Chapter 8

64 3 0
                                    

  Thirp's POV
Mahimbing na natutulog ang aking alipin sa aking malambot at malaking kama. Unti unti ng humuhupa ang pamamaga sa kanyang braso dahil sa tulong ng aming mang gagamot na babae na tinatawag kong tanda dahil ayaw nitong mag pakilala.
"Nakakapag taka.. Bakit hindi sya tuluyang pinatay o namatay sa kamandag ng nakakamatay na kuneho? Mayroong kakaiba sa babaeng ito" bulong ng matanda habang naka tingin sa aking alipin.
"What do you mean?" Tanong ko kay tanda.
"Pati ang kuneho ay nag laho rin" dagdag pa nito habang patuloy na pinag mamasdan ang aking alipin.
Napatingin ako sa braso nitong may benda. Medyo paga parin ito at alam kong hindi natanggal lahat ni tanda ang lason na unti unting pumasok sa katawan ng aking alipin.
Miski ako ay nag tataka rin. Inasahan ko na ito, inasahan ko ng makakatagpo sya ng kuneho sa daan at alam kong papatayin sya nito. Sapat lang ang ginawa ng kuneho para mamatay ang aking alipin ngunit bakit umabot pa ito ng ilang minuto at tanging nangyari lang sa kanya ay ang mahimatay. Hindi ba dapat hindi na sya umabot ng limang sigundo? Dapat apat na sigundo palang ay patay na sya.
Isa pa bakit nag laho ang kuneho ng masukahan nya ang aking alipin. Mayroon ngang kakaiba sa babaeng ito. Ano kaya iyun.
"Ano nga iyung ibig sabihin?"
"Wala akong idea mahal na hari" sagot nya.
"Hindi ako naniniwala. Sabihin mo kung anong mayroon sa kanya!" Pagmamataas ko sa kanya.
"Pasensya na mahal na hari, wala talaga akong idea"
Pinag iinit talaga ng matandang to ang ulo ko.
"Lumayas ka" sigaw ko sakanya na ikinatayong bigla.
Tumingin muna ito sa akin bago tumungo sa pinto.
"Ingatan mo ang babaeng yan" huling bilin nito bago isuot ang kanyang salakot kasabay ang pag alis.
Anong pinag sasabi nung matandang yun.
Nilapitan ko ang aking alipin at umupo sa kanyang tabi.
'Kailangan kong malaman kung anong mayroon sayo'
Tirik na ang araw ngunit hindi parin nagigising ang aking alipin.
Toookkk toookkk tookkk
Napalingon naman agad ako sa aking pinto kung saan nanggagaling ang tunog.
"Pasok"
Kusa namang nag bukas ang aking pinto at iniluwa nito ang si cat na hingal na hingal at animo'y takot na takot.
"Hari. N-n-nadyan a-ang b-bagong chin" utal utal nitong sabi.
Ang bagong chin?
Anong kailangan nila?
"Susunod ako"
Lumapit ito sa akin at hinigit ang braso ko.
"Teka anong ginagawa mo?" Nag tatakang tanong ko.
"Kailangan mo ng queen kaya nandito ako"
Pinulupot nito ang kanyang braso sa aking braso. Kinalas ko naman agad ito.
"I don't need a queen"
Nag lakad na ako para tumungo sa ibaba kung saan naroroon si chin. Iniwan ko naman si cat sa itaas habang ako ay pababa na.
Malayo palang ay tanaw ko na ang kanyang maitim na mata na katingin sa akin. Kahit kailan hindi parin nag babago ang kanyang itsura. Pangit parin talaga sya. Ang itim nyang labi at ang kulubot nyang mukha. Idagdag pa ang baduy nyang suot.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko rito ng makalapit na ako sa kanya.
Medyo lumayo layo ako sa kanya dahil sa mabaho nitong amoy. Napaka lansa na hindi mo maipaliwanag.
"Interesado ka rin ba sa kayamanang nilalaman ng bagay na iyun. Ha?" Tanong nito habang nakangisi ng nakakaloko.
"I'm not interested!" sumabat ko.
"Pwes ako interesado. Naparito ako para sabihin sayo na malapit lapit lang ang susi."
Patago kong ikinuyom ang aking kamao. Alam ko ang kanyang ibig sabihin. Muling magugulo na naman ang mapayapa naming lugar.
"Wag mo akong susubukan chin" pagbabanta ko rito.
Humalakhak namna ito at may pag tingin tingin pa sa itaas.
"Gusto ko ang susi" seryoso nitong sabi.
"Pwes ipapatapon ko ang susi wag lang magulo ang aming lugar"
"Tick tock tick tock... Let see kung sino ang mauunang makahanap"
Ngumisi ulit ito na para bang nang aasar.
"Protect the key mr. King" dagdag pa nito bago sumakay sa kanyang kabayo para umalis.
Mas lalong nag apoy ako sa galit. Talagang binantaan pa nya ako.
Hinding hindi nya mahahanap ang susi hangga't nandito ako.
"Cat! Ipatawag ang lahat! May pag pupulong tayong gagawin!" Utos ko kay cat.
"O-okay"
"Hindi ko hahayaang maulit muli ang lahat"
-----
Eitsy's POV
Napaka sakit ng likod ko. Hindi talaga ako sanay mahiga sa matigas na sahig. Wala man lang kama si ate saysas. Ang lakilaki pero walang kama ano yun.
Kasalukuyan kaming nag aalmusal nila grew habang si ate saysas ay mamimili raw muna.
"Grabe kakaiba ang tinapay na to ang sarap sarap" halos mabulunang sabi ni grew habang punong puno ang bibig.
Ang lalaki talagang to ang takaw takaw kaya hindi nagkakaroon ng abs eh.
"Hoy hinay hinay nga lang! Baka ikamatay mo pa yan!" Pag sita ko sakanya. "Hirap kayang mawalan ng crush" bulong ko.
"Ha? May sinasabi ka?" Tanong nya.
"Don't mind it"
Tss. Kalalaking ang bingi bingi.
Nabaling naman ang atensyon ko kay veany na nakatulala.
"Veany. What's wrong with you?" Irita kong tanong. Kagabi pa kasi sya ganyan.
Natauhan naman ata syang bigla ng marinig nya ang boses ko.
"A-ah wala" tipid nyang sagot na sinabayan ng pekeng ngiti.
Kumuha naman ito ng tinapay at kinagat ito para lang masabing normal lang ang ikinikilos nya.
What's wrong with her?
Hmmm. I smell something...
"Mga bata!"
Pare pareho kaming napalingon sa may pintuan at doon nakita si ate saysas na hiningal. Siya lang pala ang tumawag sa amin.
"Bakit po?" Sabay sabay naming tanong.
"Kailangan nating pumunta sa pag pupulong. Kaya mamaya na kayo kumain. Halina kayo" pag mamadali nito.
"Um. Ate saysas pwedeng hindi nalang kami sumama kasi hindi nyo naman kami ka ur- - "
"Sasama kami" pag ddedesisyon ni dake na mag isa.
Tinapunan ko naman ito ng nagtatanong na tingin.
"Baka nandoon si souven" tugon nito.
Kukunin na sana ni dake ang bag nya ng pigilan sya ni ate saysas.
"Iwan nyo na muna ang mga bag nyo. Wala ng oras kailangan na nating pumunta don"
Ayoko sanang tumayo kaso hinigit ako ni veany para sumama.
"Baka nga nandoon si souven" nakangiting sabi ni veany habang hawak hawak ang kamay ko.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumabay sa pag takbo nya. Pati pala ang iba ay nagmamadali din, actually parepareho na kaming nag tatakbuhan na animo'y may artista sa aming pupuntahan.
Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan.
Habang inililibot ko ang paningin ko sa mga taong nag tatakbuhan ay may biglang umagaw ng aking pansin. Si ginoong kalbo. Naka ngisi ito at mukhang naka tingin ito sa aming direksyon. Sya lang ang bukod tanging hindi natakbo kasama si siro.
Hmm. Anak nya siguro ang batang iyun, palagi nyang kasama eh.
"Hello"
Napatingin naman agad ako sa gawing kaliwa ko.
Ang lakas naman nitong mag hello eh alam naman nyang nag tatakbuhan na.
"Um low din" tugon ko.
Nginitian lang ako ng lalaking nag hello sa akin kanina. Malaki rin ang tainga nito at may buntot din pero may itsura sya.
*poinkk*
Nauntog akong bigla sa likod veany. Huminto naman pala ito kaya huminto na rin ako.
Naririto kami sa isang napaka lawak na court doble pa ata ang lawak nito doon sa school namin.
"Ako nga pala si frince" pagpapakilala ng katabi ko, yung lalaking nag hello sakin kanina.
Tinignan ko naman ito ng masungit na tingin.
"Sorry. I don't want to talk to anyone" sambit ko sakanya bago ko sya iripan.
Binitiwan na ni veany ang kamay ko. Gusto ko sanang tumabi sakanya dahil nandito ako sa likod nya at katabi pa ang feeling close na lalaki.
"Naririto na ang lahat. Ngayon mag si upo na kayo" utos nung isang babae na naka pang queen outfit.
Nagulat naman ako ng biglang higitin ako ni grew papaibaba. Ako nalang pala ang hindi umuupo.
"Wait. Nasan na yung guy?" Tanong ko.
Pansin kong si grew na yung katabi at hindi na yung guy na makulit kanina.
Ngayon ko lang napag tanto na nakatingin si grew sa akin ng masama.
"What?" Tanong ko sakanya.
Hindi lang ako nito pinansin kaya hindi ko rin sya pinansin. Minabuti ko nalang na mag indian sit. Naka upo kasi kami sa sahig.
"Magandang tangahali aking mga mamamayan"
Napatingin ako sa lalaking naka tayo sa hindi naman kataasang lugar. Sya yung hari. Katabi nito ang isang babaeng walang malay.
"Omygod"
Is that souven?
"Grew. Look. Tignan mo kung sino yung nasa tabi ng hari" bulong ko grew.
Napatingin naman agad ito roon habang ako ay tumingin kay dake na seryosing nakatingin sa gawing yun. Bakit parang hindi sya kumikibo?
"Vean- - - "
"I know"
Alam nya rin na nandoon si souven pero bakit wala silang ginagawa.
"Don't worry, she's safe" bulong sakin ni grew.
Tinignan ko nalang ulit si souven at may benda nga ito sa kanyang kamay. Hay. Sana ayos lang sya.
"Kailangang mag handa" huling katagang sinabi ni king na yun lang ang aking narinig.
"Uulitin ko. Kailangan nating mag handa. Nagbanta si chin at siguradong alam nyo kung anong ibig sabihin nun. Ilabas lahat ang baril,pana at espada ilang pag hahanda. Iwasan nyong lumabas ng gabi at kung makakita ng kuneho patayin agad. Lumayo na rin kayo agad kapag nakaka amoy na kayo ng masangsang na amoy. Tandaan nyo kayo kayo lang din ang mag po-protekta sa mga sarili nyo" sabi ng hari.
Anong ibig nyang sabihin?
Nagbulungbulungan naman ang aming paligid. Para silang takot na takot.
Biglang dumilim ang kalangitan at may uwak na nagsilabasan.
"Creepy"
Napahawak agad ako kay grew ng mag ingay na ang mga uwak.
"Anong ibig sabihin nan?" Tanong ko.
"Paparating na ang mga namumuno sa Grupong makakapangyarihan" tugon ni ate saysas.
Mas lalo tuloy humigpit ang pag kakahawak ko kay grew. Bakit kasi may pa effect pa silang ganito eh dadating lang naman sila.
Maya maya ay may biglang sumulpot na kambayong lumilipad sa kalangitan at pabagsak mga ito. Tao rin ang nakasakay roon. Mahaba ang buhok at naka puti. Lalaki ito.
"Anong uri sila?"
"Hindi lang sila ang darating. May tatlong grupo pa." Sambit ni ate saysas habang nakatingin sa kalangitan. Buti nalang at nakababa ng ligtas ang lalaking iyun.
Maya maya ay sinundan naman ito ulit ng kabayong puti na may naka sakay Babae. Mahaba rin ang buhok at kulay puti rin ang suot pati ang buhok. Kay gandang babae, mala anghel ang kagandahan.
Sinundan naman ito ng lumilipad na agila at may maliit na tao ang nakasakay roon, Mabalbas ang taong yun at naka suot ito ng battler suit.
At ang kahuli hulihang dumating ay babae na naka maskara at nakasakay din sa kabayong lumilipad.
Nang makalapag na ito sa lupa chaka lamang lumisan ang dilim sa paligid. Unti unting nag silayas ang uwak at lumiwanag ang kalangitan. Nabalik ang mga tao sa realidad. Napatingin kami sa nag si datingan na ngayon ay nakaluhod sa harap ng hari.
Hindi kalaunan tumayo rin ang mga ito.
"Sila ang iba't ibang uri ng grupo. Sila ang namumuno sa kanilang grupo" pagpapakilala ng hari sa mga dumating.
"Please introduce your groups" dagdag pa ng hari.
Panandaliang tumabi ang hari para bigyang daan ang paglapit ng lalaking unang dumating.
"I'm the god of endlessgod group. You can call me, Masd" pag papakilala nito sakanyang grupo.
Sumunod naman ay yung babaeng mahaba din ang buhok.
"Tawagin nyo akong queeny. I am the queen of endlessgodwoman group" pagpapakilala din nya.
Lumapit na rin ang pandak na lalaki.
"Just call me Rick. Pinamumunuan ko ang grupong dwarf warrior group"
"And i'm your mysterious girl. My name is rose. The leader of roses warrior group"
Hmm..
Ano namang ganap nila dito?
"They can help us" pag singit ng hari.
Muling nag bulungbulungan ang lahat.
"Sila ang makakatulong natin kapag nag hamon ng digmaan ang chin nayan. Hindi tayo magpapatalo tulad ng dati. Kaya lalaban tayo!" Sigaw ng hari.
Nag sisang-ayon naman ang lahat. Nag sigawan ang mga ito na parang gustong gusto nilang na away.
"Umuwi na kayo sa inyo at maghanda" huling sabi ng hari bago tuluyang lumisan kasama ang apat na namumuno ng iba't ibang grupo.
Nag si alisan naman ang tao habang dala dala ang usap usapan.
"Just wow. May ganon pala? Well sa mundo kasi namin power rangers lang ang alam kong grupo na tagapagligtas" manghang manghang sabi ko.
"Teka saan pupunta ang inyong kaibigan" sigaw ni ate saysas.
Napalingin naman agad ako sa tinuro ni ate saysas at doon ko nakita si dake na patungo sa palasyo.
"Guys sundan natin sya. Gusto ko na rin makita si souven eh" pag sang ayon ko sa ginawa ni dake.
Tumakbo naman ako gaya ni dake para tumungo sa palasyo.
Nag si sunod nadin sila veany at grew habang si saysas ay nagpa iwan nalang.
"At saan kayo pupunta" nahinto agad kami sa pag takbo ng salubungin kami ni hari.
"We want to see her" tugon ni dake.
Kasunod ng hari ang mga namumuno sa mga grupo at may mga kawal din sya sa paligid. Ngayon malapitan ko ng nakikita ang kanilang mga itsura. Grabe ang ganda ganda nung leader sa endlessgodwoman group at sobrang gwapo naman nung leader sa endlessgod group. At yung mga iba? Mababait sila.
May binulong ang hari doon sa magandang babae. Sabay sabay naman silang umalis maliban sa hari.
"Just follow me" utos nito.
Naglakad naman ito papasok sa palasyo at umakyat sa hagdan.
Siguro ay dadalhin nya kami kay souven.
Hindi nag tagal narating din namin ang patag. Grabe kakahingal umakyat ang dami kasing lalakaran. Sinalubong naman kami ng isang malaking pinto na kusang nag bukas.
Tumambad sa amin ang babaeng naka higa sa kama na tila'y kaka lagay lang nya doon. May kawal sa paligid nito at mayroon ding katulong.
May benda ang kanyang braso at mahimbing ang kanyang pag tulog.
"Souve- - " nahinto ang pag lapit ko kay souven ng hawakan ako ng dalawang kawal sa braso ko.
"What the hell!" Sigaw ko.
"Huwag nyo syang hahawakan at wag kayong didikit sa kama kung ayaw nyong mamatay ng wala sa oras" pagbabanta ni hari.
Grabe naman. Ang strikto nya.
"Okay fine!" Sagot ko.
Tinignan ko naman ito mula ulo hanggang paa.
Kaibigan namin sya tapos ayaw nyang ipahawak o kung ano man.
Piling kaibigan sya ni souven eh.
"Again. Don't touch her." Pag uulit pa nito.
Sumang ayon nalang kami para bitiwan na ako ng mga kawal.
Agad akong tumakbo para lapitan si souven.
"Bakit kaya ayaw nyang ipahawak satin si souven?" Bulong sakin ni grew.
"Ganyan talaga pag buhay paepal" bulong ko rin sakanya.
"Maari mo na kaming iwan" utos ni dake.
Naka upo lang ang hari sa isang magarang upuan at naka de kwatro ito habang nakahalukipkip.
"I'll watch you"
Grabe. Ano bang klaseng lalaki to.
Sira na ba ang ulo nya. Hello hindi namin papatayin ang kaibigan namin noh.
"Pwede nam- - "
"Manahimik kayo!" Sigaw nito.
Tss.
Bahala ka dyang manigas kakabantay samin. Che.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now