Souven's POV
Lumipas ang buong mag damag, hindi pa rin bumabalik ang hari. Buong magdamag na din akong naka upo sa kama at buong mag damag na rin akong binabantayan ng mga kawal at ni ate gina. Ang tanging ginagawa ko lang ay ang makipag kwentuhan kay ate gina hanggang sa gumabi.
Hinihintay ko pa naman sya para sanayin ako sa pag hawak ng sandata. Pero nasan sya? Napaka daya. Siguro pumunta na iyun sa itaas at nakiusap sa bwiset na kung sino mang chin na yan.
"Pft. Bakit ang tagal tagal nyang bumalik" inis kong wika sa aking sarili.
"Siguro'y nag lilibot libot lang iyun" tugon sa akin ni ate gina.
"Bakit parang ang tagal tagal naman nyang mag libot"
"Ganun lang talaga yun..."
Tch.
Bugnot akong tumayo at lumapit sa pinto kung saan naka tayo si ate gina upang mag bantay.
"Excuse. Gusto ko ding mag libot libot"
"Hindi maari. Ipinag bilin nya na huwag kang papalabasin baka daw mapahamak ka kapag lumabas ka ng palasyo."
Huminga muna ako ng malalim at umirap sa kawalan bago tugunan si ate gina.
"Wag ka mag alala. Sa loob lang ng palasyo ako mag lilibot. I swear." Pangangako ko.
"Pero..."
"Fine!"
Bumunot ako ng isang hiblang buhok sa anit ko at ibinigay iyun kay ate gina.
"Here. Kapag hindi ako bumalik dito ng mga... Wait anong oras na ba."
Tumingin agad ako sa orasang pag kalaki laki na naka sabit sa pader.
8:49.
"Okay. Kapag hindi ako naka balik ng 10:00. Ipakulam mo ako. Sige alis na ko"
Nginitian ko muna si ate gina bago sya paalisin sa harap ko. Minadali ko ang pag bukas ng pinto, akma kasi akong pipigilan ng kawal pero agad din namang pinigilan iyun ni ate gina.
"Siguraduhin mong babalik ka. Naku kapag hindi ka bumalik talagang ipapakulam kita" pagbibiro pa nya.
Kinawayan ko lang sya bilang pag sang ayon.
"Hmmm. San kaya ako mag sisimula"
Ka'y daming pinto ang aking nadadaanan. Nakaka interesadong pasukin ang bawat kwarto. Tutal wala naman ang hari.. Pwede akong pumasok dahil walang pipigil sa akin.
Dahan dahan akong tumungo sa kulay pulang pinto na hindi kalayuan sa kwarto nya. Binuksan ko ito ng walang pag aalinlangan. Buti nalang at bumukas ito kahit wala ang utos ng hari. Palibhasa hindi uso kanila ang kandado.
Dahan dahan kong isinara ang pinto nang makapasok na ako.
"Wow.... Amazing.."
Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ng dalawa kong bilugang mata.
Parang akong na sa isang museo, iba't ibang mga bagay ang nakikita ko. Agad kong nilapitan ang espadang kulay asul na pinoprotektahan ng babasaging proteksyon. Naagaw agad ang atensyon ko nito at grabe, sobrsng ganda nito. Nagniningning. Ang sarap siguro nitong gamitin.
"Beautiful sword.."
Lahat siguro ng naririto ay pag mamay ari ng hari. Mayroon din syang koleksyon ng iba't ibang uri ng kutsliyo. Kapareha nito ang kutsilyong ibinigay nya sa akin.
Kulay itim ang hawakan at kulay asul naman ang katawan. May kakaibang desinyo rin. Kaliskis ng ahas ang naka desinyo sa akin at buntot naman ng dragon ang naka desinyo sa isa sa mga koleksyon nya. Ang alam ko mayroon din syang ginagamit na kutsilyo eh. Hindi ko nga alam kung anong desinyo iyun.
Napukaw ang atensyon ko sa isang malaking litrato na naka frame pa habang napoproteksyunan ng babasaging salamin na pang proteksyon. Lumapit ako sa kinaroroonan ng litrato at pinag masdan iyun.
Isang lalaki na naka suot ng kapa at may koronang nakapatong sa ulo. Naka king outfit ito.
Chinito din ito na talaga namang kamukhang kamukha ni thirp ang pinag kaiba lang. Si thirp bata at walang balabas habang ang nasa litrato may edad na at makapal ang balbas.
"Gwapo.. Siguro anak mo si thirp noh"
Siguro sya ang dating hari na namatay dahil nahulog sa bulkan kasama ng dating chin.
Nagawi ang tingin ko sa katabi nitong litrato. Isang babae.
Naka korona din at mulhang sya ang reyna. Sya siguro ang nanay ni thirp. Infairness, maganda sya at mala gatas ang puti.
*blagggggg*
Naalarma akong bigla ng makarinig ako ng isang ingay. Ingay na parang nag mumula sa pwesto ng espada kanina.
Dali dali akong lumapit roon at
Boom. Bigla namang nawala ang espadang asul.
"Sino ka. Mag pakita ka kung ayaw mong mabalian ng kanang braso" pananakot ko.
Pero walang tumutugon. Tahimik ang paligid at tanging pag hinga ko lang ang naririnig. Bahagya akong umikot ikot upang ang tignan ang paligid, baka sakaling may makita ako.
Mas nililinawan ko pa ang aking mga mata upang makita ang bawat sulok na kahit alam kong napaka dilim at tanging ilaw lang mula sa litrato ang nag sisilbing liwanag.
"Fuck! Mag pakita ka! Tignan natin ang lakas mo sa isang tulad ko!"
Halos mabingi ako sa ginawa kong pag sigaw.
Para akong sira ulong kumakausap sa patay na alam ko namang hindi na mabubuhay.
"Alam kong nasa paligid ka lang! Ikaw siguro ang kumuha ng espada kaya mag pakita ka! Ibalik mo ang espada!"
Unti unting lumalakas ang pag kabog ng aking dibdib ng makarinig ako ng kaluskos. Kaluskos na noong una palang ay narinig kona. Narinig na ang kaluskos na iyun ng patungo akong kulungan. Tila'y sinusundan ako.
Sya siguro ang sumusunod sa akin noong nag lalakad ako sa labas ng palasyo.
Pakiramdam ko iniikutan nya lang ako pero bakit hindi ko mahuli ang kanyang ginagawa. Inikot ko ng inikot ang aking paningin upang mahuli ang kanyang galaw.
Nawala na ang kaluskos at parang huminto na sya.
Nahinto ako at napatitig sa aninong nag mumula sa gilid ng litrato ng hari. Mukhang naroroon sya.
"Huli kana!" Nakangising sambit ko.
Lalapit na sana ako sa kinaroroonan ng litrato ng biglang umiikot ang paningin ko. Napahawak ako sa ulo ko. Nag mumukhang lasing ako sa ginagawa ko. Pagewang gewang ako at mukhang babagsak na ako.
Ipinikit ko na lang ng madiin ang aking mata at hinintay ang pagbagsak. Ilang segundo akong nag hintay pero.. Anyari? Bakit hindi ako bumagsak?
Nakaramdam ako ng paninikip sa aking baywang. Parang may hawak hawak akong matigas na bagay.
"Anong ginagawa mo rito?"
Minulat ko agad ang aking mga mata at tinignan kung sino ang nag salita. Ngunit hindi ko matanaw ang kanyang mukha dahil narin sa dilim ng paligid. Hindi pamilyar sa akin ang boses nya.
What the...
Kinapa kapa ko ang nadadama ng aking kamay.
"Omygod"
Alam kong hindi ko nakikita pero ramdam ko ang hawak hawak ko. Isa itong dibdib ng isang maskuladong tao. Omy... Ibig sabihin. Mag kadikit ang katawan namin.
Itutulak ko na sana sya upang naka alis ng biglang mag liwanag ang buong paligid dahilan para mapapikit ako.
"At anong ginagawa nyo rito?"
Another voice?
Pamilyar ang boses na iyun.
Paniguradong si thirp yun.
"Bitiwan mo ang aking alipin.."
Nakaramdam ako ng pag higit sa aking kamay.
Minulat ko naman agad ang mga mata ko at doon ko nakita ang isang lalaking nakatayo sa akin harapan habang nasa gilid ko naman si thirp.
"S-sino ka?"
Naka ngisi ito sa amin ni thirp.
"I'm king's cousin.." Pag papakilala nya.
Napatingin ako sa aking kamay na hawak hawak ng hari. Bigla kasing humigpit.
Unti unti nmang tumaas ang tingin ko hanggang sa makarsting ang malikot kong mata sa mukha nya.
Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at walang nang yari sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito.. Tic" tanong ng hari sa lalaking nasa harapan namin ngayon.
Nabaling ang pansin ko sakanya.
Tama nga ang hinala ko, maskulado nga ang lalaking ito. Hindi gaano kasingkit ang mata nya pero may pag kakahawig sila ni thirp. Kulot nga lang ang buhok.
Pareho silang gwapo ni thirp. Siguro nga'y angkan sila ng kagwapuhan.
"Actually kakarating ko and balak ko sanang puntahan ka kaso ng madaanan ko ang kwartong to nakarinig ako ng mga sigaw mula rito kaya pumasok ako upang tignan kung ano iyun and then natanaw ko ng kaunti ang babaeng yan na mukhang pabagsak kaya sinalo ko" pag kukuwento nya.
Nabaling ang oansin ng hari sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Mukhang alam ko na kung anong sasabihin nya.
Paniguradong magagalit sya sa ginawa ko at baka ako pa ang sisihin sa pag kawala nung espada.
"Paniguradong hindi nya sinasadyang pumasok rito. Halika na.."
Halos umabot ang panga ko sa sahig. Hindi ako makapaniwala. Bakit parang hindi sya nagalit o kung ano man. Hindi ba dapat nagalit sya dahil pumasok sa kwartong to. Alam kong mahalaga ang mga bagay bagay rito para sa kanya siguro kung ako ang nasa posisyon nya malamang magagalit ako sa nang himasok ng kwartong pinaka iingat ingatan ko.
Nagpadala na lang ako sa kanya ng higitin nya ako papalabas ng kwarto. Naka sunod naman ang pinsan nyang si tic. Infairness, cool kung tingna ang pinsan nya at parang walang problema.
"Patayin mo ang ilaw riyan at isara mo ang pinto" utos ng hari sa kanya pinsan.
Agad namang sinunod ng kanyang pinsan ang utos nya at tuluyan ng sumunod sa amin.
Medyo malayo layo kami kay tic kaya malaya akong mag tanong kay thirp.
"San ka galing?" I ask. Without reaction.
"Hindi mo naman kailangang malaman- - "
"Kailangan! Alipin mo ko kaya may karapatan ako!"
Gulat itong napatingin sa akin.
"D-dyan lang sa tabi tabi"
"Tss. May pasabi sabi pang hindi kailangang malaman pero sasabihin din naman!"
Hay. Mga tao talaga.
"Ikaw. At bakit ka naman nasa labas. Diba sabi ko sa kwarto ko lang. Bakit nasa collection room ka!" Pag mamasungit nya sa akin.
Aba. Ginagantihan ata ako ng lalaking to ah.
"So ano sinusungitan mo ako? Ganon?" Pag mamataray ko sa kanya.
"H-hindi kita sinusungitan. I'm just asking" tugon nya sa akin.
"Asking asking. Sarap mong ihagis sa bangin" bulong ko sabi.
"May sinasabi ka?"
"Wala!"
Kinuha ko sa kanya ang kamay ko at nag cross arm na lang ako upang hindi na nya muling mabawi ito.
"Gusto ko lang malaman kung ano ang iyong ngalan binibini"
Nabigla ako ng biglang may bumulong sa aking tabi. Nilingon ko naman agad ito at isang lalaki ang nakangiti sa akin. Si tic.
"U-um. Souven ley but you can call me sou or souven for short" pag papakilala ko.
"Hmm.. Nice name souven" pag puri nya sa akin.
"Hehehe"
Pilit na ngumiti ako sa kanya.
Medyo dumidikit ako sa hari dahil napaka lapit masyado sa akin ng pinsan nya. Hindi naman sa nanghuhusga pero mang huhusga narin, mukha kasi syang manyak. Yung bang lalaking maharot na ewan. Basta yun ang nakikita ko sa kanya.
"Dito ka na lang"
Bigla ko na lang namalayan na hindi ko na katabi ang tic na yun. Kanina nasa gitna ako ng dalawa pero ngayon nasa gilid na ako ng hari at ang hari na ang nasa gitna. Ang bilis ng pang yayari. Hindi ko tuloy na subaybayan.
"I like your drudge"
Rinig ko ang ginawa nyang pag bulong sa hari na ikinainit ng ulo ko. Grabe, gusto kong lumanding ng kamao ko papunta sa alaga nya. Bastos eh.
"No tic. She's mine" bulong din ng hari sa kanya.
She's mine naman pala eh - - what?
Anong she's mine na pinag sasabi nito.
Hala.
Ang pisngi ko. Nag iinit na naman.
Tinapik tapik ko agad ang pisngi ko upang i relax.
"Are you okay? Mainit na naman ba? Bakit namumula ulit ang pisngi mo? Teka baka naman nagiging sakit mo na yan? Siguro kailangan na nating ipagamot yan baka lumalala pa"
Hindi ko alam na naka hinto na pala kami.
Para syang doctor. Sinusuri nya ang pisngi ko habang seryoso ang mukha.
Dapat ba akong mailang dahil ang o.a nya at saka ang lapit ng mukha nya.
'Mas lalo talagang lalala to kapag lumapit ka pa'
"Eheeemm.. I think, she's okay." Pag singit naman ni tic.
"A-a-ah. Yah. I'm okay"
"Sure?" Paniniguro pa nya.
"Y-yes. Okay lang ako. Ano lang yan. Blush on lang yan masyadong napakapal eh" pag papalusot ko.
*sigh*
Nakahinga naman ako ng maluwag ng lumayo na sya at nagpatuloy na lang sa pag lalakad.
Pababa kami ng hagdan.
Binalak kong sabihin sa hari na hindi nalang ako sasama sa kanila kaso hindi daw pwede kasi daw ang alipin pakaging nasa tabi ng hari.
Tss.
Pero kanina sya lang mag isa ang nag palakad lakad sa labas. Hay.
Mukhang patungo kami sa meeting place kung tawagin. Meron silang pinag uusapan kaso hindi ko maintindihan. Mukhang seryoso nga dalawa kaya na a-out of place ako pero pinaramdam naman na hari na hindi ako na a-out of place.
Panandalian syang tumingin sa akin at kinuhang muli ang kamay ko.
Medyo naiilang naman ako sa ginagawang pag sulyap sa akin ng pinsan nya. Pinipilit ko na nga lang na huwag pansinin baka kasi makapatay ako ng wala sa oras.
Minabuti ko na lang na dumikit sa hari upang hindi nya na ako makita pa.
"Believe me couz. Ang bagay na to ay malo-locate ang susi. Dahil inbensyon ito ni lolo. At ma-a-amaze ka tlaga. I swear" pag mamayabang ng pinsan nya.
Ano bang bagay na yun ang sinasabi nya?
Teka. Bakit naman gabi na bumisita tong pinsan nya at may pag gulat pa sa akin kanina.
Wait. Sya kaya yung kumuha ng espada at nag paikot ikot sa paligid ko. Hindi eh. Kasi sumigaw lang ako nung umikot ikot na sa paligid ko yung lalaki. At saka doon lang umeksena ang pinsan ni thirp, ng marinig ang sigaw ko. What if nag sisinungaling lang sya?
Imposible naman na meron pang ibang tao sa kwartong yun. Siguro nga sya yun at nag sinungaling lang.
"Make it sure tic" wika ng hari.
Nang makarating naman kami sa kwartong pinag pupulungan doon ko nakita ang isang bagay na pa box.
"Tenenen. Diba? Try mo. And i'm really sure na mag gugustuhan mo yan" masiglang paniniguro ng pinsan ng hari.
"Ikaw na dahil hindi ko naman alam kung paano paganahin yan" pag susungit ng hari sa kanya.
"Ow. God. Pipindutin lang ang kulay berdeng button. Sige na nga ako na ang gagawa"
Mukhang makikita na ng hari ang susing hinahanap nya. Don't worry andito lang ako para sumupport.
YOU ARE READING
King's Key is Me
PertualanganAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel