Thirp's POV
Buong gabi akong gising. Binabantayan ko ang babaeng katabi ko ngayon na nag sabi na babantayan ako pero sya itong tulog at ako na ang nagbabantay. Sinubukan kong matulog sa kalagitnaan ng gabi ngunit hindi ko magawa. Baka muling mapahamakan na naman sya kapag hindi ko sya binantayan lalo na't delikado ang gabi.
Ramdam ko naman ang kamay nya na nanatiling nakahawak parin sa aking kamay na may benda. Sumilay muli ang aking ngiti ng silayan kong muli ang aming kamay na mag kahawak.
'Umaga na pero tulog parin sya'
Nakakatuwang pag masdan ang maamo nyang mukha. Ang tikom nyang bibig na ka'y liit at ang kanyang pilik mata na ka'y haba.
"Hmmmm..."
Umiwas agad ako ng tingin ng umungol na ito. Akala ko'y magigising na sya ngunit na nanatiling pikit parin ang mga mata.
Gusto ko mang bumangon kaso hindi ko magawa dahil nakahiga sa aking braso ang aking alipin. Nagsisilbing unan ang aking braso para sa isang alipin.
Tumingala na lang ako sa langit at pinag masdan ang kulay asul na kalangitan. Sumagi sa aking isip ang nangyari kagabi.
Inaasahan ko naman iyun. Inaasahan kong may mag tatangkang lumapit na kuneho para lang subukan ako o kaming patayin. Ang nakakapag taka lang, bakit hindi nya kami inatake ng makita nya ang aking alipin. Alam kong hindi sa patalim na dala dala ko ang dahilan ng pag alis at pag atras nya. Imposibleng takot ang kuneho sa aking alipin? Hindi eh. Nalapitan na sya dati ng isang kunheo kaya imposibleng takot ang kunehong yun.
Siguro kong hindi ko sya binantayan ng buong gabi malamang patay na kami pag sapit ng umaga. Pero hindi ko naman hahayaang mang yari ang bagay na yun. Basta ba nasakin tiyak ligtas ka.
"Mahal na hari? Nasaan na ba kayo? Mahal na hari?"
Natigilan ako ng makarinig ako ng tinig. Hinahanap ako nito at mukhang alam ko na kung sino ang nag hahanap sa akin.
ano na naman kayang problema ni cat?
Mukhang kailangan na ako sa palasyo kaya kailangan na naming umalis.
"Alipin ko. Gumising ka.." Pag gising ko sa aking alipin.
"Hhhmmmm" ungol lang ang isinagot nya sa akin at nag iba pa ng posisyon.
"Gumising ka aking alipin!!!!" Malakas kong sigaw na ikinabigla nya kaya napa bangon sya ng wala sa oras.
"Nasan? Nasan ang tigre? Na saan?" Tanong nya at bahagya pang nilingon lingon ang ulo na parang may hinahanap.
Bumangon na rin ako at tumayo. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likod.
"Tumayo ka na at sundan ako" utos ko sa kanya.
"Hayyy ano ba naman yan. Inaatok pa yung tao- - "
Tinapunan ko sya ng isang masamang tingin.
"Heto na nga oh patayo na. Ang energetic ko nga ngayon eh" nakabusangot nyang pag sunod sa aking utos.
Napa ngiti ako ng tipid. Mukhang napapasunod ko na sya at mukhang alam na nya rin kung kelan sya susunod.
Kinuha nya ang box na nakalapag sa lupa at tumayo na rin. Tinalikuran ko na sya at naglakad na habang naka sunod sya.
Nang makal lagpas na kami sa dahong parang pader, doon ko nakita si cat na palinga linga na parang may hinahanap.
"Andito kami!" Sigaw ng aking alipin.
Kunot noo ko syang tinignan.
Aba't pinangungunahan na nya ako ha.
"Hehehe..." Pilit na pag tawa nito. "Peace" dagdag pa nya.
"Andyan lang pala kayo mahal na - - Omagad. Buong gabi kayong wala tapos matatagpuan ko kayong naririto sa hardin kasama ang inyong alipin? At namumula mula pa ang kanyang mata na animo'y bagong gising. Hindi kaya- - gosh. Mag kasama kayo buong magdamag dyan sa likuran ng hardin?" Gulat na gulat nyang wika na may pag takip takip pa sa bibig.
Parang masyado syang nag o-over-react. Anong masama roon?
"A-ah. Cat mali yung iniisip m- - " nauutal na sambit ng aking alipin.
"Tama ka. Magkasama kami buong magdamag ng aking alipin. At kami lang dalawa roon. Bakit?"
Unti unti syang napa atras. Parang hindi sya makapaniwala. Mulhang kailangan ko ng sitahin ang pagiging over acting nya.
"Itigil mo ang iyong ginagawa na parang hindi makapaniwala. Nga pala bakit mo ako hinahanap?"
*pakk*
Biglang hinampas ng aking alipin ang kanyang noo.
Bakit ganyan ang mga babae? Bakit napaka seryoso nila at parang nilalagyan nila ng malisya ang bawat ganap?
"Mag si ayos nga kayo!!" Sigaw ko na agad namang nagpabalik sa kanila sa reyalidad.
"A-ah... Pasensya na po mahal na hari. Um. Kaya ko po kayo hinahanap dahil may nangyari sa palasyo habang wala kayo" wika ni cat.
"At ano naman iyun?"
"Hindi ko maipaliwanag. Mas mabuting ikaw na ang mismo ang makakita"
Ano ang ibig nyang sabihin?
"Sige. Ako na mismo ang magpapaliwanag saiyo kapag nakita ko iyun"
Kinuha kong muli ang kamay ng aking alipin. Tumabi naman si cat upang bigyan kami ng daan.
Hinigit kong muli ang aking alipin para tumingi sa palasyo. Hindi naman kalayuan ang palasyo sa kinaroroonan namin kanina kaya ilang hakbang lang ay naroroon na kami.
Ang aking alipin naman ay nag papadala lang sa daloy ng tubig kumbaga nag papadala lang sya sa akin. Habang hawak hawak ko ang malambot nyang kamay.
"Nga pala" nahinto ako at hinarap sya ng bigla akong may maalala.
"Sorry. Sorry. Hindi ko sinasadyang titigan ka. Pasensya na talaga" pag papaumanhin nya na sinabayan pa ng pag takip ng mata.
"Ano bang pinag sasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.
Unti unti naman nyang tinanggal ang takip sa mata at nakahinga ng malalim.
Hay. Minsan talaga hindi ko alam kung baliw sya o sadyang nagbabaliw baliwan lang talaga sya.
"A-ah ano kasi. M-may dumi kasi sa mga mata ko kaya napatitig ako pero hindi ko naman sinasadyang mapatitig. Kaya sorry.."
Hindi ko maunawaan ang ibig nyang sabihin kaya napapakunot nalang ako ng noo.
"Ano iyun? Hindi kita maunawaan?"
"Tss. Ang sabi ko may muta ka... Ops. Sorry di ko sinasadya"
Tama ba ang narinig ko? May dumi ako sa mata? Dapat ba akong mahiya?
Teka. Diba alipin ko sya? So bakit hindi sya ang mag tanggal. Hmm. Mukhang nakakaisip na naman ako ng kalokohan ah.
Napangisi ako ng wala sa oras.
Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya na ikinalalayo naman nya.
"Tutal alipin kita. Bakit hindi ikaw ang mag tanggal ng dumi sa aking mata?" Nakakaloko kong sabi.
"What? Eww. May kamay naman ah bakit hindi ikaw ang mag tanggal chaka pinag hirapan mo yan kaya ikaw dapat ang may karapatang pake alaman yan" pag tanggi nya.
Napatingin naman ako sa kamay kong may benda at sa isa kong kamay na naka hawak sa kamay nya.
"Pano ba yan. Mukhang busy ang mga kamay ko. At muka namang libre ang kamay mo kaya ikaw na ang mag tanggal"
Kumurap kurap pa ako bilang pang aasar.
"H-ha? T-teka.. Hindi din naman libre ang kamay ko ah. Look may hawak hawak akong kaho- - "
Agad kong kinuha ang kahon sa kanyang kamay gamit ang may benda kong kamay.
"Ops. May sinasabi kaba?"
"Ibalik mo nga yan. Hindi- - "
"Tanggalin mo na dahil nakakasira yan ng kagwapuhan ko"
Kahit anong iwas nyang pag tingin sa chinito kong mata ay nahuhuli ko parin ang mata nya kaya hindi nya maiwasang mapatingin sa nang aakit kong mga mata.
"Gwapo ka naman kahit may ganyan.." Mahina nyang bulong na narinig ko naman.
Napa atras ako ng kaunti.
"S-sige. A-ako na lang ang mag tatanggal"
Tinalikuran ko na agad sya.
Ewan ko ba pero bigla na akong nahiya sa kanya. May kakaiba akong naramdaman ng sabihin nya iyun. Bakit ganito. Sa isang simpleng salita napatibok ng mabilis ang pusong walang balak tumibok ng ganito.
"Anong meron bakit ka nakahawak sa dibdib mo?" Tanong nya.
Napatingin naman ako sa dibdib ko. Wala na ang kahong hawak hawak ko at naka tapat ang palad ko sa dibdib ko. Inalis ko naman agad ito.
"Manahimik at sumunod ka na lang!" Pag mamasungit ko sa kanya.
Minabuti ko na lang pabilisin ang pag lalakd ko upang makarating agad sa palasyo. Palihim ko naring tinaggal ang dumi sa aking mata. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya at talagang sa kanya pa.
***
"OMG" Gulat na sambit ng aking alipin.
Kasalukuyan kaming naka tayo sa labas ng kwarto ng aking alipin. Pareho kaming natigilan ng makita namin ang sinapit ng kanyang kwarto.
Ito pala ang gustong ipakita sa akin ni cat na hindi nya maipaliwanag. Ang kwartong dinungisan ng isang kuneho. Nag kalat ang mga suka sa kwarto. At naliligo sa sariling dugo ang kuneho na talagang naka higa pa sa kama ng aking alipin.
Talagang iniinis ako ng chin na yan ah. Bakit sa kwarto pa ng alipin ko!
"Tawagin ang mga tagalinis. Ipalinis ang kwarto at sabihang mag suot ng damit pang protesyon. Iwasang malagyan ang kahit ano mang parte ng inyong katawan."
"Opo mahal na hari"
Hindi ko mapigilan ang galit ko kaya naiyukom ko ang aking kamao. Gusto tlaaga nya akong inisin upang sumakay ako sa kanyang trip.
"Gusto mong mag tuos? Pwes mag tutuos tayo!"
Tinalikuran ko ang kwarto at tumungo sa kwarto ko.
Kinuha ko lahat ang mga sandatang itinatago ko at damit na panangga.
"S-san k-ka pupunta?"
Nahinto ang ginagawa ko. Hindi ko namalayan na nakasunod pala sa akin ang aking alipin.
Lumapit ako sa kanya at hinigit ang kamay patungo sa aking kama. Kinuha ko ang posas at susi sa aking drawer.
"Matukso na kung matukso. Pinupuno nya ako at kailangan kong pigilan ang ginagawa nyang pang gugulo. Alam kong hindi lang basta kwarto ang kaya nyang dungisan pati ang buong lugar kayang kaya nya. Dapat ko ng pigilan iyun sa pamamagitan ng..."
"Pwedeng diretsuhin mo na? Ang dami mo pa kasing sinasabi. Hindi ko tuloy maintindihan"
"Pupunta ako sa taas. Pakiki usapan ko syang itigil ang unti unting pag dungis sa aming lugar"
"Sino? Sinong pupuntahan mo sa taas!"
"Ang bagong chin.."
Ipoposas ko na ang kanyang kamay ng pigilan nya ako.
"D-delikado.."
Tinignan ko ang kanyang mata.
"Alam ko- - - "
"Delikado nga diba! Kapag delikado wag mo ng balaking pumunta pa! B-baka pag balik mo... Wala ka na"
Muling bumibilis ang takbo ng puso ko.
Medyo kakaiba ang nararamdaman nitong mga oras ah.
Ang bilugan nyang mata ay nagsasabing sya'y nag aalala.
"Nag aalala ka ba?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"A-h. Um. L-lahat naman kami mag aalala kung malalaman naming- - "
Pinutol na gad ang sasabihin nya.
"Nag aalala ka ba?" Pag uulit ko.
"Natural lang namang mag alala- - "
Muli kong pinutol ang kanyang sasabihin. Hindi ko alam kung kusang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang kanyang kamay. Alam kong ikinabigla nya ang ginawa kong yun. Mainit nanaman siguro dahil namumula na naman ang kanyang pisngi.
"Nag aalala ka ba? Alipin ko?"
"Oo. Matagal na akong nag aalala..."
Talaga?
"Matagal na. Simula ng mapadpad kami rito. Matagal na akong nag aalala para sa sarili ko para sa kaibigan ko at para sa lahat. Nakaka bwiset lang isipin na pati kaming mag kakaibigan damay sa gulong ito. Sana hindi nalang kami napadpad sa bwiset na lugar na to."
"Gusto kong malaman. Nag aalala kaba sakin?"
"Oo nag aalala ako na baka pag dating mo dito... Patay kana"
Napangiti ako ng wala sa oras ng marinig ko ang sagot nya. Kakaiba ang dating sa akin ng kanyang malambing na pananalita.
"Talaga ba?" Paniniguro ko.
"Oo. Pano nalang kung mawala ka. Sino na lang mag papa sweldo sa akin kung mawawala ka? Diba alipin mo ko kaya natural lang na kumita ako ng salapi kahit alam kong labag sa sarili ko ang maging alipin kaso wala naman na akong magagawa dahil itinuturing mo na akong alipin. Kapag alipin dapat may sweldo din.."
Bwiset.
Tahimik akong tumayo at lumayo sa kanya.
"Hoy! Teka!"
"Bahala ka sa buhay mo. Inuutusan kitang wag akong susundan baka mapahamak ka pa. Manatili ka lang dyan sa kinauupuan mo!"
Inilagay ko sa bulsa ko ang aking mga kamay at tuluyang nilisan ang aking kwarto. Iniwan kong nakaupo sya roon at tiyak akong susunod sya.
Ginawa lang nya akong tamad. Kakatamad na tuloy umakyat sa itaas para lang maki usap sa hayop na chin na yan.
"Gina. Wag mo hahayaang maka labas ng palasyo ang aking alipin. Paki bantayan sya at tawagin mo ako kapag may nangyari sa kanya. Nasa paligid lang ako" bilin ko sa katulong kong si gina na nasalubong ko lamang.
Gusto ko munang mapag isa.
"Opo." Pag sang ayon nya.
Tutungo na sana sya sa kwarto ko ng pigilan ko sya.
"Mananagot ka kapag may nangyari sakanya ha" bilin ko.
"O-opo.." Utal nyang sagot.
Mabuti ng nag kakalinawan kaysa naman nag kakalabuan.
Kumaripas naman ng takbo si gina patungo sa kwarto ko kung saan naron ang alipin ko. Tinungo ko naman ang kwarto ng aking alipin. Tanaw ko ang mga tagalinis ko na nililinis ang kwarto. Naka damit proteksyon ang mga ito at may suot suot silang mask at gloves.
"Mahal na hari. May nakita ho kaming dahon at mukhang hindi ito nasukahan" sambit ng isang tagalinis sa akin.
"Ibigay mo yan sa aking alipin at ipaalala mo sa kanya na mag ingat sya!"
"Sige po mahal na hari"
Agad narin akong umalis sa kwartong yun. Lalo lang nag iinit ang ulo ko sa tuwing makikita ko ang mga suka sa iba't ibang parte ng kwarto.
Alam kong muli syang dadalaw rito pag karaan ng tatlong araw.
Tumungo na ako sa labas ng palasyo upang mag pahangin. Nilibot ko ang mga baha bahay ng aking mamamayan na panay ang yuko sa akin bilang pag galang.
"Magandang araw mahal na hari"
Naagaw ang tingin ko sa aking lalaking mahaba ang balabas at walang buhok sa ulo na naka tayo sa aking harapan.
"Magandang araw rin"
May kasama itong bata na kasama rin sa sinumpa ng dating chin. Hindi ko pinag aksayahan ng oras na ngitian ang bata. Hindi ako tulad ng iba na palakaibigan.
"Mukhang gumagala gala kayo rito ah.."
Kanina ko pa gustong takapn ang aking ilong dahil sa kakaibang amoy na aking nasisinghot. Masangsang na hindi mo maintindihan.
"Ganoon na nga. Mag papatuloy na ako"
"O sige po mahal na hari. Ingat ho"
Hindi na ako nag abala pang tugunan sya. Muli na akong nag lakad para makapag isip isip at gumawa ng plano. Nakakaramdam ako ng muling pag bisita nya kaya kailangan kong mag handa.
------
Souven's POV
*sigh*
I'm actually concern.
Truly concern mr. King.
*sigh*
Kailangan talagang idaan sa biro ang lahat para hindi mahalata at para umiwas na din.
Nag aalala naman talaga ako, hindi dahil sa sweldo kundi dahil yun ang nararamdaman ko. Para sakin, kayamanan ang makuha ang pag aalala ng isang tao. Kaya siguro ganoon na lang sya ka disappoint ng gawin kong biro ang pag aalala ko kanina. Hay.
Okay narin yun. Alipin lang naman ako na pwedeng magbiro sa harap nya. Pero kahit kailan hindi ako pwede makipag biro sa nararamdaman ko. Nag aalala ako para sa kanya ngunit totoo at kinikimkim ko lang at pabiro naman akong nag aalala sa harap nya na iniisip nyang biro lang.
"Bilib din ako sayo. Ikaw ang kauna unahan naging malapit sa kanya matapos ang ilang araw nyang pag alis"
Napatingin naman ako kay ate gina na binabatayan lang ako. Tss. Hindi ko naman kailangan ng bantay. Dahil hindi naman ako tatakas.
"Alipin nya ako kaya natural lang na maging malapit ako sa kanya"
"Alam mo bang ngayon lang sya nag karoon ng aliping palagi nyang kasama? Madalas syang mag isa noon at walang kasama o ka usap man lang pwera nalang kay reynang queeny."
"Totoo?"
"Oo. Simula't sapul wala yang alalay na katulad mo. Pero ibahin mo na ngayon. Heto't meron ng isang babaeng alipin"
Edi mag kawawa pala dati ang hari?
Nacks.
Napaka swerte ko naman.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel