Dake's POV
Ang tibay ng lalaking to. Kanina pa nya kami binabantayan. Hindi ba sya nangangawit sa kanyang ginagawa?
"Um. Pwede mo na kaming- - "
"Shut up!" Madiin nitong sabi.
Sarap sapakin ng lalaking to. Ang lakas ba namang putulin ang sinasabi ko.
"Pabayaan mo na dake. Ganyang talaga ang trabaho ng aso" bulong sakin ni eitsy.
Minabuti ko nalang na tumingin kay souven na kasalukuyang mahimbing parin ang tulog. Kapansin pansin ang braso nitong paga, unti unti itong humuhupa. Pansin ko din ang labi nitong namumulta at leeg nyang namumula. Halos mag silabas ang ugat sa leeg nya. Para syang galit na galit sa lagay ng leeg nya.
Ano ba talagang nangyari sayo souven?
"Ugh. Fine enough! Hindi ko kayang tignan lang maghapon si souven. I want to hug souven, i want to kiss souven and i want to check her arm! Kaya pwede ba payagan mo kami!" Sigaw ni eitsy na sinabayan pa ng pag tayo.
Tama naman sya. Miski ako hindi na kayang tignan lang si souven. Gusto ko din naman syang i comfort pero may isang asungot na pinipigilan kaming gawin yun.
"Stay or leave?" Tanong nito na animo'y boss sa isang kompanya.
"We're going to stay!" Sagot ni eitsy.
"Kung gusto nyong manatili, edi sundin nyo ang rules at kung hindi nyo kayang sundin you may leave now" pang aasar nito.
Hindi ko na kaya.
Tumayo ako para yakapin si souven ng biglang sumigaw ang hari kasabay pa ang pag tayo.
Nilingon ko ito at nakaduro sa akin ang daliri nito.
"Wag.na.wag.mo.syang.ya.ya.ka.pin.kung.ayaw.nyong.mana.ti.li.sa.ku.lu.ngan.ng.sampung.taon!!!" Pagbabanta nya.
Hinigit naman agad ako ni eitsy para pigilan ang balak kong yakapin sya.
"Sorry bro. Ayokong mabulok sa mabahong lugar nayun" pagpapaumanhin nya ngunit pabulong.
Kumukulo ang dugo ko sa lalaking to. Ano bang karapatan nyang pag bawalan kami. Kaibigan nya kami kaya natural lang na yakapin namin sya. May saltik ata ang lalaking to.
"Ano bang problema? Ha?" Sarkastikong tanong ko sakanya.
"Mga kawal. Ilayo ang mga yan ng kaunti!" Utos nito sa mga kawal na nakapalibot.
Sumunod agad ang mga engot. Ipinag tulakan nya kami mailayo lang sa kinaroroonan ni souven.
"At isa pa. Bawal din palang madapuan sya ng virus mula sa inyong hininga"
Aba't. Hay. Nakaka inis na talga tong lalaki na to ah.
"Wag na wag ka ding makakalapit kay souven ng hindi nya malanghap ang hinginga mong amoy- - -"
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng takpan ng kawal ang aking bibig.
Nginitian lang ako nito na mapang asar na ngiti.
"Iwan ang iba at ilabas ang lalaki" utos nito. "Hindi gusto ng alipin ang hininga ng isa pang alipin" dagdag pa nito.
Bwiset gusto ko syang murahin. Gusto ko mang kagatin ang kamay nf kawal na tumakip sa aking bibig kaso hindi ko kaya, ang dumi dumi nito.
Binuhat ako ng mga kawal papalabas ng kwarto at ng mailabas ako, bigla nila akong tinulak na muntik ko ng ikalalag sa hagdan buti nalang at mayroong sumalo sa akng likod.
"Pwee." Pag dura ko. Anong klaseng kamay meron ang mga kawal na yun.
Padabog naman nilang isinara ang pinto.
"Stupid guy"
Nagulantang akong bigla ng may magsalita sa aking likuran. Napalayo agad ako rito at nilingon sya.
"And who are you?" Tanong ko sakanya.
"I'm Catlin Kniff also known as cat" pagpapakilala nito.
Dahan dahan itong lumapit sa akin habang naka halukipkip.
"How about you?" Tanong nya saakin.
"Sorry i don't have enough time to talk- - "
Hinawakan nya ang aking braso na ikinatigil ko ng pag tayo.
"Ow god" sambit nito bago ako higitin.
"Teka san moko dadalhin!" Pag rereklamo ko.
Patuloy lang ito sa pag higit sa akin at sa pag takbo.
"Fucking bunny!"
Bigla ako nitong itinapon sa kung saan na ikinahilo.
*blagg*
Ugh. Ang sakit. Tumama ang likod ko sa isang malapad na pader.
"Beng!"
Para akong nabugbog. Medyo hilo pa ako.
Napaawang ang aking bibig ng makita ko ang kunehong may naka tarak na kutsilyo sa may ulo. Kasalukuyang naliligo sa sariling dugo ang kuneho.
Nakangisi pa ang babae ng kunin nya ang kutsilyong naka tarak roon. Habang ang kuneho naman ay unti unting nag laho.
"Job well done" nakangisi nitong sabi.
Tumungo ang kamay nito sa kanyang likod at parang may kinuha. Kapirasong tela ang kanyang kinuha at ipinunas ito sa duguang kutsilyo.
"O my god" gulat nyang sabi ng makita ako na nakahawak sa may bandang likod. Lumapit ito na parang malapit kong kamag anak na concern na concern sa aking lagay.
"Sorry.. Yung kuneho kasi. Sorry talaga. Wait. Halika"
Inalalayan naman nya akong makatayo at biglaang hinigit pababa ng hagdan.
Hindi ako maka takbo ng maayos, parang may nabaling buto sa may bandang likod ko.
Huminto naman kami agad.
"Wait me here okay" bilin nya bago tuluyang tumakbo paibaba at iniwan ako sa gitna ng hagdanan.
Minabuti ko nalang na umupo muna ng bahagya.
Nag tutunugan ang buto ko, bakit ba kasi kailangan pa akong ihagis ng ganon. Dinaig pa nya ang lalaking nag g-gym sa sobrang lakas.
Kakaiba ang babaeng yun parang yung kutsilyo nya kanina. Teka speaking of kutsilyo, May napansin akong kakaiba roon. Para itong may lason. Hindi sya halata pero mararamdaman mo ito dahil sa amoy. Hindi sya masangsang pero amoy sinunog na goma ito at mas lalong nangamoy iyun ng mag halo ang dugo ng kuneho at nung lason. Ang nakakapagtaka, paano nya nalaman na mayroong kuneho sa paligid miski ako hindi ko man naramdaman na mayroon parang nakaaligid na kuneho.
"Hey? Heto na me" masaya nitong sabi habang papaakyat ng hagdan, patungo ito sa akin at may hawak itong dahon at isang boteng maliit.
"Up up ang shirt" utos nya ng makarating ito sa kinauupuan ko.
"What?" Tanong ko.
"Hay. I said itaas mo ang damit mo!" Sigaw nya.
"No nee- - "
O_O
Pilit nyang itinaas ang damit ko sa may bandang likod kasabay ang pag lagay ng dahon sa aking likod. Ramdam kong may langis ito dahil madikit ito.
Ugh. Ang sarap sa feeling. Parang tinatanggal nito ang sakit sa aking likod.
"Feel good?" Tanong nya.
"Y-yah" Tipid kong tugon sa kanya.
Hindi kalaunan ibinaba nya na rin ang damit ko at pinabayaan lang ang dahon na naka dikit sa aking likod.
"Thank you mula sayo, happy na ko" sambit nya. Bumukas sa kanyang boses ang lungkot na kanina lang naman ay masaya.
"S-salamat. Umm... I have to go" pag papaalam ko sakanya ngunit agad nya akong napigilan.
"Anong pangalan mo?" Tanong nya.
Tama bang sabihin ko sakanya? Baka masamang tao to.
"Dake paige" tugon ko.
"Again. I'm catlin kniff na inampon ng hari at nag mahal sa kapatid" malungkot nyang pagpapakilala ulit.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I'm king's fake sister" pagpapaliwanag nya.
Hindi ko parin maintindihan.
"Fine. Ampon ako. Pero masama bang mag kagusto sa fake brother? Wala namang masama dun diba?" Nakanguso nitong sabi na animo'y naiiyak.
"Umm. Pwede- - "
"I love him. Pero hindi nya ako love. Ang sakit. Ang turing nya lang sakin ay isang kapatid"
Hindi ko alam kung bakit nya sinasabi sa akin ang mga bagay na iyun na dapat ay sinisekreto nya lang.
"Nice to meet you cat. Kailnagan ko ng umalis"
"Wait.. Stay. Gusto ko munang makipag usap" pag pigil nya.
Hindi ko sinasadyang tignan ang kanyang mukha. Nakahawak ito sa aking damit at ang ekspresyon ng mukha nya parang nagluluksa.
Ano bang problema ng babaeng to.
Huminga ako ng mamalim bago manatili sa kanyang tabi.
Mukhang mahabang kwentuhan ang magaganap.
------
Veany's POV
Kanina ko pa pinagmamasdan ang haring panay ang titig sa babaeng nakahiga sa kama na walang malay.
"Pst. Bakit kaya pinagbabawalan nya tayong hawakan o yakapin si souven?" Bulong sakin ni eitsy.
Tinapunan ko ng isang masamang tingin ang haring nakaupo lang at naka tingin kay souven.
"Ewan ko pero i smell something fishy" bulong ko din kay eitsy.
"Anong ibig mong Sabihin?" Bulong nyang tanong.
"Hmmm... Tignan mo ang upo at titig nya kay souven"
Pareho naman kaming naningkit ang mata para pagmasdan ang hari.
"Bakla!" Madiing bulong ko kay eitsy.
Nagka eye to eye kami ni eitsy at nag tawanan.
"Shh... Wag kayong maingay" pag sita sa amin ni grew.
Isang matalim na tingin lang ang ibinato namin sa kanya.
Sobra naman kasing tahimik dito, para tuloy kaming nananampalataya.
Gutom na din ako and i'm sure gutom na rin sila eitsy at grew. Hindi kasi namin naituloy ang pag kain ng biglang mag aya ng pag pupulong.
"Guys kumain kaya muna tayo and then balik nalang tayo kapag nagising na si souven" pag aya ko kay grew at eitsy.
"Yah your right" pag sang ayon nya na sinundan ng pag kulo ng sikmura nya.
"Mabuti pa nga" pag sang ayon din ni grew.
Sabay sabay naman kaming tumayo.
"Um. King aalis na ho kami" pag papaalam ko sa kanya.
Sinenyasan naman kami nito gamit ang kanyang kamay. Para kami nitong itinataboy.
Tss. Napakayabang.
Naglakad namna na kami patungo ng pinto..
"Hmmmm..."
Nahinto kaming bigla ng marinig namin ang pag ungol ni souven. Ibig sabihin gising na sya.
"Omygod" gulat na sabi ni eitsy kasabay ang pag takip sa kanyang bibig.
Sabay sabay kaming napaligon sa kama at doon namin nasilayan si souven na naaalimpungatan.
Parang biglang tumalon ang puso dahil sa sobrang saya. Tumakbo naman agad ako papunta sakanya pero nahinto ng may humawak sa mag kabila kong braso.
"What the heck" nasambit ko nalang.
Nilingon ko ang mga ito. Bwiset, ang mga kawal nanaman. Hindi ko na talaga kere to. Pati sila eitsy at grew eh pinigilan nila.
"Bitiwan mo akong pangit na kawal ka!" Sigaw ko sa mga kawal kasabay ang pag pupumiglas.
Naagaw naman ang atensyon ko kay souven.
Nakahawak ito sa kanyang noo na parang hinihilot ito. Nanatiling naka pikit parin sya habang ang kaliwa nyang braso ay parang manhid pa.
Napatayo naman ang hari at unti unting lumapit kay souven. Umupo ito sa tabi ni souven at hinawakan ang braso nito. Para syang timang na parang may sinisiyasat. Tinanggal nya ang benda. Doon ko nasilayan ang braso ni souven na hindi na masyadong paga kaso pulang pula ito at parang puputok na ang mga ugat. Humupa naman ang namumula nitong leeg kanina.
"Ipatawag muli ang mang gagamot" utos nito sa kanyang kawal na agad namang naalarma.
Niyukuran ng kawal ang hari bago tumungo sa pinto upang umalis.
Nahinto naman ang pag pupumiglas ko. Napatutok ako sa ginagawa ng hari.
May kinuha ito sa kanyang drawer. Gosh. Isang matalas na kutsilyo at mukhang kakahasa lang nito. Kulay abo ang hawakan nito habang ang katawan nito ay nangingintab.
"Wait. Anong gagawin mo dyan" alalang tanong ni eitsy.
Mukhang alam din nya ang naiisip ko.
"Wag mong sabihing...."
Halos manlaki ang mata ko ng itutok nya ang kutsilyo sa braso ni souven na hindi na mayadong paga.
"Teka wag...." Malakas kong sigaw pero nahuli na ang lahat.
Isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan ni souven. Napapikit ito at napa angat ng likod.
Nag tayuan ang balahibo ko ng dahil sa ginawa ng hari.
Hiniwa nya ang braso ni souven at doon lumabas ang sangkatutak na dugo. May kakaibang naka halo sa kanyang dugo, kulay green ito na hindi ko maipaliwanag.
"Bakit mo ginawa sakanya yan! Loko ka ah!" Sigaw ni grew sa hari. Pero wala man lang itong itinugon.
Bakit nga ba nya ginawa yun?
Mukhang malalim pa ang ginawa nyang pag hiwa.
Bakas sa mukha ni souven ang gulat at sakit. Patuloy lang pag inda nya rito at naglakas loob syang silayan ang kanyang braso. Ang dugong lumalabas rito ay sinasalo ng isang bote na hawak hawak ng katulong.
Nang mapansin ng hari na walang dugong lumalabas na may halong kulay berde na hindi ko maipaliwanag ay agad nyang tinakpan ang brasong may hiwa upang pigilan ang pag durugo.
Grabe. Halos mapuno ang bote ng dugo ni souven.
"B-bakit m-mo ginawa yun?" Nauutal na tanong ni souven na mukhang nanghihina.
Tinignan lang sya ng hari at hindi na umimik.
Tuluyan naman humupa ang pamamaga sakanyang kamay. Bumalik na ito sa normal. At ang pamumutla ng labi nya ay bumalik na rin sa normal.
Anong ibig sabihin ng kanyang ginawa. Bakit ginawa yun hari.
"Palabasin ang mga yan" utos nya habang ang hintuturo ay naka turo sa amin.
Hindi naman na ako pumalag ng buhatin ako ng dalawang kawal papalabas. Alam kong pare-pareho kaming nag aalala kay souven pero mas mukhang alam ng hari kung paano pagaling si souven kaya mas mabuting wag nalang muna kami mange-alam.
-----
Souven's POV
Sobrang hapdi ng aking pakiramdam. Medyo umiikot din ang aking paningin at hindi din maigalaw ng maayos ang kaliwa kong braso, mukhang malalim ang pag kaka hiwang ginawa ng lalaking to. Gusto ko syang bugbogin kaso wala akong lakas para gawin yun.
"Inumin mo to" utos ni thirp kasabay ang pag abot sa akin ng isang baso na may laman ng kung ano. Nakakadiri ang itsura nito. Nakakasuka ito tignan.
"Ayoko"
Tumingin nalang ako sa ibang direksyon. Ayokong tumingin sa kanya. Piling ko kasi sya ang makakapatay sakin.
"Nakaka-alis ito ng hapdi" wika nya.
Hindi ko lang ito pinansin. Gusto ng umuwi, ayoko na dito. Maaga pa para mamatay.
"Sabi ng inumin mo to eh!!" Sigaw nya.
Nanatiling tulala ako habang ang aking kamay ay kumikirot kirot.
Nakatayo lang sya sa aking harapan habang hawak hawak ang baso.
"Fine. Ikulong ulit ang mga kaibigan ng aking alipin"
Nilingon ko agad sya.
"Bakit? Bakit mo ginawa yun? Bakit hindi nalang sa pulso para diretso patay? Bakit ha? Bakit!! Alam mo bang sa mga oras na yun nakaramdam ako ng takot at kaba! Natatakot ako na baka mamatay ako sa oras na yun! Oo alam kong braso lang yun pero maari parin akong mamatay! Maari akong matetano dahil dyan sa patalim na ginamit mo! Ayoko na ulit mang yare! Ayoko na!"
Hindi ko mapigilang maluha habang nag sasalita.
Hanggang ngayon hindi maalis sakin ang takot.
Sa tuwing mahihiwa o kung ano man aking balat naalala ko si mom at dad. Natatakot ako na baka matulad din ako kay mom.
Bata palang ako ng matunghayan ko na kung paano pumatay. Kitang kita ko kung paano pinag sasaksak nung lalaki ang mommy at daddy ko. Wala akong nagawa noon dahil bata pa ako.
Hanggang ngayon sarili ko parin ang sinisisi ko kung bakit sila namatay. Sana hindi ko nalang pinabayaang naka bukas ang pinto noon, edi sana walang masasamang sindikato ang pumasok sa bahay namin. Edi sana buhay pa sila at kasama ko sila hanggang ngayon.
Patuloy ang pag bagsak ng luha ko. Naiinis ako sa sarili ko, nagmumukha akong duwag sa lagay na to. Ayoko ng ganito.
*sob*
Hindi ako makakilos.
Nakaramdam ko ng init. Init na parang niyayakap ako ni mama.
"Yakap ang tanging paraan upang mapawi ang iyong nararamdaman"
Ngayon ko napagtanto na mayroong naka yakap sa akin.
Unti unting gumagaan ang pakiramdam ko at unti unting napapawi ang pag luha ko.
Kaya minabuti ko nalang na ipikit ang aking mata upang damhin ang kagaanan ng loob.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel