Chapter 12

44 4 0
                                    

  Veany's POV
Tahimik ang lahat at naka tingin lang ang lahat sa hari at kay souven na kasalukuyang walang malay habang naka higa sa malaking kama.
Hindi ko maiwasang mag-taka kung bakit hinimatay ang dalawa.
Flashback
Nag lalakad kami noon ni eitsy kasama si ate saysas. Patungo kami sa palengke para mamili ng pag kain.
"Kamusta na kaya si souven noh?" Tanong ni eitsy habang naka hawak sa baba.
"I wish okay lang sya"
"H-hoy. Thirp gumising kang bwiset ka!!!!!"
Natigilan kami sa pag lalakad ng makarinig kami ng pag kalakas lakas na sigaw na nag mumula sa paanan ng mababang bundok.
"Ano yun?" Tanong ni eitsy.
"Familiar ang boses na yun"
"Tara puntahan natin" pag aya sa amin ni ate saysas.
Nabitiwan ko naman agad ang aking basket na dala dala at sumunod kay ate saysas habang tumatakbo.
"Ow gosh. Si souven at ang hari" gulat na sabi ni eitsy kasabay ang pag takip sa bibig.
"""G-guys. Tulungan nyo s-sya- - - " hindi na naituloy ni souven ang kanyang sinasabi ng pati sya ay mawalan ng malay.
Hindi agad ako nakagalaw ng pagmasdan ko ang dalawa. Puro galos ang braso,binti at mukha nila habang si souven naka posas ang kamay at ang hari naman ay naka tali ang kabilang kamay.
"Tawagin nyo ang kawal!" Utos ni ate saysas kasabay ang pag kalakas ng tali sa kamay ng hari.
Napa takbo naman agad si eitsy at nilapitan ang mga kawal na naka pwesto sa di kalayuan.
Tinawag ko naman sila dake at grew na kasalukuyang naglalakad patungo sa amin.
"Bilisan nyo nga!" Sigaw ko sakanila.
Nakalapit na ang mga kawal pero sila hindi pa.
"Alis alis" pag papalayas sa amin ng mga kawal.
Binuhat naman agad nila ang dalawa at tumungo sa palasyo. Agad naman kaming sumunod sa kanila.
"Tatawagin ko si tanda" pag papaalam ni ate saysas kasabay ang pag lisan.
Naka sunod naman kami sa mga kawal habang hawak hawak ang kamay ni souven.
End of flashback.
Mukhang mas napuruhan si souven. Mas madami ang galos ni souven kaysa sa hari.
Bakit ba kasi nagka-ganyan ang mga yan? Ano bang ginagawa nila sa itaas ng bundok na yun?
Tss. Si souven talag kung saan saan sumusulpot kaya ayan. Nagagalusan ng wala sa oras.
"Teka? Hindi nyo ba sila gagamutin?" Tanong ni eitsy.
"Oo nga naman"
Kanina pa kasi walang balak hawakan o gamutin man lang sila. Naririto ang isang matanda na tinawag ni ate saysas pero hindi naman ginagalaw ang hari at si souven.
Pinapanood lang namin sya na kunin ang katas nung dahong hawak hawak nya.
"Nasaan ang hari?"
Napalingon naman kaming lahat sa babaeng hingal na hingal na pumasok.
At sino naman sya? Parang alalang alala sya sa hari ah.
Dali dali naman itong lumapit sa haring walang malay at niyakap iyun ng mahigpit.
"What happened? Anong nangyari sayo mahal na hari?" Nag aalala nyang tanong.
Kumalas din agad sa pag kakayakap ang babae at pinag tuunan kami ng pansin. Dinuro kami nito. Pati ang kawal dinuro nya rin. Masama rin ang tingin nito sa amin.
"Pag babayaran nyo ang ginawa nyo sa kanya" pag babanta nya.
"Teka? Teka? Ibig mo bang sabihin kami ang sinisisi mo kung bakit nag kaganyan ang hari?" Pag singit ni eitsy.
Nabaling ang pansin nung babae kay eitsy.
"Bakit? Kayo naman talaga ang may kasalanan kung bakit sya nag kaganyan kaya wala kang karapatang itanggi yun!" Sumbat nito.
Ang lakas nitong manisi ng ibang tao eh hindi naman alam ang buong pangyayare. Sayang ang ganda ganda pa naman ng buhok nyang mahaba at ang maganda nyang mukha kaso masama ang ugali.
"Aayos din sila queeny kapag na inom na nila ito" pag papakalma ng matandang babae sa kanya.
Nabaling naman sa matanda ang matalim na tingin nung babae na tinatawag nyang queeny.
"Just shut up!" Sigaw nito.
Ah ah yan. Ang sama sama pala talaga ng ugali ng babaeng to. Pati ba naman matanda eh inaaway pa nya. Sya na nga tong naninisi sya pa tong galit.
"Miss. Pwede ba tumahimik ka nalang. Ang ingay ingay mo kasi!" Pag mamataray ko sa kanya na sinabayan ko pa ng taas kilay effect.
Sakin naman ito tumingin.
"Lapastangan! Ikulong ang babaeng yan ngayon na!" Utos nito sa mga kawal.
Naalarma naman ako ng bahagya. Teka dapat bang maalarma? Hindi man lang nag sikilos ang mga kawal para hulihin ako.
"Ang sabi ko ikulong ang babaeng yan!" Pag uulit pa nya.
Nanatililing nakatayo lang ang mga kawal. Wala man lang silang balak na sundin ang utos ng babaeng nasa harapan ko ngayon.
Napangisi naman ako ng wala sa oras, pahiya kasi si ate girl.
"Utos lang ng mahal na hari ang gumagana sa buong palasyo" sagot ng kawal na halos sabay sabay.
"What? Pwede ba sundin nyo na- - "
"Hoy babae. Narinig mo ba ang sabi ng mga kawal? Diba utos nga lang ng hari ang gagana sa palasyo diba? Baka naman hindi mo maintindihan yun.. Well sige ipapaliwanag ko sayo.. Ang ibig sabihin nun utos lang ng hari ang susundin nila at hindi ang iyo gets?" Pag mamataray ni eitsy.
"Lapastangan din ang isang to! Humanda kayo. Pare pareho kayong makukulong! Pare pareho nyong matitikaman kung anong buhay meron sa kulungan!" Pag babanta nya na akala mo naman ikakatakot namin.
Hindi ata aware si ate. Nakulong na po kami ate. Kaya alam na namin ang buhay meron sa kulungan. Tss.
Niyakap naman nya ulit ang hari at kung ano anong pinag bubulong.
"Ipainom mo na sa- - Pati ang kanyang alipin ay nagalusan rin?" Tanong nito.
Nakatingin ito kay souven habang naka kunot ang noo.
"Umakyat sila sa mababang bundok at nung pababa na sila siguro'y nag pagulong gulong kaya nag kaganyan sila"
Pag papaliwanag ni tanda.
"Pwes what are you waiting for? Ipa inom mo na sa hari ang gamot na yan!" Pagmamataray nya sa matanda.
Napakilos naman agad ang matanda. Nanginginig nyang isinalin ang katas ng dahon sa dalawang baso. Lumapit naman ang matanda sa hari at ipinainom ang katas ng dahon.
Sinunod naman nyang painumin si souven.
Ilang sigundo lang nagmulat na ang kanilang mga mata at hingal na hingal na bumangon.
Unti unting nag laho ang kanilang galos sa katawan pero ang tahi at hiwa sa braso ni souven ay nananatili paring nakatatak sa kanyang makinis na braso.
Sobra naman ang hingal ng dalawa. Parang kakaahon lang nila sa tubig.
Pareho naman silang nag katinginan sa isa't isa.
"Ayos ka lang?" Sabay nilang tanong sa isa't isa.
Wow naman. Concern sa isa't isa ang dalawa.
"Ayos lang ako ikaw?" Sabay ulit nilang sabi.
Natigilan naman silang bigla ng mapansin nilang mayroong naka paligid na tao sa kanila. Kaya napa iwas agad ng tingin si souven sa hari.
"Souven.." Pag susumamo ni eitsy.
Lalapit sana si eitsy kay souven pero pinigilan sya ng hari.
"Hindi pwede!" Pag pigil ng hari.
Natahimik naman ang lahat dahil sa ginawang ingay ng hari.
"Walang sino man ang may karapatang dumikit sa aking kama" dagdag pa nya.
Ahh.. Akala ko pa naman ayaw nya kaming palapitin kay souven.
Bumababa naman si souven ng kama at sya ang nag prisintang lumapit sa amin upang yakapain kami ng mahigpit.
"Ayos ka lang ba souven?" Tanong ni dake kay souven ng kumalas na ito sa pag kakayakap.
"I'm fine wag na kayong mag alala" tugon nya.
"Hindi ka okay. Kanina lang ang dami dami mong pasa eh." Sambit ni eitsy.
"Wait oo- - teka? Nasaan na? Nasaan na ang mga galos?" Mangha nyang tanong.
"Bigla na lang nawala ang mga galos mo ng painumin ka nung matanda ng katas ng isang dahon" pag papaliwanag ni grew.
"Yah. Miracle nga eh" dagdag pa ni eitsy.
Yayakapin ko pa sana ulit si souven pero napigilan ako ng kakaibang amoy. Ilang araw na ba kaming hindi naliligo.
"Sou. Mukhang kailangan na nating maligo" bulong ko sa kanya.
Bahagya namang inamoy ni souven ang kanyang damit.
"Yah tama kailangan na nga nating maligo" pag sang ayon nya.
Natawa naman kami ng bahagya.
"Thank god dahil okay ka lang"
Napalingon naman kami sa kinaroroonan ng hari. Yakap yakap nung queeny ang hari.
"Iw" bulong ni souven na ako lang ata ang nakarinig.
Parang hindi na yakap ang ginagawa nung queeny na yan eh. Parang yakap na may halong landi ang peg nitong babaeng to.
"Queeny. Pwede ba. Itigil mo ang ginagawa mo" utos ng hari.
In fairness naman sa haring ito. Hindi sya gumaganti sa yakap.
"What? I'm just concern" pag sagot pa nung queeny.
Ang hari naman ang kusang nag kalas ng pag kakayakap ni queeny.
"Guys. Mag starbucks muna tayo" pag aya sa amin ni souven.
Teka. Wala namang Starbucks sa lugar na to ah.
"Ano? Eh wala namang Starbucks dito" naguguluhang sabi ni eitsy.
"Hayy sa madaling sabi labas muna tayo" pag papaliwanag ni souven.
Sumilay naman sa aking labi ang isang ngiti.
"Lesgow" pag aya ko.
Tumungo naman agad kami sa pinto para sana lumabas.
"Aking alipin!!!!!" Isang nakakabinging sigaw ang nag pahinto sa aming paglalakad.
"What!!!" Sigaw din ni souven habang nakatingin sa hari. Mukhang naiirita ang ekspresyon ng mukha ni souven.
"Manatili ka lamang sa aking tabi!" Madiing utos nito.
"Teka. Pwede bang samin muna si souven?" Tanong ni dake.
Kita ko naman ang ginawang pag hawak ni dake sa kamay ni souven.
Napukaw ang pansin ng hari sa may bandang ibaba ni souven. Doon makikita ang kamay ni souven na hawak hawak ni dake.
"Hindi pwede!" Madiing sagot nito.
"Maliligo lang ako! Ang baho baho ko na kaya! Don't worry babalik ako" Sigaw ni souven.
Biglang nawala sa aking paningin si souven at dake.
"Pst. Pag kabilang ko ng tatlo sobat na tayo ha" bulong sa amin ni grew.
Naks. Tinakas na pala ni dake souven.
Tinakasan naman namin ka agad ang mga kawal na nakaharang amin. Minabuti naming mas bilisan pa ang pag takbo upang hindi kamo mahabol ng mga kawal.
"Aking alipin!!!!!!!!" Sigaw ng hari na ikinatawa ko.
"Da best ka talaga dake wooo!"
Hindi ko maiwasang mapangiti.
Sobrang bilis nyang tumakbo. Runner kasi si dake.
"Hoy tumigil kayo!" Sigaw sa amin ng mga kawal na humahabol sa amin.
Patuloy lang kami sa pag takbo hanggang sa maka labas na kami ng palasyo. Lumiko agad kami upang mag tago sa isang malaking bato na hindi agad kami makikita.
Tanaw ko naman ang mga kawal na dumiretso ng pag takbo.
"Safe na tayo guys."
"Tara sa bahay ni ate saysas" pag aya ni eitsy.
Dali dali naman kaming tumakbo para tumungo sa bahay ni ate saysas.
Hindi naman inabot ng oras oras. Nakarating din naman kami agad, diretso pasok na kami sa loob dahil wala naman itong lock kaya libreng libre kaming pumasok.
Naabutan namin si ate saysas na kakainom lang ng tubig.
Pare pareho kaming hingal na hingal at uhaw na uhaw dahil sa ginawa naming pag takbo.
"Oh? Buti naman at ayos na isa nyong kaibigan" pag puri ni ate saysas.
"Um hi po. Ako po si souven" pag papakilala ni souven ng hingal na hingal.
Ngiti lang ang itinugon ni ate saysas.
"Um ate saysas. Medyo nangangamoy na po kasi kami pwede ho bang makiligo dito?" Tanong ni eitsy.
Grabe naman tong eitsy na to. Diretsahan talaga.
"Um. Sorry iha. Walang tubig sa araw na ito eh. Pero kung gusto nyo talagang maligo pwede tayong oumunta sa batis para maligo" pag prisinta ni ate saysas.
"Okay ayos yan" pag sang ayon ni eitsy.
May kinuha naman si ate saysas sa kung saan.
"Okay tara na"
May dala dalang bag si ate saysas at mga towel.
Nanguna namang lumabas si ate saysas na sinundan nila eitsy.
Tinabihan ko si souven at dake.
"Dake pwede ko bang makausap si souven" tanong ko kay dake.
Smile lang ang isinagot ni dake at nilayuan na kami.
Huminga ako ng malalim.
"May sasabihin kaba vean?" Tanong nya.
"Actually yes"
Huminga ulit ako ng malalim ng pangalawang beses.
"Ano yun?"
Ugh. Mukhang hindi ko kayang sabihin sakanya baka kasi mabigla o maging imosyonal sya.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now