Souven's POV
Palpak.
Isang salita na nag lalarawan sa invention ng pinsan ni thirp.
"Such a shit tic." Singhal nya sa kanyang pinsan na kasalukuyang pinupukpok ang inbensyon nya.
Papatulog na sana ako kaso biglang binuhay ni tic ang kalamnan ko. Halos mamatay-matay sa kakatawa ang bituka ko ng dahil sa palpak nyang inbensyon.
At anong akala nya? Maloloko ang pinsan nya?
Aaminin kong mukhang walang alam si thirp pero wag ka, nasa loob ang talino nan. Hindi nga lang halata.
"What? Pwede nyang malocate ang susi. Medyo nag karon lang ng problema" pag papalusot pa nya.
"Tss. Dinamay mo pa si lolo dyan sa kalokohan mo." Walang reaksyong sumbat ng hari sa kanyang palpak na pinsan.
"Wait. Okay naman ah. Sinasabi naman nito na malapit lang sa tabi tabi ang susi- - "
"I heard it already. Lahat sila nag sasabing malapit lang ang susi. Ang Tanong? Nahanap na ba? Puro na lang malapit kahit malayong makita? Your wasting my time. We have to go"
Tumayo na si thirp at hinawakan ang kamay ko. As usual, heto na naman si pana'y higit.
"This time mag tiwala ka naman sa inbensyon ko! Hoy daking! Nag sasabi ng totoo ang inbensyon ko! Look malapit lang daw sya sa tabi tabi! Hoy daking!"
Hindi ko maiwasang matawa ng kaunti sa tuwing naririnig ko ang mga isinisigaw nya habang papalayo kami sa kanya.
Daking?
Isa ba yun sa nickname nya? Talaga ngang walang nakaka alam ng pangalan nya. Except sakin. And dapat kong ipag mayabang yun.
"Nickname mo ba ang daking?"
"No. That shit nickname? Ugh. Hindi ko gusto ang ganyang tawag sa akin. No choice lang dahil di ko type na malaman nila ang name ko kaya hayan, gumagawa ng iba't ibang tawag sakin"
Hindi ko maiwasang mapangiti.
Simpleng tanong ang haba ng sagot. I like that mr. King. Sana araw arawin mo yan para matuwa ako.
"Huwag kang matuwa dyan. Baka nakakalimutan mong may kaparusahan ang hindi mo pag sasanay kahapon at natulog kapa sa damuhan"
Nag sasalita ito ng kung ano ano habang papaakyat kami ng hagdan habang ako, pasimpleng napapa ngiti. Ewan ko, ako na nga tong senesermonan ako pa tong nasisiyahan.
"And i want to say sorry. Nag sabi ka na ngayon kita sasanyin sa pag hawak ng sandata but hindi natuloy kaya sorry. Siguro para makabawi. Anong kaparusahan ang igagawad mo sa akin?"
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Tama naman sya. Para mag fair para sakin.
"Umm. Pwede bang wish na lang?"
"Ok fine. Ano ba yun?" May halong pag rereklamo sa tono nya.
"Umm. Gusto ko sanang hilingin sayo na.. Wag mo nalang akong parusahan para kwits"
Napangiti ako na parang bata. I hope tuparin nya ang hiling ko.
Binitiwan na nya ang kamay ko at tumayo sa aking harapan while his both hands inside the pocket of his pants.
"Malinis na ang kwarto mo at pwede ka ng matulog. At dahil may kasalanan din ako sayo, hindi na ita paparusahan pa basta bukas sisiguraduhin kong mag sasanay kana. Mahirap na baka- - basta. Isara mo muna ang mga bintana at pinto ng mabuti, make sure na walang masamang elemento ang makakapasok. Sige. Pumunta kana sa kama at matulog"
Damang dama ko ang pag papaalala nya na nag papakilig ng large intestine ko.
"Um. Okay thanks for your concern mr. King"
"What? Hey. I'm not concern- - "
"Bye. Bye. See yah"
Isang kaway at ngiti ang pumutol sa sinasabi nya. Dahan dahan kong isinasara ang pinto ng pahinto nya ito.
"Yes?"
"Umm. Sleep well. G-good night" wika nito bago ako talikuran at tumungo na sa kinaroroonan ng kwarto nya.
I took a deep breathe.
Kahit anong gawin mo. Halata ko parin ang pag aalala mo.
Isinara ko na ang pinto at ibinagsak ang katawan ko sa isang malinis at malambot na kama.
*sniff sniff*
Amoy sabon pa ang bedsheet eh. Talagang malinis ang ginawa nila rito at wala ka talagang makikitang bakas ng kadumihan.
Tumingin ako sa ceiling. Ngumiti muna ako bago tuluyang bumagsak ang talukap ng mata ko.
-----
Thirp's POV
Isang spray ng pabangon para sa bagong sikat na araw.
May ngiti sa labi kong hinawi ang kurtinang puti na syang humaharang sa liwanag ng araw.
"Good morning sunny boy"
Bumalik muli ako sa salamin at pinag masdan ang gwapo kong mukha habang dahan dahang sinusuklay ang buhok kong napaka ganit. Ilang taon ko kayang hindi sinuklay to?
Ewan ko ba kung anong spirit ang sumanib sa akin at nag suklay ako ng ganito. I'm just doing this without reason.
Alam ko namang mabango ako pero nag pabango parin ako. Ilang oras ko ring pinag pilian ang mga damit na naka lapag sa kama ko bago makapili ng isang damit na babagay sa akin.
"Nuknukan ka talaga ng gwapo thirp"
Isang kindat ang iniwan ko sa salamin bago tumayo at tinungo ang pinto.
Tinungo ko ang kwarto ng aking alipin. Oras na para mag sanay.
"Aking alipin. Lumabas- - "
"Yes?"
Napaliyad ako ng kaunti. Mukhang handang handa na sya dahil sa siglanh ipinapakita nya.
"Ehem. Tara na."
Tinalikuran ko agad sya at nanguna sa pag lalakad.
"Saka nga pala- - "
Nagitla sya sa bigla kong pag harap.
"At bakit ka naman naka pikit na tila'y may inaamoy?"
"A-ah. Nakakapanibago lang kasi. Ang akala ko hindi ka marunong mag pabango pero heto ka. Inaaangkin ang butas ng ilong ko"
Napakunot lang ako ng noo.
Ang sagwa naman pakinggan ng 'inaaangkin ang butas ng ilong ko'
"Paalala ko lang sayo. Bawal maadik sa akin. Walang gamot si tanda para dyan"
Nginisian ko lamang sya.
Hindi ko na lang pinag patuloy ang balak kong sabihin dahil baka makasira pa iyun sa mood namin. Minabuti ko nalang na mag patuloy sa pag lalakad.
"Wait.. San kayo pupunta?"
Nahinto ako sa pag lalakad at ganon din ang aking alipin. Hinarang kami ni cat.
"Umalis ka sa daraanan namin!"
Masamang tingin ang itinapon ko sa kanya na alam kong naging dahilan para matauhan sya.
"Um. Sorry mahal na hari. Gusto ko lang ping malaman dahil mahirap na po kapag nag ka hanapan" pagdadahilan nya.
"Sa hardin. Ikaw na ang bahala rito"
Nag patuloy na akong muli sa pag lalakad ng tumabi na sya upang paraanin kami.
"Umm. Pwede ko bang dalawin ang mga kaibigan- - "
"Isang linggong pag sasanay ang kailangang gawin nila kaya ibig sabihin non, wala sila sa kani-kanilang bahay"
"Sus. Ang sabihin gumagawa ka lang ng paraan para wag dalawin ang mga kaibigan ko. Selfish" mahinang bulong nya ngunit matinik ang tainga ko kaya narinig ko parin iyun.
Hindi ko na sinita ang ginawa nyang pag bulong. Ayokong masira ang mood ko.
Hinigit ko ang kamay ng aking alipin at pumasok sa halamang pader. Sininghot ko ang sariwang hangin na unang bumungad sa amin ng maka pasok na kami sa napaka gandang lugar na ito.
"Ugh. Alam kong nakita ko na ito kahapon but parang kakakita ko lang ito. I feel good. Ugh. Ang saya" maganang wika ng aking alipin.
Iikot na naman muli sana ito ngunit agad ko syang napigilan. Mukhang mauulit na naman kasi ang nang yari kahapon.
"Nandito tayo para mag sanay"
"Tss. Saglit lang- - "
"Ilabas mo na ang pekeng patalim mag sisimula na tayo"
Wala naman syang nagawa kundi ang sumunod. Ipinabigay ko kay cat ang pekeng patalim sa kanya bago sya tuluyang matulog at mukhang na tanggap naman nya iyun.
Bigla nitong itinutok sa akin ang patalim na hawak hawak nya.
"Then try me" nakangisi nyang pag hahamon.
Hindi ko gusto ang sinabi nya pero, papatulan ko sya hindi dahil gusto kung di dahil pag sasanay lang ito. Hindi naman ako bading para pumatol sa babae.
Sinubukan kong agawin sa kanya ang oatalim ngunit mabilis ang kilos nya at agad nyang iniwas ang kanuang kamay.
Well wala pa naman sa basic yun.
"Ipapaalala ko lang sayo. Wag mong kakalimutang lagyan ang iyong patalim ng dugo na may halong suka"
"I know mr. King"
Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa pananalita nya. May kakaiba sa boses nya. Para syang nang aakit.
Akma nyang pupuntiryahin ang taligiliran ko pero bigo sya dahil agad akong naka ilag dahilan para ma corner ko ang kamay nya. Kunwari ko itong pinilipit. Tinuunan ko ng pansin ang baywang nya. Pinulupot ko agad ang mga kamay ko sa kanya at binuhat sya. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya ibinaliktad ko sya at ibinalik rin agad sa maayos na posisyon.
Ramdam ko ang malalim nyang pag hinga at mukhang natakot ko sya.
"I'm sorry"
Binababa ko na sya upang makalma.
"A-ang bilis. Teka pano mo nagawa yun? Sobrang bilis ng pang yayari. H-hindi ko nasaksihan ang lahat. P-pwede mo ba akong turuan ng ganon?" Manghang mangha nyang sabi.
Tss.
Basic lang yun pero parang hard sa kanya.
Buti nalang at magaan sya kaya nabuhat ko sya ka agad.
"Okay..."
Sinimulan ko syang turuan sa basic bago sa mahirap.
Magandang turuan sya dahil sa pagiging seryoso nya.
Ginaganahan tuloy ako. Ano na lang kaya kung matuto sya?
Baka napatay na nya ang bagong chin.
Hmm. Ilang araw o linggo nalang baka mag tuos na kami ng chin na yan. Good luck na lang kung sino ang mauunang maka hanap ng susi. And let see kung sino ang mananalo sa laban.
And if mahanap ang susi. Ipapaubaya ko na iyun dahil hindi naman ako interesado sa walang kwentang susi nayun. Good luck na lang kung pati ako masisilaw roon.
Good luck kung meron palang kwenta ang susing yun.
Pinag tuunan ko na lang ng pansin ang aking alipin na kasalukuyang kayakap ko.
Hehehehe.
Kasama kasi sa pag sasanay.Show more reactions
YOU ARE READING
King's Key is Me
AbenteuerAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel