Eitsy's POV
Pagod na kaming lahat pero hindi parin nauubos ang mga patay. Para silang mga gagambang anak ng anak.
"I'm tired." Sambit ko.
Nanlalantang gulay akong napa-upo sa hagdan papasok sa palasyo.
Ramdam ko ang presensya ni veany sa aking tabi. Nilingon ko sya.
"I'm also tired." Wika nya.
Isinandal ko ang aking ulo sa balikat nya.
May oras kaming mag pahinga dahil bigla nalang nag laho ang mga patay at maya maya lang ay mapupuno nanaman ulit ng kalaban. Nauubusan narin kami ng dugo sa bote.
Pati ang aming mga damit, mayroon na ring mantya ng dugo gawa ng mga mga kapwa namin na tumatalsik ang mga dugo sa tuwing madadaplisan sila ng espada ng mga patay. Ewan ko kung bakit sa tuwing matatamaan ang mga mamamayan ng espada ng mga patay, ilang minuto lang ay bigla nalang silang bumabagsak at biglang tumitirik ang kanilang mata habang nilalabasan naman sila ng ugat sa pisngi.
Ang weird nga eh, siguro merong lason ang espadang yun buti na lang at hindi kami nadadaplisan dahil rito sa suot naming damit panangga pero dapat parin kaming mag ingat kasi hindi kayang portektahan ng damit pananggang suot namin ang aming mga braso.
"The hell!" Sigaw ni veany.
Napatayo agad ako at ganun din sya. Naging alerto kami.
Humanda na rin ang mga natitira pang lumalaban para salubungin ang mga patay na nagsi-datingan na naman.
"Let's go."
Napatingin ako sa aking kamay. May kung sinong nakahawak roon.
Napakunot noo ko.
"San moko dadalhin?"
"Pareho na tayong pagod kaya dapat tapusin na natin to." Sambit nya bago ako higitin.
Naguguluhan ako dito kay frince. Ano bang sinasabi nyang tapusin?
"Hey? San mo ba dadalhin ang kaibigan ko!" Sumbat ni veany.
"What the hell is going on?" Tanong ni grew.
Pinilit kong kunin ang aking kamay.
"Kailangan ko pa bang sabihin rito kung bakit kailangan ko ang tulong nyo?" Tanong ni frince.
Nag katinginan kami ni veany.
"Shit. Nandyan na sila." Bulong ni grew.
"Okay fine. Sasama na kami basta siguraduhin mong walang mangyayaring masama sa amin ha." Pag sang ayon ko.
Tipid na ngiti ang itinugon nya bago tumakbo.
Wala naman kaming nagawa kundi sumunod kahit na tutol si grew.
Hindi ko alam kung saan kami dinadala ng lalaking ito basta ang alam ko lang ay walang mga patay sa paligid.
Marahan ang galaw namin at hindi lumilikha ng ingay para hindi kami mapansin ng mga kalaban. Madilim at makipot ang dinadaanan namin and actually, this is familiar.
Tanging buwan lang ang nag bibigay liwanang sa aming dinadaanan kaya medyo malabong makita namin ng malinaw ang daan.
Ghad.
This is the most critical adventure ever. Once na makabalik kami, ikukuwento ko talaga kay mom ang lahat ng ito. Nag aalala na siguro yun pero buti na lang tagumpay ang operasyon.
Ugh. Panigurado akong magagalit sila souven sa pag lilihim ko sa kanila kaya mabuting itago ko na lang yun.
"Wait. Bahay ito ni ginoong kalbo ah?" Panunuri ni vean.
Napakunot ako ng noo.
"Yah. Tama si veany."
"Hoy! Wag mong sabihing balak mo kaming paakyatin sa itaas." Sarkastikong sabi ni grew.
Sinaway ko naman agad ito. Masyado kasing mainit ang ulo nya kay frince.
"Is it?" Panniniguro ni veany.
"Tama. Kailangan ko ng tulong nyo para pumunta sa itaas. Kaya hindi maubos ubos ang mga kalaban nyo ay gawa ng isang bagay na bumubuo sa mga patay. Kailangan lang nating sirain yun para matigil na ang pag dating ng mga patay. Kumbaga, patayin na natin ang isang ina na anak ng anak."
"Hala. Ang harsh naman nun."
"Sira ka talaga eitsy! For example lang yun!" Panunumbat ni vean.
"Siguraduhin mong tama yang mga sinasabi mo! Dahil kung pinapain mo lang kami para mapatay aba! Ako mismo ang kakatay sayo."
"Hoy grew! Tigil-tigilan mo nga ang pag babanta! Parang kang isang duwag na bata!" Sumbat ko.
Inirapan ko sya bago sumunod kay frince.
"Kumuha na kayo ng mga espada dyan at mga baril. May roon na rin dyang mga dugo na hinaluan ng suka."
Nanlaki ang mata ko ng may kunin si frince sa kung saan at tumambad sa amin ang dalawang bag na punong puno ng mga baril at espada.
Nanginginig akong kumuha ng baril.
Habang sa isang bag naman ay punong puno ng bala at boge ng dugo.
"May itinatago pala si ginoong kalbo." Wika ni veany bago ikasa ang baril.
"Hoy! Mag ingat ka nga sa hawak mo!" Sigaw ko.
"Actually, ako ang nag lagay nan dyan. Marami akong ganyan kaya lang hindi ko kayang dalhin ang lahat kaya ang ginawa ko, iniwan ko muna rito at hinanap ko kayo. Kayo lang kasi ang alam kong mahilig sa kapahamakan kasi nagawa nyong umakyat sa itaas habang ang lahat ay takot na takot pumunta dyan. Kaya maari nyo akong matulungan."
Medyo kinilig naman kami ron. Hindi naman kami masyadong mahilig sa kapahamakan, sandyang hobby lang namin yun.
"Ako na." Sambit ni grew bago ilagay sa leeg ko ang sinturong bala.
Ang lalaking ito. Nakakainis, palagi na lang syang naka care kahit sa maliit na bagay. Hay.
"Sakin ka lang dumikit. Mahirap nang mag tiwala sa mga nasa paligid natin." He whispered. Then he hug me.
"Tara na." Sambit ni frince.
Huminga muna ako ng malalim bago umakyat sa wooden ladder. Si frince ang nangunguna sa amin habang si vean ang pumapangalawa at ako naman ang pumapangatlo. Si grew naman ang kahuli hulian.
"Let me help you." Napaangat ang ulo ko ng makita ko ang kamay ni frince na nakalahad.
Sinulyapan ko muna si grew na nakatingin lang.
"A-ah. No thanks." Pag tanggi ko bago umakyat.
Binalot ako ng lamig ng maka-akyat na ako ng tuluyan.
"Its chilly." Wika ko bago yakapin ang sariling katawan.
Agad kong tinulungan si grew na maka-akyat at napayakap rin sya sa kanyang katawan ng makatungtong rito sa itaas.
"So what's next?" Tanong ni veany na parang wala lang sakanya ang lamig.
Hindi naman humahangin pero napakalamig talaga.
Inilibot ko ang aking tingin. Wala paring pinag bago, mahamog parin at parang nasunog ang lupa.
"Samahan ko na kayo."
Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang sumulpot sa gilid ko. Agad kong itinapat sa kanyang ulo ang baril na hawak ko.
Namilog ang mata ko.
"Is that you mr. Donald?" I asked.
Tanaw ko ang makintab nyang pag ngiti sa dilim.
Hindi ako maaring mag kamali, isa ako sa mga fans ni mr. Donald kaya kahit anong tago nya sa dilim. Malalaman at malalaman ko parin ang itsura nya.
"Tama ako nga si donald pero hindi ako ang nagmamay-ari ng katawang ito. Hayaan nyong tulungan ko kayo rito, isa ako sa mga patay na itinakwil at ako ang kaibigan ng alipin ay hindi ng susi pala. Kaya ako'y naririto para kayo'y tulungan. Alam kong hindi alam ng lalaking yan ang papunta sa palasyo ni chin."
Napatingin naman ako kay frince. Nakangisi ito.
"Alam ko namang susulpot ka dahil matagal na kitang minamatyagan at ngayong napatunayan ko ng wala kang masamang balak. Maari na kitang pag katiwalaan." Wika nya.
Imbestigador din pala si frince gaya ni dake.
Dahan dahan kong ibinababa ang hawak kong baril ng mapanatag na ako.
"Okay. Ituro mo na ang daan!" Maangas na utos ni vean kay mr. Donald.
"Tara sa kanluran."
Hindi na kami nag akasya ng oras. Agad na kaming nag lakad at sinundan lang si mr. donald.
Nangangatog na ang tuhod ko dahil sa lamig.
Mas lulamaig pa sa tuwing hahakbang ang aming mga paa. Parang aircon sa lamig.
"Gusto mong yakapin kita?"
Nilingon ko si grew na seryosong nag salita.
"Sira!" Sumbat ko bago sya irapan.
Nakaramdam ako ng init sa aking likuran.
"Mahirap na. Baka mawalan ako ng asawa." Nakakaloko nyang bulong.
Napangiti ako.
Mas pinili nyang isuot sa akin ang kanyang jacket na suot nya kaysa yakapin ako. Alam nyang nakakabastos para sa akin ang yayakapin nalang ng biglaan.
Ilang minuto lang ang inabot ng aming pag lalakad. Huminto na kasi si mr. Donald at nakatingin sa kung saan.
"Naririto na tayo." Sambit nya.
"Guys tago." Wika ni veany.
Agad kaming pumunta sa mas madilim na pwesto.
Pinanood lang namin ang hamog na unti unting nawawala hanggang sa tuluyan na nga itong mag laho.
Napanganga ako dahil sa pagka mangha.
Napaka laki ng palasyong ito na kulay pula. Ang laki ng pintuan na dahan dahang bumubukas.
Agad kong tinakpan ang bibig ko ng makita ang libo libong mga patay na lumabas mula roon. Napaka rami nila. Hindi man lang sila nauubos.
"Tsk. Tsk. Tsk." Napailing iling si veany habang sinasabi ang katagang yun.
Hindi ko maiwasang mag tanong sa aking sarili. Kaya ba naming talunin ang mga elemntong yan?
"Sundan nyo ako. Sa likod tayo dadaan."
Muli kaming sumunod kay mr. Donald pero ang atensyon ko ay hindi parin maalis sa mga patay.
Nag aalala ako na baka ang libo libong patay na yan ang syang pumatay kay souven. Lord, please i-guide nyo si souven.
Maingat ang aming galaw at tahimik kami habang si veany ay nag lalagay na ng dugo sa kanyang sandata.
Nilakasan ko ang loob ko.
Ginaya ko si veany, naglagay na rin ako ng dugo sa aking mga sandata.
Mahirap na baka mapasubo kami ng hindi pa handa.
Isang maliit na gate ang sumalubong sa amin.
"Bukas ba yan?" Tanong ni vean kay mr. Donald.
Naglakad lang si mr. Donald papalapit roon sa gate. Inakyat na ito.
"Teka ano bang ginagawa mo?" Iritang tanong ni vean.
"Hindi na ito nabubuksan kaya aakyat na lang tayo."
"What?" Gulat kong tanong.
"Maari kitang tulungan." Pag alok ni frince.
Inilahad nito ang kanyang kamay at hinihintay ang tugon ko.
Hahawakan ko na sana ang kanyang kamay ng maunahan ako ng iba.
"Ako na lang ang tulungan mo." Wika ni grew na syang tumanggap ng kamay ni frince.
Napangiwi lang si frince habang ako ay natawa ng mahina.
Sira talaga tong si grew.
Sinundan ko na lang si veany na umaakyat na. Medyo mataas ng kaunti ang gate pero hindi naman mahirap akyatin.
Inakyat ko ito ng walang kahirap hirap.
"Bat ganon?" Sambit ko sa aking sarili.
Wala kasi akong matanaw na mga nagbabantay na patay.
"Shhh... Nasa laban silang lahat maliban na lang sa mga bagong silang na patay." Pag papatahimik ni frince.
Dahan dahan ulit kaming nag lakad. Tahimik lang kami pero alerto.
"Ilang minuto lang, muling manganganak na naman ang babae." Sambit ni frince.
"Hayy. Wag mo na nga i example ang babae! Nakaka ano kasi!"
Nataranta ako ng makaamoy kami ng mabaho.
"Tago. Tago." Wika ni veany.
Palingon lingon ako na tila'y natataranta. Hindi ko alam kung saan.
"Hay."
May biglang humigit sa akin dahilan para makapag tago na ako.
Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang katawan ni grew na nakadikit sa akin.
"What the hell- - "
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan nya ang bibig ko. Ramdam ko ang kamay nyang nakapulupot sa aking baywang.
"Shhhh... Once na gumalaw ka. Lagot tayong lahat." Bulong nya sa akin.
Wala akong nagawa kundi sumunod.
Paulit ulit akong napapakurap habang pilit na iniiwas ko ang mga mata ko sakanya.
Masyadong awkward ito para sa akin.
Mas lalo pang namilog ang mga mata ko ng lumapit sya sa aking tainga. Ang weird, nag tataasan ang balahibo ko. Pawis na pawis na ako.
"Masyadong maingay ang puso mo. Paki sabihang hindi ito ang oras ng pag wo-work out, paki utusan namang patigilin ang pag takbo." Bulong nya. Ramdam ko ang pag ngisi nya.
Sira talaga sya. Wala namang mga paa ang puso tapos sasabihin nyang patigilin? Edi namatay naman ako? Hay.
"Okay na."
Nakahinga ako ng maluwag ng pakawalan na ako ni grew.
Agad akong lumayo sakanya.
Dinig ko naman ang pag tawa nya na syang ikinaiinis ko.
"Nandito!" Hindi pamilyar na sigaw.
Naalarma kaming bigla.
"Bwiset!" Sigaw ni veany bago salagin ang espadang sinubukan syang patayin.
Ikinasa ko agad ang baril at pinaputukan ang apat na patay. Tanaw ko naman si donald na nakatago lang habang kaming apat ay nakikipag laban.
"Ugh."
Namintig ang tainga ng mag slow motion ang pag bagsak ni frince.
"Eitsy! Focus!"
Pinag babaril ko ang limang mga patay na natitira. Namumuyos ako sa galit.
Patuloy kong pinagbabaril ang mga patay kahit alam kong natamaan ko na sila. Hindi sana ako matitigil kung hindi kinuha ni grew ang hawak kong baril.
Agad naming nilapitan si frince.
Hindi ko magawang mag pakatatag sa mga oras na ito. Sumusuka na sya ng dugo habang nakatusok sakanyang tiyan ang itim na espada.
"A-anong gagawin natin?"
"Relax lang eitsy!" Sumbat ni veany.
Akma nyang huhugitn ang espada ng pigilan ko ito.
"Mas lalo lang makaka apekto sakanya kapag tinaggal mo ang espada."
"S-sirain nyo na yung bagay na yun. I-iwan nyo na ako rito. A-ako ang mag babantay sainyo." Wika ni frince.
Naramdaman ko ang tatag sakanyang ngiti.
"Kailangan na nating bumababa. Kailangan nyang magamot!"
"H-hindi na. Mamatay at mamamatay rin ako dahil may lason ang espada nila ngayon."
"What?"
"Teka? May lason ang espada ngayon? Ang isa sa mga ka-uri ko, nadaplisan ang braso ng hari. Naku. Nasa panganib ang hari."
Binalingan ko ng pansin si mr. Donald.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pinapanood ko ang hari nun habang nakikipag espadahan ng madaplisan sya sa braso. Naku, ikakakamatay ng hari iyun."
Napanganga ako.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Sira kana ba! Nasa panganib ang hari at si souven bwiset!"
"May lunas iyun na tanging kami ang nakakalam. Kulay asul na buhangin ang kailangang itapal sa sugat na ginawa ng espada namin. Pero sa tingin ko, hindi na aabot sa hari yun."
"San matatagpuan ang asul buhangin na yun?" Tanong ni vean.
"Kay mira."
"Sino namang mira yan?"
"Ang batis ni mira ay may ganoong buhangin- - "
"Eitsy! Ikaw na ang bahala rito kailangan kong balaan ang hari at kailangan kong lunasan ang sugat nya dahil kung mamamatay sya, mamamatay rin si souven."
Tumango na lang ako habang pinapanood na tumakbo palayo si veany.
Tanging sa luha ko na lang ibinubuhos ang lahat.
"E-eitsy. Alam mo bang gusto kita...."
Nabaling ang atensyon ko kay frince na na unti unti ng namumutla.
"Tara na. Kailangan na nating pigilan ang pag dami ng mga patay." Pag aya ni donald.
Isang mahigpit na yakap ang ginawad ko ko kay frince.
"Mag iingat ka. Babalikan ka pa namin." Sambit ko bago tumayo.
Pinunasan ko ang aking luha at naging positibo.
"Ako mismo ang tatapos sa mga patay na yan!" Sigaw ko bago tumakbo para sundan si mr. Donald.
YOU ARE READING
King's Key is Me
مغامرةAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel