Thirp's POV
Sumapit na ang gabi pero andito parin ako sa lab kasama si ty na isang dalubhasa sa agham.
"Mukhang tama ka nga." May tuwa sa labi nyang sabi.
Napangisi naman ako ng matapos na ang aming pinagkakaabalahan.
Hindi ko maiwasang matuwa. Ilang taon din akong nanahimik at hindi sya pinansin. Ilang taon din akong nag panggap pero ngayong alam nya na. Mukhang kailangan ko na syang harapin.
Grabe, ang tagal kong hindi nag abalang bigyan ng pansin ang litratong ito at ang tagal ko ring hindi nag imbistiga.
"So anong plano mo ngayon?" Tanong nya.
"Edi...." Napangisi ako. "Magkamatayan na." Nakakaloko kong dugsong.
Muli kong tinignan ang litrato.
"Tagumpay." Bulong ni ty.
Ngayong alam na namin kung ano ang kahinaan mo, sa tingin mo ba? Mabubuhay ka parin? Sinuswerte ka lang dun pero ngayon. Tignan natin kung suswertehin ka pa.
Kinuha ko ang isang boteng maliit at tinitigan ito.
"Talagang tagumpay." Panggagatong ko.
Pareho kaming tumawa.
Humanda na ang dapat humanda.
Matakot na dapat ang matakot at tumakbo na ang dapat tumakbo.
*blagggg*
Naagaw ang aming atensyon sa may pinto.
"M-mahal na hari..."
Namilog ang mata ko ng makita ko ang kawal ko na nakahawak sakanyang dibdib habang dumudugo ito. Agad kong ibinigay kay ty ang boteng hawak ko bago ko lapitan ang aking kawal na halos ubos na ang dugo dahil sa pamumutla ng kanyang labi.
"Anong nangyari?" Nag aalala kong tanong.
Pinilit ko syang itayo kaso hindi na kaya ng tuhod nya kaya minabuti kong paupuin na lang sya.
"A-ang alipin nyo po." Dumapo ang kaba sa aking dibdib. "K-kinuha..."
Bwiset. Nakalimutan ko sya. Naku lagot ako sakanya. Nakalimutan ko yung masahe.
"Sinong kumuha?" Nanggagalaiti kong tanong.
"Y-yung kalbong matanda chaka yung isang babaeng matanda."
"Yung bata?" Tanong ko.
"S-sya po ang gumawa sa amin nito."
"Ty ikaw na ang bahala riyan."
Agad akong tumakbo ng mabilis habang nakakuyom ang aking kamao.
Lalabas ka rin palang hayup ka, pinatagal mo pa.
Mas pinabilis ko pa ang pag takbo ko hanggang sa makarating ako sa bahay ng mga kawal.
"MAGSI HANDA KAYO AT SABIHAN ANG LAHAT NA MAG HANDA!" Sigaw ko bago muling tumakbo.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa palasyo. Hindi ko pinag kaabalahang hintuan ang mga kawal na walang malay na umaagos ang dugo paibaba ng hagdan.
"Mahal na hari- - "
"Cat. Magsi handa ang lahat!" Utos ko habang tumatakbo.
"Opo!" Sigaw nya.
Agad kong tinungo ang kwarto ng alipin ko.
Napakagat ako ng labi ko ng makita ang mga kawal kong duguan at ganun din si.
"Gina?" Nanlaki ang mga mata. Pati ba naman si gina idinamay pa nila.
Nilapitan ko sya pero wala na syang buhay.
Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng kwarto ng alipin ko. Gulo gulo ito at wala na sya rito. Basag rin ang bintana.
Lumabas na agad ako ng kwarto upang puntahan ang aking sariling kwarto.
Nadaanan ko pa si tic na parang walang alam sa nangyayari sa paligid.
"Sabihan mo ang mga kaibigan ni souven na mag handa na! At ikaw ring gunggong ka! Mag handa kana!" Sumbat ko.
Napatango nalang sya.
Pumasok ako sa aking kwarto. Tinungo ko ang cabinet kung saan naroon ang damit panangga.
Hindi ako nag aksaya ng oras. Isinuot ko agad ito at kinuha ang dugo na hinaluan ng suka ng isang kuneho.
Nagmamadali akong lumabas at tinungo ko naman ang isang kwarto kung saan naroon ang mga collection ko.
Tinungo ko ang mga kutsilyo roon at isa isa kong kinuha. Pati ang tatlong baril na nakatago sa ilalim ng litrato ni dad ay kinuha ko rin. Lumabas na ako ng kwarto.
Bumababa ako ng hagdan.
"Hoy! Gunggong! Sayo na to!" Ibinato ko kay tic ang kulay asul na kutsilyo na agad naman nyang nasalo. Hindi ko na sya pinansin at tumakbo na lang.
Tanaw ko ang mga tao na nag mamadaling magsi uwi samantalang ang iba ay nakabibis at naka handa na.
Dahan dahan akong napahinto.
"Shit." Bulong ko.
Sabay sabay kaming napatakip ng ilong ng dumating na ang nakakagimbal at nakakasulasok na kakaibang amoy.
Babalik pa sana ako sa palasyo para hanapin ang mga pinuno kaso mukhang hindi ko nakailangan pang mag hanap dahil handa na sila.
"Ito na ba ang totoong laban?" Nakangising tanong ni rick.
Tanaw ko naman ang ngiti sa labi ni masd. Habang si rose naman ay nilalaro ang kanyang bulaklak na may bahid ng dugo.
"Eto na nga." Nakangisi kong sabi.
"Tutulungan ka ng mga alagad namin para patayin ang mga patay na ito kaya ikaw na ang bahala sa susi." Sambit ni masd.
Sinaluduhan ko lang sila bago tumakbong muli.
Rinig ko na ang mga yabag ng mga kabayo, paniguradong dumating na ang alagad ni masd. Rinig ko rin ang sigawan ng mga alagad ni rick at ang amoy ng rosas ni rose na tiyak na dumating nadin ang kanyang alagad.
Panataga na ako kaya ang kailangan ko na lang gawin ay iligtas ang aking mahal.
Tinungo ko ang direksyon papunta sa abandunadong court kung saan doon naganap ang unang laban ni chin at ng dating hari. Alam kong doon nya dadalhin ang aking alipin dahil doon palagi pumupunta si kalbo at may ginagawang kung ano.
Madilim na kaya hindi ko masyadong makita ang daan.
Medyo malayo layo ang court na yun kaya medyo matatagalan ako bago makarating.
Nakaramdam ako ng tunog ng mga paa ng kabayo sa aking likuran kaya napakunot ang aking noo.
"Sakay na!"
Lumingon ako sa likod at si tic ang sumalubong sa akin. Nakasakay ito sa kabayo. Napangiti ako bago abutin ang kanyang kamay na naka lahad.
Nang makaupo ako ng maayos, doon ko na nilagayan ng dugo ang mga sandatang dala dala ko.
"Oh pano ba yan. Ikaw na ang mag kontrol neto."
Muntik na akong mahulog dahil sa biglaang pag baba ni tic.
"Loko ka talaga!" Sigaw ko habang nakangiti.
Umurong ako ng kaunti at hinawakan ang tali.
Mas pinabilis ko pa ang pag takbo ng kabayo na agad namang domoble ang bilis.
"Alipin ko... Malapit na ako."
----
Veany's POV
Nagsimula na ang laban. Hindi man kami na inform pero ayos na rin.
"Okay ka lang ba? Kung gusto mo mag pahinga ka na lang dyan?" Nag aalala kong tanong kay eitsy.
Nakahanda sya at makikita mo sakanyang mukha na hindi sya nag karoon ng problema kagabi.
"Ako naman ngayon ang mag liligtas sa buhay ni souven." Matapang nyang sabi bago lumabas ng bahay.
Pare-pareho kaming handa sa ganitong sitwasyon. Wala na kaming pake alam kung dito pa kami mamatay. Nawalan narin kami ng pag asa na makakauwi pa kami kaya, gagawin na lang namin ang best namin para makisawsaw sa away nila.
Kinuha ko ang isang bote ng dugo sa aking dala dalang bag at nilagyan ng dugo ang ulo ng aking palaso. Pati ang kutsilyong nasa tagiliran ko at ang espada.
Ngayon, handang handa na akong mamatay.
"Ahhhhhhhh!!!!!" Pampapalakas kong sigaw.
Tumakbo na agad ako palabas ng bahay at tumungo sa labas ng palasyo.
Nakahanda na silang lahat at may hawak hawak silang sandatang may dugo. Tanaw ko na rin ang mga patay na sigaw ng sigaw kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin.
Bahagya kong inilibot ang aking paningin. Kita ko ang mga alagad ni masd na talaga namang ka'y popogi.
"Hindi ito ang oras para magka love life ka." Bulong ni eitsy.
Inirapan ko lang sya bago muling tumingin sa mga patay na unti unti ng lumalapit.
Halos maduwal duwal dahil sa sobrang baho ng amoy. Nakakasuka.
"Hi guys."
Nakita ko si grew na hingal na hingal na tumabi kay eitsy. Naka handa na din ito.
"Bwiset ka. San kaba nang galing?" Pag mamasungit ni eitsy na tila'y nag tatampo.
"Sorry na mahal."
Napatawa na lang ako ng dahil sa inasal ni grew. Biruin mo, nasa kalagitnaan ng labanan tapos ang lakas pang isingit ang landian.
Natahimik na ang lahat.
Tanging hangin at mga tuyong dahon ang dumadampi sa aming mga braso. Tanging mabahong amoy ang nalalanghap ng aming mga ilong. At tanging mga patay ang umaagaw sa aming pansin.
"Maghanda na ang lahat!!"
Huminga ako ng malalim.
Isang nakakabinging tunog ang pinakawalan ng isa sa mga pinuno ng grupo. Nangilabot ako ng huminto ang mga patay.
Ang mga mata nila na talaga namang nakakapanindig ng balahibo ay titig na titig sa amin.
Kumawala rin ang nakakabinging tugon mula sa aming kalaban.
"Let finish this shit!!" Malakas na sigaw nung babaeng nakamaskara.
Napangisi ako, ng sabay sabay silang nag sigawan bago umarangkada.
Agad akong tumakbo at tinarget ko ang isang patay na nakangisi sa akin.
Pinaikot ikot ko ang aking kutsilyong hawak hawak ng kamay ko.
"Tikman mo ang sarap nitong hawak hawak ko!"
Hinagis ko agad ang kutsilyong hawak hawak ko ng muntik na nya akong atakihin.
"Nice one babe."
Inis kong nilingon ang hinayupak na tic na ito.
Hindi ko nagawang awayin sya ng mawala na sya sa paningin ko. Pareho nalang kaming napangisi.
Saan kaya nanggaling ang lalaking iyun at bakit hingal na hingal?
Hinugot ko na lang ang kutsilyong nakasaksak sa naka higang patay na nag laho na.
Kinuha ko agad ang aking palaso sa likod at pinana ang nag tangkang saktan si eitsy.
"Thank you vean." Sigaw nya.
Para syang isang tarirat na nakikipag laban sa mga barbie.
Hindi na dapat ako mag alala sakanya dahil kasama naman nya si grew.
"Babe iwas!"
Nanlaki ang mata ko.
Tanaw ko ang kutsilyong bumubulusok papalapit sa akin na agad ko naman iniwasan.
"Sira na ba ang ulo! Hindi ako yung kalaban bakit ako yung papatayin mo!" Singhal ko.
Nakangiti naman itong lumapit sa akin.
"Hindi ka kasi alert." Bulong nya bago ako lagpasan.
Wala na akong nagawa kundi panain ang isa sa mga patay na nasa kabayo na tinangkang ambahan nya si tic.
"Oh. Yan kwits na tayo." Nakangisi kong sambit.
Binunot ko ang espadang nasa tagiliran ko.
Ngumisi ako bago sabay sabay na kinalaban ang tatlong patay na nasa aking harapan. Sinundan pa ng marami iyun hanggang sa sinundan na ng sinundan. Sa kaliwa,kanan,harap at likod ay mayroong kalaban kaya wala akong oras na mag pahinga.
Panay rin ang ang pag buhos ko ng dugo sa espada ko bago idaplis iyun sa mga patay.
"Ang babaho nyo!" Sigaw ko bago lagyan ng dugo ang aking sapatos.
Isang napalakas na sipa ang natamo ng dalawang patay na aking nakaharap.
Hingal na hingal akong tumakbo sa hagdan papasok ng palasyo. Tumayo ako roon at hinanda ang aking mga pana.
Mas pinili kong tumayo sa mataas na lugar para matanaw ko ang lahat ng mga patay.
May kanya kanyang kalaban ang lahat miski sila eitsy.
Sinuri ko muna ang ta-targetin ko bago banatin ang pana at pakawalan ang palaso. Sapul sa ulo ang kalaban ni eitsy.
Nakita ko namang nginitian nya ako na para sa akin ay pag papasalamat.
Pinana ko lang ng pinana ang mga patay na gusto kong panain. Pati na rin ang mga nag tatangka sa aking buhay.
Naagaw ang pansin ko kay dake at cat na papasakay ng kabayo.
"Teka san kayo pupunta?" Tanong ko.
"Ikaw na ang bahala rito veany. We just want to save souven." Wika ni cat.
Tumango lang ako bago ipag patuloy ang ginagawa ko.
Para akong isang baliw na natutuwang pumatay ng kakaibang uri ng elemento.
Ang saya saya nito. Napaka saya.
-----
Souven's POV
Sobrang sakit ng ulo ko.
Parang bumalik lahat ng sakit ng maamoy ko ang kakaibang amoy na yun.
Ang naaalala ko lang ay kumakain ako nun ng may biglang pumasok sa aking kwarto. Tatlo sila na pinag papatay ang mga kawal pati na rin si ate gina tapos sinubukan ko nun na manlaban kaso nahimatay na ako ng may ipaamoy sila. Isang dahon iyun na talaga namang nakakahilo.
"Gawin mo na."
Napapikit ako ng mariiin ng maramdaman ko ang napaka lamig na tubig na bumalot sa aking mukha pababa ng aking katawan.
Napaka lamig nun kaya hindi ko na naiwasang manginig.
Basang basa ang katawan ko. Natatakot ako.
"Isang kang taksil!"
Isang malamig na kamay ang humawak sa aking baba at pilit na inangat ang ulo ko.
Tanging sakit lang ng ulo ko ang nararamdaman ko pero pilit ko paring minulat ang aking mata.
Medyo nanlalabo ang mga mata ko kaya paulit ulit akong kumurap ng dahan dahan hanggang sa makita ko na ng malinaw ang mukha ng isang babae na nasa harap ko. Galit ang ekspresyon ng mukha nito at namumukhaan ko sya.
"L-lola?" Nanginginig ang labi ko ng tanungin ko yun.
*pakkk*
Isang malakas at nakakabinging sampal ang tinugon nya.
Bumuka ng bahagya ang bibig ko.
Binabalot ako ngayon ng takot sa mga oras na ito. Ramdam kong wala akong laban dahil nakatali ang kamay at paa ko pati ang baywang ko. Nakaupo ako at ramdam kong mahuna lang ang upuang ito.
"Talagang nakipag tulungan kapa sa hari ha."
Muli nya akong hinarap sakanya.
Lumuluha sya habang galit na galit. Si lola.
Ano bang kasalanan ko? Bakit ba sila galit na galit ng ganito at bakit ako na lang palagi ang biktima rito?
Naagaw ang atensyo ko sa isa ring matanda na nasa likuran nya. Nakangisi ito. Nakangisi si tandang kalbo.
Bumababa ang tingin ko sa batang kasama nito. Nakangiti ito sa akin habang pinapanood si lola na sinasaktan ako.
"A-ano bang kasalanan ko?" Naiiyak kong tanong.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nag kakagulo kami ng ganito!" Isang nakakabinging sampal na naman ang aking natanggap.
Sobrang sakit na ng pisngi ko at namamanhid na.
Wala na akong nagawa kundi ang maiyak. Sa mga oras na to. Kailangan ko ang thirp sa aking tabi. Thirp nasa kana ba.
"Wag mong masyadong saktan ang susi ko."
"Hindi! Dapat mamamatay na ang taksil na iyan! Hindi sya marunong tumupad sa usapan!"
Dinig ko ang malakas na pag sipa nya sa upuan dahilan para lumagapak ako sa sementong sahig.
Umalog ang utak ko ng sandaling yun.
Nahihirapan na ako.
Nasaan kana ba thirp...
YOU ARE READING
King's Key is Me
PertualanganAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel