Chapter 47

48 3 0
                                    

  Wala akong marinig kundi puro sumbat mula kay lola. Galit na galit sya sa akin pero hindi ko naman alam kung bakit.
Giniginaw na ako sa mga oras na ito. Nababalutan narin ng alikabok ang katawan ko dahil nasa sahig parin ako. Wala silang balak ni itayo at ibalik sa pag kakaayos ang upuan. Para na nila akong pinapahirapan.
"Masyado kang malandi! Kirida! Hindi naman kayo bagay ng hari at hindi naman ikaw ang nauna. Si queeny ang mas bagay sa hari hindi ikaw!"
Wala na akong ibang marinig kundi ang tungkol kay queeny. Puro na lang queeny. Ganito ba talaga mag higanti ang isang ina?
"Itigil mo na nga iyan!" Sigaw ni ginoong kalbo na akala mo ay nag aalala.
"Wag kang mange alam rito kalbo!" Tugon ni lola habang nakatingin ng masama kay ginoong kalbo.
"Dapat akong mange alam!"
Habang nag susumbatan sila naagaw naman ang pansin ko kay siro na nakangising naka tingin sa akin.
"Kamusta?"
Sa isang iglap. Binalot ako ng kaba ng biglang sumulpot nalang ang bata sa aking harapan.
Nanlamig ako ng makita ko ang kanyang labi na unti unting umiitim habang nakangisi. Ang kamay nitong nangungulubot habang hawak hawak ang aking baba.
May kakaibang enerhiya akong nararamdaman sakanya. Hindi bata ang tingin ko sakanya.
S-sya ang chin.
"LAYO!" Isang malakas na sigaw na agad naka agaw ng aming pansin at nakapag palayo kay siro mula sa akin.
Sinundan iyun ng nakakagimbal na putok ng baril na nag panganga ng aking bibig.
Naalarma akong bigla ng biglang ngumisi si siro.
Nanlaki ang mata ko. Parang slow motion ang pagdaan ng maliit na bala ng baril sa aking harapan na agad sinalo ni siro. Mas lalo akong nanlamig ng matanaw ko ang ginawang pag durog ni siro sa baril gamit ang hinlalaki at hintuturo.
Para akong na istatwa sakanyang ginawa. Sya na ba talaga ang totoong chin?
"Nariyan na ang taga pag ligtas ng aking susi."
"Hindi ako ang susi mo. Pag mamay ari ako ng hari!"
Naramdaman ko ang pag galaw ng upuan dahilan para maibalik ako sa tamang tayo.
Namuo ang luha sa aking mata ng makita ko ang mukha ni thirp. Para tuloy akong naawa sa aking sarili.
"Mapula ang pisngi, may dugo sa gilid ng labi, may pasa ang braso at basa ang ulo at katawan." Panunuri nya. "Sinong gago ang gumawa nito sakanya!" Biglaan nyang sigaw.
Nangilabot ako ng ikasa nya ang baril na hawak nya.
Bakas sakanyang mukha ang pag aalala habang galit na galit naman ang kanyang mata. Dumating na sya. Ang taong palagi na lang nag aalala. Ngayon panatag na ako.
Naiiyak sa sobrang saya.
"Pasensya na- - " Nahinto ang pag sasalita ni tanda ng lingunin sya ni thirp.
Hindi ko alam kung anong tingin ang ipinupukol ni thirp kay lola, dahil na papa-atras si lola habang natingin kay thirp.
Gustong gusto kong magpasalamat sa hari na palaging nandyan.
Mas lumalakas ang loob ko kapag nakikita ko sya at nakakasama ko sya.
Natahimik ang paligid ng sandaling ito. Pero sandali lang iyun. Hinarap ako ni thirp na may maamong mukha.
"Tara na. Umuwi na tayo. Imasahe mo na ko?" Maamo nyang sabi.
I bit my lower lip. Pinigil ko ang luhang gustong bumagsak.
Napaka lambing ng mukha nya. Pinaparamdam nya sa akin na okay lang ang lahat kahit alam kong hindi naman. Hindi naman talaga sya mag kakaganyan kung hindi dahil sa akin. Tama si lola, ako nga ang dahilan kung bakit sila nag kakagulo ng ganito. This is all my fault.
"At ano sa tingin mo? papayagan kitang makuha ang susi?"
Ramdam ko ang unti unting mag angat ng upuan na syang ikinaalarma ko. Parang isang tren ang biglaang pag taas ko kaya hindi na ako naabutan ng hari.
"T-teka.. Anong nangyayari?" Nauutal kong tanong.
Inilibot ko ang aking paningin sa ibaba para hanapin kung sino ang gumagawa nito. Alam kong hindi si rina ang nagawa nito dahil wala naman sya rito.
Nakita ko ang pag ngisi ng hari na para bang hindi na nagulat pa. Tumungo ito matapos ngumisi.
"Anong akala mo kaya mong pabilugin ang ulo ko? Anong akala mo kaya mong magtago ng pang habang buhay? Anong akala mo bobo ako?" Mga tanong ng hari.
"S-sino po bang kinakausap nyo?" Nauutal na tanong ni lola.
Walang alam si lola sa mga nangyayari habang ang bata ay parang inosente lang. Panigurado akong ang bata ang kinakausap ni thirp.
"Ang tagal kong nag panggap na wala akong alam. Nag tanong sa sarili kahit alam ko naman ang sagot. Kahit kelan, hinding hindi ka makakapag tago sa akin kaya mabuti pang harapin mo na lang ako!"
Biglang nag pakawala ng bala si thirp papunta sa direksyon ni siro. Halos umabot ang panga ko sa sahig ng mapatingin na naman ako ng bata, sinalo nyang muli ang bala at dinurog ito na parang isang pulburon.
"Akala ko pa naman. Hindi mo ako makikilala sa katauhang ito." Nakangising sabi ng bata.
Lumakas ang ihip ng hangin at isang nakakabinging kulog ang kumawala sa kalangitan.
Tutok na tutok ang tingin ni lola sa bata.
"I-imposible.." Bulong ni lola na medyo napa atras pa.
Nanlaki ang mga mata ko.
Unti unting nag babago ang anyo ng bata. Nahahati sa gitna ang katawan nito. Humahaba ang braso pati narin ang hita. Lumalaki ang ulo pati ang mukha. Nangungulubot ang katawan nito hanggang sa unti unti na itong lumaki.
Mas lalo pang nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kabuuan.
Ang kaninang bata ay ngayo'y naging matanda. Ang kaninang makinis ay ngayo'y kumulubot. Ang kaninang gwapo ay ngayo'y pangit.
"Sabi na nga ba! Tama ang hinala namin ni frince!"
Nabaling aking ang tingin sa isang lalaking nakangiti.
"Dake?" Kasama nito si cat na nakangisi.
"Ngayong tapos na ang pag papanggap. At ngayong may lakas na ako, maari ko na kayong tapusin." Nakangising sabi ng dating chin.
Mukha bang may lakas yang ganyang itsura? Eh parang matandang na stroke ang lalaking yan.
Naagaw ang atensyon ko kay ginoong kalbo na nag bago rin ang anyo. Naging kulay berdeng usok na ito.
"Ugh. Ang sarap maging bata." Sambit nito na bahagya pang inikot ikot ang ulo. "Labas aking mga anak." Dugsong nya.
Nangalingasaw ang baho sa paligid.
"What the hell!" Bulong ni cat kasabay ng pag takip ng ilong. Habang si dake naman ay nakangisi lang.
Pumosisyon sila na tila'y handang lumaban.
Teka? Ano na kayang nangyari kina eitsy? Baka napahamak na ang mga yun? Kailangan kong makawala rito. Kailangan ko silang tulungan.
"Kamusta ang pag panggap mong walang kabuluhan?" Nakangising tanong ng hari.
"Nangamusta ang bobong bagong hari." Sambit ni chin. Humalakhak ito na parang isang demonyo. "Alam mo, sana pinatay mo na ako nung hindi pa bumabalik ang aking kapang yarihan edi sana wala kang problema ngayon." Dugtong nya.
"Tss. Huwag mo naman akong itulad sayo na isang duwag. Alam mo kasi, hindi naman ako isang tulad mo na lumalaban lang kapag alam kong walang laban ang kalaban. Mas magada kasing makipag laban kapag patas. Sensya na, hindi kasi ako tulad mo."
Nakita ko ang kamao ni chin na namumuyos sa galit.
"Isa kang haring walang alam sa bagay bagay."
"Ahh talaga? Alam mo bang nag papasalmat ako kasi hindi ka nanggulo ng ilang taon? Nakapag isip kasi kami ng isang uri ng bagay na maaring makapatay sayo. Kaya wala ring kwenta kung agad kitang papatayin nung panahong wala kapang kapangyarihan. Ikaw ata tong bobo eh. Hindi ka siguro nag babasa tungkol sa mga uri mo. Well kung hindi mo alam ang tungkol sayo, ako mismo ang magpapaalam." Humakbang sya ng isang beses papalapit kay chin. "Akala mo ba hindi ko alam na kapag nilabanan kita ng wala kang kapangyarihan ay hindi ko ikakamatay? Alam ko namang hinihintay mo lang ang pag sugod ko. Dahil alam mong kapag sinugod kita, doble ang balik ng kapangyarihan mo sayo. At kapag sinugod ulit kita ng walang kapangyarihan, edi triple ang balik ng kapangyarihan mo. Aral na aral ko ang tungkol sayo kaya hindi mo ako kayang mauto."
Isang ngisi at tatlong palakpak ang itinugon ni chin.
"Mahusay. Kahit na hindi mo ginawa yun, hinding hindi ka parin makakapantay sa kapangyarihan ko."
"Talagang hindi ako makakapantay sa kapangyarihan mo dahil mas lamang na ako."
Bahagyang kumunot ang noo. Naguguluhan ako sa mga sinasabi ng hari.
Kinabahan akong bigla ng makita ko si lola na nakataas ang kamay.
"Mamatay kana!" Sigaw nya bago ibigla ang pag bagsak ng kanayang kamay.
Sya ang komontrol neto?
Para akong nawalan ng kaluluwa ng biglaan akong bumulusok pa ibaba. Ipinikit ko ang aking mata at nag hihintay ng pag bagsak.
"Hindi mo ako mapapantayan lola." Isang boses na pamilyar sa akin.
Ilang segundo na ang nakalipas kaya minabuti ko ng buksan ang aking mata. Nakalutang parin ang upuan pero hindi na ito mataas at wala na ako sa kanina kong pwesto.
Nasa harap na lang akong bigla ni cat na tinatanggal ang tali sa aking kamay.
Tanaw ko ang mga taong pamilyar sa akin. Si rina ay naririto at mukhang sya yung nag salita kanina. Pati rin si tandang giro na may hawak hawak na tungkod ay naririto rin. Nasa likod sila ng hari.
"Iniligtas ka ni rina mula sa matanda." Bulong sa akin ni cat.
Para akong isang preso na tuwang tuwa ng makalas na ang tali sa aking kamay at paa pati baywang.
"Here. Ayokong mag kasakit ang asawa ko." Nakangiting sabi ni dake.
Tinungo nito ang aking likod at pinasuot ang isang makapal na jacket.
"Lumayo kana rito." Sambit ni dake gamit ang seryosong tono.
Agaran naman akong umiling.
"King's key is me kaya kailangan kong tulungan sya."
"And king need to protect his key."
Nakangiti akong umiling bago tanggalin sa aking labi ang dugo na nanuyo na.
"Hindi na kailangang protektahan pa. Dahil ako na mismo ang lalaban para sakanya." Sambit ko bago hugutin ang espadang nasa kanyang tagiliran.
Napalingon ako agad ako sa aking gilid.
Pinapalibutan na kami mga patay.
"Okay. Tara na! Maligo na tayo sa dugo!" Malakas na sigaw ni dake bago sugurin ang mga patay.
Napangisi naman ako.
"Sakin na tong matandang makunat at sayo naman yang matandang patay na yan." Sambit ni rina kay tandang giro.
Bumahing muna ako bago ihampas sa patay ang hawak kong espada. Namilog ang mata ko ng tumagos lang ito.
"Bwiset. Wala pala tong dugo."
Agad akong napa atras para puntahan si dake na dinudumog na ng patay.
"Hoy! Sira ka talaga! Paano ito tatalab kung walang dugo- - " Hindi ko na naituloy ang panenermon ko ng ihagis nya ang isang bote na kulay pula ang laman.
Napatakip ako ng ilong ng buksan ko ito. Binuhos ko ito sa patalim bago sumugod sa mga patay na talaga namang masangsang ang amoy.
Woo.
Sa tuwing sinisilayan ko si thirp ay mas lalong lumalakas ang loob ko na makipag laban. Panatag na ako kung sa patay ako makikipag laban kaysa naman sa mga taong may mga kapangyarihan. Wala akong laban sakanila.
"Ahhh."
Nakarinig ako ng sigaw sa bandang likuran ko kaya agad ko itong hinarap at agad binigyan ng gunggong attack ang patay na sinubukan akong saktan.
Sinubukan kong tignan ang ginagawa nila rina.
At wow.
Napakalakas ni rina. Kayang kaya nyang palutangin si lola. Napangiwi si lola kaya sa tingin ko bugbog ang inaabot nya. Habang si tandang giro ay tanging tungkod na may dugo lang ang panlaban kay tandang kalbo na ngayo'y nasa tunay na nyang kaanyuan.
Habang ang hari naman ay nag sisimula ng makipag laban kay chin. Tanging mahika lang ni chin ang sandata nya.
Ako naman ay binabangga ang dalawang patay.
Kinikilig ako sa tuwing makikita kong pasulyap sulyap ang hari sa akin. Yun ang dahilan kung bakit gusto kong lumaban. Gusto kong mabuhay. Gusto ko kasing maging mrs. Kniff.
Parang nawala lahat ng sakit ng katawan ko.
Baliw na akong tawagin. Nakangiti akong nakikipag laban.
Bigla kong nabitiwan ko ang aking espada dahilan para ma out of balance ako.
Nanlaki ang mata ko ng lapitan ako ng mga patay.
"Ahhhhhhhh!!!!"  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now