Thirp's POV
Tumakbo ako na parang isang kidlat sa bilis at agad niyakap ang aking alipin upang pigilan ang pag bagsak ni queeny.
Ikinulong ko agad sya sa aking bisig.
Hindi maiwasan ng aking luha na pumatak. Natatakot ako sa maaring gawin ni souven.
Hindi pinapayagan ng aming angkan ang pag patay ng isang normal na tao sa mas mataas sakanya gaya ng mga pinuno.
Natatakot akong makapatay sya dahil isusumpa nya ang kaparusahan kapag napatay nya ang isa sa mga pinuno ng isang grupo. Tanging kaparusahan nun ay habang buhay syang makukulong rito at hindi na muling makakabalik sa kanyang tahanan, yun ang aking dahilan kung bakit ko sya pinipigilan. Hindi ko gugustuhing mangyari ang bagay na yun lalo na't wala syang alam sakanyang ginagawa.
I'm just trying to save her future.
"Leave me alone!!" Wala sa sarili nyang bulyaw.
Para akong isang mahinang lalaki na patalsik ng isang malakas na babae sa sahig at nag padauos. Napadaing ako ng masaludsod ang aking kamay.
Hindi ko akalain na kayang gawin ng aking alipin yun. Isang kahibangan ang ginawang pangengealam ni mom. Isang kahibangan na gawaran nya ng kapangyarihan ang alipin ko. Mahirap kontrolin yun lalo na't galit ang gumagana sa utak ni souven.
Sinubukan kong tumayo kahit medyo napuruhan ang baywang ko sa ginawa ni souven. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang buo parin ang katawan ni queeny.
Susubukan ko na sanang lapitan ulit si souven kaso biglang sumakit ang kaliwang braso ko dahilan para mahinto ako.
"D-daking... H-help m-me p-please..."
Tinanaw ko ang babaeng hinang hinang humihingi ng tulong ko. Hinihiwa nya ang sarili nyang katawan gamit ang isang kutsilyo na hindi ko alam kung saan nya na kuha.
Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko. Ibinabalik ni souven ang pag papahirap na ginawa ni queeny sakanya. Alam kong hindi kayang lumaban ni queeny dahil mahika nya ang komokontrol sakanya, ginagamit ni souven ang mahika ni queeny. Kumbaga sariling mahika ni queeny ang komokontrol sakanya o pumapatay sakanya.
"This is shit!" I whispered.
Pinilit kong maglakad kahit unti unti ng nanginginig ang mga kamay at paa ko. Nahihirapan akong maglakad at humahapdi na ang braso ko na nadaplisan ng isa sa mga espada ng nakalaban kong patay kanina. Ngayon ko lang na pagtanto na may lason pala ang mga yun. Masyado silang matalino para maisip ang bagay na yun.
"Souven... Please.. Stop!"
Her lips.
Nakangisi lang ito at ang buong atensyon ay na kay queeny na hirap na hirap na.
"My drudge. Please, look at me.. I'm your king and i'm always right so please listen to your king. H-honey... P-please..." Halos pabulong ko sabi.
"Daking! Kailangan kita! Daking please!"
Hindi ko na nagawang lingunin si queeny ng unti unti kong naagaw ang atensyon ni souven.
Unti unting sumilay sa aking labi ang tipid na ngiti na sinabayan ng panlalabo ng aking mata.
"T-thirp?"
Tanging yun lang ang narinig ko ng dahan dahang bumagsak ang katawan ko sa lupa.
Hindi ko na nakayanan ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Sobrang lakas na at hindi ko na kaya, nangingisay na ako.
"That demon! Your trying to kill him ha? Ugh!" Ngumisi ang aking alipin "That's the only reason why i want you to die!"
Kahit malabo ang paningin ko, kitang kita ko parin ang galit sa mukha ni souven habang nadidinig ko ang bawat daing ni queeny sa aking tainga. Parang isang demonyong tuwang tuwa sakanyang ginagawa si souven. Hindi ko gustong nagkakaganyan sya just because of me.
Gustong gusto ko syang pakalmahin, gusto ko syang i comfort, gusto ko syang kulitin, gusto ko syang asarin at pakiligin sa mga oras na ito para lang mapatigil ang kanyang ginagawa.
Tuluyan ng binalot ang katawan ko ng panginginig.
Tanging lagutukan lang ang napapakinggan ng aking tainga. Wala na rin akong makita dahil nilamon na ako ng kadiliman. Dinig ko ang pag tibok ng braso ko na tiyak na namamaga.
Naalala kong bigla ang una kong pag liligtas sa aking alipin.
Nangyari rin sakanya ito.
Ngumiti ang labi ko kahit na naginginig ito. Tanging mukha lang ni soiven ang nakikita ko dilim.
Pakiramdam ko nakahiga ako sakanyang hita habang sinuklay suklay nya ang aking buhok gamit ang kanyang kamay. Gusto kong maranasan ang pangangarap na yun ngayon mismo. Kailangan ko ng alipin sa aking tabi. Kailangan ko ng sya. Kailangan ko si souven. I want her hug. I want her hands and i want her lips.
Gusto ko ng souven ley wert sa aking tabi.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Para akong pinipilipit na sinasabayan ng pamamaga ng aking braso.
Nilamon na ako ng sakit.
Maya maya lang ay nakaramdam ako ng init at lamig sa aking braso. Gusto ko mang imulat ang aking mata para makita kung ano ang nasa aking braso ngunit wala akong lakas para gawin ang simpleng bagay na iyun.
"Sorry mahal na hari.. Medyo na late ako." Dinig kong sabi ng kung sino na tila'y hinihingal pa.
Boses babae sya pero hindi ko maunawaan kung sino sya.
Lumipas ang ilang minuto na ganoon lang ang aking nararamdaman. Ilang saglit din ang lumipas ng makaramdam na ako ng unti unting pag kalma ng aking katawan. Tuluyan na ring nawala ang paninikip ng aking dibdib at nawala na rin ang pananakit ng aking braso.
"Souven!!!!"
Biglaan kong naimulat ang aking mga mata ng makarinig ako ng malakas na sigaw.
"Diyos ko po. Makakapatay ang kaibigan ko."
Agad akong napabangon na may halong panlalaki ng mata.
Napanganga ako ng makita ko si queeny na nakalutang sa ere habang may nakatayong espada sa babagsakan nya.
Hindi ko maiwasang manlumo, ang souven na kilala ko ay parang isang demonyo na kung kumilos ngayon. Binabaligtad nya ang mundo, ngayon si queeny naman ang pinahihirapan at si souven naman ang nakangisi habang tuwang tuwang pinapanood si queeny na daing ng daing at iyak ng iyak. Puno na rin ng sugat ang katawan ni queeny, yung parang nangyari dati kay souven.
"Hindi ako kirida! Hindi ako malandi! Hindi ako ganon!!" Nakakabinging sigaw ng aking alipin na agad nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Hindi ako nag aksaya pa ng oras. Tumayo ako agad kahit na medyo hindi pa nakaka recover ang binti ko sa panginginig.
Mabilis akong tumakbo patungo kay souven na parang isang mabagal na takbo kung makikita ng iba.
Mas lalong napabilis ang takbo ko ng iwagayway nya ang kanyang kamay at biglaang ibinababa ito.
I immediately grab her waist and pull her close.
"Tama na..." Sambit ko.
Dahan dahan kong inangkin ang kanyang manipis na labi kasabay ng pag patak ng luha sa aking munting mata.
I slowly close my eyes.
Dinama ko ang katahimikan sa paligid. Iniisip kong nasa isang disyerto kami at kami lang dalawa ang nasa kalagitnaan non.
Natuwa ako ng maramdaman ko ang pagganti nya sa halik na ginawa ko.
"Awwww... How sweet naman."
"Hay sige na gawin mo na sakin."
"Tumigil ka nga dyan tic! Parang kang baliw!"
Ilang minutong ganoon ang aming labi habang ang aming puso ay napupuno ng pag mamahal at tuwa. Mas lalo lang akong naiinlove sakanya kapag ganito kami lagi.
Unti unti kong pinag hiwalay ang aming labi ng makaramdam na ako ng pangungulila sa hangin.
Napangiti ako at natawa ng mahina.
"You look so innocent." Wika ko.
Nawala na rin ang mapula nyang mata.
"Pilyo ka." Sumbat na medyo natatawa pa.
Nakaramdam sya ng hiya sa mga oras na ito.
"I love you." Nakangiti kong sabi.
"H-help!!"
Hindi na nakatugon ang aking alipin sa akin. Tumingin ako sakanyang likuran at ganun din sya.
"W-what happened?" Nakakunot ang noong tanong ng aking alipin ng makita nya ang dugo at sugat sa katawan ni queeny.
Napanatag na ako ng kaunti. Buhay na buhay parin si queeny habang nakasandal sa pader. Nasa harap nya ang espada na kanina ay nakatayo na ngayon ay nakahiga na.
"Cheater! Ang lakas ng loob mong mag tanong kung anong nangyari! Ikaw ang may gawa nito sa akin kung bakit ako nag kakaganito! Painosente ka pang kirida ka!"
Namintig ang tainga ko ng marinig ko ang salitang yun mula kay queeny.
Susubukan ko sana syang lapitan kaso pinigilan ako ng aking alipin.
"That's enough." Sambit nya.
Kinalma ko ang sarili ko.
"Sapat na yan para matauhan ka. Hindi ko man alam kung bakit nagawa ko sayo yan hindi ko parin babalaking humingi ng tawad. Isipin mo na lang na hindi kita pinatay dahil alam kong may nagmamahal pa sayo at yun ay ang anak mo kaya sana mag bago kana. Wag ka ng habol ng habol na parang isang aso kasi alam mo, maganda ka kaya hindi bagay sayo na maging isang hayop. Kaya sana itigil mo na."
"Wala kang karapatang diktahan ako! Isa ka lang alipin!"
"Alipin nga ako pero hindi naman ako tulad mo at hinding hindi ko hihilinging maging kagaya mo kahit na reyna o maganda kapa."
"Alipin ka lang!"
Pinahinto ko na sa pag sasalita si souven. Masyado na kasing nasasaktan si queeny sa bawat linyang pinapakawalan ni souven.
Natigilan akong bigla. Nararamdaman ko ang presensya nya. Naririto na sya.
"Daking!!! Umiwas kayo!!!!" Sigaw ni tic na halos nabigla rin.
Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong hinigit ang aking alipin para maiwasan ang bumubulusok na malaking bato patungo sa aming direksyon.
"O my gosh! W-wag!"
Napahawak ang aking alipin sakanyang bibig.
Shit.
"Queen w-wag- - "
Hindi ko na nagawang pigilan pa si queen na sinalo ang malaking bato na dapat ay tatama sa kanyang ina. Ngunit hindi sapat ang ginawa nyang pag harang para mailigtas ang kanyang ina.
Umangat sya ng kaunti sa ere hanggang sa tumama ang kanyang katawan sa malaking pader na sinasandalan ni queeny.
Hindi ko nagawang makagalaw. Dahan dahang dumauos ang kanyang likod pa ibaba.
Tiyak na napuruhan sya ng saluhin nya ang malaking bato na yun at tumama pa sakanyang tiyan.
"Q-queen... A-a-anak..." Dinig ko ang pag susumamo ni queeny.
Gulat na gulat sya sa biglaang pang yayari.
Inis kong tinanaw si chin na hindi rin halos nakagalaw. Miski sya ay nagulat sakanyang ginawa.
"Anak ko... Q-queen wake up. Gumising ka, hey queen! Ano ba! Sabing gumising ka!"
Bahagyang natahimik ang lahat at tanging hagulgol ni queeny ang syang nag sisilbing ingay.
"M-mom. I-i love you so muc- - "
Para akong nalagutan ng hininga ng biglang nawalan ng malay si queen.
Walang ligtas ang kanyang anak pag dating sa kapangyarihan ni chin. Kahit na tulungan ko pa sya at dalhin sa pagamutan, hinding hindi na nila kayang salbahin ang buhay ng kanyang anak.
-------
Souven's POV
Para akong pamintang durog na at muli pang dinurog. Mas ako pa ang naapektuhan sa nakikita ko.
May pumukaw ng aking pansin na syang nagpalaki lalo ng aking mata. Tinapik tapik ko ng marahan ang balikat ni thirp habang nakatingin roon.
"Omyghad. T-thirp, y-yung pader!"
Umabot ang panga ko sa sahig ng unti unting bumabagsak ito. Ang pader, babagsak ito kay queen at queeny.
"Queen!!!!!! Mag babayad kayo sa ginawa nyo sa anak ko!!!!"
Nakaramdam sya ng kung ano dahilan para mapatingin sya sa itaas.
"Queey alis- - " pero huli na.
Napaupo nalang ako sa sahig ng masaksihan ko ang malapad na pader na bumagsak sa kinaroroonan nya. Nanlumo akong bigla.
Ipinikit ko ng mariin ang aking mata. Tanging tunog ng mga batong nag babagsakan ang aking naririnig. Tanging amoy ng mga sementong naging usok ang aking naaamoy at tanging luha lang ang aking nagawa ng makita ko ang pag bagsak ng pader.
"H-hindi ito totoo! H-hindi!"
Nanginginig ang aking kamay habang dahan dahang tinatakpan ang aking tainga.
"Hindi. M-mahal ko hindi pwede. Anak ko. H-hindi kayo patay. Hindi maari to."
Iminulat ko ang aking mga mata.
Kitang kita ko ang gulat na emosyon ni chin habang lumalapit sa mga batong tapos ng magsi-bagsak at medyo umuusok pa.
Walang kahirap hirap nyang tinanggal ang mga bato. Hinahanap nya ang kanyang mag ina na natabunan nito.
"It's okay. Tahan na. Wag ka ng umiyak."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang pag iyak ko.
Ramdam ko ang mainit na kamay ni thirp sa aking likuran habang hinahagod ito.
"T-thirp. Hug me please."
Sunod sunod na luha ang pinakawalan ko.
"Shhhh... Tahan na.."
Agad akong humagulgol sakanyang balikat ng yakapin nya ako.
Ako ang mas nasasaktan sa mga oras na to. Hindi ko kayang makita ang nangyari sa mag ina. Ayoko mang sisihin ang sarili pero pakiramdam ko ako ang may kasalanan. Hindi ko naman ginusto ito.
Napaka sakit. Sobrang sakit.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel