Thirp's POV
May ngit sa labi ko syang ibinababa sa kanyang malambot na kama. Inabot na kami ng gabi at mukhang pagod na pagod na sya.
Gusto kong mag sorry sa kanya dahilsa ginawa ni rina. Hindi ko akalaing titinawalag sila sa pangako nila. Tama nga na hindi muna ako huminga ng maluwag. Kailangan ko paring ingatan sya.
Teka? Bakit ko ba sya iniingatan? Anong bang meron sa kanya?
Hindi ko din maintindihan kung bakit sila ganyan. Bakit ayaw nilang ipaalam sa akin kung bakit nila sinusubukang patayin.
Dama kong mayroong kakaiba sa kanya. Hindi sya papatayin kung walang kakaiba sa kanya.
Bakit hindi ko makita iyun? Gayung ako ang lagi nyang kasama? Naiinis ako. Naiinis ako na hindi ko alam kung anong kakaiba sa kanya na dapat alam ko naman.
"Good night aking alipin.."
Pinunasan ko ang nanuyong luha sa kanyang pisngi bago ipilupot sa kanya ang malambot na kumot.
"Ang ganda mo..." Mahina kong bulong.
Hindi ko kayang umiwas ng tingin. Makulit ang mga mata ko, pilit itong tumititig sa isang babaeng mahimbing ang pag kakatulog. Shit. Bakit ba ang ganda nya. Ang pilik mata nya, na inaakit ang talukap ng mata ko. Ang ilong nya na nilalamangan ang ilong ko at ang makinis nyang mulha na minana sa pisngi ko. Labi nyang manipis... Labi nyang kulay pink.
Napapangiti na lang ako habang palihim na pinag mamasdan ang nakanganga nyang bibig.
"Napaka swerte ko sayo. Alam mo ba yun? At napaka swerte mo sakin. Sana alam mo yun..."
Tumayo na ako.
"Paalam. Alipin ko.." Pamamaalam ko bago tuluyang lisanin ang kwarto.
Halos mapaatras naman ako sa biglang pag sulpot ni tic.
"I miss sou- - - "
"Wag mo na ulit isasama sa isang date ang alipin ko. Hindi ka nya gusto kaya wag mong ipagpilitan ang sarili mo. Itatak mo sa utak mo tic. Meron na syang iba."
Matalim na tingin ang itinapon ko sa kanya bago naglakad.
"Bakit ba lahat nalang ng nagugustuhan ko ay inaagaw mo? Nung una si queeny tapos ngayon si souven? Hell! Pwede bang ako naman? Mga inbensyon ko na lang lagi ang nakakasama- - "
"Gusto mo sayo na si queeny basta akin lang si souven. I mean. Akin sya dahil alipin ko sya"
"Nah. Ayoko sa may anak noh"
Nahinto ako sa pag lalakad at nilingon sya ng may nakakamatay na tingin.
"Hindi nya ginusto yun. Ayusin mo ang pananalita mo kung ayaw mong maranasan ang naranasan mo noon!"
"Okay fine. Mananahimik na"
Tinalikuran ko na ito at tumungo sa kwarto.
Ibinagsak ko ang buo kong katawan at tumingin sa ceiling.
Napapaisip ako.
Ngayon nalang ulit nanggambala si rina. Ang rinang bihasa sa pag kontrol ng mga bagay bagay. Ginagawa nya ang lahat na isang puppet. Kinokontrol nya ang buong katawan ng taong biktima nya.
Ilang taon din syang hindi nanggulo. At ngayon, heto. Bumalik sya para patayin ang aking alipin. Ang unang biktima nya matapos ang ilang taon. Paniguradong hindi nya titigilan ito kaya mabuti ng ingatan ko sya.
Wala naman akong dapat ipag alala. Dahil makakaramdam lang ng sakit ang aking alipin sa tuwing sya ang kokontrol sa katawan nya pero kapag nawala ang kontrol sa katawan nya. Babalik na ang lahat sa dati. Nakakaubos nga lang ito ng lakas at nakakapatay din ito kapag hindi nya tinigilan.
Wala naman silang magagagawa kundi tumigil. Utos ko lang ang tanging gumagana sa buong lugar. Kaya maswerte ang aking alipin dahil ang utos ko ang nag ligtas sa kanya.
Tama lang na bansagan syang babaeng lapitin ng kapahamakan.
Hinigit ko ang makapal na kumot at ibinalot ito sa aking katawan. Ipinikit ko na ang mga mata ko upang matulog.
zzzZZZ.
***
Nabigla ako ng may biglang umalis ng kumot ko sa katawan ko.
"Hmmmm"
Nanatiling naka pikit ang mga mata ko habang naka kunot ang noo.
Nanaka istorbo ang ganitong pag uugali ni gina. Palagi na lang akong iniistorbo ng ganito.
"Gina! Ibalik mo nga sakin ang kumot! Kayang gumising ng ako lang mag isa! Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Inis kong sigaw.
Inis kong ginusot gusot ang buhok dahil sa inis.
"Hoy! Gumising ka na nga dyan! Grabe ka ikaw tong hari tapos ikaw tong late gumising! May occasion ngayon kaya bumangon kana!"
Biglaan kong naimulat ang mata ko ng marinig ko ang boses na yun. Imposible. Hindi pwede...
"Hayy. Iginagalang ko pa naman dati tong kwarto mo dahil sa sobrang linis tapos nung humiga ka lang parang isang kanin baboy nalang ang naging peg!"
Alipin ko?
Pabalikwas akong napatayo sa kama. Sya nga.
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Well. Trabaho ng isang alipin ang gisingin ka. Tulad ng isang maid" tugon nya habang tinitiklom ang kumot ko na sya palang humigit.
Alipin ko nga sya pero hindi naman nya kailangang gawin to.
Napahalukipkip ako habang pinag mamasdan sya. Bagay sa kanya ang suot suot nyang damit na kakabigay ko lang kahapon. Isang uri ng damit na palaging sinusuot ni cat. Mukhang prinsesa ang tingin ko sa kanya ngayon at hindi isang alipin. Kulay pink ang kanyang dress na tenernohan ng isang kulay dilaw na dollshoes. Madalas suotin ng mga reyna ang kanyang suot.
Pinapanood ko lang ang kanyang ginagawa. Nililinis nya ang kama ko at isinunod ang mga nakatumbang gamit sa ibabaw ng drawer ko. Kinuha naman nya ang mini table na nasa gilid ng kamay ko at pinag patungan iyun ng mga pag kain na mukhang bagong luto. Kinuha nya rin ang dalawang upuan na hindi gaano kalaki sa labas ng kwarto.
"Ayan. Halika na kain na tayo" masiglang nyang aya sa akin.
Mukhang magana ang alipin ko ngayon. Parang balewala lang sakanya ang nangyari kahapon.
Sa bagay, hindi naman sya magkakaron ng pasa o kung dahil isa lamang mahinang mahika yun.
"Um. Dun na lang ako kakain- - "
"Shut up. Maupo at sumunod ka na lang pwede?" Pag mamataray nito sa akin.
Ginagaya nya ba ako? Bakit parang ako na ang sumusunod sa babaeng ito? Bumaliktad naba ang mundo?
Naglakad ako patungo sa kanya at umupo sa tapat nya.
"Teka? Hindi ka man lang nag shower bago matulog? Ano na yan! At hindi mo din tinanggal ang sapatos mo right?" Tanong nito na sinabayan pa ng pag taas ng kilay.
Napapaliyad na lang ako ng konti dahil inaakto nya.
"Hay" buntong hininga nya na animo'y napipilitan. "Gusti ko lang ipaalala sayo na babaho ang paa mo kung hindi mo tatanggalin ang sapatos mo ng buong araw!" Sermon nya bago umupo sa ibaba. Akmang hahawakan nya ang sapatos ng iiwas ko ito.
"A-ah. A-ako nalang ang ga- - "
Nahinto ako ng padabog nyang hinigit ang paa ko na muntik ko ng ikalaglag.
"Tumigil kana thirp. Hindi mo gugustuhing magalit ang isang tulad ko"
Bahagya akong nahinto ng dahil sa sinabi nya. Mukhang ginagaya nya ang mga pananalita ko.
"Wow. Puti ng paa eh" pag puri nya. Tinignan ko naman ito at mukhang natanggal na nya ang sapatos ko. Itinago ko naman agad ang mga paa. Ewan nahihiya ako eh.
"Sige. Mauna ka na munang kumain. Hugas lang ako ng kamay sa banyo" pagpapaalam nya bago tuluyang tumayo at tumungo sa cr.
Pinanood ko lang ang mga paa ko. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Para ko syang asawa.
"Hey?"
Nabaling ang pansin ko kay tic na naka dungaw sa pinto. Akma itong papasok ng pigilin ko.
"Wag kang papasok! Sasapakin talaga kita! Umalis ka bilis umalis ka!" Pag babanta ko sa kanya na syang ikinatigil nya sa pag pasok.
"Akala ko ba sabay tayong kakain- -"
"Uma.lis.ka!" May diin kong singhal sa kanya.
"Okay... Weirdo" bulalas pa nya bago tuluyang umalis.
Kahit kelan talaga napakapaepal ng kulungong yun.
"Sinong kausap mo?" Tanong ng aking alipin nakakalabas lamang ng cr.
Mabilis akong umiling. Umiwas agad ako ng tingin dahil baka sabihan nya akong nag sisinungaling kapag nakita ang mga mata ko.
"Bakit di kapa kumain diba sabi ko mauna kana! Ang tigas talaga ng ulo mo!"
Itinuturing ba nya akong bata? Bakit ganyang ang pakikitungo nya sa akin?
Gusto nya ba akong galitin?
"Itigil m- - "
"Kumain ka na lang. Dami dami pang sinasabi. Eh sya naman tong late gumising" pagsusungit nya sa akin.
Napailing na lang ako sa kanyang sinabi bago kumain.
"Nga pala. Hinanda ko na yung damit na susuotin mo. Ayun oh."
Sinundan ko ang kanyang daliri na nakaturo sa kung saan. At isang magarang damit ang sumalubong sa mga mata ko. Isang pala at galanteng pang damit at pants. Saglit ko lang iyun tinignan at nagpatuloy ng muli sa pag kain. Hindi na bago sa akin ang mga ganyang magagarang damit dahil halos araw araw ko namang sinusuot iyan.
Tumikhim ako para agawin ang atensyon nya.
"Bagay sayo ang damit" pag puri ko bago tinuunan ng pansin ang kanin.
Kita ko ang simple nyang pag ngiti kahit naka tungo ako. Dapat lang naman syang matuwa dahil ang isang hari ang pumuri sa kanya.
Ilang minuto lang akong kumain ng tahimik. Nang maramdaman ko ng bumibigat ang aking tiyan ay itinigil ko na rin ang pag kain. Tinungo ko ang cr upang mag linis ng ngipin.
"Hi?"
Halos malaglag sa lababo ang sipilyong nasa bibig ko ng biglang sumulpot ang alipin ko. Isang kunot noo lang ang tinugon ko.
"Extrang toothbrush nasan?" Maangas nitong tanong. Lumingon lingon pa ito na tila'y may hinahanap.
Nagmumog muna ako para makapag salita ako.
"Hindi ka pwede dito- - "
"Hayy. Nasan naba?"
Naiinis na ako sa paulit ulit nyang pag putol ng mga sinasabi ko. Akala ko ba nag kausap na kami sa bagay na to. Akala ko ba hindi na nya puputulin ang sasabihin ko.
Nahinto sya at nangintab ang mata ng makita ng sipilyong nakabalot na animo'y hindi pa nagagamit. Sa katunayan, gawain kong mag lagay ng bagong sipilyo sa paligid ng kwartong to. Madalas kasi akong mawalan ng sipilyo. Palagi akong pinag titripan ng lababo sa tuwing mag sisipilyo ako. Kaya kailangan ko ng stocks.
"Hayy. Wag mo na kong titigan pa. Mag sipilyo kana dyan" pag puna nito.
Umiwas naman agad ako ng tingin at ibinalik na lang ang atensyon sa pag lilinis ng ngipin. Tanaw ko ang repleksyon nya sa salamin. Naglalagay sya ng toothpaste. Mukhang hirap na hirap ito at naiirita sa buhok nyang palaging humaharang sa kanyang mukha.
"Hay"
Hinawakan ko ang kanyang buhok at iniayos ito sa likod ng kanyang tainga. Mukhang naagaw ang atensyon nya ng dahil sa ginawa ko kaya napatigil ito sa paglalagay ng kremang pansipilyo.
"Hayy. Wag mo na akong titigan pa. Mag sipilyo ka na dyan" pang gagaya ko sa kanya bago muling pagalawin ang sipilyo.
Rinig ko ang pag tawa nya ng mahina bago ako sabayan sa pag sisipilyo.
Hindi ko talaga gusto ang mga taong pumapasok sa cr pero.. Binabawi ko na pala.
Nagmumog na ako at binanlawan na ang sipilyong ginamit ko. Ganun din ang ginawa ng aking alipin. Ngayon, taas noong ngumiti sya sa akin. Pero hindi ko lang ito pinansin.
"Labas" utos ko.
"Why?" Nagtatakang tanong nito.
Napabuga ako ng hangin at tinuro sa kanya ang magarang damit na isinabit ko sa pader ng cr.
"Ahh... Hehehe" pilit ngiti nitong tugon.
Agad naman syang lumabas ng cr. Agad ko ring isinara ang pinto.
Tinanggal ko na ang aking saplot. Tinungo ko ang isang maliit na paliguan. Na tinatawag kong mini pool. Napapaligiran ito ng mga kandila.
Nilubog ko ang katawan ko sa maligamgam na tubig.
Saglit lang ako nag relax roon. Tumungo na ako sa shower at doon sinimulang maligo.
Pinilig ko ang ulo ko. Kinuha ko ang tuwalya at pinulupot ito sa baywang ko.
Agad na rin akong lumabas, may naghihintay kasi.
"Omygosh"
Nilingon ko ang alipin ko na kasalukuyang nahinto sa kanyang ginagawa. Nakatingin ito sa akin habang nanlalaki ang mata.
"What?!" Irita kong tanong.
Para kasi syang nakajita ng multo.
"Sorry. Hindi ko sinasadyang makita ang anim na pandesal" pagpapaumahin nya sa akin bago tumalikod.
Bumababa naman ang tingin ko sa aking tiyan.
Napangisi ako.
"Alipin ko!" Tawag ko sa kanya na ikinalingon nya.
"Yes? Omygod. Sorry." Muli nitong pagpapaumanhin na muli nyang ikinatalikod.
Palihim akong natawa.
"Alam mo pwedeng pwede mong titigan ang katawan ko. Ipinapangako kong hindi ka mag sasawa" pagmamayabang ko.
Isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig ko habang isinusuot ang damit pang itaas na sinundan ng pantalon.
"Look at me!" Pag agaw ko ng atensyon nya.
"Naka damit kana ba?" Nag aalangang tanong nito.
"Yes"
Dahan dahan ako nitong nilingon. At ng makatingin na ito ng diretso, bigla itong nagpakawala ng isang ligtas na hininga.
"Thank god." Pag papasalamat nya habang nakatingin sa itaas.
"Umalis na tayo"
Naglakad na ako patunging pinto.
"Teka?"
"Bakit?"
"Hindi mo ba susuotin ang kapa mo?"
"Hindi na. Hindi uso sakin ang mag suot ng kapa- - "
Nahinto ako. Nanlamig ang buo kong katawan. Parang nakuryente ako. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan na nakadikit sa aking likod. Amoy na amoy ko ang pabango nya na tiyak na nakakaadik.
"Mas bagay kapag may kapa ka.." Bulong nito sa aking tainga na nag patayo ng balahibo ko.
Bumababa ang tingin ko sa bandang dibdib ko. Pinanood ko ang kanyang kamay, habang itinatali ang tali ng kapa. Binuhol nya itong pareho.
Para akong niyayakap ng kanyang halimuyak. Halimuyak nyang ayokong mawala sa aking ilong. Nababaliw ako. Nababaliw sa iyo.
"Ayan. Look's great" pag puri nya. "Cute couple. The pretty drudge and the bombastic king" dagdag nya kasabay ng pag tawa.
Kunot noo na lang ang isinagot ko sa kanya.
Gusto kong tanggalin ang kapa dahil naiirita ako kapag may ganito sa likod. Hay. Hindi ko magawa, sya kasi ang naglagay.
Nakangiti lang ito sa akin na ikinaiilang ko.
"Huwag kang ngumiti ng ganyan" matabang na utos ko sa kanya bago muling nag patuloy. "Baka pag sisihan ko kapag nag kagusto ang lahat sayo" mga katagang tanging ako lang ang nakarinig.
Kasunod ko lang ang aking alipin habang ako naman ang nauuna. Tinungo ko ang hagdan paibaba at natatanaw ko na ang mga tao na nakabihis ng magagarang damit. Maasahan talaga si cat. Ka'y ganda ng desinyong ginawa nya sa pagdiriwang na ito.
Pinili kong sa labas ng palasyo ganapin ang pagdiriwang. Mga ngiti ng tao ang sinalubong nila. Bakas sa kanilang lahat ang pagod. Pagod sa kakasanay. Pero sa bandang huli para sa kanila din naman ito.
"Um. King ano sa tingin mo? Okay ba desinyo or may kailangan pa akong baguhin? Pa- - "
"Enough. Wala kang dapat baguhin. Maganda naman ang desinyo kaya maari ka ng huminga"
Nilagpasan ko na si cat tumungo sa stage kung saan nakaupo ang mga namumuno sa iba't ibang grupo. Dalawang upuan ang bakante at para sa amin yun ng aking alipin.
Nag yuyukuan ang lahat bilang pag galang sa akin. Pasimple rin silang nag papasalamat sa akin.
"Pst. Souven?"
Nahinto ako sa paglalakad na naging dahilan ng pag hinto rin ng aking alipin. Nilingon ko ito.
"Don't worry. Nasa likod mo lang ako" banggit nito. Binigyan nya ako ng isang simpleng ngiti na nag sasabing mag tiwala ako. Isang simpleng ngiti rin ang itinugon ko sa kanya na nagpapahiwatig na 'nag titiwala ako'.
Muli na akong nag lakad at hinakbang ko ang mga paa sa tatlong hagdan na nasa aming harapan.
Nadaanan ko ang mga leader ng bawat grupo. Panay ang pag ngiti ng mga ito maliban lang sa isa. Sa isang babaeng walang reaksyon ang mukha. Nakatingin ito sa bandang likuran ko. Mukhang nakatingin ito sa alipin ko kaya agad kong harangan ang alipin ko.
"Isang tingin pa. Mado-dos four dos kita" bulong ng aking alipin na animo'y may kaaway.
Hindi ko na binalak na pake alaman pa ang kanyang sinabi. Hindi ko naintindihan ang ibig nyang ipahiwatig.
Naupo na ako sa bakanteng upuan at naupo na rin ang aking alipin. Katabi ko si queeny habang katabi naman ni queeny si masd habang ang katabi naman masd ay si rose at ang katabi naman ni rose ay si rick.
Pinagmasdan ko ang mga tao na ang tanging oansin ay nasa amin. Nakangiti ang mga ito. Ngiti? Tanaw na tanaw ko ang lalaking laging nakangiti. Well, si tic lang naman ang tinutukoy ko. At mukhang nasa alipin ko lang ang atensyo nito.
"Tss. Tic talaga"
Tumingin ako sa aking alipin na may kinakawayan.
"Aking alipin!" May diin kong pag tawag sa kanya na agd ko namang naagaw ang atensyon nya.
"Bakit?" Tanong nya. "Wait. Mukhang mag sasalita na si cat- - "
Hinawakan ko ang kanyang baba upang mabalik sa akin ang atensyon nya.
"Saakin kalang tumingin"
"Pero..."
"Sa.a.akin.lang."
------
Souven's POV
Na hipnotize ata ako ng lalaking to. Ewan. Ayaw umalis ng tingin ko sa kanya. Titig na titig talaga ako sa kanya. Infairness, wala kang makikitang kahit anong tigyawat sa mukha nya. Napaka kinis nito. Habang ang labi naman nito ay dinaig pa ang labi ni snow white. Napaka pula.
"The king... *clap* *clap* *clap" the king at mga palakpakan na lang ang narinig ko ng mabalik ako sa reyalidad.
Halos wala akong naintindihan sa pinag sasabi ni cat.
"Sakin lang ha" bulong nya sakin bago tumayo. Lumapit sya sa gitna. At sinimulan ng mag salita.
Parehas lang din. Wala din akong maintindihan sa kanyang sinasabi. Basta nakatingin lang ako sa kanyang mukha.
"Lubos lubusin mo na. Dahil makukuha ko na sya"
Ugh.
Nag iinit na naman ang mga kuko ko sa paa. Nabibingi na naman ang tenga ng kabayo. Nangangati na naman ang bibig ng aso. In short, kumukulo ang dugo ko.
Inis kong nilingon ang babaeng panira ng araw ko. Ang babaeng matibay ang mukha. Eh marupok naman ang bungo.
"Hmmm. I smell something shit. Mukhang may naiingit. Pilit sumisingit. Hay. Depress makuha ang lalaking di naman sya gusto. Buti pa ako, easy easy pero nakuha ko. How about you? Kelan mo makukuha? Kapag nagayuma mo na? Sad naman." Pang aasar ko sa kanya.
Ngumiti lang ito. Tss. Pakitang tao.
"Isa lang ang gusto kong sabihin...Isang good luck lang para sayo alipin" nakangisi nitong pang aasar sakin.
"Don't call me alipin, hindi tayo close para tawagin akong ganon at hindi kita reyna para sundin. Yak. Tanging hari lang ang nag papasunod sa isang souven ley wert ng lugar na ito. Kaya ikaw queeny hanap ka na lang ng hari mo. Wag puro singit at wag puro inggit ang pairalin mo. Minsan kasi igala mo ang mga mata mo. Malay mo, isa sa mga kawal ang forever mo. Anyway. Isang good luck lang sayo para sa paghahanap ng forever. Che!"
Woa.
Thirty thousand points para sayo souven.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel