Chapter 34

56 3 0
                                    

  Thirp's POV
Tinatahak ko ang daan patungong palasyon. Dama ko ang panginginig ng talukap ng kanyang mata habang nakapikit na ang ibig sabihin sa akin ay gising na sya.
Alam kong nahihiya syang imulat ito dahil buhat buhat ko sya.
"Maari ka ng makipag titigan sa aking mata."
Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mata.
"P-pwede m-mo na kong ibaba" nauutal nyang sambit. Habang namumungay ang mga mata.
"Hayaan mong buhatin kita sapagkat masaya ako rito"
Nasa daan ang aking atensyon. Ayokong matapilok o madulas habang nasa bisig ko ang sya. Ayokong mapahiya sakanya.
"Masyado kasing mabagal ang pag lalakad baka abutin tayo ng ilang buwan bago makarating sa palasyo." Pag rereklamo nya.
"Hayaan mo na lang ako. Ginusto ko to."
Hindi ko maiwasang maging tulala.
Nangyari narin ito kahapon. Nagawa ko ring palabasin ang ganoong katauhan. Naipakita ko ang mga mata ng ibang katauhan. Napaka hirap nyang kontrolin. Pero bakit ngayon? Biglaan ang lahat.
Natatakot akong biglang lumabas iyun habang mag kausap kami. Natatakot akong lumabas ang katauhang iyun habang nakatitig sya sa aking mga mata. Natatakot ako na baka layuan nya ako kapag... Nakita nya ang katauhang yun. Ayokong mang yari yun. Ayokong layuan ako ng taong gusto ko. Ayokong maiwan na naman ako sa ere. Ayoko non.
Naramdaman ko ang malamig nyang kamay na nakadampi sa aking pisngi.
"Para kang bakla. Wag ka ngang bigla biglang iiyak." Singhal nya sa akin.
Ngayon ko lang napag tanto na basa na pala ang pisngi ko.
Wala namang masama kung umiyak ang isang lalaking katulad ko. Hindi ako nahihiyang umiyak sa harap nya dahil alam kong maiintindihan nya ako.
Tumingin ako sa kanyang mata. Namumula pa ito dahil kakagising lang nya.
"Natatakot kaba sa akin?" Wala sa sarili kong tanong.
"Oo.."
Natigilan ako sa pag lakad ng marinig mula sa kanya ang sagot na 'oo'.
"S-sorry.." I whispered.
"Nakakatakot na ikaw lang ang nag papatayo ng balahibo ko sa tuwing susulpot ka sa aking likuran."
Napatitig ako sa kabuuan ng kanyang mukha. She looks so innocent.
Hindi na ako nag salita pang muli. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad dahil ilang hakbang nalang ay makakarating na kami sa palasyo.
Papasok na kami ng palasyo ng mahinto ito ng haranging kami ng isang matanda.
Si tandang giro lang pala.
Dahan dahan kong binaba ang aking alipin bago tumayo ng tuwid at umastang hari sa harapan ni tandang giro.
Nakatingin ito sa aking alipin.
"Anong kailangan mo?"
Naagaw ko ang atensyon nya ng mag tanong ako.
"Narito ako para balaan ka. Nakita ko sa iyung hinaharap ang isang uri ng pang yayari..."
Hindi nito itinuloy ang kanyang sasabihin at tumingin ito sa aking alipin.
Mukhang nakukuha ko na ang ibig nyang ipahiwatig.
"Tumungo ka na muna sa iyung kwarto." Utos ko sa aking alipin na agad namang napatingin sa akin.
Humakbang ang mga paa nito papasok ng palasyo habang kami ni tandang giro ay naiwan sa labas.
"Ngayong wala na sya. Maari mo ng sabihin ang gusto mong sabihin."
"Mahal na hari. Iwasan nyong mahalin ang inyong alipin.."
Na istatwa ako ng sabihin nya ang salitang iyun. I can't move.
"Sapagkat. Sya ang mag dadala ng kapahamakan sa ating lugar. Sya ang mag dadala sainyo sa kapahamakan. Sya ang magiging dahilan para kagalitan kayo ng mamamayan. Hangga't maari.. Ipapatay nyo na sya."
Biglang nakuryente ang ugat ko.
Naghahalong kaba at inis ang dumadaloy sa aking dugo.
Kinuyom ko ang aking kamao, dala ng galit.
"Wala kang karapatan para sisihin ang alipin ko!"
"Makinig kayo sa akin mahal na hari. Malaking kasalanan kapag minahal nyo ang babaeng yan. Isa syang malaking kapahamakan sa atin kaya dapat syang mamamata- - "
"Gusto mong ako ang lumagot sa hininga mo? Tang ina! Gusto nyong ipapatay ko sya? Eh hindi nyo nga sakin sinasabi, kung anong meron sa kanya. Inililihim nyo sa akin ang mahalagang bagay ma dapat ay alam ko. Isang maling desisyon ang ipapatay sya ng walang dahilan."
Pilit kong pinipigilan ang galit ko. Hindi nila alam kung ano ang kaya kong gawin maprotektahan lang sya.
"Yun ang tanging paraan para hindi masakatuparan ang pang-gugulong gagawin ni chin."
"Anong kinalaman nya kay chin?"
"Hindi mo pwede malaman mula sa akin ang bagay na yan. Hindi mo ba napapansin? Halos lahat ay gusto syang patayin. Dahil salot sya kung tawagin. Ang babaeng yun ay salot. Mauulit ang lahat ng dahil sa iyong kataksilan. Binalaan kita na ipapatay ang iyung alipin pero matigas ang ulo mo. Abangan mo bukas kung ano ang ibig kong sabihin. Hangga't maaga pa ipapatay mo na ang babaeng yun..."
Dumaan ito sa aking gilid bago naglakad papalayo.
Naglakad na ako papasok ng palasyo habang ang buong atensyon ko ay nasa daan.
Hindi ko muna dinala ang sarili ko sa aking kwarto. Sinilip ko lang ang aking alipin na nakahiga sa kama.
Tinungo ko ang pribadong kwarto at doon umupo sa naglalakihang upaan.
Tumingala ako at tumingin sa pulang kisame.
Maraming gumugulo sa akin. Para akong isang basurahan na tinatapunan ng iba't ibang uri ng problema.
Hari ako. Dapat alam ko ang lahat pero bakit naglilihim sila. Bakit hindi ko alam kung anong meron sa aking alipin na halos alam nilang lahat.
Anong masama kung mahalin ko sya.
Hindi sila ang aming mga magulang para tumutol sa aming dalawa. Wala silang karapatan para utusan akong ipapatay ang taong muling bumubuhay ng puso kong unti unting nagiging yelo ng dahil sa isang babaeng manloloko.
Sya lang ang babaeng minahal ko ng hindi ko alam kung bakit.
Ano ba ang dapat kung gawin? Ano ba ang dapat kung piliin?
Ang kaligtasan ng mamamayan o ang kaligtasan ng aking mahal?
Mukhang hindi ko kayang pigiling maulit ang lahat.
Ang susi. Pag talaga na hanap ko yun. Ipapaubaya ko agad yun para wala na akong pinag pipilian ngayon. Para pare-pareho ko silang maililigtas dahil yun ang tungkulin ng isang hari.
"Tama si tandang giro. Tama lang na ipapatay mo ang alipin mo."
Hindi ako nag aksayang lingunin ang nag salita sa kung saang direksyon.
Boses pa lang nya ay alam ko na kung sino sya. Ang babaeng nakatikim ng maraming sampal ng aking mahal.
"Wag mong subukang mangealam." May diin kong sambit.
Ramdam ko ang presensya nya sa aking harapan. Tiyak akong nakangisi ito dahil sandali itong natahimik.
"Isa syang surot sa akin kaya dapat akong mangealam. Diba ang mga surot ay pinapatay?"
"Tumahimik ka queeny."
"Alam mo bang gusto ko syang patayin? Gustong gusto para mabalik na sakin ang atensyon mo. Daking.. Bumalik kana sakin. Please. I-i love you."
Ramdam ko ang nanginginig nyang kamay na naka hawak sa aking kamay. Nag aksaya ako ng oras para tanggalin yun.
Hinarap ko sya.
"Tumigil kana."
"Hindi ako titigil. Sabihin mo nga! Nahuhulog na ba ang loob mo sa kanya? Mahal mo na ba sya? Sabihin-- "
"Matatahimik kaba kapag sinabi kong oo."
Kita sakanyang reaksyon ang pag kabigla. Unti unti syang napaatras at napa nganga ng kaunti ang bibig.
Wala akong magagawa, hindi ko na kayang mahalin sya lalo na't tapos na ang lahat.
Tapos na ang sakit. Ngayon, saya naman ang aking papasukin.
"Subukan mong mahalin sya. K-kundi, ilalabas ang baho nya."
Isang nakakalokong ngiti ang bigla nalang namunga sa aking labi.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa bandang tainga nya.
"Huwag mo akong susubukan. Baka nakakalimutan mo ikaw ang may matinding baho sa lahat. Baka nakakalimutan mo na ang dating chin ang nakabuntis sayo hindi ba't nakasusuklaman iyun? Baka gusto mong ipaalam ko sa lahat bagay na yun. Simple lang naman ang gusto ko, Pabayaan mo ang alipin ko ng hindi ko ilabas ang tinatago mo." Bulong ko sakanya bago nag lakad papalabas ng kwarto habang nasa bulsa ang mga kamay.
Hindi ko gustong takutin sya pero kung yun ang tanging paraan para tigilan nya ang alipin ko, edi gagawin ko.
Alam kong naging masama ako sa mga oras na yun.
Alam ko namang hindi nya sinasadya yun at alam ko ding bikitima lang din sya ng isang matinding gayuma. Ilang taon nyang pinag sisisihan yun at ilang taon din nyang sinubukang patayin si chin.
Kahit na ano pang ganda meron sya, kapag sinabi ko ang baho nya, kakamuhian at kakamuhian parin sya. Pero wag syang mag alala dahil kaya kong itago ang sekretong yun para lang sa reputasyon nya pero kung sisiraan nya ang alipin ko. Humanda sya dahil ako ang makakabangga nya. Hindi ako bakla pero kapag alipin ko na ang pinag uusapan, handa akong magpaka-bakla maprotektahan lang sya.
"Mahal na hari. Hindi parin namin nahahanap ang susi." Pag bungad sa akin ng isang kawal. Sya ang pinaka mataas sa lahat ng mga kawal. Sya rin ang kumukontrol sa mga ito.
"Mag hanap lang kayo ng maghanap." Huling sambit bago tuluyang umakyat sa itaas.
Pinasok ko ang kwartong pinaglalagyan ko ng aking mga collection.
Tinungo ko ang litrato ng aking ama at ina.
Pinagmasdan ko silang mabuti habang nasa likod ang pareho kong kamay.
Ngayong marami akong iniisip tyaka ko lang sila na-aalala. Gusto kong mabuhay sila at lumabas sa litratong yan. Gusto kong umiyak ng umiyak sa balikat ni dad habang si mom ang humagod sa aking likod.
"Tulungan nyo namang liwanagin ang utak ko." Halos pabulong sabi.
Maari ko bang sabihing nakakapagod mamuno sa isang lugar na isinumpa?
Araw araw kong hinihiling na bumalik na ang lahat sa normal. Mawala na lahat ng mga bagay na nakakapatay. Mga punong gumagalaw, mga patay na buhay, mga taong hindi normal, mga buhanging mapanganib at mga pinunong nabiyayaan ng kakaibang kapangyarihan.
Alam kong mawawala ang lahat ng ito kapag nawala ang sumpa. Magiging normal ang lugar na ito at magiging normal din kaming mga tao.
Katulad ko lang ang aking alipin. Katulad lang ng lugar nila ang lugar namin.
Sana... Maging normal na ang lahat ng hindi sila nabubuhay sa takot.
Ngayon ko lang naramdaman ang isang malamig na kamay sa aking balikat at bahagya nya itong tinatapik.
Hindi ko man lang naramdaman na nasa tabi ko na pala sya.
"It's okay... Madalas ko ring iyakan ang litrato ng parents ko pati ng lolo ko." Nakangiti nitong sambit.
Unti unti nyang inalis ang kanyang kamay sa aking balikat at inilipat ito sa aking braso. Pinulupot nya ang kanyang braso sa aking braso. At isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Nandito naman ako. Pwede mo ring pag sabihan ng problema para naman gumaan gaan kahit papaano ang problema mong dinadala." Wika ng aking alipin na mayroong malumanay na tono.
Kahit papaano ay napapagaan nya ang pakiramdam ko kahit sa simpleng pag sama nya sa akin rito. Akala ko pa naman natutulog na sya.
Hindi lang ako nag sasalita. Ayokong marinig nya ang boses ko habang umiiyak. Ayokong lumabas ang hikbi rito dahil ayokong maging mahina sa paningin nya.
"Kaya mo yan. Kaya mo yan dahil alam kong kaya mo. Kaya mo yan dahil isa kang hari. Kaya mo yan..."
Mas lalo lang nagbabagsakan ang luha kapag chini-cheer up nya ako. Kaugali nya ang mom ko. Pareho silang supporters ko.
"Hmm. Wag ka mag alala. Kaya kitang tulungan dyan---"
Hindi ko na kinaya.
Niyakap ko agad sya at doon umiyak sa kanyang balikat.
Wala akong alam. Wala akong alam kung bakit nagbabagsakan ang luha ko. Hindi ko naman ugaling umiyak. Dapat matapang ako.
Dapat hindi ako makiuri sakanila dahil ako, ako ang hari pero bakit ganon. Nagiging normal ako kapag sya ang kasama ko. Inuubos ng babaeng ito ang natitirang lakas ko.
"Tahan na. Wag ka ng umiyak. Sige ka kakainin ka ng mumu kapag umiyak kapa." Pagpapatahan nya sa akin.
Nananatiling tikom parin ang aking bibig. Pinipigilan ko ang mga hikbing gustong kumawala sa aking bibig. Para akong isang batang ayaw mawalan ng mama.
"Hmmmm... Hmmm... Hmmm.. Hmmm.."
Kumanta sya habang tikom ang bibig. Ang maliit nyang kamay ang syang humahagod sa aking likuran.
Ramdam kong umuuga kaming dalawa at mukhang sinasadya iyun ng aking alipin. Para nya akong inihele.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at dinama ang mga segundong sya lang ang kasama.
Bakit ko nga ba nagustuhan ang babaeng ito? Ano nga bang meron sakanya at bakit nanghihina ang tuhod ko?
Sana wag ng matapos ang mga oras na ito.
-----
Tic's POV
Tanaw na tanaw ko ang ginawang pag papaamo ni souven kay daking.
Ngayon ko na lang ulit nakitang may kayakap si daking. Ilang taon din ang pagluluksa nya ng mamatay ang kanyang ina. Wala na tuloy syang mayayakap kapag may problema sya. Nagpapasalamat akong dumating ang isang binibini at muling nakatanggap ng isang yakap ang hari.
"Hindi ko man lang nagawa sakanya yan."
Halos mapatalon ako sa gulat ng makita si queeny na nasa likuran ko habang pinapanood ang dalawa.
Sinara ko na ang pinto para bigyan sila ng privacy. Hinarap ko si queeny na tulalang nakatingin sa pinto. Basa ang pisngi nito at namumula ang mata. Panigurado akong umiiyak sya habang pinapanood ang dalawa.
"Anong pinag sasabi mo? Diba naging boyfriend mo si daking.. Kaya hindi maiiwasang yakapin----"
"Hindi sya ganyan sakin. Hindi ko nga alam kung minahal ba nya ako o hindi."
"M-minahal ka non noh. Nag pakalayo layo pa nga yan para lang makapag move on."
"Ang tanga ko. Napaka swerte ko sakanya pero.. Iniwan ko parin sya."
"Hay. Dapat kasi sakin ka na lang kaso huli na. May iba na akong crush eh."
Isang fake na ngisi ang nagawa ng labi nya.
"Kaya ko namang agawin ulit si daking para muling bumalik sa akin."
Kinabahan akong bigla ng sabihin nya yun. Kilala ko si queeny.
Kaya nitong pumatay para lang makuha ang gusto. Hindi ganon kadali kalaban ang babaeng ito. Dahil kahit na anong gawin nyang pag patay. Mananatili parin sakanya ang kalinisan.
"Subukan mong gawin ang plano mo. Hindi ka lang sa hari malalagot."
Tumingin ito sa akin habang nakangisi.
"Magtulungan pa kayo. Wala akong pake. I'll make sure na makukuha ko ang gusto ko." Sambit nya bago ako talikuran. "Hindi mo ako lubusang kilala. Tic"
Halos mag tayuan ang kulot kong buhok. Sinong hindi matatakot sa babaeng mabait sa labas at demonyo sa loob.
Mag iingat ka sana souven.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now