas.
Woo. Ang lamig ng simo'y ng hangin sa labas at sobrang tahimik rito.
Bahagya kong inilapag ang mangkok sa ibaba upang kunin ang flashlight sa bag ko. Kinuha ko narin agad ang mangkok.
Hawak ko ang flashlight gamit ang kaliwa kong kamay. Inilawan ko ang aking daraanan bago mag lakad muli.
Something weird.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng maramdaman kong may naka masid sa akin. Tumingin ako sa likod ngunit wala. Inilawan ko naman ang aking gilid pero wala parin. Ramdam ko talagang may sumusunod sa akin eh.
Minabuti ko nalang na mag patuloy.
"Wuw!" Sigaw ko dahil sa gulat.
Nalaglag tuloy ang isang pirasong manok. May bigla kasing sumulpot na koneho sa harap ko.
Bahagya akong bumaba para maabot ang koneho.
"Alam mo bang ginulat mo ko ha" wika ko rito.
Ibinaba ko muna ang flashlight ko para mahaplos ang kanyang balahibong ka'y lago.
"Bunny. Gusto kong sabihin sayo na namatay yung isa mong ka uri. Condolence ha" malungkot kong sabi.
"Um sige alis na ko ha. Ingat ka baka ma tege karin katulad nung isa" pagbibilin ko dito.
Hinaplos halos kong muli ang kanyang balahibo bago kunin ang flashlight at tumayo na.
Maglalakad na sana ako ng humarang na namang muli si bunny sa aking harapan. Ngayon ko lang na pansin na dumudugo ang kaliwang tainga nito. Biglaan itong sumuka, sumuka ng kulay berdeng dugo ba o laway. Hindi ko maintindihan. Binabaan ko agad ito.
"What's happened bunny?" Tanong ko.
Kinalong ko agad ito pero patuloy lang ang pag suka nito hanggang sa masukahan nito ang kaliwa kong braso.
"Ugh. Bunny naman eh" sita ko dito.
Ibinaba ko ito para patapusin ang kanyang pag suka.
Binalingan ko naman ng pansin ang ginawa nyang pag suka sa kaliwa kong braso pero ng tignan ko ito ay wala namang suka.
"Bunny. Sumama ka nalang sakin. May mga gamot ako sa bahay para pagalingin ka---"
Napatakip agad ako ng bibig ng biglang sumuka ito ng pagka dami dami kaya agad akong napa atras.
"Ano bang nangyayare sayo bunny?"
Kinalong ko ulit ito para haplusin ang likod. Grabe dinaig pa nya ang babaeng buntis.
Pati ang kabila nitong tainga ay nag dudugo na rin.
Bigla ko itong naitapon.
anong klaseng kuneho ito. Unti unti itong naglaho na parang bula kasabay ng mga isinuka nya kanina.
Agad ko ng kinuha ang mangkok at flashlight at tuluyan ng nag lakad.
Bakit sumuka ng ganon ang kuneho? Bakit naglaho agad ito? Ano bang meron sa lugar na ito?
Mukhang kailangan na talaga naming umalis rito ng aking mga kaibigan.
Mas binilisan ko pa ang pag lalakad dahil patuloy na ang pag sapit ng gabi. Dumidilim na ang daan at sobrang tahimik na ng paligid.
Puro kaluskos nalang ang aking naririnig. Para talagang may naka sunod sa amin.
Nahinto ako sa pag lakad ng salubungin ako ng isang bata. Teka ito yung batang kasama ni ginoong kalbo ah.
"Siro?" Tanong ko rito.
"Babalik kayo sa itaas?" Tanong nito.
Teka bakit alam ng batang to ang plano ko.
"Yap" sagot ko.
"Yung kuneho? Nasukahan kaba?" Tanong pa nito.
Kung mag salita ito ay parang matanda na.
"Actually konti lang naman yun"
"N-nasukahan ka?" Pag uulit nya.
"Um oo" sagot ko.
Kumirapas naman agad ito ng takbo at pumunta sa kung saan. Ang weird talaga ng tao dito.
Pinagpatuloy ko nalang ang pag lakad ko hanggang sa matanaw ko na ang pader.
Nang makarating ako dito ay agad kong sinabi sa kawal ang wikang ibinigay sa akin ni thirp.
Pinapasok naman ako ng mga ito at pinakawalan ang mga kaibigan ko.
"Souven....." Sigaw ni eitsy kasabay ang pag yakap sakin ng mahigpit.
"Mamaya na lang tayo magyakapan, kailangan na nating maka alis sa lugar na to"
Pinahawak ko kay dake ang flashlight bago hilahin ang kamay ni eitsy papalabas sa mabahong lugar na ito.
Sumunod naman sila veany papalabas.
"Uy ano yang dala mo?" Tanong ni grew.
Nang makalayo na kami sa mabahong lugar na iyun minabuti ko munang huminto para ibigay ang pag kain sa kanila.
"Kumuha kayo" utos ko sakanila.
Para naman silang asong gutom na gutom nung kinuha nila ang pag kain. Buong araw ba namang hindi sila kumain. Dahil ayaw nila ang pag kaing hinahanda sa kulungan na yun. Nakakasuka daw.
"Anong ginawa sayo ng mga kawal na yun ha?" Tanong ni dake.
"Ah wala. Anyway tara na. Pumunta na ulit tayo kay ginoong kalb--- "
Aray..
Napahawak agad ako sa ulo. Bigla kasing umikot ang paningin ko.
Inalalayan naman agad ako ni dake.
"Are you okay?" He asked.
"Y-yes"
Inayos ko na ang sarili ko at binitiwan ko na ang mangkok. Ako ang nanguna sa kanila, this time ako ngayon ang leader.
"Ayy"
Bigla nanamang sumulpot ang batang makulit na ito.
"Samahan ko kayo"
Weird.
Pumayag naman kami na dalhin kami ng bata sa bahay ni ginoong kalbo.
Yes. Makakauwi narin kami.
YOU ARE READING
King's Key is Me
PertualanganAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel