Chapter 35

68 2 0
                                    

  Someone's POV
Nakakatuwang isipin na natatakot sila sa dapat hindi naman katakutan. Isang katangahang na natatakot sila sa isang duwag.
Ngumisi ako sa aking kasama.
"Mag iingat ka sa lalaking naka tira dyan sa kabilang bahay. May kutob akong minamatyagan ka nun." Babala ko sa aking kasama.
"Tss. Masaya nga yon. Nag sisiyasat sila sa wala. Teka lang, nakita mo ba ang ginawa ng hari? Kasi ako natutuwa akong panoorin sya habang nakikipag away sa inyong alagad." Natutuwa nitong sambit. Ang matandang ito talaga.
"Saksi ako sa katangahang ginawa nya. Nakagagalak na may pumantay na rin sa aking kakayahan. Natalo at napatay nya ang pinaka malakas nating alagad. Nagtagumpay ako na mapalabas ang kanyang itnatagong katauhan. Kulang pa iyun, gusto kong lumabas iyun ng tuluyan. Gusto kong makita iyun ng buong buo. Gusto ko syang kalabanin pero bago yun... Kailangan ko munang manatili sa ganitong anyo. Ayokong masira ang pagpapanggap ko. Lalo na't nalalapit na ang pag dating ng susi. Ayos lang na ikaw ang pag duhan wag lang ako."
"Ah. Nga pala kamusta na yung br- - -"
"Shhh... Maayos ang aking katawan dahil ako ang pinaka makapangyarihan sa lahat."
Humalakhak ako ng walang katapusan. Malapit ka ng mapa sa akin kahit ako'y pa easy easy lang. Ang susi ang mag kukusang lumapit sa akin.
Nagpapasalamat ako sayo tao.
Mali ang ginawa ng magulang mo na tulungan ako. Isang kamalian yun pero nagpapasalamat parin ako dahil heto't makukuha ko na ang kayamanan ko ng dahil sayo. Isa kang hindi kaduda dudang tao.
-----
Souven's POV
Masaya akong naglalakad sa daan. Nakakatuwa lang kasi na ako ang naging sandalan nya sa mga oras na yun. Napaka sarap sa feeling na kahit papaano ay naging iyakan nya ang balikat ko.
Napatingin ako sa aking manggas na basang basa.
Hindi ko na pinalitan ang damit ko dahil isa sa mga nagpapasaya sa akin na makita itong basa. Sa wakas, ako ang naging dahilan kung bakit sya tumigil sa pag iyak.
Dapat mag pasalamat ako kay tic dahil sya ang nag papunta sa akin roon. Binilin sa akin ni tic na pakalmahin ko daw ang hari dahil kapag raw naroon yun ibig sabihin may pinoproblema yun.
"I'm feeling better." Masaya kong sabi habang naglalakad ng may ngiti sa labi.
Hindi ko kasama ang hari dahil may pag pupulong sila ng mga pinuno ng bawat grupo. Hindi ko naman gustong makisawsaw sa gagawin nilang hakbang dahil naiirita ako sa queeny na yun. Baka mapatay ko lang sya kapag nagkita kami.
Dala dala ko naman ang kutsilyo at dugo para kapag may nag tangkang pumatay sakin. Ang kutsilyo ang magliligtas sa akin. Safe naman daw ako.
Pansin ko din kasi na hindi na gumagalaw ang mga ugat. Wala narin akong kunehong nakikita sa paligid at hindi narin nag papakita sa akin si rina na syang kumukontrol ng mga bagay bagay.
Kaya free na akong maglakad lakad sa buong lugar. Wala naman akong choice eh. Hindi naman ako pwedeng pumunta sa bahay nila ate saysas dahil may miss understanding kami ni veany. Hindi naman ako marunong mag tanim ng galit eh, ewan ko lang kung ganun din si veany. Hindi kasi sya yung tipo ng kaibigan na open sa lahat kaya hindi ko medyo saulo ang ugali nya.
"Hoo!"
Biglang umangat ang balikat ko ng may siraulong bumuga ng hangin sa bandang tainga ko.
Inis kong binatukan si dake na syang gumawa ng bagay na yun. Simula bata palang ang hilig na nyang mang gulat.
"Hmm. Hindi mo ata sya kasama."
"Teka? Bakit kayo magkasama neto?" Iritang tanong ko sa lalaking kasama nya.
"Ah. Si fr- -"
"Alam ko. Sya yung may gusto kay eitsy right? Diba sya si frince?"
Nakita ko naman na biglang pamumula pisngi ng kasama ni dake.
May mga lalaki parin pala talagang kinikilig sa panahong ito.
" a-ah. Sige maiwan ko muna kayo." Nahihiya nitong sambit.
Hindi ako nag aksayang tugunan sya. Nice naman sya pero mas bet ko parin si grew para kay eitsy.
Tinalikuran ko na sila at nag simula ng maglakad.
"Um. Sige, samahan ko lang sya."
Dama ko ang mabilis na pag takbo ni dake para habulin ako. Medyo hiningal naman syang tumabi sa akin at sinabayan ako sa pag lalakad.
"Mukhang masaya ang asawa ko ah."
Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi.
"Masaya lang ako." Nakangiti kong tugon.
"At bakit naman?" Tanong nya.
"Wala ka na don."
"Ay oo nga pala. Masaya ka kasi nakita mo na naman ako." Mayabang nitong sabi.
Nakangiwi akong tumingin sa kanya.
"Hindi noh. Asa." Pang babara ko sa pagiging assuming nya.
"What?!"
Nahinto at napalayo ng kaunti ang ulo ko sa bigla nyang pag sigaw.
"Hay. Bigla bigla ka nalang sumisigaw. Siguro napunta na naman sa talampakan yang utak mo noh."
Hinawakan nya ang kanyang bibig gamit ang dalawang kamay. Nakatingin ito sa akin na animo'y naiiyak.
"Hindi ako maka paniwala."
Inirapan ko na lang sya dahil sa pagiging o.a nya. Humakbang nalang akong muli para maglakad.
Hindi pa man ako nakakahakbang ng lima ay biglang nakaramdam ako ng pag hinto ng maramdaman ko ang malamig nyang kamay na nakahawak sa aking braso.
"Hay. Ano bang trip mo?" Inis kong tanong sakanya.
"Sure ka bang hindi ako ang dahilan kung bakit ka masaya?" Paniniguro nito.
Tinabig ko ng mahina ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso at muling nag patuloy sa paglalakad bago ko sagutin ang kanyang tanong.
"Oo. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit nakangiti ako ng ganito."
"Nakakapag taka lang. Kasi dati, nakikita ko lang ang ngiti mong ganyan kapag dumadating ako kaya iniisip ko tuloy na ako ang dahilan kung bakit ka nakangiti. Sayang nakakakilig pa naman yun."
Napaka pilyo talaga ng lalaking to.
"Dati ikaw nga ang dahilan pero ngayon? Di na uy!"
"Grabe ka. Alam mo bang nakakasakit yan dito sa munti kong puso. Hay. Bebe heart wag kang makikinig sa mommy mo ha. Nagbibiro lang yan."
Tama nga, mukhang nasa talampakan nga ang utak nya. Kausapin ba naman ang sariling puso. Hay. Mahirap mag judge lalo na't wala naman kami sa korte. Hehehe.
"Itigil mo mo nga ang pagiging pasyente sa isang mental hospital. Teka nga pala.. Akala ko ba may sasabihin ka? Pero nung pumunta ako sa bahay ni ate saysas, wala ka naman. San kaba galing?"
"Nakakita kasi ako ng buto sa labas tapos sinundan ko kaya ayun naligaw ako. Buti na lang at nandyan si frince para i save ako."
Ghad. Hindi kapani-paniwala ang sinasabi nya.
"So aso lang ang bet? Ganon?"
"No. No. Handsome dog kamo."
Napailing iling na lang ako sa kapilyuhan ng kasama ko.
Dake naman talaga. Alam kong nag sisinungaling ka. Saulo ko ugali mo kahit hindi ka mag sabi sa akin. Alam kong may iniimbistigahan ka. Nakaka sad lang na you can move without me.
"Sabihin mo nga sa akin? Ano ba yung sasabihin mo kahapon na hindi mo naituloy gawa ng hari?"
"Ah. Sasabihin ko lang sana sayo nun na..." Medyo nilapit nya kanyang mukha sa aking tainga. "Ikaw ang pinaka maganda sa pag diriwang na yun." He whispered in a sexy voice.
So. He trying to seduce me?
Isang batok ang ginawad ko sa ginawa nya.
"Aww. Grabe ka. Nagagawa mong saktan yung crush- - Um. Uh oh"
"Di ko type ang lalaking katulad mo noh."
Grr.
Sinong nag sabi sakanya na crush ko sya. Ugh. Mapapatay ko talaga kung sino yun. Pero past is past naman na eh.
"Let's take a picture?" Seryoso nyang pag aya.
"Tss. Sira kaba? Diba nawala nga yung cellphone natin? Ano may amnesia?"
"Hehehe. Baka lang kasi kailangan mo ng remembrance. Sayang yung pag kakataong makasama mo sa isang picture ang pogi mong crush." Taas noo nitong sabi.
"Sino ba nag sabi sayo na gusto kita?"
"Oh bakit hindi ba? Diba crush mo naman ako."
"Yeah, i admit it. But dati yun."
Natameme sya ng sabihin ko ang huling kataga.
Teka? Nasaktan ko ba sya. Omyghad. No. A-ayokong makasakit.
Nilapitan ko sya at hinawakan ang likod.
"Sorry may nasabi ba akong hindi mo gus- - "
Muling bumalik sakanyang labi ang isang matamis na ngiti.
Nakahinga ako ng maluwag ng hawakan nya ang kamay ko.
"Okay lang." Wika nito. "Ibabalik natin yang nararamdaman mo basta ba sumama ka sakin."
Hindi na nya hinintay ang sagot ko. Hinigit nya na agad ako at pareho kaming tumakbo sa kung saan.
Ang isang dake?
Kelan kaya masasaktan ang dake na yan? Masyado syang panatag sa palagi nyang pag ngiti pero alam kong dadating yung panahon na hindi nya matatakpan ng kanyang ngiti ang sakit na kanyang nararamdaman.
Ayokong mag ka-ilangan kami kaya ang nasabi ko na lang ay 'dati yun'. Gusto ko walang ilangan sa amin kahit minsan napagkakamalan kaming mag jowa kapag nag gagala kami sa park. Alam ko namang mababago ang pakikitungo ko sakanya kung umamin ako kaya minabuti ko nalang na ikimkim yun. Chaka wala na akong dapat ikimkim pa ngayon dahil... May nagugustuhan na akong iba. Siguro nga hanggang kaibigan ko lang si dake. Kumbaga pinagtagpo pero hindi itinadhana.
Halos kapusin ako ng hinga dahil sa sobrang bilis nyang tumakbo. Masyado nyang ginagamit ang pagiging runner nya sa tuwing tatakbo kami. Ako kaya yung hinihingal saming dalawa.
Hingal na hingal akong napahawak sa aking tuhod. Pinipigilan ko ang pag bagsak ng aking katawan dahil sa sobrang pagod at hingal.
"Look. Ang ganda oh."
"Bwiset ka talaga dake. Hiningal ako ron."
Hingal na hingal kong inangat ang aking ulo at wow.
Napanganga ako ng makita ang isang napaka gandang karagatan na natatanaw ang aking bilugang mata.
"Napaka ganda..." Namamanghang pag puri ko sa kulay asul na karagatan.
"Si frince ang nag dala sa akin dito. Alam kong mahilig ka sa dagat kaya dinala kita rito. Sorry ha. Dagat lang ang kaya kong ipakita sayo pero ang lolo mo... Wait. Isipin mo na lang na ako na lang ang lolo mo." Nakangiti nyang sabi.
Kahit kailan talaga napaka lambing nya. Kaya halos lahat ng babae ay nahuhulog sakanya. Kasama na ako ron.
Tumakbo agad ako sakanya at niyakap sya ng napaka higpit.
"T-thank you." Bulong ko.
Ramdam ko ang pag tugon nya sa yakap ko.
"Welcome. Basta ba para sayo. Ako ang magiging lolo mo kaya. Apo tara panoorin natin ang sunset. Mamaya nga lang."
Natawa ako ng mahina ng magsalita sya gamit ang lolo's voice.
Kumalas ako sa pagkakayakap upang tanggalin ang sapin sa paa. Iniwan ko muna ang kutsilyo at dugo na dala dala ko sa isang lugar bago tumakbo sa tubig at doon nagpaka basa.
Hinakot ko agad ang tubig gamit ang aking kamay at itinapon iyun kay dake.
"Diba sabi mo nga. Okay lang maligo kahit walang sabon at shampoo? Kaya halikana dito! Mag swimming tayo kahit walang pamalit!" Masayang sigaw ko sakanya bago muling basain ang damit nya.
"Ahh. Sinusubukan mo talaga ako ha. Hindi lang ako basta runner dahil isa rin ako wisiker. Ako ang hari ng wisik!"
Natawa ako ng pag susuntukin nya ang kanyang dibdib at umastang si tarzan.
Hinubad nya ang kanyang damit pang itaas---
"Damn! Ano bang ginagawa mo! Wag ka ngang mag hubad dyan!" Sigaw ko. Mabilis akong tumalikod sakanya upang hindi masabihang mamboboso.
Nilubog ko na lang ang katawan ko sa tubig. Lumangoy ako ng lumangoy pero hindi parin ako nakakaalis sa pwesto ko.
Nang mapag tanto kong ngalay na ang braso.
Inis akong umahon sa tubig.
Namilog ang mata ko ng mapukaw ang tingin ko sa nakatayong lalaki. Napatitig ako sakanyang anim na pandesal na nag wawala.
Napaka macho talaga nya.
Agad akong nag iba ng tingin.
Sorry pero loyal ako. Tanging abs lang ng hari ang nag papabusog nitong mga mata ko.
Dinakot ko ang buhangin gamit ang aking kamay at agad itinapon iyon sa kanyang tiyan.
"What the--- bakit moko tinapunan ng buhangin?"
Dahil basa ang kanyang katawan. Dumikit ang buhangin sa kanyang tiyan.
"Ayan. Para kahit papaano matatawag paring loyal ang mata ko."
Nakangiti akong bumalik sa tubig habang sinalubong naman ako ng wisik ni dake. Syempre hindi ako nag patalo. Winisikan ko din sya hanggang sa mag wisikan kami ng tubig.
Ang saya saya ko talaga ngayon. Siguro mas masaya kung kaming mag kakaibigan ay magkakasamang nag wiwisikan ng tubig rito. Mas lalong masaya kung sya ang kasama ko rito. Ang thirp na yun. Paniguradong tanggal ang stress nya rito.
Ilang minuto kaming masayang nag lalaro sa tubig. Nagpaligsahan din kami sa pag langoy at gumawa rin ng iba't ibang imahe sa buhangin.
Nagpalutang lutang rin kami na animo'y isang patay.
Pinanood din namin sa ilalim ng dagat ang mga isdang masayang lumalangoy.
Maraming kaming ginawa ni dake na hindi man lang nawawal ang ngiti sa aming labi.
Napaka saya ko ngayon. Ang saya saya talaga. Nagpapasalamat ako kay dake dahil mas lalo nyang pinasaya ang araw ko.
Umahon na kami sa tubig ng makita kong nangungulubot na ang daliri ko at nilalamig narin ang katawan ko.
Umupo ako sa pinong buhangin at ganun din si dake. Pareho kaming nakatingin sa kabuuan ng paligid.
"May itinatago din palang kapayapaan at kagandahan ang lugar na ito." Wika ko.
"Oo nga. Maganda din ang lugar na ito para mag tapat ng nararamdaman."
Binalingan ko ng pansin si dake na nakatingin lang sa malayo.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.
Ngiti lang ang itinugon nya sa akin kaya binalingan ko na lang ng pansin ang araw na papalubog na.
"Ang saya siguro ng ganito kapag ang taong mahal mo ang kasama---"
"Souven. I love you."
H-ha?
Hindi agad ako nakagalaw o makapag salita man lang. Tanging pag nganga nalang ang nagawa ko.
"A-ano bang sinasabi mo dyan. H-hoy lalaki ka. Wag mo nga akong tinitrip dyan."
Dahan dahang binalot ang aking kamay ng isang pang malamig na kamay.
Kinakabahan ako.
"I'm inlove. Inlove ako sayo souven. Mahal kita, noon pa."
Nilakasan ko ang loob kong lingunin sya.
"Wala ako sa mood para makipag biruan okay."
"Hindi ako nagbibiro. I'm fucking serious. Pasensya na kung nagustuhan kita. I'm sorry. Tao lang, nagmamahal din."
Halos pina-patay ako sa kaba dahil sa pinag sasabi ni dake. Alam kong seryoso sya dahil seryoso ang mga mata nito.
Dake naman. Bakit ngayon kalang umamin kung kelan....
"D-dake. I'm sorry---"
"I know. Gusto ko lang namang umamin, ayoko lang kimkimin ito palagi. Alam kong may bumihag na ng puso mo at alam kong hindi ako yun. Masaya ka sakanya kaya masaya na rin ako. Pero wala kaparing magagawa dahil i still love you."
Kitang kita ko sa labi nya ang mapait na ngiti.
Nakikita ko ang pangingintab ng kanyang mata.
Nagbabadya ang luha ko.
Ayokong nakikitang ganyan sya. Ngumingiti ng pilit kahit alam kong nasasaktan naman sya.
"D-dake..."
"I'ts okay souven. May tiwala ako sakanya. Pero kung sakaling hindi mo na sya mahal, nandito lang ako para mahalin ka." Pagbibiro pa nya.
Tumulo na ang luha kong kanina pa gustong tumulo.
Ramdam ko ang malamig nyang katawan na pumulupot sa akin.
Ngayon. Ramdam ko ang abs nya na nakadikit sa akin.
"Stop crying my little wife. Wag kang maawa sa akin kasi naiiyak lang ako."
Ramdam ko ang mainit na tubig na pumatak sa balikat ko.
Shit. Umiiyak sya. Damn. Ayoko ng ganito! Ayokong nakakasakit ako!
"Dake. Wag ka namang umiyak ng ganyan."
Kinalas nya ang pagkakayakap sa akin at tumingin sa akin ng diretso.
"I love you souven."
He kissed my forehead.
Ang malambot nyang labi ang dumampi sa aking noo.
"I love you too. As a friend." Tugon ko.
Niyakap nya akong muli at muli ko na namang naramdaman ang mainit na likido sa aking balikat.
"Ika nga. Honest feelings and bad timing make the most painful combination." He whispered.
Shit. Nakasakit ako ng damdamin ng isang tao. Ugh. I hate it.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now