Thirp's POV
Nanatiling nakatutok ang aking mga mata sa kisame at nag aantay na dalawin ako ng antok. Hindi parin matigil sa pag dugo ang palad ko na para bang gusto nitong ubusin ang dugong dumadaloy sa buo kong katawan. Aminado akong napalalim at napalaki ang pag hiwa ko sa sarili kong palad.
Unti unti ng bumabagsak ang mata ko ng biglang mahinto ito dahil sa ingay na aking narinig mula sa labas ng pinto. Doon ko narinig ang yabag na sobra ang paglakad. Siguro'y tumatakbo ang taong iyun. Hindi nya ba alam na nakakaistorbo sya.
Minabuti ko na lang na ipasawalang bahala na lang yun. Papikit na ulit ang aking mga mata ng makaramdam ako ng lamig sa aking dumudugong palad.
"Wag ka mag alala.. T-tinawag ko na si lola na mag gagamot ng iyong palad. Umm. Kailangan ko lang daw munang linisin ang sugat mo at pahintuin ang pag durugo"
Unti unti akong lumingon sa gawi ng aking palad. At doon ko nakita ang isang babaeng pawis na pawis habang nililinis ang aking palad. Nakakababad ang aking kamay sa isang palanggana habang nililinisan iyon ng bulak.
"A-alipin ko?"
Nahinto ito sa kanyang ginagawa at napa tingin sa akin.
"A-ako nga" tugon nya sa akin bago muling pinag patuloy ang kanyang ginagawa.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang akala ko tumakas na sya at nakikipag saya na sakanyang mga kaibigan pero heto bumalik sya upang patigilin ang pag durugo ng aking palad.
Pinag mamasdan ko lang ang kanyang ginagawa. Hindi man nya ipahalata pero kitang kita ko sa kanya ang pag aalala. Nanginginig ang mga kamay nito habang pinupunasan ang aking palad.
"Natatakot kaba?" Mahina kong tanong sa kanya.
"H-hindi ah" utal nyang sagot.
Kahit anong tanggi pa nya kitang kita ko parin ang kaba. Hindi nya magawang tignan ng matagalan ang aking palad habang pinupunasan ito. Minabuti kong hawakan ang kanyang kamay na ikinatigil nya.
Tinignan ko ng diretso ang kanyang mata na agad ko namang nahuli.
"A-ano ba.. Bitiwam mo nga ang k-kamay ko.. K-kailangan kong patigilin ang pag durugo..." Nanginginig nyang sambit.
Mas lalo ko pang hinigpitan ang pag kakayakap sa kanya kahit alam kong mas lalong sumasakit ang hiwa sa aking palad.
"Inuutusan kitang.. Wag mo ng ituloy"
"H-hindi pwede kailangan- - "
"Shhhh... Kung natatakot ka itigil mo na"
"Kailangan nga kasi.."
"Wag mo ng ipilit. Baka lumalala pa ito kapag nakita kitang natatakot"
Tipid na ngiti ang itinapon ko sa kanya.
"Nasaan ang mahal na hari?"
Dumating na si tanda.
"Aking alipin... Mamahinga ka muna roon. At iwasan mo ng matakot"
Iniwas lang nya ang kanyang tingin sa akin habang unti unting bumibitiw ang aking kamay sa pag kakahawak sa kanyang kamay.
Lumayo na rin sya sa akin at naupo sa isang upuan na tinuro ko kanina habang si tanda naman ay lumapit sa akin upang gamutin ang aking palad.
"Anong nangyari sa iyung palad mahal na hari?" Tanong ni tanda habang hinuhugasan ang aking palad.
"Ahh.. Wala lang yan" pag sisinungaling ko.
Hindi na sya muling nag tanong pa at minabuti nalang na manahimik. Nang malinis na ang aking palad pinatuyo na nya ito. At tulad ng dati, may pinainom na naman ito ng kung ano na nagpatanggal ng hapdi. Nahinto na rin ang pag-durugo at unti unting namanhid ang aking palad. Tinapalan nya lang ito ng kung ano at ibinalot sa tela ang aking palad.
"Huwag mo tatanggalin ang itinapal ko sa iyong palad at kapag gumabi na palitan mo ulit iyan ng bago upang pag sapit ng umaga, balik sa normal ulit ang iyong palad" bilin ni tanda.
May inilabas itong dahon.
"Ito ang ipang tatapal mong muli mamayang gabi" wika nya.
Ibibigay na nya sana ang dahon sa akin ng pigilan ko sya.
"Paki bigay sa aking alipin yan at sabihin mo sa kanya kung anong dapat gawin dyan" utos ko.
Nabaling ang tingin ni tanda sa aking alipin. Lumapit ito roon at inabot ang dahon.
"Ilagay mong muli iyan sa kanya mamayang gabi" bilin nya sa aking alipin na agad naman tinanguan ng aking alipin.
"Maari mo na kaming iwan at kay cat mo na lang kunin ang salapi"
Niyukaran nya ako.
"Maraming salamat po mahal na hari" pag papasalamat nya bago tuluyang lisanin ang kwartong ito.
Tinignan ko naman ang aking alipin na kasalukuyang naka upo. Nang mag tinginan kami agad syang umiwas. Umupo na ako ng upo.
"A-ah. A-alis na ako" pag papaalam nya.
Tumayo na ito na akmang aalis na.
"Hindi ko gustong matakot ka kaya pasensya"
Nahinto sya sa kanyang pag lalakad patungo sa pinto at sinulyapan ako.
"It's okay" tipid nyang tugon.
"Saan ang punta mo?"
"S-sa kwarto" sagot nya kasabay ang pag iwas ng tingin.
"Inuutusan kitang manatili lang sa kwarto at hintayin mo ang hudyat ko"
Tumingin lang ito sa baba at nag patuloy na sa pag lalakad patungong pinto.
"Manatili ka lang..." Huling bilin ko bago tuluyang mawala sya sa aking paningin.
Nang masiguro ko ng naka alis na sya. Tumingala ako sa taas at isinandal ang likod.
"Bakit ko ba sya pino-protektahan.. Ayoko ng ganito.."
Ipinikit ko ang aking mata.
Gawain ng isang hari yun. Gawain lang nyang protektahan ang mga tao. Kaya isang trabaho lang ang protektahan ang alipin.
Hindi ko hahayaang may mamatay. Hindi ko hahayaang mapatay lahat ni chin ang mga nasasakupan ko. Sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang dati. Sisiguraduhin kong lahat ng tao ay mapo-protektahan ko. Kaya ko ito dahil isa akong makapang yarihang hari. Haring sisiguraduhing mapapatay si chin. Ang bagong chin na syang kinatatakutan ng lahat. Ipinapangako ko na po-protektahan ko ang lahat.
"A-ah thirp?"
Minulat kong muli ang aking mata at ibinaling ang tingin sa isang babaeng naka tayo sa may pintuan.
"Ano yun aking alipin?"
"Umm... Gusto ko lang ibalik itong susi" aniya. Lumapit ito sa akin upang iabot ang susi na agad ko namang inabot.
"Maari ka ng lumisan"
Tinalikuran na ako nito.
"Ah teka."
Humarap muli ito sa akin.
"Ano iyun?"
"Ano kasi. Kanina habang nakikipag kwentuhan ako sa mga kaibigan ko.. May pumukaw ng aming pansin at ng lingunin namin kung ano yun, bigla na lang sumulpot ang isang bote na may lamang sulat sa loob. Actually, doon ko sya nilagay. Sa drawer" Itinuro pa nya iyun kung saan naka lagay.
Tinignan ko naman iyun at naroon nga ang boteng may lamang sulat sa loob. Ang boteng pag mamay ari ni chin. Ano nanaman ang pakulo ng hayop na yun.
"Um sige. Alis na ako." Pag papaalam nya na agad ko namang sinang-ayunan. Hinintay ko muna syang lumabas ng kwarto bago ko kunin ang bote.
Itinaktak ko ang laman noon at binasa ang nilalaman noon.
Para saiyo mahal na hari,
Hahahahahaha. Mukhang nalalapit na.. Palapit na ng palapit ang susi sa akin.. Unti unti ng lumilinaw ang lahat. Makikita ko na ang itsura ng susi at pag ka malas malas mo nga naman. Sa lugar mo pa iyun napunta. Ingat ka aking mahal na hari. Hahahahaha. Ingatan mo ang susi kung ayaw mong maagaw ko o di kaya ipaubaya mo para walang gulo.
Mula sa bagong
makapangyarihang chin..
Itinapon ko ang sulat ng mabasa ko ito.
Pinapainit nya ang ulo ko. Kailangang matagpuan ko ang susi upang maipaubaya na iyun sa kanya. Ayoko ng gulo pero kung yun ang kailangan. Laging handa ang grupo at mamamayan para dyan.
"Kawal!!!!!!!!!!!!!!!" Malakas kong sigaw.
Nakarinig naman ako ng yabag na unti unting patungo sa aking kwarto.
"Ano po iyun mahal na hari" tanong ng isang kawal.
"Sabihan ang lahat ng kawal na hanapin ang susi. Sa tahimik na paraan. Siguraduhing walang makaka alam na hinahanap nyo ang susi"
"Masusunod" pag sang ayon nito at luminas na upang ipaalam sa ibang kawal ang inutos ko.
Chin.
Uunahan kita para sa katihimikan ng aming lugar.
------
Grew's POV
Hindi ko parin ma ialis sa aking isipan ang nakita ko kanina sa bintana. Nginisian pa ako nun at sigurado akong sya ang nag hagis nung bote, yung boteng nag lalaman ng sulat. Hindi ko masyadong nakita ang kanyang mukha dahil naka purong itim ito at natatakpan ang kanyang mukha. Mabilis lang itong nawala.
Sa tansya ko matanda ang may gawa noon dahil kitang kita ko ang kanyang pag ngisi gamit ang kanyang maitim na labi at halos kulubot na ang leeg nito.
"Hey grew? I'm asking you"
Nabalik ako sa reyalidad ng biglang sumulpot sa aking harapan si eitsy.
"A-ano yun?"
"Tinatanong kita kong anong mas masarap na prutas. Ito bang orange or apple?" Tanong nya. May hawak hawak itong orange at mansanas.
"Yung mansanas" wala sa sarili kong sagot.
"Hay naku. Dake kausapin mo nga tong lalaking to mukhang nawawala na sa earth eh" pagbibiro ni eitsy.
Inilagay ni eitsy ang mansanas sa basket na dala dala ni ate saysas. Kasalukuyang namimili kami ng pag kain para sa dinner mamaya at para na din sa bukas. Nakakahiya naman kasi kung makikituloy lang kami ng walang ginagawa kaya minabuti naming sumama sa pamimili para naman may maitulong kami kahit papa-ano.
"Sa mga gulay naman tayo" masayang wika ni ate saysas.
"Yes. Commander" pag sang ayon ni eitsy na sinabayan pa ng pag martya na parang sundalo.
Lumakad naman kami para sundan sila.
"Hmm. Bro mukhang may iniisip tayo dyan ah"
Nabigla ako sa biglang pag akbay ni dake sa akin.
"Bro. May kakaiba kasi akong nakita kanina nung nasa palasyo kami."
"Ano naman yun?" Tanong nya.
"Habang nag kukuwentuhan kasi kami nila souven bigla nalang may nag hagis ng bote mula sa bintana ng kwarto na tinutuluyan ni souven. Kaya agad akong tumayo noon para tignan kung sino ang nag hagis non at ng tignan ko yun... Nasulyapan ko ang nag hagis kaso nga lang hindi ko masyadong nakita ang kanyang mukha dahil natatakluban ito."
"Hayy. Wag mo ng i-stress ang sarili mo. Pare pareho nating alam na misteryo ang bumabalot sa lugar na ito. Ang mabuti mo pang gawin ay mag handa at mag ingat" pag papaalala nya.
"Parang pamilyar sa akin ang lalaking iyun"
"Don't mind it grew. Nga pala kamusta naman ang lagay ni sou sa palasyo? Hind ko nagawang makapasok dahil malalakas ang mga kawal eh"
"Ayos lang si souven..."
Pilit kong ina-alis sa aking isip ang nakita ko kanina pero hindi talaga maalis eh. Anong meron sa taong yun.
"Uy si ginoong kalbo oh. Musta ginoong kalbo" pag bati ni dake.
Unti unti kong ibinaling ang aking pansin kay ginoong kalbo.
Nakatingin ito sa akin at naka ngisi.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kanyang pag ngisi. Katulad ng ngising iyun sa ngising nakita ko sa bintana kanina. Hindi pwede. Imposibleng si ginoong kalbo iyun.
"Kamusta mga bata..." Pag bati nya sa amin.
"Musta po. Musta din bata" pag bati din ni eitsy habang naka ngiti.
Hindi pwedeng sya yun.
Dahil walang balbas ang nakita ko eh sya merong balbas. Ngunit ang ngisi nilang dalawa ay parehong pareho lamang.
Hindi ko mai-alis ang aking tingin sa kanyang labi. They are exactly same.
"Grew? Anong pang itinatayo tayo mo dyan? Halikana" pag aya ni dake.
Pansin kong ako na lang pala ang naiwan. Nawala narin sa aking paningin si ginoong kalbo. Ipinikit ko ang mata ko at iniling iling ang aking ulo para mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina. Lumapit na rin ako kina dake para sumunod.
------
Souven's POV
Paulit ulit akong tumatalon talon sa kama upang ma-ialis ang panginginig ng aking kamay. I hate this feeling!
"Ugh. Sou please... Mag relax kana"
Muling naka kita na naman ako ng hiwa na tiyak kutsilyo na naman ang may gawa.
Ano kayang nangyari sa palad nya? Nakakahiya naman kasing mag tanong baka sabihin nya concern ako.
Ang lalim naman kasi nung pag kakahiwa sa kanyang palad sinong hindi mag aalala non. Para kasing hihiwalay ang kalahati nyang kamay dahil sa sobrang lalim.
Inihinto ko na ang pag talon ng mapagtanto ko na konti nalang ang panginginig nito. Umupo naman ako sa kama para magpahinga, medyo nakakahingal ang ginawa kong pag talon talon sa kama.
Toookkk tookkk tookkk.
Napatingin ako sa pinto. Hindi nga pala agad agad makakapasok ang sino man dahil hinarangan ko ang pinto ng isang cabinet. Tumayo naman ako at lumapit roon. Tinanggal ko rin ang cabinet para mabukasan ang pinto.
"Aking alipin buksan mo ang pinto"
Natigilan akong bigla at unti unting bumibilis ang pag tibok ng puso ko. Siguro dahil sa kakatalon ko kanina.
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.
"Ano- - - "
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang pumasok ng dirediretso ang hari na akala mo'y kanyang kwarto to. Sa bagay, pag mamay ari naman nya ito kaya dapat hindi ako mag reklamo. Ano naman kayang ginagawa ng haring yan dito? At bakit may dala dala syang kahon?
"Isara mo ang pinto" madiin nyang utos.
Bakit parang nag iba ang mood nya. Ano kayang nangyari.
"Bakit ka ba nandito"
"Inuutusan kitang isara ang pinto ngayon na"
Hindi ko alam pero bigla nitong napa sunod ang paa at kamay ko na isara ang pinto.
"Uy"
Nabigla ako ng higitin nya ang kamay ko papuntang kama at iniupo ako roon.
Nakatingin ito sa aking mga mata na ikinahihiya ko naman. Pilit kong iniiwas ang aking tingin pero wala eh. Napapatingin parin ako sa kanya.
"A-ano ba kasing kailangan mo!" Singhal ko.
"May iibigay lang ako"
Nakahinga rin ako ng maluwag ng sabihin nya iyun
Akala ko kung ano na ang sasabihin yun pala may ibibigay lang. Inabot nya sa akin ang kahong dala dala nya kanina.
"Ano naman to?"
"Buksan mo ng malaman mo"
Tumingin muna ako sa kanya bago buksan ang kahon.
O_O
Kutsilyo?
Bakit nya ako bibigyan ng kutsilyo. Teka, meron pang isang boteng parang nag lalaman ng dugo. Pamilyar ang boteng ito. Ito yung pinaglagyan ng dugo kong nahaluan ng suka ng kuneho.
"A-anong gagawin ko dito? At bakit nandito ang dugo ko?"
"Kailangan mo yan para maprotektahan mo ang sarili mo. Dugo ng isang tao at suka ng isang kuneho na pinag halo ang tanging paraan upang mapatay ang mga patay na mga nabuhay. Ang mga patay, para lang silang usok na mayroong nagliliwanag na mga mata. Kahit anong sandata pa ang gamitin mo para lang patayin sila, mananatiling nakatayo at lumalaban sila. Kung ang usok nga hindi mo kayang hawakan sila pa kaya. Ang dad ko ang nag sabi kung paano mamatay ang mga patay. Dugo at suka ang tanging paraan para mamatay ang mga yan. Ibinigay ko sayo upang maging handa ka kapag sila'y bumaba at sugurin ang aming lugar"
"Kung ganon paano naman ito magagamit?"
"Siguraduhin mo lang na mababalutan ng dugo ang patalim na iyan bago mo isaksak sa patay na yun. Binabalaan kita. Hindi yan tatalab kung walang dugo ang patalim"
Creepy.
Piling ko tuloy sasabak ako sa digmaan.
"So ibig sabihin meron din kayo nito?"
"Oo at hindi kami nauubusan ng reserba sa dugo at suka ng kuneho. Buwan buwan kasing may nabibiktima ang mga kuneho at hindi na sila nakakaligtas pa kaya para makatulong sila. Kinukuha ng mga bihasa sa agham ang mga dugo nila at pinag aaralan upang masigurado na pwedeng maging sandata ang mga ito laban sa mga patay"
Napatango tango nalang ako. Parang ang dami dami ko ng alam sa lugar na to.
"Wag na wag mo yang iwawala, pahalagahan mo ang bigay ng hari."
"Okay.."
Tumayo naman sya at hinawakan ang aking kamay kasabay ang pag higit na ikinamuntik na pag bagsak ng dala ng kahon.
"Teka san naman tayo pupunta?"
"Sa pag pupulong"
"Pag pupulong? Wag na. Wag mo nalang akong isama"
"Hindi pwede. Kailangan ng hari ang isang tulad mo.."
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel