Souven's POV
Halos malaglag ang panga ko ng makita ang isa nyang mata na nilalabasan ng dugo.
Nakakapanghina ng tuhod habang lumalabas ito. Gusto ko man syang dalhin sa matandang nanggagamot kaso paano? Eh ayaw naman nya. Ang sabi nya hayaan ko na lang daw dahil natural lang daw sa kanya ang labasan ng dugo sa mata.
Mas pinili nalang nyang dalhin ako sa isang malaking puno at doon umupo sa mga ugat.
Alam kong takot ang kalamnan ko sa ugat na ito pero nandyan sya para pakalmahin ang bituka at atay ko.
Nakatingin lang ako sa malayo.
Hindi ko magawang tumingin sakanya ng diretso. Hindi din maiwasang manginig ang kamay ko sa tuwing masasagi sa mga mata ko ang kanyang mga mata na nilalabasan ng dugo. Normal naman ang isa nyang mata pero bakit yung isa? Nag durugo?
Saglit ko syang sinulyapan. Pero ang saglit na sulyap ay nauwi sa titig.
Nakasandal lang sya sa puno habang nakapikit.
Nanginginig kong hinawakan ang kanyang pisngi at pinunasan ang nanunuyong dugo roon.
"I'm okay." Mahina nyang sambit ng maramdaman ang panginginig ng kamay ko na nanatiling nasa kanyang pisngi.
"Let me see your eyes. Imulat mo ang mata mo. I want to see your eyes. Please." Pagmamakaawa ko.
Mas lalo pa nyang diniin ang pagkakapikit ng mag makaawa ako sakanya.
"Ayokong matakot ka." Sambit nya na syang ikinadudurog ko.
Hindi ko alam kung bakit sumisikip ang dibdib ko. May itinatago sya sakin.
Sinubukan kong umastang matapang bago mag salita. Tumawa ako ng mahina bilang pag papakitang tao.
"Ako? Matatakot? Siguro matatakot lang ako kapag nawala ang kaluluwa ko sa katawan ko." Pilit kong pag bibiro.
"Wag kang mag salita ng ganyan. Ayokong mang yari ang bagay na yun. Dahil mag sisisi ka kapag sinaktan mo ang lalaking kausap mo ngayon." Pagbabanta nito sa akin.
Ang lakas nya pang mag banta eh nag kakanda ubos na nga ang dugo nya tapos naisingit pa ang katagang iyun.
"Chaka. Pwede bang pahalagahan mo ang binulong ko sayo kagabi. Minsan lang ako mag sabi ng ganon. Kaya sana pahalagahan mo." Request pa nya.
Yung binulong nyang nag patakbo sa kanya sa kanyang kwarto?
"Of course. I will." Nakangiti kong wika.
Kahit hindi mo naman sabihin. Papahalagahan ko parin naman yun, dahil ikaw ang unang crush ko na sinabihan ako ng ganon.
Sarap sa feeling na sabihan ka ng 'mahal kita' yung tipong mahihiya pa sya kapag sinabi yun. Parang highschool days.
Gumalaw ang labi nito at nag smile.
Hay.
Kung pwede ko lang sana hilingin sayo na mag sabi ka sakin ng problema edi sana hiniling ko na yun kanina pa. Kaso hindi ko kaya, ikaw kasi yung tipo ng lalaking kinikimkim ang lahat ng problema.
Hindi naman kasi basehan ang pagiging hari para akuhin ang lahat. Nandito naman ako. Mag share ka naman para kahit paano mabawasan ang bigat na nararamdaman mo.
Sagutin mo naman ang mga tanong ko, para naman masulusyunan ko.
"I'm tired. Pwede bang patulugin mo ako?"
Pareho tayong pagod kahit wala naman akong ginawa.
Naramdaman ko ang unti unti nyang pagbaba hanggang sa makahiga na sya. Tanging ugat ang naging unan nya.
Nananatiling naka pikit ang mga mata nya.
Bakit kaya ayaw nya itong imulat? Totoo kayang ayaw nya akong takutin? Nakakatakot ba ang mata nya?
"Hindi ka komportable dyan."
Umayos ako ng upo at pinag pagan ang hita kong natatakluban ng jeans.
Kinuha ko ang kanyang ulo at doon ipinirmi. Nahuli ko ang saglit nyang pag ngiti.
"I'm so inlove, i can't sleep." Wika nya.
Nakuryente akong bigla ng sabihin nya yun.
Sorry. Walang kama rito kaya hindi ko magagawang ilabas ang kilig na dumadaloy sa dugo ko.
"Isama mo sa pag tulog mo ang love para naman makatulog kana."
Dahan dahan kong sinuklay ang kanyang kilay gamit ang aking hintuturo.
Yun kasi ang ginagawa ni lolo sa akin para patulugin ako.
"Shit. I'm fuckin' inlove." Pagmumura pa nito.
Kahit papaano ay napapangiti ko sya.
Pinapaikot ikot ko ng dahan dahan ang aking hintuturo sa kanyang makinis na pisngi.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumigil na ang pag durugo. Sa wakas.
Nawala lahat ng pag aalala ko ng mahinto ang pag durugo. Para akong natanggalan ng saludsod sa hinlalaki.
"*snoring*"
Humihilik na sya. Ibig sabihin tulog na sya.
Itinigil ko na ang ginagawa ko ng mapagtanto kong mahimbing na syang natutulog.
Hindi siguro sya nakatulog kagabi kaya madali syang nakatulog. Buong gabi ko ba namang pinag alala.
Sangkatutak na sermon pa ang inabot ko ng ihatid nya ako sa kwarto. Nagalit siguro sya nung tulugan ko na lang sya. Pero alam ko namang hindi nya kayang mag tanim ng galit lalo na sakin. Hindi nya magagawa yun.
Isinandal ko ang likod ko sa malapad na puno.
"Wag mo na sana akong tangkaing patayin. Gusto ko pang matupad ang dream kong maging isang nanay. Kaya please. Wag mo na akong patayin" pag mamakaawa ko sa puno.
Nakaramdam ako ng pag bagsak ng isang kapirasong dahon sa aking kamay.
Kinuha ko ito at inilapit sa akin. Berdeng berde ito.
Isa lang ang ibig sabihin nito para sa akin. Ibig sabihin, sumasang ayon ang punong ito. Napangiti na lang ako. Unti unti ko ng natututunan ang pag kilatis sa mga ugali nyo. Balang araw magiging bihasa rin ako don.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng bigla itong naudlot. Nakarinig akong muli ng kaluskos. Nawala sa aking labi ang tuwa.
Nilingon ko ang hari na mahimbing ang tulog. Hindi ko sya gustong gisingin. Kaya ko naman makipag bakbakan kung may kalaban ng mag isa.
"Mag pakita kana. I know naman na stalker kita since day one. Don't worry hindi ako snober."
Ramdam kong sya rin yung nag hagis ng sulat. Makikita ko na sana sya kaso ang bwiset na tic na yun--hay.
"Labas na. Hindi kita sasaktan..."
Isang uri ng anino ang pumukaw sa aking atensyon. Sinimulan kong tignan ang ibaba hanggang umakyat ito sa itaas.
Isang gulat na mukha ang naging reaksyon ko.
"Mr. D-donald?"
Akala ko patay na sya. Yun ang sabi ng babae sa kulungan.
Pero dapat bang maniwala sa baliw na yun?
"Hindi lahat ng iyung nakikita ay totoo."
Tinakpan ko agad ang dalawang tainga ni thirp. ayokong magising sya at makipag suntukan sa lalaking ito.
Wait.
Narinig ko na ang linyang yun mula kay thirp ah. Stalker ko nga talaga ito.
"Kung ganon... Hindi ikaw si mr. Donald." Mapanukso kong tanong.
Ngumisi ang itim nitong labi.
"Magaling. Magaling. Alipin. Isang linya palang ang nasasabi ko, nahulaan mo na agad ang ibig kong sabihin" natutuwa nitong wika.
Hay.
Ako pa ginawang bobo.
Madali lang namang hulaan kung sino ka talaga tulad nalang nitong isang to.
Isa ako sa humahanga kay mr. Donald kaya alam ko kung anong favorite food, sport, clothes at favorite color nito. Alam ko din ang mga ayaw ni mr. Donald.
Allergic si mr. Donald sa itim. Nasabi kong hindi sya si mr. Donald dahil naka suot ito ng itim. Alam kong hate ni mr. Donald ang kulay na itim.
"Anong nangyari sakanya? Nasan sya?"
"Dapat ko bang sabihin sayo? Ang alam ko lang ay walang kaluluwang naninirahan sa katawang ito kaya ito'y aking pinasukan."
"Ibig sabihin? Isa ka sa mga alagad ni chin? Isa ka rin sa mga patay?"
"Ganoon na nga. Patay na itinakwil ng bagong chin."
"So. Bakit mo ko sinusundan?"
Hindi agad ako nito sinagot. Tumingin muna ito sa haring mahimbing ang tulog.
"Nag dugo ang kanyang mata. Ayaw nya itong imulat dahil alam nyang kakatakutan mo sya." Nakangisi nitong sabi.
"Wala kang alam. Itigil mo ang bibig mo!"
Nabalik ang atensyon nito sa akin.
"Natanggap mo ba ang sulat na ibinigay ko saiyo?" Pag iiba nya ng tanong.
"Y-yes. Natanggap ko nga."
"Kung ganon dapat ka ngang mag ingat- - "
"Alam ko. Madaming nag sasabing dapat akong mag ingat."
Bwiset.
Piling ko tuloy napaka hina kong tao.
"Hindi ako mabuti o masama. Isipin mo nalang na isa akong taong hindi ka titigilan. Susundan kita ng susundan. Masarap kasing panoorin ng live ang mga bagay bagay. Bukas na ang pinaka hihintay kong eksena kaya mag handa kana."
Dagdag sa problema ko ang isang to.
Ano bang gusto nya. Kakairita ang pagiging mysterious nya.
"Sino kaba talaga?"
Ngumisi ito sa akin.
"Isipin mo na lang na isa akong kaibigan na nagmula sa kampo ng isang kaaway. Narito ako para tulungan ka, basta ba tawagin mo lang ang aking ngalan. Nga pala. Sa itaas lang kita kayang tulungan, hindi rito sa inyong lugar. Paalam binibini. Ako'y tawaging mr. Donald kapag ako'y iyung kailangan."
Mabilis syang nawala.
Nag pakita lang ba sya para guluhin ang isipan ko.
Matuturing ko bang kaibigan ang isang stalker? Hindi siguro.
Dahan dahan ko ng tinanggal ang aking kamay sa kanyang tainga ng makuntento na ako.
Pinag masdan ko ang mukha nya.
"Wag ka mag alala. Ako na bahalang magbantay sayo. Matulog ka lang ha..."
-----
Veany's POV
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga katagang yun sakanya.
Masyado lang akong nainis dahil parang hindi sya interesadong maka alis sa lugar na ito. Hindi sya gumagawa ng hakbang para alamin sa hari na kung bakit nawala ang parisukat na lagusan. Buti kung ako yung nasa posisyon nya. Malamang wala na kami ngayon sa lugar na ito.
"Malay mo busy lang si souven sa mga utos ng hari. Alipin nga sya diba." Suhestyon ni eitsy na sinabayan ng pag kagat sa isang mansanas.
"Kahit isang segundo ba. Hindi nya kayang isingit yun? Kasi ang totoo ayaw nya ng umuwi. Palibhasa masarap ang buhay nya rito. At halata namang type nya yung hari, pakunwari pa sya."
"Veany. Ano ba. Wag mo ngang ganyanin si souven. Hindi mo alam kung gano kahirap sakanya ang mag isa. Masaya sya dito kasi may nag aalaga sa kanya. Masaya sya rito kasi may nag papahalaga sakanya. Masaya sya rito kasi may haring nag aalala sakanya. Pare-pareho nating alam na nagungulila si souven sa pag mamahal lalo na't nag travel na sa langit si tito grandpa."
Ilang ulit akong napakurap bago bumababa ang aking tingin. Mas lalong napahigpit ang yakap ko sa unan.
Tama si eitsy. Hindi ko alam ang nararamdaman ni souven.
Kinalma ako ang aking sarili.
"I-i'm sorry."
Hinilot ko ang aking sintido.
"Alam kong gusto mo na ring umuwi. Pareho lang tayo. Miss ko na si mom. At sabi pa ni yaya ngayon daw ang operation nya----"
"What? Ngayon? Pano mo naman nalaman?"
"A-ah. M-matagal ko ng alam ang schedule ng operation ni mom. K-kaya a-alam ko"
Isang kunot na noo ang itinugon ko na agad naman nyang iniwasan.
Paniguradong may itinatago ang babaeng ito sa amin.
"Eitsy? Mag sabi ka nga ng totoo? May tinatago kaba?" Mapanuri kong tanong.
"H-ha? Nagpapatawa kaba? Ako may itatago? Tss. Wala noh." Taas noo nyang sagot.
"Fine. Labas lang ako." Binitiwan ko ang unan at agad tumayo. "Papalamig lang ako ng ulo." Huling sambit ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko si ate saysas na nagkakape.
Isang hilaw na ngiti lang ang ipinukol ko rito bago naglakad palabas ng bahay.
Hay.
Yeah. I admit, i am being selfish and judgemental.
I am sorry souven.
Saglit akong tumingala at ipinikit ang mata bago nag lakad at tumungo sa kung saan.
Sunasakit ang ulo ko. Gusto ko na talaga umuwi. Miss ko na din ang parents ko.
Nag lakad lakad ako hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa madamong lugar.
Hindi ko alam kung bakit. Pero humiga ako roon at ipinikit ang mga mata.
Sa totoo lang. Maganda din naman ang lugar na ito. Walang mga sasakyan kaya walang maitim na usok na nagmumula sa sasakyan.
"Hi?"
Iminulat ko ang mata ko at agad umupo.
O god. Ang lalaking palaging nakangiti.
"Anong kailangan mo?" Matabang kong tanong.
"May kailangan lang akong ibilin sayo." Naka serious mode nitong sabi.
"Ano yun?" Iritable kong tanong.
"But before that. Veany. You look so beautiful" pag puri pa nya.
"Fuck. I know."
Wala akong oras makipag landian dahil may pinoproblema ako ngayon. Pasensya kung nasusungitan ko sya.
"Alright. Gusto ko lang sabihin na.. Ingatan mo si souven. Ingatan mo sya bukas."
"Bakit ako? Andyan naman ang hari ah."
"King is not enough. Kailangan din ni souven ang kanyang mga kaibigan na maasahan. I hope gawin mo yun."
"Tss."
Isang irap ang tinugon ko bago humigang muli.
Naramdaman ko naman ang presensya nya sa aking tabi. Umupo sya sa aking tabi habang nakatingin sa malayo.
"Ayoko syang mamatay." Bulong nito na para sa akin ay hindi bulong.
Medyo naiirita ako sakanya.
So kaya nandito sya para pag usapan si souven?
"Pwede ba iwanan mo na ko. Umalis kana!"
"Why? I'm enjoying talking to you."
"Hay. Bakit kasi si souven ang topic. Teka, mapagkakatiwalaan kaba?"
"Of course yes."
"Umasta ka munang robot para sakin. Ano bang dapat gawin kapag nasabihan mo ng masasakit na salita sa iyong kaibigan?"
"Bakit? Sinaktan mo ba ang feelings ni souven? Ha? Sumagot ka! Sinaktan mo ba---"
Isang bumubulusok na sapak ang inabot nya sa akin. Isa rin syang o.a eh.
"Baliw! Advice ang kailangan ko hindi maangas na tanong!"
Hay. Sino bang niloloko ko.
Hindi naman matinong kausap ang isang to.
"Okay. Seryoso. Sinaktan mo ba ang feelings nya?" seryoso nitong tanong.
Inirapan ko muna sya bago sya sagutin.
"Nasabihan ko kasi sya kanina ng masasamang salita. Di ko naman sinasadyang sabihin yun eh. Uwing uwi lang talaga ako kaya nasisisi ko sya."
"Tsk. Tsk. Balak pa naman sana kitang asawahin. Kaso ganyang pala ugali mo, naku baka ma under ako sayo."
Isang sapak ulit ang ipinukol ko sakanya.
"Nakakadalawa kana ha."
"Eh sira ka pala eh. A.D.V.I.C.E nga ang kailangan ko. Ang hirap mong kausap. Bahala ka nga dyan."
Tatayo na sana ako ng hawakan nya ang braso ko.
"Wait. Seryoso na nga kasi. Ang gawin mo mag sorry ka sakanya. In person. Wag cellphone o kahit anong gadgets"
"Loko ka noh. Hindi nga uso sa lugar nyo ang cellphone. Biruin nyo wala man lang mall na pasyalan dito."
"Hayy. Di na kailangan non. Masaya na kami sa simpleng buhay lang."
"Teka. Teka. San ba mapupunta ang usapang to. Back to real topic tayo okay. Paano naman ako mag so-sorry in a NICE way."
"Edi. Lapitan mo sya and then mag apologize ka."
"Tss. Walang ka effort effort naman yan. Dapat i suprise ko sya. Tulad ng dalhin sa isang kainan at don mag sorry edi nakapag bonding pa kami."
"Eh alam mo naman pala kung paano mag sorry tapos sakin mo pa itatanong. Isa kading sir- - i mean. Isa ka ring sirina."
Halos maibuga ko ang tawang lumabas sa bibig ko.
Visaya din siguro ang tic na to. Gagawa talaga ng paraan para malusutan ang kapalpakan.
"I wasted my time, wating for your serious response."
Irita akong tumayo at kumaripas ng takbo papalayo sa makulit na impaktong yun.
Ramdam ko ang kanyang yabag na tiyak na sinusundan ako.
Ugh.
May bumubuntot saking isang sira ulo. ano ba yan!
------
Thirp's POV
Marahan kong sinusuklay ang kanyang buhok.
Saglit lang akong nakatulog. Naramdaman ko kasi ang unti unting pag bagsak nya paibaba kaya minabuti kong mag palit kami ng posisyon ng hindi nya nalalaman.
"Sorry. Hindi ko nagawang sundin ang request mo."
Alam kong kakatakutan nya lang ako kapag nakita nya ang mata ko.
Muli na namang bumalik ang pag durugo ng mata ko matapos ang napaka habang taon. Hindi ko na pigilan. Pasensya na.
Ayoko lang takutin sya.
Ang mga matang nagiging mata ng dragon. Isang biyayang pinag kaloob ng hari para sa akin. Kung tawagin ay panakot sa patay at sa iba pang uri ng tao.
Pero hindi ko naman kayang kontrolin ito. Wala akong alam kung kailan lalabas to o kailan mawawala.
Ilang taon ko ng pinag aaralan ang pag kontrol dito pero wala. Hindi ko kaya.
Hinihiniling kong mawala na ito. Wala akong pake kung hindi na ako katakutan ng lahat ang mahalaga. Hindi ko matakot ang alipin ko. Ayoko syang takutin.
Hindi gusto ng isang hari na takutin ang kanyang mahal.
"Dad. Pasensya. Alam kong nakagagalak ang gawad nyong ito pero kung matatakot lang sya. Sana tanggalin nyo na ito."
YOU ARE READING
King's Key is Me
PrzygodoweAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel