Chapter 18

48 4 0
                                    


  Souven's POV
Ewan ko ha pero nag eenjoy akong hawak hawak ng isang mokong ang kamay ko habang nag lalakad. Sasabog ako neto. Infairness, malambot ang kamay nya. Makinis at maputi rin ito. Sagana siguro sa gatas ang lalaking to. Malinis naman ang katawan nya pero bakit parang yung buhok lang ang hindi malinis sa kanya. Palagi itong gulo gulo. Hmm. Okay narin, hindi naman nakakapanget sa itsura nya.
"Mahal na har- - Omygod!" Gulat na gulat ang isang babae na hindi na halos naituloy ang sinasabi. Naka tingin ito sa aming kamay na mag kahawak na ikinagulat ko rin. Napatakip pa nga ito ng bibig habang nanlalaki ang mata.
"Ano yun cat?"
Pinilit ko namang tanggalin ang kamay ko. Baka kasi lagyan ng malisya iyun. Muli namang naka recover sya ng matanggal ko na ang kamay ko sa pagka kapit sa kamay ng hari.
Tinignan ko ang reaksyon ng hari at tama nga ako, naka kunot ang noon nito na parang nag tatanong. Hindi nya siguro nahalata kung bakit nagulat ng ganon si cat.
"Nariyan na po ang lahat at kayo na lamang ang hinihintay.." Wika ni cat habang nakatingin sa akin ng masama.
Pinaningkitan nya ako ng mata na parang may hinahanap sa akin.
"Susunod ako kasama ang aking alipin.. Maari mo na kaming iwan" utos ng hari.
"Sige po" pag sang ayon ni cat kasabay ang pag yuko bilang pag galang.
Tinapunan muna ako ni cat ng masamang tingin bago tuluyang talikuran kami.
Bakit kaya ganon ang pakikitungo sakin ng babaeng yun? Anong meron? Seselos ba sya?
"Anong karapatan mong alisin ang kamay mo na hawak hawak ng kamay ko?" Tanong nya sa akin habang naka kunot parin ang noo.
Grabe, big deal sakanya yun?
Talagang humarap pa sya sa akin para lang itanong yun.
"A-ah e-eh. Bakit gusto ko eh!" Palusot ko.
Pinaningkitan lang nya ako ng mata.
"Hoy! Ano bang tinatayo tayo mo dyan! Ikaw na lang yung hinihintay sa pag pupulong na ginawa mo!"
Tinititigan lang nya ako na ikinaiilang ko naman.
"Bigo akong hanapin ang dahilan kung bakit ka bumitiw... Saka pwede? Huwag mo na ulit gagawin ang pag bitiw ha"
Muli nyang hinawakan ang kamay ko para hilahin. Medyo nakakailang ang kanyang ginagawa dahil habang palapit kami ng palapit sa aming pupuntahan, pinag titinginan kami ng mga pinuno ng mga grupo. Isa na roon si queeny na syang titig na titig sa aming kamay.
Unti unti ng nag iinit ang pisngi ko. Siguro dahil sa hiya.
"Oww.. Nice" pag bati sa amin nung pandak na matandang balbasin.
Nabaling ang pansin ko kay queeny na agad umiwas ng tingin. Walang reaksyon ang mukha nito at parang hindi apektado. Buti naman kung gayon.
Habang palapit kami ng palapit ay unti unti ko namang natatanaw ang mga taong may malaking tainga at mga buntot na nag sisiksikan sa ibaba habang nakatingin sa amin. Sa tansya ko nasa second floor.
Bitiwan na rin ng hari ang kamay ko ng makarating na kami sa aming pupuntahan. Katabi ko sya habang ang mga pinuno ng mga grupo ay nasa may bandang likod ko.
"Manatili ka lang sa tabi ko" utos nya sa akin na sinang ayunan ko naman.
Naagaw ang atensyon ko sa isang babae na kumakaway kaway sa ibaba. Sila eitsy. Tanaw ko sila habang kumakaway at naka ngiti. Palihim ko naman silang kinawayan at nginitian.
"Muli ko kayong pinagpulong dahil muling kong ipapaalala sainyo na mag handa kayo. Papalapit na ng palapit ang kapahamakan sa ating lugar at pare-pareho nating alam na kahit anong oras maari silang bumababa para manira. Gusto kong masiguro na hindi mangyayari yon kapag nakipag tulungan kayo. Ang mga patalim nyo ay ihanda nyo na. Ang mga dugo at suka ng kuneho ay kunin nyo na. Kayo'y mag handa na sa padating na bagong chin. Iwasan nyo ang mabulag sa susi. Iwasan nyong maghanap sa susi. Umiwas kayo sa lahat. Pinapangako kong magiging ligtas parin ang lugar na ito dahil sa tulong ng mga grupong ito. Pag katapos ng pag pupulong na ito pumunta kayo sa warrior street, doon kayo kumuha ng mga sandata at kumuha ng pananggang damit. Mas mabuti ng maging handa." Wika ng hari sa mga tao.
Bahagyang tumabi ang hari para paraanin si queeny. Ang pinuno ng grupong endlessgodwoman.
"Ang mga kababaihan ay mag si punta sa grandel court. Amin kayong sasanaying humawak ng sandata" utos nito.
Tumabi rin ito para paraanin ang pinuno ng endlessgod na naging dahilan ng pag kakadikit nila ng hari.
"At ang lahat ng kalalakihan tumingo sa bundok mataas. Tulad ng sinabi ni queeny, sasanyin namin kayong humawak ng sandata." Wika ng pinuno ng endlessgod.
Ano bang kakayahan meron sila? Bakit parang ibang iba sila sa normal na tao.
"Tapos na ang pag pupulong.. Maari na kayong pumunta sa dapat nyong puntahan"
Tinalikuran ng hari ang mga tao na kasalukuyang nag bubulungbulungan.
"Alipin ko sundan mo ako"
Susunod na sana ako sa haring mahinto ako dahil sa ginawang pag hawak ni queeny sa aking braso.
Nakatingin ito sa aking mata. Gusto mang umiwas ng tingin pero hindi ko magawa at batid ko na rin na nahinto ang hari. Naagaw namin ang atensyon nya.
"Bakit?" Tanong ko.
Ilang sengundong ganon ang aming posisyon. Nakatingin lang sa mga mata at walang may balak basagin ang katahimikan.
"Pumunta ka sa akin mamaya. Sasanayin kita- - "
"Hindi na. Kaya kong sanayin ang alipin ko ng walang tulong ng iba"
Sa wakas na wala din ang titig nya sa aking mata at nabaling naman ito sa hari.
"Ako na- - "
"Ang alipin ko ay alipin ko. Ayokong may ibang sumusubok na agawin ang akin."
Napa awang ng kaunti ang bibig ko ng dahil sa narinig ko. Hindi ko maiwasang mapa titig sa seryoso nyang mukha habang nakatingin kay queeny. Ganoon na lang ba kaimportante sa kanya ang isang alipin? Ganoon nalang ba ako ka swerte dahil itinuturing nya akong alipin?
"Excuse us.. Kailangan ko ng sanayin ang aking alipin"
Hinawakan nyang muli ang kamay ko na syang naging dahilan ng unti unting pag layo ko kay queeny. Hinigit na naman nya akong muli. Tama nga siguro ako na mahilig sya sa higitan.
Hindi parin ako nakaka move on sa sinabi nya kanina.
'Ang alipin ko ay alipin ko. Ayokong may ibang sumusubok na agawin ang akin.'
Tama bang paulit ulit na maalala ng isip ko ang mga katagang yun. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba ng banggitin nya ang mga katagang yun. Parang feeling ko tuloy napaka importante ko sa isang tao. Parang may dahilan na ulit ako para mabuhay sa mundong ginagalawan ko.
"Ano ang iyong iniisip?"
Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ng hari na nag tatanong.
"U-um.. Wala" tipid kong sagot.
Sa tuwing patagal ng patagal ang pag kakahawak nya sa kamay ko ay mas lalo akong naiilang. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganito.
Minabuti ko na lang huminga ng malalim ng paulit ulit. Mukhang labas kaming palasyo dahil pababa kami ng hagdan. Medyo nahihirapan akong bumababa dahil sa bilis nyang mag lakad. Saan naman kaya nya ako dadalhin. Bakit ba palagi nalang may lakad ang lalaking to.
Ilang hakbang nalang nasa ibaba na kami.
*poinkk*
Nauntog ako sa kanyang likod ng bigla itong huminto.
"Ouch.." Mahina kong pag inda.
Magtatanong sana ako kung bakit sya huminto kaso hindi ko na naituloy. Bigla kasing humigpit ang pag kakahawak nya sa kamay ko. Para syang may titignan sa kanyang ibaba. Hindi ko naman ito makita dahil naka harang sya. Kaya ang ginawa ko. Ginamit ko ang ulo ko para makita ang tinitignan nya.
Napatakip akong bigla sa bibig ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano ang kanyang tinitignan. Halos kapusin ako ng hininga sa nakikita ng dalawa kong bilugang mata. Hindi ko magawang umimik. Mas matindi pa ito sa nakita kong duguang kuneho.
Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa aking bibig at pinilit ko ring mag salita.
"T-tulungan n-natin s-sya"
"Huli na.."
Parang dinudurog ang puso ko ng sabihin nya ang katagang huli na. Hindi ko alam kung bakit unti unting lumalabas ang luha ko mula sa aking mata.
Isang matandang lalaki ang ngayo'y nasa harap namin. Naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay. Ang dugong nilalabas nito mula sa bibig ay may halong kulay berde na tyak ang kuneho ang may gawa.
Naalala kong muli ang lolo ko. Ayoko ng ganito. Ayokong maalala muli ang pag kawala ng lolo ko. Ayoko ng umiyak ng dahil sa kanya ayoko na.
Nagdilim ang aking paningin.
"Wag mong tignan kung ayaw mong masaktan. Wag kang iiyak kung sya ang dahilan. Itapon mo ang alaala kung ika'y nasasaktan"
Hindi ako nakagalaw.
Ramdam ko ang kamay nyang nakatakip sa aking mata.
"Mga kawal. Dalhin sa laboratoryo at kunin ang dugo"
Ang lolo ko.
Bakit mo ako pinapaiyak ng ganito.
Unti unti ng nag liwanag ang aking mata. Nang tignan ko ang matanda sa ibaba... Wala na ito. Wala na rin ang mga dugong kanina'y pinapaligo ng matanda.
Bakit ba puro dugo nalang ang nakikita mag mula nung makarating ako dito. Lapitin ba talaga ako sa dugo o sadyang ganun lang talaga.
"Burahin mo sa iyong mga mata ang nakita mo.." Bulong sa akin ng hari.
Muli nya akong hinigit. Habang ako nag papadala sakanya, kung saan man nya ako dalhin. Sinunod ko ang sinabi nyang burahin iyun sa aking mata. Pilit kong binubura sa aking mata ang nakita ko kanina.
'Relax sou. Patay lang yun. Hindi ka kakainin non'
Ipinikit ko ang aking mata ng sandali at huminga ng malalim. Pinunasan ko rin ang kaninang luha na dumaloy sa aking pisngi na ngayon ay natuyo.
Buti nalang at wala rito ang mga kaibigan ko. Siguro kung nakita nila akong lumuluha malamang isang buong taon nila akong aasarin.
------
Veany's POV
Isang pag kalawak lawak na court ang sumalubong sa amin ni ate saysas at eitsy. Pareho kaming namangha ni eitsy sa sobrang lawak nito.
"Mga iha. Suotin nyo na ang mga damit na pangga at hawakan nyo na ang mga sandata nyo" utos ni ate saysas.
Hindi ko parin talaga maiwasang mamangha sa sobrang lawak. Hindi ko rin maiwasang magandahan sa mga binibining ngayo'y nakapila sa aming harapan. Birhen na birhen ang dating nila at sobra talaga ang taglay na kagandahan. Siguro kung naririto sila dake at grew, malamang laglag ang panga nila kapag nakita ang mga magandang dilag na ito. Wala eh nagkahiwalay hiwalay kami dahil pinag bukod nila ang babae at lalaki.
Isinuot ko na ang damit panggang ibinigay sa amin kanina at mga sandata na kay tutulis. Matigas ang kasuotang ito. Parang bakal at may pa helmet pa ito na ang tanging kita lang ay ang mga mata. Sobra siguro ang init nito sa katawan.
"Bakit parang ang gaan lang ng damit? Hindi ba't bakal ito?" Tanong ni eitsy. Suot suot na pala nya ang damit.
Nang maisuot ko na ang damit doon ko napag tanto na ang gaan gaan nga nito. Parang hindi bakal ang suto namin at hindi din ito mainit sa katawan.
"May kakaibang kemikal na nilalagay dyan sa mga suot natin para maging komportable tayo. Yun nga lang hindi ko alam kung ano iyun. Basta ang alam ko lang hindi agad agad tayo madadaplisan ng kung ano kapag suot natin ito" pagpapaliwanag sa amin ni ate saysas.
"Ganun po ba? Bakit parang walang ganito sa lugar namin?" Tanong ni eitsy na animo'y naguguluhan.
"Sa oras na bumalik ang lahat sa normal.. Mapapansing mong pareho lang din tayo ng lugar" makahulugang sabi ni ate saysas na sinabayan pa ng pag kindat.
Nagkatinginan naman kami ni eitsy na parang naguguluhan.
"Magandang araw mga kababaihan. Kaya kayo naririto ay para mag sanay. Magsanay humawak ng sandata at mag sanay makipag laban kapag dumating na ang oras. Oras na bumababa ang mga patay at sugurin tayo. Hindi ko na pahahabain pa. Pumili kayo ng makakalaban sa isa sa mga nasasakupan ko at kayo ang mag tutuos. Hindi maari ang kapwa laban sa kapwa. Ang gusto kong mangyari, alagad ko laban sa inyo. Simulan nyo na!" Sigaw sa amin ni queeny.
Pansin ko na habang nag sasalita si queeny may katabi syang babae na medyo bata bata sa kanya ng kaunti. Nakatingin ito sa akin. Hindi na siguro tingin as in titig na. Hmm. Mukha type nya sa aking makipag laban ah.
"Uy vean. Hindi ba pwedeng tayo na lang ang mag laban. Ayoko sa iba. Di ko sila close eh" bulong sakin ni eitsy.
Hindi na ako nakasagot pa kay eitsy ng lapitan sya ng isang babae na may hawak na sandata. Nakatutok iyun kay eitsy.
Akmang tutlungan ko si eitsy nun ng biglang may pumalo ng espadang dala dala ko.
"Veany. Di ko kere to" sigaw ni eitsy na pilit sinasangga ang espadang ibinabato sa kanya.
Hindi ko nagawang tignan pa sya dahil dito sa babaeng nasa harap ko. Pilit kong sinasangga ang espada nya. Teka lang. Sya yung babaeng katabi kanina ni queeny ah.
Ahh talgang sinusubukan ako neto ah.
"Mapag lito ang mga patay. Sa kanan sila laging umaatake kaya sa kanan ka lagi mag abang" wika nya.
"Wag mo kong turuan! Alam ko ang gagawin ko!"
"Naparito ka para mag sanay kaya sumunod ka sa ipapangaral ko" sambit nya.
Palakas ng palakas ang pag palo nya sa espada ko. Kakaiba ang lakas nya. Hindi naman ako nag patalo nilaksan ko rin ang pag hampas sa espada nya na ikinaatras nya.
*blaggg*
Sobra ang lakas na ginawa nya kaya naitapon ko ang espada at bumagsak iyun. Agad naman nya akong tinutukan ng espada sa mukha.
"Wag kang pabagal bagal. Ang patay hindi sanay sa ganyan. Pag once na bumagsak kunin mo agad kung ayaw mong mamatay ng wala pang isang segundo" singhal nya.
Sanay na sanay sya sa mga ganito at alam nya rin ang kilos ng mga patay.
Sinipa ko agad ang kanyang binti upang makuha ang espada kong bumagsak. Ang bilis nyang gumalaw. Nasa harapan ko na agad sya.
"Sa puso mo itarak ang espada para siguradong patay. Tama ang ginawa mo kanina pero mahina at kulang pa" wika nya.
Ewan ko kung papuri ba yun o pang aasar?
Muli nyang napabagsak ang espada ko at muling tinutukan ako ng espada sa mukha.
"Tigil!!"
Nahinto ang lahat ng dahil sa malakas na sigaw ni queeny.
"One minute break" dag dag pa nya.
Lumayo naman na agad sa akin ang babaeng naka laban ko kanina at naiwan akong naka nganga.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now