Souven's POV
Maaga kong iginayak ang aking dadalhin gaya ng tubig, damit, cellphone at flash light. Kakaunti lang ang aking iginayak dahil nakasanayan ko naman na hindi mag dala ng marami dahil dagdag pabigat lang iyun sa aking bag.
"Another adventure grandpa" pag ka usap ko sa aking kuwintas.
Ang kuwintas kasing ito ang itinuturing kong grandpa.
Beppp.. Beppp.. Bepp..
"Ow. Dake is here"
Sinuot ko na agad ang aking backpack ganun din ang aking tsinelas. Agad na akong lumabas para salubungin si dake.
Kinawayan ko ito ng may halong ngiti sa aking labi. I'm just happy dahil kahit kelan palagi syang on the time sa tuwing sinusundo ako. Buhay driver eh.
"Bilis bilis naman aba" pag rereklamo nya.
Ni lock ko na agad ang bahay bago tumungo sa kotse. Binuksan ko ang pinto ng kotse para maka pasok sa loob at maupo.
"What the hell!" Sigaw nito. Bahagya itong nakatingin sa ibaba.
"Anong nangyayare sayo?" Irita kong tanong sakanya.
"Seriously? Talagang mag tsi-tsinelas ka lang?" Gulat na gulat nyang tanong.
Napatingin naman ako sa ibaba upang tignan ang aking paa. Teka anong big deal kapag nag tsinelas ako. Ang over-react naman ng gunggong na to.
"So?" Pambabara ko.
Tinignan naman nya ako ng isang tingin na parang nandidiri. Naks. Sarap ihampas sa dibdib ni Alden Richard eh.
"Oh! Ito isuot mo!" Utos nito kasabat ang pag abot sa akin ng isang kahong pahaba.
"Rubber shoes ba to?" Tanong ko rito.
Pero hindi man lang nito binalak sagutin ang tanong ko. Pinaandar na nya ang kotse patungo sa pupuntahan namin, sa meeting place naming mag kakaibigan. Habang ako binuksan ko na ang kahon at tama nga ang hula ko isa nga itong rubbershoes.
Nilingon ko naman si dake na nag fo-focus sa daan. Niyakap ko agad ito.
"Thank you dake" pagpapasalamat ko sa kanya.
"Oy oy ano ba! Hindi ko makita ang daan!" Pag rereklamo nya.
Agad rin naman akong lumayo sa kanya upang mabigyan sya ng space para makapag maneho.
"Teka bakit kulay itim naman to? Diba Violet ang gusto ko?" Pag rereklamo ko ng makita ko ng buo ang sapatos.
"Para hindi dumihin." Tipid nyang sagot.
Tama din naman sya. Anyway kailangan ko na itong isuot.
Hinubad ko na ang tsinelas ko at inilagay ito sa bag ko. Isusuot ko na sana ang sapatos ng mapansin kong wala nga pala akong medyas.
"Wala ka man lang pa medyas dyan?" Tanong ko rito.
"Hayy. Kunin mo sa bag ko!" Utos nito ngunit pa sigaw.
Lakas ng loob manigaw ah. Pasalamat sya dahil may utang na loob ako sa kanya pero kung wala malamang nabatukan ko na sya.
Padabog ko namang kinuha ang kanyang bag sa passenger seats, doon kasi naka lagay ang bag nya.
Hinalungkat ko naman agad ito. Masyado syang maraming dala kaya hindi makita ang medyas.
"Bakit ba ang dami daming dala!" Sumbat ko.
"Incase of emergency" tugon nya.
"Tss. Incase of emergency, pero dati halos ni isang alikabo walang laman ang bag mo."
Pinag patuloy ko nalang ang paghahanap. Teka. Ano ito? Bakit may dala dala syang baril? Owgod. Pati knife meron syang dala. What the... Pati toothbrush may dala sya? Wow ha. Ang prepare nya ha.
"Hayy. I can't find your damn sock!" Inis kong sigaw.
"Ow. I forgot. Nasa sulok pala yun ng kahon hahahaha"
"What?!"
Grabe, napaka sama nya talaga. Halos maduling ako kakahanap ng bwiset na medyas na yan tapos sasabihin nya na nasa kahon?
Grrr.
Ipinalibag ko naman ang kanyang bag sa likod namin kahit na alam kong bukas iyun.
'Kumalat sana lahat ng gamit mo'
Inis kong kinuha ang kahon na nasa ibaba at tinignan ko yun kung naroon nga ang medyas.
Nakita ko naman na naroon pero. Hay. Bakit kulay puti to.
"Bakit kulay puti to! Inaasar mo ba ako talaga!" Sigaw ko kay dake.
"No. Style kaya yan" palusot pa nya.
"Ang baduy! Trip mo ba akong igaya sa mga pormahan mong baduy. Look. Hindi bagay ang puting medyas sa itim na sapatos at mas lalong hindi bumagay ito dahil sa jeans na suot ko. Ah ah ka naman dake. Ang baduy mo"
Imagine sobrang itim na itim ang sapatos tapos puting puti ang medyas. Ah grabe talaga.
Wala naman akong pag pipilian kaya minabuti ko nalang na wag magreklamo at isuot nalang ito kahit labag sa kalamnan ko.
I hate dake pag dating sa kanyang style.
"Anyway dake. Dala mo ba yung camera mo?"
"Yap." sagot nya.
"I want you to be my photographer. Ngayon lang"
"What if... I want you to be my queen papayag kaba?" Seryoso nyang tanong.
Panandalian akong natahimik. Loko to ah, balak ba nya akong pakiligin. Tumingin ako sa labas ng bintana upang hindi ipahalata na gusto ko ng magpakain sa dragon sa sobrang kilig.
"Joke"
Aray. Basag. Wasak. Kahit kelan talaga napaka paasa nya.
"Anyway. Gusto kong ikaw ang mag pi-picture sakin ha"
Tumango lang ito.
Pinabuksan ko naman sa kanya ang bintana. Gusto ko kasing tumingin sa malayo at damhin ang sariwang hangin. Sinaktan kasi ako ng bwiset na to.
"Looking for someone?" Tanong nya.
Hindi ko lang sya pinansin at minabuti nalang na ipatong ang aking braso sa bintana kasabay ang aking baba.
"Your someone...is nearly here" pabulong nyang sabi pero rinig ko parin ito.
Hay.
'My someone is on my dream'
I took a super deep breathe.
Labing walong gulang palang ako at hindi pa nag-kaka boyfriend pero parang broken na ako sa mga oras na to ha. Ang paasa kasi ng isang to eh. Kaya ang hirap umamin sa kanya eh baka kasi bandang huli nganga lang din naman at baka mag kaiwasan pa.
Ilang minuto akong tahimik habang si dake ay nakatutok naman sa daang aming tinatahak hanggang sa makarating na kami sa aming tagpuan. Tanaw ko sila eitsy,veany at grew na nakaupo sa ugat ng puno habang nag hihintay. Teka lang, bakit meron silang kasamang isang babae? Sasama din ba sya samin?
"Hey guys" sigaw ni veany kasabay ang pag kaway.
Agad ko namang binuksan ang pinto ng kotse at tumungo sa kanila. Tinapunan ko sila ng patanong na tingin.
"A-ah. Well guys i would like you to meet my cousin.. Summer Sy" pagpapakilala ni veany sa kanyang pinsan.
"Hello guys. Nice to meet you" nakangiti nyang bati sa amin. Ginantihan din namin sya ng pilit na ngiti.
"Nice to meet you. I'm souven ley wert and this is dake paige" pagpapakilala ko sa aking sarili at ganun narin kay dake.
"And i'm grew franck and this is eitsy cruz" pagpapakilala rin ni grew sa kanyang sarili at idinamay na nya si eitsy na crush nya.
Todo ngiti naman ito sa amin na para talagang nasisiyahan syang makita kami.
"Are you joining with us?" Tanong ni dake.
"Yep. Mahilig din kasi ako sa adventure." Sagot nya pero patuloy parin ang pag ngiti.
Goodness. Hindi ko kaya ang ganyang ka plastikan, buti kinakaya nya.
"Ngiti here ngiti there ngiti everywhere.. Ano ka endorser ng happy toothpaste?" Pabulong kong sabi sapat para marinig ni eitsy.
Kinurot naman ako nito sa siko. Hindi ko naman ininda yun dahil hindi masakit.
"Now na kompleto na tayo.. Pwede na ba tayong lumarga?" Tanong ni veany.
"Sure" sagot naman ng pinsan nya. Ano teh ikaw ang may plan nito? Lakas manguna akala mo naman sya yung bida.
"Tara na" pag aya ni veany.
Nanguna naman sya sa pag lakad at sumunod naman kami.
"Um dake pwede bang sa kotse mo na muna sumakay si summer? Isa lang kasi ang dala namin.. Balita kasi namin maliit lang ang espasyo roon para mag park ng kotse kaya yung kotse nalang ni grew ang dala namin." Pagdadahilan ni veany.
The heck tar naman oh. So ibig sabihin kasama namin sya sa kotse ganon?
"Hindi ba pwedeng sainyo nalang si summer? Masikip na kasi sa loob ng kotse ni dake"
"Souven.. Maliit lang ang kotse ni grew"
"Ow i hate this shit" pabulong kong sabi na sa tansya ko ay walang nakarinig. May lahi talagang bingi ang mga to.
Padabog naman akong pumasok ulit sa loob ng kotse ni dake, syempre sa tabi ng driver seat ako umupo, mahirap na baka maunahan pa ako ng summer na yan na mukha namang naulanan.
"Arigato" sabi ni summer.
Naku, naku, naku. Nag pipiling Japanese ang summer. May sarili namang lenggwahe, nang aangkin pa ng iba.
"Welcome" sambit naman dake.
Nginitian ko lang ito ng pilit bago paandarin ni dake ang kotse upang sundan ang kotse ni grew. Dahil si grew lang naman ang may alam ng daan patungong murderous cave.
"Um.. Kaya sumama ako sa inyo kasi gusto ko ring maging isa sa myembro nyo. Sikat kasi kayo sa school na pinapasukan ko" pag kukuwento ni summer.
Naku ate, wala kaming pake.
"Ahh ganun ba" pagsakay ni dake.
"Umm.. Ikaw dake ilang years kana sa grupo nyo?" Tanong nito.
Hayy si ate. Napaghahalataang makati. Look si dake lang talaga ang tinanong. Eh pano naman ako.
Galawang makati nga naman.
"Um... Halos 13 years na din" sagot naman ni dake.
"Yap. At ganun din ako. Magkababata kaming lahat" pakikisawsaw ko.
"Ahh ilang taon kana dake?"
Cold.
Bwiset na to ah. So ano wala ako rito? Ano to hangin lang ako? Maka deadma ka ah.
Minabuti ko nalang na manahimik kaysa naman makisawsaw pa ako pero tinuturing lang naman akong hangin.
Bala nga kayong mag landian dyan.
Tumingin nalang ako sa daan upang pag masdan ito. Hmmm. Pansin kong medyo malayo layo na kami sa kalsada. Ngayon ay tinatahak na namin ang lubak lubak na daan at mayroon kaming nadadaanang matatayog na puno. Marami ang mga punong ito, ang sarap tuloy mag selfie tapos ang background ay ang mga ito.
Teka lang bakit parang dumidilim na? Eh maaga naman kaming umalis? What the hell. Uulan pa ata.
"Dake baka umulan"
"Don't worry sadya lang daw na dumidilim kapag malapit na tayo roon, parami kasi ng parami ang puno kaya pakapal ito ng pakapal sanhi para matabunan nila ang liwanag ng kalangitan" tugon nya.
Tumingin naman ako sa labas at oo nga tama nga ang sinabi ni dake, sobra talaga ang dami ng puno rito as in sobra sobra. Yung parang lahi ng cobra joke.
"Ilang hours o minute nalang daw?" Tanong ko.
"Siguro kalahating oras nalang" tugon nya.
"Ahhh.."
Binalingan ko naman ang summer na mukhang inulan na nasa likod.
Para itong sira. Kaya pala sya na nahimik dahil nanginginig ito sa takot habang pinag mamasdan ang paligid. Natatakot ba sya? Suntukin ko sya.
Bahagya akong humiga para bumawi ng tulog. Ang aga ko ba namang nagising.
Makalipas ang kalahating oras.
Ginising ako ni dake at sinabing naririto na kami.
Medyo ina-antok pa ako kaya hindi ako agad gumising.
"Wow. Exciting to!"
Teka exciting ba kamo?
Iminulat ko agad ang aking mata at bumababa ng kotse.
"Wow"
Nalaglag ang panga ko. Sobrang gandang adventure to.
Isang kuwebang malaki. Madilim ang loob nito at talaga namang nakakatakot.
Inilibot ko sandali ang aking paningin. Naririto na pala kami sa isang lugar na puro puno at ang kinatatayuan namin ay lupa na natatabunan ng tuyong dahon. Tama nga ang sinabi ni veany, maliit lang ang espasyo nito para mag park ng kotse.
Hindi na ako nag patumpik tumpik pa. Kinuha ko ang flashlight sa aking bag at nag simulang mag lakad para pumasok.
"Wait!" Sigaw na kung sino mang paepal.
"Why!" Sigaw ko.
Naks. Ang duwag na summer pala ang tumawag sa beauty ko.
"Pwede bang umuwi nalang tayo?" Tanong nito.
"Umuwi ka mag isa" bulong ko sa aking sarili bago mag patuloy sa paglalakad.
Wow. Ang ganda ganda ng loob nito. Paunang pasok ko palang meron na agad tatlong nakakalitong daan.
"Guys. Hiwalay hiwalay o sama sama?" Tanong ko sa mga ito.
Tahimik ang paligid kaya nilingon ko sila, teka nasan sila? Wag nilang sabihin na iiwan nila akong mag isa?.
Inis akong bumalik para sumbatan sila.
"Hoy! ano? Tara na!" Sigaw ko sa mga to.
Ay bwiset naman oh. Eh kaya naman pala hindi sila nagsisi-lakad dahil sa bwiset na summer nato eh! Bakit nya ba niyayaya ang mga kaibigan ko na umuwi.
"Uwi nalang tayo"
"Guys!" Sigaw ko.
Napatingin naman sila sa akin.
"Ano?" Tanong ko.
Tumingin sila kay summer.
"Sorry summer. Bonding na namin kasi ang gumala gala"
Agad naman silang nag-silapit sa akin. Maaasahan ko parin talaga ang mga to kahit may bagong dumating.
"Let's go" masayang kong pag aya sa kanila.
Tumango lang ang mga ito habang si summer ay naiwan mag isa sa kotse.
"Guys? Sama sama o hiwa-hiwalay?" Tanong ko sa kanila.
"Sama sama" sagot nila.
"Okay alin ang uunahin natin sa tatlo? Itong first, second or third?" Tanong ko sa kanila.
"First na muna" pag prisinta ni veany.
Tumango na lang ako sa kanila bago tuluyang pumasok sa lagusang yun pero bago yun nilagyan muna ni grew ng x ang gilid nito bilang palatandaan.
Ako naman ang nauuna sa kanilang lahat, medyo payuko kaming mag lakad dahil medyo masikip ang dinadaanan namin idagdag mo pa ang matutulis nitong batong dadaanan.
Ramdam ko naman na pinipicturan ni dake ang bawat batong madadaanan namin at ang buong lagusan ay kinunan rin nya.
"Wait!" Sigaw ko sa kanila.
"Why?" Tanong nila.
"Look. Kulay asul na bato. Grew kunin mo to at ilagay mo sa bag mo. Remembrance lang natin"
Tumango lang ito at kinuha ang bato.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Ilang minuto ang nakalipas.
Pansin kong medyo mahaba haba ang tinatahak namin kaya minabuti muna naming magpahinga.
Paupo na sana ako ng biglang sumigaw si veany.
"Guys. Heto na ang nag hihintay satin!!!!" Malakas nyang sigaw.
Wow. Namangha akong bigla. Kakaiba ito.
Ito ang kakaibang adventure na gusto ko.
"Nice."
Tumakbo agad ako para puntahan ang kakaibang bagay na yun kahit na lubak lubak ang daan pero pag dating ko roon ay patag naman.
Kakaiba ang bagay na ito...makinang ito at hugis parisukat na malaki. Para itong portal.
"What's that?" Tanong ni dake. Pansin kong nasa likuran ko napala sila.
Hahawakan ko na sana ito ng biglang sumigaw si eitsy.
"Guys!!!! L-lock! Na lock tayo!"
Lock?
Nilingon ko agad si eitsy.
Omygod. Ano to?
Bakit biglang natabunan ng bato ang kaninang dinadaanan namin?
What the heck.
Nabalik ulit ang atensyon ko sa kakaibang parisukat na ito.
"Guys pano na"
Ang ganda.
Lakas loob ko tong hinawakan at.
"Ahhhhhhh!!!!!!"
Naninigas ako. Para akong nasa viking.
Para akong juice na bigla nalang nahigop. Exciting to.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel