Dake's POV
Kinapos ako ng hininga bago makarating dito. Ang dami ko rin kasing nakabangga kanina, ang akala ko nga mamamatay na ako kasi dinumog nila akong lahat pero pag kaswerte swerte ko nga naman. Bigla nalang silang nag laho. Well, siguro nga tinaguriang hari ng swerte ang lalaking ito.
"Sou- - "
Napakunot ako ng noo.
Bakit mag kayakap ang hari at si souven?
"Hey? Anong nangyari?" Tanong ko kay veany habang naglalakad.
Iwinagayway ko ang aking palad sa harap ni veany para maagaw ko ang kanyang pansin ngunit nakatulala lang sya.
"Teka lang..."
Namilog ang mata ko at agad kong kinapa kapa ang katawan ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto kong buhay pa ako.
Nabalik muli ang atensyon ko kay veany na kasalukuyan paring tulala. Nakatingin ito sa mga bato.
"Teka? Si chin bayun?"
Pinaningkitan ko ng mata ang lalaking naroroon habang tinatanggal ang mga bato. Para syang manok na naghuhukay para mangitlog.
Naka kunot ang noo ko habang sinusuri ang tahimik na paligid. May isang lalaki na naghuhukay, may dalawang taong nag yayakapan, may another guy na tulala at may isang babaeng tulala rin.
Bumuga ako ng hangin bago isinara ang bibig ni veany na halos nakanganga na.
"Aray! Sira kaba!" Sumbat nya na sinundan pa ng pag hampas sa aking kamay.
"I'm asking you." Walang gana kong sabi.
"Hay! Hindi mo ba nakikita? Look oh, may dalawang babae ang nabagsakan ng gumuhong pader."
"What? Eh ano pang tinatayo tayo nyo dyan? Tulungan na natin- - "
"No." Hinawakan nya ang braso ko bilang pag pigil.
"Why?"
"Tyak na hindi tayo papayagan ng chin na yan na makalapit sa mag ina nya."
Tinungo ko ang aking mga mata sa direksyon ni chin.
Kahit na malayo sya sa akin ay ramdam ko ang pagiging emosyonal nya.
Nabuhayan ako ng dugo ng makita ko ang dalawang babae na nakahiga sa bisig ni chin. Take note, bisig na kulubot kulubot.
"Sana ligtas sila." Veany's whispered.
Napahakbang ako ng dalawang beses palapit sakanya. Ngayong medyo malapit na ako sa kinaroroonan nila ay mas tanaw at rinig ko na sila, kung meron man silang pinag uusapan. Nag hihingalo ang isa sa babaeng nakahiga sa bisig nya at kung hindi ako nagkakamali, si queeny yun. Habang walang malay naman ang katabi nitong babae.
Naagaw ang pansin ko kay souven na kumalas na sa pagkakayakap sa hari. Nakatingin sila kay chin na nagiging emosyonal at para sa akin ay hindi bagay sa kanya ang ganon.
"Mahal ko. Anak ko. Wag kayong mamamatay. Dadalhin ko kayo sa itaas at ipapagamot ko ang mga sugat nyo kay bihi."
"C-chin... I-ipag higanti mo si queen..."
"Papatayin ko silang lahat para sayo aking mahal."
"P-patayin m-mo ang alipin- - "
"Mahal?" Tinapik tapik ni chin ang pisngi ni queeny. "Mahal ko? Gumising ka mahal? Mahal!!!!!!!!!!!!!!!"
Parang nawalan ng kulay ang rainbow. Hindi ko gustong maging saksi sa ganitong sitwasyon. Mukhang alam ko na ang patutunguhan ng eksenang ito. Hindi maganda ito.
Sinamantala ko ang pagkakataon. Tumakbo ako sa kinaroronan ng hari at ni souven. Habang nag eemote pa si chin, pagkakataon na ni souven para tumakas.
"Umalis na kayo rito!" Binunot ko sa aking tagiliran ang mahabang espada. "Ako ng bahala sa chin na ito- - "
Pinutol ko ang sinasabi ko. Itinago ng hari si souven sakanyang likod.
"Save her future."
Ramdam ko ang malamig na tingin ni souven na tila'y nabigla.
"What does it mean?" Naguguluhang tanong ni sou.
"I can handle it. Just go."
"No... T-thirp naman."
"I'm your savior and take note, saviors never failed." Nakangiti nyang sabi ng hari sa harap ni souven na papaiyak na. "Just trust me."
Para silang may sariling mundo, hindi ba nila alam na may isang lalaki rito na naiinggit at nagseselos. Nakakasakit na sila ah! Kanina pa ako nagiging hangin rito.
"Siguraduhin mong makikita kitang nakatayo at humihinga pa ha. Mag promise ka nga munang lalaki ka!"
"I swear." Pangangako ng hari bago halikan si souven sa noo.
"H-oy!"
Bugnot na tumingin sa akin si souven.
Naka jackpot ang haring ito ah. Miski ako hindi ko nagagawang halikan si souven sa noo kahit na friendly kiss pa yan.
Andaya.
"Hoy ikaw! mangako kang hindi mo sya papabayaan." Sumbat ng hari sa akin.
Tumingin lang ako ng masama. Tss, mukha bang hindi mapagkakatiwalaan ang gwapo kong mukha? Siguro kung ganon ang tingin nyo aba mag patingin na kayo sa doctor.
"Hoy! Mangako ka sabi!"
"Fine." I nodded.
Lumapit sa amin si veany.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras agad ko ng hinigit si souven para mailayo sa sinumpang lugar na ito.
"Paano ang hari?" Tanong ni veany.
"Sya ang hari at andyan naman ang kanyang pinsan bilang taga alalay."
Tinakbo ko ang dilim na daan kung saan kami lang ang halos maglalakad.
Tumakbo lang ako ng tumakbo kasama si souven habang nakasunod si veany. Gusto kong ilayo sya rito at dalhin sa ligtas na lugar.
Andito ako sa eksenang ito para iligtas ang taong mahal ko.
-----
Thirp's POV
Hinarap ko si chin na nilalabasan ng itim na usok sa kanyang katawan. Isa lang ang ibig sabihin non, galit na sya.
"Pinatay ng alipin mo ang mag ina ko!" Bulyaw nya habang dahan dahang ibinababa sa tuwid na sa sahig ang kanyang mag ina.
Nililinis nya ang alikabok na dumapo sa katawan ni queeny at ni queen.
Naaawa ako kay queen na walang alam sa nangyari, iniligtas lang naman nya ang kanyang ina ngunit pareho lang silang nasaktan.
"Hindi ang alipin ko ang may gawa nito! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay pareho ang mag ina mo!" Sumbat ko.
"Manahimik kang walang kwentang hayop na hari! Kayo ang may kasalanan! Kung hindi sana kayo umiwas edi sana buhay pa ang mag ina ko!!"
Agad kong sinangga ang hinagis nyang espada sa aking direksyon. Sinundan pa iyun ng kung ano anong uri ng sandata tulad ng kutsilyo. Hindi naman ako nahirapang salagin ang lahat ng yun.
"Tanging mga minamahal mo na ngayon ang nag babayad sa katarantaduhang ginagawa mo! Nakalimutan mo narin siguro na may mas nakakataas pa saiyo!"
"Wala akong pake alam! Ikaw ang una kong ililibing sa aking lupa!"
Agad nyang nahuli ang leeg ko. Sinakal nya ito.
"At alipin mo ang isusunod ko!"
Hindi nakaligtas sa akin ang kanyang kaharian, isang tadyak sa kanyang kaharian ang hindi nya inaasang magawa ng aking tuhod.
Sa mga oras na to, wala syang idea sa mga gagawin ko dahil tanging galit ang nilalaman ng utak nya kaya wala na syang oras pa para hulaan ang susunod na hakbang na gagawin ko. Alam kong ang ginawa kong yun ay isang simpleng self defense ng kakabaihan.
"Ikaw ang uunahin ko!" Sumbat ko bago nakawala sa kamay nya.
Tinungo ko ang kanyang likuran at doon ko sya sinakal ng patalikod. Hindi madali ang ginagawa ko. Para lang akong isang normal na tao sa mga oras na ito. Hinihintay ko lang na lumabas ang dapat lumabas.
Madali nyang natanggal ang kamay ko na agad ko namang binawi. Muli akong lumayo sakanya at inihanda ang espada.
Sinubukan kong tumakbo ulit ng paikot para lituhin sya.
Isang malakas na hangin ang nag talsik sa akin sa kung saan dahilan para mapuruhan ang aking likuran. Pero hindi ako nag patinag tumayo ako.
Hinugot ko ang dalawang kutsilyo sa aking likuran at mabilis na pinabulusok iyun sa direksyon ni chin.
Mabilis nya itong nasalag. Kinalabit ko rin ang baril na hawak ko. Parang isang mabagal na kidlat kung lumipad nag iisang balang tumama sakanyang tainga na halos ay daplis lang sakanya. Sunod sunod kong hinagis ang lahat ng kutsilyong natitirang nakatago sa kung saang parte ng aking katawan. Pero parang isang bula lang iyun sakanya.
"Kahit na anong gawin mo, hinding hindi mo parin mapapatumba ang pinaka makapangyarihan sa lahat!"
Dahan dahan syang lumapit sa akin kaya medyo naalarma ako. Naubusan narin ako ng kutsilyong ibabato.
"Mag hintay ka lang ng ilang segundo at makakamtan mo na ang tunay na mas nakakataas sayo!" Pang aasar ko.
Ngumisi ako bilang pang aasar bago sipain ang isa sa kanyang binti.
Ganyan sya katanga sa pagmamahal. Hinding hindi maiisip ang lahat.
Nakawala ako sakanya ng indahin nya ang kanyang binti. Eto ang sinasabi ko. Hindi nya kayang maiwasan ang sakit lalo na't hindi na kompleto ang kapangayarihan nya. Maraming nabawas sa kanyang kapangayrihan kung ikukumpara sa dati. Mas malakas sya noon kaysa ngayon. Hindi nya na ako kayang palutangin sa ere at pag laruan doon gaya ng ginagawa ni rina. Hindi na nya ako kayang labanan habang pa easy easy lang sya. Hindi na nya rin kayang lumipad tulad ng dati. Marami talagang nabawas sakanya at ikinatutuwa ko iyun. Ngayong madali ko na lang syang malalabanan na parang isang tao lamang, nakakatuwa naman talaga yun.
"Hayop ka!!!"
Agad kong nailagan ang kanyang batong ibinato.
Muli akong tumakbo at pinalibutan sya. Naka kuha ako ng pag kakataong pumasok sa loob ng palasyo kung saan naka tunog sya.
Tinungo ko ang kwarto ng papa ni queeny kung saan maraming sandata ang naka desinyo roon.
"Isa kang duwag at isa namang mahina ang alipin mo!"
Namintig ang tainga ko.
Naikuyom ko ang aking kamao bago kunin ang kulay dilaw na espada sa aking tagiliran na nakasabi sa dingding.
"Huwag mong ihalintulad ang alipin ko sa pangit na tulad mo!"
Nagpakawala ako ng malulutong na sipa.
Mabilis ang kanyang kamay kaya agad syang nakakuha ng espada sa dingding na katabi nya.
Ngumisi ako bago ko sanggahin ang espada nya.
"Tanging sa sandata ka nalang kumakapit ah." Pang aasar ko.
"Manahimik ka!"
"Ano ka? Makapangyarihan kaba para sundin?"
Kaliwa't kana ang espadahan namin.
Mas lalong napapalakas ang pag hataw nya dahil siguro'y napipikon.
Nakakuha ako ng pag kakataon para daplisan ang hita nya dahilan para mapunit ng kaunti ang suot nyang damit.
Dumating sa puntong nawalan ako ng balanse sa sarili kaya naoahiga ako at buti nalang sa malambit na kama bumagsak ang katawan ko.
"Talo ka at paniguradong patay kana!"
Agad akong umikot ng bahagyang itinusok nya ang patalim na hawak nya sa kamay. Nag silabasan ang mga balahibo ng manok ng mabutas nya ang unan. Agad kong kinuha ang kumot at itinaklob iyun sakanyang mukha. Agad ko iyung binuhol sakanya. Isang tyempo para makalabas ako ng kwarto.
Isinara ko ang pinto at ikinulong sya ron.
Lumabas ako ng palasyo at sakto namang kakadating lang ni ty na syang may hawak ng bote.
"Thank god at naabutan pa kita. Here's the bottle."
"Wag!"
Agad kong pinigilan ang kanyang gagawin.
"Papatayin kita!!!"
Naalarma ako ng makita ko si chin namumuyos sa galit.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AventuraAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel