Souven's POV
Hindi na naituloy ni veany ang kanyang sasabi ng sumulpot na naman ang hari.
"Pwede ba bitiwan mo nga ako!" Pabulong ngunit madiin kong sabi sakanya.
Hawak hawak nya kasi ang laylayan ng damit ko habang sumusunod sa amin patungong batis.
"Dagdag isang taon ulit aking alipin. Ipapaalala ko nga pala sayo na ayoko ng tinatakasan ako ha" matabang nyang sabi.
Hay.
ano bang problema nya sa akin? Bakit ba ayaw nya akong tantanan? May lahi ba syang linta?
Nakakairita na kasi.
"Makinig ka ha"
Huminto ako at tumingin sa kanya. "Ito ang huling beses na sasabihin ko sayo na hindi ako ang iyong alipin. Again. Hindi ako ang iyong alipin kaya please layuan mo na ako"
Tinabig ko ang kanyang kamay na nakahawak sa laylayan ng damit ko bago nag patuloy sa pag lalakad.
Mas binilisan ko pa ang pag lalakad upang mahabol sila.
"Anong sinabi sayo ng mokong na yon" bulong sakin ni dake.
Sinilayan ko namang ulit ang hari at salamat dahil wala na sya roon.
"Ah wala. Tinanong lang nya kung okay lang ako- - -"
"Kalapastangan ang mag sinungaling. Ayokong ugaliin mo yan aking alipin"
Nilingon ko agad ang katabi ko at tama nga ang hinala ko, ang hari na naman.
Sumasabay ito sa akin habang nag lalakad.
"Diba sabi ko sayo layuan mo na ako" sumbat ko sa kanya.
"Ang alipin at ang hari ay hindi pwedeng mag hiwalay. Itatak mo yan sa utak mo" utos pa nito na may malamig na tono.
Ugh. Ang kulit kulit nya talaga.
Mas dumikit ako kay dake upang layuan sya. Hinawakan ko ang braso ni dake para hindi na muling mapahiwalay sa kanya.
Mas pinili ko na lang na pag masdan ang paligid kaysa makipag talo sa haring katabi ko.
Puro puno ang paligid at mukhang alagang alaga ito ng hardinero. Ang ganda ng mga ito, para itong pinangangalagaan ng mga diwata sa fairytale. Ibang iba talaga ang lugar na ito sa lugar namin na puro polusyon. Malinis dito samantalang sa lugar namin, madumi.
"Naririto na tayo" masayang sambit ni aling saysas.
Ibinababa nito ang kanyang dala sa batuhan.
Kapansin pansin ang malinaw nitong tubig. Ang sarap sigurong maligo sa batis na ito.
Mukhang hindi sanay ang mga mayayaman kong kaibigan na maligo sa ganitong paliguan. Palibhasa swimming pool lang ang alam na languyan. Buti nalang at hindi na ako nahihilo kaya pwedeng pwede na akong gumalaw ng gumalaw. Nakakabilib ang mga pang gamot nila dito. Hinid pa umaabot ng linggo, magaling na agad ang mga galos ko pero bakit itong tahi ko hindi parin nag lalaho.
"Hey sou? Tara na. Masarap sa pakiramdam ang tubig" pag aya sakin ni eitsy na kasalukuyang nasa tubig na.
Pare-pareho na silang nasa tubig at nag kakasiyahan. Akala ko pa naman hindi sila sanay sa mga ganitong lugar.
"Andyan na"
Tinanggal ko na muna ang sapin sa aking paa bago lumusong sa tubig.
"Sou. Lika ka nga dito" pag tawag sakin ni veany.
Medyo malayo layo ito kina eitsy at parang nakikiramdam kaya lumapit nalang ako.
"Why?" Tanong ko sakanya.
Hinawakan naman nya braso upang mas mailapit pa nya ako sa kanya.
"Pansin ko kasi na kanina ka pa nan sinusundan. Yan oh yung haring yan" bulong sakin ni veany.
"Sira na siguro ang ulo nan. Sabihin ba naman na ako daw ang personal alipin nya. Duh. Sarili ko nga hindi ko mautusan sya pa kaya"
Tinignan ko naman si thirp na naka upo lang sa isang malaking bato habang naka poker face.
Inaasahan ko naman na hindi sya sasamang maligo dahil halata sa kanyang mukha na hindi nya ugaling maligo sa ganitong lugar. Nakakapag taka nga, bakit nya ba ako sinusundan. Siguro may kailangan sakin yang lalaking yan.
"Ah vean. Ano nga pala yung sasabihin mo kanina?"
Biglaan itong napatingin sa akin napabitiw sa braso ko. Mukha syang nabigla nung ipinaalala ko sa kanya iyun.
"A-ah. Souven... A-ano kasi. Ganito kasi yun. Habang wala kang malay nung namamaga pa ang braso mo nun, minabuti naming tignan ang pari sukat na lagusan. Sabi kasi ni ate saysas, mas maganda daw na sa umaga tayo umalis para daw hindi masyadong buhay ang pandama ng mga patay sa itaas. Tapos nung umakyat kami sa itaas...."
Sumagi sa kanyang mata ang lungkot na agad nyang iniwas sa akin.
"Tapos?"
"Souven... W-wala na yung parisukat.. Wala na yung parisukat na lagusan"
"A-ano?"
Hindi ako maka galaw. Para akong nabingi sa kanyang sinabi.
Sandali akong natahimik habang nakatingin lang sa kanya.
"H-hindi yan totoo right? Diba hindi yan totoo?"
"Wala talaga souven"
Hindi pwede.
Kailangan naming maka alis dito. Ayokong manatili sa lugar ito. Puro kapahamakan ang dala ng lugar ito para sa amin.
Sobrang tanga ko. Bakit ko ba kasi inisip na pumunta dito. Sumpa ang lugar na ito. Kailangan naming takasan ang sumpang ito.
"Alam na ba nila eitsy ang tungkol dyan?" Tanong ko kay veany na ngayon ay lumuluha na.
Hinarang ko sya upang hindi mapansin nila eitsy na umiiyak si veany.
"A-alam na nila" tugon nya.
"Kung ganon... Bakit kayo nag sasaya! Bakit hindi gumagawa ng paraan! Veany alam kong nag sisisi kayo na sumunod sakin kaya i'm sorry. Sana pala nakinig nalang ako kay eitsy. Sana hindi na tayo tumuloy sa lugar na ito. Ayoko ng ganito!"
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Ako naman talaga ang dapat sisihin dahil ako ang nanguna sa lahat imbis na si veany dapat ang namumuno sa amin. Dapat nakinig ako kay eitsy. Dapat hindi nalang kami tumuloy.
Ugh. Nakakainis.
"Don't worry souven. Mag ayos muna tayo ng sarili natin bago tayo kumilos. Alam kong mayroon pang ibang daan para makabalik sa lugar natin"
Ramdam kong pinapalakas nya ang loob nya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay upang pakalmahin sya.
"Naniniwala ako" pagpapalakas ko ng loob sa kanya kasabay ang pag ngiti.
"Guys wag kayong mag mukmok dyan. Halika kayo dito. Let's enjoy this moment" sigaw sa amin ni eitsy.
Hindi ko makita sa kanya ang lungkot. Talagang nilalabanan nya iyun kahit alam kong sya dapat ang pinaka nasasaktan sa amin. Dapat sya ang nangungunang sisihin ako dahil ako ang may pakana ng lahat ng to.
"Sige andyan na kami" masayang tugon ni veany.
Tama. Kung kaya nilang itago kaya ko rin. Matapang ako. Tama. Kaya namin to.
Lalakad na sana ng maramdaman kong ayaw gumalaw ng paa ko.
"Souven lika dito" pag aya sakin ni dake.
"O-oo sige andyan na" tugon ko.
Bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko. Parang may kakaiba sa ilalim ng tubig. Parang sinasakal ang mga paa ko. Parang mapuputol ang paa ko.
"Souven!!!" Huling sigaw ni eitsy bago ako tuluyang nilamon ng tubig.
Para akong hinihigit papaibaba.
"Blurrr blurrr blurrr"
Pilit akong nag sisisigaw
Hindi magawang i-angat ang sarili ko. Parang pinuputol ang paa ko. Sobrang nakakasal at sobra na ang sakit.
Pinilit kong imulat ang aking mata upang makita kung anong bagay ang syang humihigit sa aking paa. At doon ko nakita ang dalawang uri ng ugat na pilit na sinasakal ang aking mga paa.
'Shit'
Nakarinig ako ng talabsik ng tubig na parang may tumalon. Naibaling ko ang aking pansin sa isang lalaking nakatayo. Lumubog sya ng tubig, pansin kong may hawak itong patalim.
Mababaw naman ang batis pero bakit parang napaka lalim nito para sa akin.
'Thirp?'
"Guys umahon kayo! Tumataas ang tubig!"
Bakit naririnig ko ang boses sa ibabaw gayung nasa ilalim ako ng tubig. Ano bang nangyayari- - aray!
Ugh. Parang hihiwalay na ang paa ko. Tumatagal na rin, kinakapos na ako ng hininga. Nawala na rin ang paningin ko kay thirp.
Nasaan na sya.
Napatingin ako sa ibaba ng maramdam kong may humawak sa binti ko. Kitang kita ko ang ginawa nyang pag putol sa mga ugat na pumulupot sa aking paa kanina na ngayon ay nawala na. Hindi ko na magawang igalaw ang aking paa. Binuhat nya ako para iahon sa tubig.
Ipinikit ko na lang aking at nag padala na lang sa kanya.
"T-teka.. A-anong nangyari sa kanya"
"Saan mo sya dadalhin! Hoy!"
"Pabayaan na lang natin sya dake"
Nakaramdam ako ng pag yugyog. Doon ko napagtanto na may bumuhat sa akin at kasalukuyan syang tumatakbo.
Hindi ko parin magawang imulat ang aking mata. Parang gusto ko nalang manatili sa ganitong posisyon at wag ng magising.
------
Thirp's POV
Unti unti na syang nilalapitan ng kapahamakan. Tama ang sinabi ni tanda. Tama na sundan ko sya rito dahil may kakaibang mang yayari sa kanya.
Ang mapanuksong higera na yun.
"S-san moko dadalhin" tanong sa akin ng aking alipin.
Naka pikit ang mga mata. Tama lang na ipikit nya ang mga ito upang hindi nya makita ang ginagawa ko.
Itinigil ko ang pag putol ng mga sanga ng punong sinusubukang atakihin ang aking alipin.
"Layuan nyo kami!!!!!!!!" Nakakabingi kong sigaw na ikinatigil ng mga sanga sa pag atake.
Bakit pati ang kapaligiran ay gusto syang patayin? Ano bang mayroon sa babaeng ito?
Alam kong hindi aksidente ang nangyaring pag bagsak namin mula sa tuktok ng bundok hanggang sa ibaba. Alam kong sinadya iyun ng mga bato. Mga buhay na bato ang dahilan kung bakit nag pagulong gulong kami tapos ngayon mga ugat at sanga naman.
Patuloy lang ako sa pag takbo hanggang sa mapagtanto ko na malayo na kami sa mga sanga at ugat. Hingal na hingal ko syang ibinababa. Habang sya, nanatiling naka pikit parin.
Tinungo ko agad ang kanyang paa. Mukhang malala ang pag kakapulupot ng ng mga ugat sa kanyang paa. Mukhang hindi nya kayang mag lakad sa lagay nya. Nakakapag taka nalang kung bakit biglaang tumaas ang tubig ng walang dahilan.
"Sinabi ko sayo na mag ingat ka!" Sumbat ko sa kanya.
Bakit parang mas hinihingal pa sya kaysa sa akin.
Agad kong itinago ang patalim na ginamit ko kanina sa aking likuran ng maramdaman kong unti unti nyang iminumulat ang kanyang mata.
"S-sobrang s-sakit n-ng p-paa k-ko" utal utal nyang sabi.
Dama ko na mayroong pamumuo dugo sa kanyang paa. Namamasa rin ito.
Muli ko syang binuhat para dalhin sa palasyo. Minabuti kong tumakbo para mas mapadali. Hindi ko lang pinansin ang aking alalay habang tinititigan ako.
"Mahal na hari" salubong saakin ng isang guwardiya ng maka rating na kami sa pintuan ng palasyo. Hingal na hingal akong huminto.
"Nandyan pa ba ang mga matanda?" Hinihingal kong tanong.
"Nandyan pa po" tugon nya.
Akma nitong kukunin ang aking alalay para sya na ang magbuhat ngunit agad ko itong napigilan.
"Hindi na kailangan" pag tanggi ko.
Nilakad ko nalang ang hagdan pa pa-akyat.
"A-ayoko na sa l-lugar nyo"
Nahinto ako ng bahagya at napa tingin sa aking alipin. Bakit sya umiiyak?
Hindi ko nalang sya pinansin at minabuting ipag patuloy na lang ang pag lalakad.
"Pwede mo bang itanong sa lugar kung gusto ka nya" pambabara ko.
Pero imbis na ay bigla itong humagulgol.
"Itigil mo nga ang pag hagulgol mo na parang bata na inagawan ng lollipop sa tindahan" pag papatigil ko sa kanya.
"Wala na. Wala na ang parisukat na lagusan. Hinding hindi na kami makakabalik sa aming pinanggalingan" umiiyak nyang sabi.
Tss.
Pinag patuloy ko lang ang pag akyat hanggang sa makarating na kami sa kwarto ko. Pinaalis ko lahat ng mga kawal na nagbabantay doon maliban kay tanda at inihiga ko ang aking alipin sa isang upuan. Kapag kasi sa kama ko sya inihiga, mababasa lang iyun.
"Bigyan mong lunas ang kanyang paa" utos ko sa matanda.
Hindi na muna ako nag bihis. Minabuti kong tignan ang gagawin ng matanda. May ipinainom ito sa aking alipin na naging dahilan na pag kawala ng kanyang malay.
"Mukhang napapadalas ata ang pang gagamot ko sa kanya ah" sambit ng matanda.
"Unti unti na syang nilalapitan ng kapahamakan. Ewan ko kung bakit. Ano bang mayroon sa kanya?" Tanong ko kay tanda.
"Mukhang si giro lang makakasagot nan. Mas mabuti parin na mag ingat ang babaeng ito. Pinag iinitan sya ng kapaligiran"
"Hindi na mauulit ito. Hindi ko ugaling mag ligtas ng may buhay na buhay. Ikaw na ang bahal sa kanya"
Tinalikuran ko na si tanda para tumungo sa bathroom.
Kailangan kong maka usap ang higera tungkol sa nangyari kanina. Nagpatuyo muna ako ng katawan bago mag bihis ng panibagong damit.
***
Lumabas na rin ako ng hindi nag susuklay ng buhok. Wala sa routine ko ang ganon.
"Maya maya lang huhupa din ang pananakit sa kanyang paa at mawawala din ang pamumuo ng dugo." Paunang sabi ni tanda.
"Nasaan ang aking alipin?" Tanong ko.
"Nililinisan ni gina. Gusto ko lang ipaalam sayo mahal na hari na sabihan nyo ang inyong alipin na huwag na munang mag lalalabas. Hinahabol na sya ng kapahamakan hangga't maari umiwas sya roon. Teka.. Gusto mo bang gamutin ko iyan"
Tinuro nya ang kamay ko na may sugat.
"Hindi na. Maari ka ng maka alis at kunin mo nalang kay cat ang iyong bayad"
"Higera ba ang may gawa nan?"
"Wag ka ng mag tanong! Umalis kana!"
Napatayo naman agad sya at tinungo na ang pinto para umalis.
Sumasakit ang ulo ng dahil sa alipin na iyun.
Ugh. Kailangan ko ng pahinga bago makipag kita kay tandang giro.
Ibinagsak ko ang aking sarili sa malambot kong kama at tumingin lang sa itaas.
"Aliping malapit sa kapahamakan" nasambit ko habang unti unting bumababa ang talukap ng mata ko.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AventuraAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel